Module 9: Civic Engagement
A meaningful life is not being rich and popular. It is being sincere,
humble, and able to share ourselves for others.
SESSION 1: Introduction to Civic Engagement
Activity 5: Interview with a Community Group
Let’s Apply: Interview with Someone Who Works with the Community
Now you will repeat the
process with someone else. Interview someone who works with the community (NGO
worker, parish priest, small business owner, etc.) to whom you have access. (Ngayon,
uulitin mo ang proseso ng panayam sa ibang tao. Kapanayamin ang isang taong
nagtatrabaho sa komudidad (isang trahador sa NGO, pari ng parokya, maliit na
negosyante, etc.) kung kanino ka may access.)
This interview may be held over the phone, through email, or even through text messaging. Explain that this is part of a school project. (Ang panayam na ito ay maaaring ganapin sa telepono, sa pamamagitan ng email, o kahit sa pamamagitan ng pagmemensahe ng teksto. Ipaliwanag na ito ay bahagi ng isang proyekto sa paaralan.)
The
interview questions are in the form below. Mark down their responses in the
form. Be sure to thank the interviewee for his/her help. ((Ang mga katanungan sa pakikipanayam ay nasa form sa ibaba. Markahan ang
kanilang mga tugon sa form. Tiyaking pasalamatan ang kinakapanayam sa kanyang
tulong.)
Name of Interviewee: Isaac Ramirez
Position: Kaagapay Chairman (NGO)
Questions
(Mga Tanong) |
Response
(Kasagutan) |
What is the situation in
the barangay (or
city/municipality)? Kamusta po ang sitwasyon dito sa ating barangay (o bayan or munisipalidad)? |
Tahimik at maayos naman ang
kalagayan ng aming barangay, maliban nga lamang sa banta ng Covid-19 sa buhay
at kabuhayan ng mga tao. |
What are the priority needs
in our barangay (or city/municipality)?
Ano po ang mga pangunahing pangangailangan dito sa ating barangay (o bayan or munisipalidad)? |
Ang mga prayoridad na
pangangailangang ng barangay: 1. Dagdag na trabaho sa mga
kabarangay. 2. Tulong sa mga mahihirap
at nawalan ng trabaho 3. Tuluyang mawala ang
problema sa droga. 4. Magkaroon ng
pampublikong pagamutan. 5. Magkaroon ng branch ang
TESDA sa munisipalidad. 6. Dagdag na kolehiyo. |
What are the barangay government programs for
out- of-school youth?
Ano po ang mga programa para sa out-of-school youth? |
1. Makapag-aral ang mga
tumigil sa pag-aaral sa pamamagitan ng ALS. 2. Mabigyan ng kasanayan sa
TESDA at sa bahay-kalakal. 3. Tulungan maipasok sa
trabaho ang mga nakatapos sa TESDA. 4. Paglahok sa mga
programang pampalakasan at kultural. |
How can out-of-school youth and other young people help
in the barangay (or the city/municipality)?
Paano po makakatulong ang mga out-of-school youth at ibang kabataan dito sa ating barangay (o bayan or munisipalidad)? |
Makatutulong ang mga
kabataang hindi nag-aaral at iba pang kabataan sa barangay sa pamamagitan ng: 1. Pagsunod sa mga
alintutunin at ordinansa ng barangay. 2. Pag-iwas sa masamang
epekto ng droga. 3. Paglahok sa mga programa
ng gobyerno, pampalakasan man o kultural 4. Bomoto sa araw ng
halalan 5. Pangalagaan ang
kalikasan at kapaligiran. 6. Ipagpatuloy ng mga hindi
nakatapos ng pag-aaral ang kanilang edukasyon. |
Let’s Apply: Summary of Responses of Government Offices and Community Organizations
In the table below, summarize the responses from
the local government official and community leader. (Sa talahanayan sa ibaba, Ibuod ang mga kasagutan ng lokal na opisyal at
lider ng pamayanan.)
Questions |
Response
from Local Government |
Response
from Community Leader |
What is the situation in
the barangay
(or city / municipality)?
Kamusta po ang sitwasyon dito sa ating barangay (o
bayan or munisipalidad)? |
Tahimik |
Tahimik at maayos |
What are the priority needs
in our barangay (or city/municipality)?
Ano po ang mga pangunahing pangangailangan dito sa ating barangay (o bayan or munisipalidad)? |
1. Pangmatagalang trabaho 2. Ayuda sa mga higit na
nangangailangan. 3. problema sa droga. |
1. Dagdag na trabaho 2. Tulong sa mga mahihirap
at nawalan ng trabaho 3. problema sa droga. 4. pampublikong pagamutan. 5. branch ang TESDA sa
munisipalidad. 6. Dagdag na kolehiyo. |
What are the barangay government programs for
out-of-school youth?
Ano po ang mga programa para sa out-of-school youth? |
1. ALS Program 2. TESDA Skills Training 3. Trabaho 4. Mga programang pampalakasan. |
1. ALS program 2. TESDA Skills Training 3. Trabaho 4. Mga programang pampalakasan at
kultural. |
How can out-of-school youth and other young people help
in the barangay (or the city/municipality)?
Paano po makakatulong ang mga out-of-school youth at ibang kabataan dito sa ating barangay (o bayan or munisipalidad)? |
1. Pagsunod sa mga
alintutunin at ordinansa ng barangay. 2. Paglayo sa masamang
epekto ng droga. 3. Paglahok sa mga
programang pangkalinisan, pampalakasan, at pangkalusugan. 4. Pagpapahayag ng kanilang mga
saloobin at pananaw na may kinalaman sa pangkabuhayan, pag-aaral, politikal,
at panglipunang suliranin. |
1. Pagsunod sa mga
alintutunin at ordinansa ng barangay. 2. Pag-iwas sa masamang
epekto ng droga. 3. Paglahok sa mga programa
ng gobyerno, pampalakasan man o kultural 4. Bomoto sa araw ng
halalan 5. Pangalagaan ang
kalikasan at kapaligiran. 6. Ipagpatuloy ng mga
hindi nakatapos ng pag-aaral ang kanilang edukasyon. |
Compare the answers in the two
interviews. In what ways were they the same? In what ways were they different? (Ihambing
ang mga sagot sa dalawang panayam. Sa anong mga paraan sila pareho? Sa anong
mga paraan sila naiiba?)
Halos magkapareho ang mga sagot ng lokal na opisyal at lider ng komunidad hingil sa kalagayan at pangunahing pangangailangan ng barangay, gayundin sa mga programa para sa mga out-of-school youths (OSY) at kung paano sila makatutulong sa barangay kasama ang iba pang kabataan. Nagkaisa ang dalawang personahe na trabaho, tulong sa mga naghihirap, at pagsugpo ng droga ang ilan sa pangunahing pangangailangan ng barangay. Gayunman, mas may dagdag na pangunahing pangangailangan inihatag ang lider ng komunidad. Nais niyang magkaroon ng pampublikong pagamutan, sangay ng TESDA at dagdag na kolehiyo ang munisipalidad. Nagkaisa rin ang pananaw ang dalawang pinuno na kaya at may magagawang tulong ang mga OSY at iba pang kabataan sa barangay. Isa na rito ang pagsunod sa mga alintuntunin at ordinansa ng barangay, gayundin sa paglahok sa mga programa ng gobyerno, at pagboto sa halalan. Idinagdag naman ng lider ng komunidad na kailangang pangalagaan ng mga kabataan ang kalikasan at kapaligiran.
What was your most important learning from this interview? (Ano ang iyong pinakamahalagang natutunan mula sa panayam na ito?)
Sa panayam na ito, natutunan kong parehong may kamalayan ang lokal na opisyal at lider ng komunidad sa kalagayan at pangangailangan ng barangay. Kahit may magkaparehong naihatag na pangunahing pangangailangan, mayroon din silang pagkakaiba ng pananaw. Nagkakaisa ang dalawang lider na may papel na kinagampanan ang mga nag-aaral at hindi nag-aaral na kabataan sa barangay at makatutulong sila upang maging payapa, ligtas, at progresibo ang kanilang pamayanan.
Knowing what you know now, how can you help your own community? (Sa nalalaman mo sa ngayon, paano mo matutulungan ang iyong sariling pamayanan?
Sa aking mga natutunan sa ngayon, bilang isang kabataan, may papel akong ginagampanan sa aking pamayanan. Mura man ang isip, makatutulong ako sa aking barangay at munisipalidad sa simpleng pagsunod sa mga alintuntunin at ordinansang umiiral sa pamayanan. Ang pakikilahok sa mga programa ng gobyerno na may kinalaman sa pagsasanay, pag-aaral, pampalakasan, pangkalikasan, pangkapaligiran, at pagboto sa araw ng eleksyon ay ilan lamang sa aking magagawa upang makatulong na maging payapa, ligtas, at progresibo ang aking barangay.