Tuesday, March 29, 2022

ALS A&E Test Reviewer: Learning Strand 1 - Communication Skills - FILIPINO - Salawikain o Kasabihan

 Nasa ibaba ang isang balik-aral na pagsusulit ukol sa Salawikain o Kasabihan bilang bahagi ng ALS A&E Test: Learning Strand 1 - Communication Skills - FILIPINO:

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Dyesisais lamang si Marina ay nag-asawa na. Pagkalipas ng dalawang taon ay nagbalik siya sa mga magulang kasama ang 2 anak dahil mas hirap siya sa buhay may-asawa. Anong salawikain ang angkop dito?

A. Daig ng maagap ang masipag.
B. Ang pag-aasawa ay di tulad ng kaning isusubo na iluluwa kapag napaso.
C. Kung di ukol, di bubukol.
D. Magkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.


2. Paano maipakikita ang salawikaing: “Kapag may tiyaga, may nilaga”?

A. Pumasok nang maaga upang maraming matapos na trabaho.
B. Pakuluang mabuti ang nilulutong karne ng baka upang lumambot.
C. Kahit hikahos sa buhay, mag-aral upang guminhawa ang buhay.
D. Mahuhulog din ang mangga kaya huwag nang sungkitin pa.


3. Mayaman si Don Facundo. Gayunman, hindi niya nakalilimutang mag-abot ng tulong sa mga nangangailangan. Nalugi ang kanyang negosyo subali’t pagkalipas ng ilang taon ay muli itong lumago sa tulong ng mga taong tinulungan niya noon. Ito ay nagpapakita na:

A. Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin.
B. Kung binato ka ng bato ay batuhin mo ng tinapay.
C. Ang mangga ay hindi maaaring mamunga ng santol.
D. Ang katapatan ay mainam na panuntunan.


4. Paano maipapahayag ang kasabihang: “Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw ka at minsan naman ay nasa ilalim”? 

A. Si Marlon ay sumakay ng ferris wheel.
B. Dahil sa pagsisikap ay patuloy pa rin ang pag-unlad ng negosyo ni Johan.
C. Mula sa pagiging second honors, naging valedictorian si Abigael nang magtapos sa high school.
D. Naghirap sa buhay ang matapobreng si Donya Consolacion.


5. Madilim-dilim pa ay nagtungo na sa gubat si Nonilon upang manguha ng mga kabuti. Ilang sandali pa ay puno na ang kanyang lalagyan. Anong kasabihan ang nababagay rito?

A. Mas luntian ang mga damo sa kabilang bakod.
B. Daig ng maagap ang masipag.
C. Kapag may itinanim, may aanihin.
D. Kung kaya nila, kaya mo rin.


6. “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.” Ito ay nababagay sa:

A. Isang taong walang utang na loob.
B. Isang taong bukas ang loob.
C. Isang taong walang balik-lingon kapag umaalis ng bahay.
D. Isang taong walang direksyon ang buhay.


7. “Ang sakit sa kalingkingan ay ramdam ng buong katawan.” Ito ay katumbas ng:

A. Tuwang-tuwa si Marlene dahil nanalo sa lotto ang kanyang kapatid.
B. Hindi lang ulo ang masakit kay Roman kundi maging ang kanyang ngipin.
C. Malakas ang pangangatawan ni Jeffrey dahil masustansya ang kanyang kinakain.
D. Nalungkot si Adela nang mabalitaang maysakit ang kanyang pinsang-buo.


8. Hindi sapat ang sahod ni Maylene kaya sa halip na sa mall siya mamili ng mga damit ay sa ukay-ukay siya nagpupunta. Anong salawikain ang angkop dito?

A. Bago ka pumuna ng uling na iba, uling mo sa mukha pahirin muna.
B. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
C. Hangga’t makitid ang kumot, matutong mamaluktot.
D. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


9. Palasimba si Meyor Ambo. Ubod ng bait ang paglalarawan sa kanya ng lahat. Isang araw, pinagmumura niya at sinuntok ang isang lalaking hindi sinasadyang bumunggo sa kanya. Anong kasabihan ang angkop dito?

A. Laging nasa huli ang pagsisisi.
B. Ang tunay mong pagkatao, nakikilala sa gawa mo.
C. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.
D. Ang buhay ay parang gulong: minsan nasa ilalim, minsan nasa ibabaw.


10. Paano maipapakita ang kasabihang: ”Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo” ?

A. Namatay ang kabayo dahil walang makain na damo.
B. Tuwang-tuwa ang mga katutubo nang dumating ang tulong mula sa pamahalaan.
C. Nakakuha ng tulong sa PSCO si Freddie para maipagamot ang anak.
D. Tupok na ang gusali bago pa dumating ang mga bumbero. 
--o0o--

MGA  SAGOT: