Friday, October 11, 2024

2025 ALS A&E Test

        Magkakaroon ng Accreditation and Equivalency (A&E) Test ang mga mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) na nakasama sa Learner Information Sytem (LIS) ng Department of Education (DepED) bago o hanggang ika-31 ng Oktubre, 2024. Ito ang pinag-uusapan ng ilang ALS groups.

(Image from https://www.rathinamcollege.edu.in/10-successful-points-for-examination/)

        Batay sa aking nakalap na infromation, ang gagawing pagsusulit sa A&E ay sa January 26, 2025 para sa Luzon cluster at sa February 2, 2025 naman para sa Visayas at Mindanao cluster. Ang pagtatala sa A&E Test ay magsisimula sa October 21, 2024 hanggang December 2, 2024.

        Ang mga sumusunod lamang ang maaaring magpatala upang kumuha ng A&E Test:

1. Mga ALS learners na naka-enrol sa Learner Information System (LIS) para sa School Year (SY) 2024-2025 sa o bago ang October 31, 2024;

1. Mga ALS Program Completers na hindi nakarehistro sa LIS ngayong taon na hindi nagsumite o hindi nakapasa sa kinakailangang puntos sa Presentation Portfolio Assessment (PPA) SUBALI'T sumailalim ng karagdagang learning intervention sa K to 12 Basic Education Curriculum (BEC) na pinatunayan ng ALS teacher/Community ALS Implementor/Learning Facilitator; at

3. Mga ALS Program Completers  na hindi rehistrado sa LIS ngayong taon na hindi pumasa sa mga nakaraang A&E Test SUBALI'T sumailalim ng karagdagang learning intervention sa K to 12 Basic Education Curriculum (BEC) na pinatunayan ng ALS teacher/Community ALS Implementor/Learning Facilitator.

        Ang mga kailangan upang magparehistro sa ALS A&E Test ay ang mga sumusunod:

1. Orihinal at photocopy ng Birth Certificate na inisyu ng Philippine Statistis Authority (PSA)

2. Kung available ang Birth Certificate, maaaring magsumite ng kahit ano sa mga sumusunod na dokumento:
    
    a. Bastismal Certificate
    b. Voter's ID ( with picture, signature, and date of birth)
    c. Valid Passport
    d. Valid Driver's License, at
    e. Kahit anong ligal na dokumento na may pangalan, larawan, lagda, petsa ng kapanganakan ng aplikante (Halimbawa - NBI Cleaarance, Police Clearance)

3. 2 piraso ng magkaparehong 1 x 1  photo ID (white background with name tag)

4. Certification of Portfolio na sertipikado ng ALS teacher/Community ALS Implementor/Learning Facilitator. and inendorso ng Education Program Specialist II for ALS.

        Bukod sa itaas, ang isang aplikante ay dapat na 12 years old para sa A&E Elementary Level  at 16 years pataas para sa A&E Junior High School sa o bago ang araw ng pagsusulit.

        Mga Nilalaman ng Portfolio:

1. Personal Information Sheet (PIS)

2. Functional Literacy Test (FLT)

3. Assessment Forms 1 - 2

4. Recognition of Prior Learning (RPL) Form 1 - 4

5. At least four (4) work samples per Learning Strand (each highlighting the specific competency  demonstrated)

        Alinsunod sa DepEd Memorandum No. 121, series 2017,  ang Presentation Portfolio Assessment (PPA) ay HINDI bahagi ng final rating. Kaya naman, ang pagsusulit ay multiple-choice lamang. Ang passing grade ay 60%  gaya ng isinasaad ng DepEd Memorandum No. 76, series 2018.

        Ang pormal na Memorandum para sa 2025 A&E Test ay kasalukuyang inihahanda ng Department of Education at ipalalabas sa lalong madaling panahon.

        Ngayon palang, pinaaalalahanan na ang mga ALS Learners na tapusin ang kanilang mga Presentation Portfolio, mag-aral, at magrepaso nang maaga.

        Sa mga nagnanais, mag-review para sa ALS, maaaring magbasa sa mga nilalaman ng aking blog na ito o kaya ay mag-subscribe sa aking Youtune channel na SOLIDKaALS para sa mga A&E Reviewers.