Monday, October 10, 2011

Sample Test - LEARNING STRAND FIVE: EXPANDING ONE’S WORLD VISION - Part 2

Piliin ang titik ng tamang sagot:

1.      Ang mga bata ay kumakain ng masusustansiayang pagkain araw-araw upang lalong maging malusog. Sino ang nangangalaga sa kanilang kalusugan?
a.       Bumbero                                  c. Manggagamot
b.      Guro                                        d. negosyante

2.      Ang mga kasaping bumubuo sa isang pamilya ay iginagalang. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa pinakamatandang kapatid na babae?
a. Ate                                             c. Bunso
b. Kuya                                          d. Ninong

3.      Ang mga papel, lata at karton ay maaaring magamit sa ibang bagay. Paano ito magagawa?
a.       sunugin                         c. I-recycle
b.      ikalat                            d. Ibaon

4.      Alin ang pangunahing dahilan kung bakit pinag-aaralan ang heograpiya at kapaligiran?
a.       Malaman ang pakinabang at makatulong sa pag-unlad ng bansa
b.      Matutuhan ang paglalakbay ng tao
c.       Makamit ang tiwala ng nasasakupan sa paglalakbay
d.      Makapagturo ng proyektong pangkabuhayan

5.      Ang Pilipinas ay bata ang populasyon. Ano ang ibig sabihin nito?
a.       Ang kapal ng populasyon ay mataas
b.      Patuloy ang pagtaas ng populasyon
c.       Ang bilang ng lalaki at babae ay pantay
d.      Ang nakatatanda ay nagtatrabaho para matustusan ang kabataan

6.      Ano ang dahilan at iniangkop ng mga unang Pilipino ang kanilang bahay sa kapaligiran?
a.       Pagandahin ang bahay
b.      Para mamuhay ng tahimik
c.       Para magkasama-sama palagi
d.      Pangalagaan ang sariling katawan laban sa lamig

7.      Ang sistemang solar ay sinasabing nagsisimula sa isa sa mga sumusunod?
a.       Pagsabog sa masa
b.      Pagsalpok ng mga tubig
c.       Pagsanib ng malaking bituin
d.      Patuloy na pag-ikot ng alikabok at gas

8.  Kailangan ang salaping panustos ng pamahalaan para sa pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayan nito. Saan ito nanggagaling?
a.       sa mga samahang sibiko
b.      sa buwis ng mga mamamayan
c.       sa mga abuloy ng pondo ng bayan
d.      sa mga mamamayan ng ibang bansa

9.      Ang mag-anak na Pilipino ay may mga altar o sulok-dalanginan sa kanilang pook sambahan. Ano ang inilalarawan nito?
a.          Masipag magdasal ang mga Pilipino
b.         Naniniwala ang mga Pilipino sa Panginoon
c.          May kani-kanilang Panginoong Diyos ang mga Pilipino
d.         May mga gawaing panrelihiyon ang mga Pilipino

10.  Bakit makasaysayan sa mga Pilipino ang Pebrero 23-25, 1986.
a.          Inilagay ang bansa sa state of calamity
b.         Pinairal ang Batas-Militar sa buong bansa
c.         Nagdeklara ng welgang bayan ang mga manggagawa
d.         Naganap ang People’s Power sa Edsa

11.  Ang pamahalaan ay nagpapautang sa taong bayan ng puhunan sa maliit na interes upang magsimula ng isang negosyo. Bakit ginagawa ito ng pamahalaan?
a.          upang tumatag ang pamumuhay
b.         upang makapamuhay ng tahimik at ligtas ang taong bayan
c.          upang makapag-aral ang mga mamamayan
d.         upang mapabuti ang kalagayang pangkabuhayan ng mga mamamayan

12.  May mga lugar sa bansa na malamig sa buong taon. Alin ang nagpapakita ng pakikibagay ng tao sa kapaligiran?
a.          paglalagay ng mga apuyan sa isang bahagi ng bahay
b.         paggamit ng bubong na pawid
c.          pagpapatayo ng mababang bahay
d.         pagsusuri ng kapaligiran

13.  Taun-taon, maraming patimpalak ang idinaraos, tulad ng pagguhit o pagpipinta, pagtuklas at pagsusulat. Kinikilala rin ang mahusay sa pag-awit, pagsayaw o pagtugtog. Ano ang ibig sabihin nito?
a.          may kanya-kanyang talino o kakayahan ang mga bata
b.         mahilig maglibang ang bawat bata
c.          may katutubong sipag ang mga bata
d.         marunong umawit ang bawat bata

14.  Ano ang pangunahing dahilan kung bakit hinati-hati ang Pilipinas sa mga rehiyon?
a.          upang maging madali ang pagdurugtong ng iba’t-ibang pulo ng bansa
b.         upang maging maginhawa an g paglalakbay sa iba’t-ibang pulo ng bansa
c.          upang maging mabilis ang pagpapalitan ng kalakal sa ibat-ibang panig ng bansa
d.         upang maging mabilis ang pagpapatupad ng proyekto at paglilingkod ng pamahalaan

15.  Alin sa mga sumusunod ang panukatang salapi sa Pandaigdigang Pamilihan?
a.          Piso                              c. Yen
b.         Dolyar                          d. Rupiya

Sample Test : SUSTAINABLE USE OF RESOURCES/PRODUCTIVITY- Part 2

Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ang character reference o listahan ng mga taong maaaring pagtanungan sa iyong pagkatao ay.
a.       listahan ng mga taong nakakakilala sa iyo at maaaring makapgpatunay sa iyong mabuting ugali.
b.      listahan ng mga dokumentong kasama sa iyong bio-data tulad ng sertipiko ng kapanganakan.
c.       listahan ng iyong kasanayan, katangian at kaugalian sa trabaho
d.      listahan ng mga taong hindi mo kilala ng personal

2. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng katangian ng de-kalidad na produkto at serbisyo?
a.       tumutugon sa pangangailangan ng customer                  
b.      may magandang anunsiyo sa radyo at telebisyon            
c. magaan sa bulsa
d. ginagamit ng iyong kapitbahay

3. Ang pestisido ay mga sangkap na ginagamit ng kapitbahay sa _____________.
a.       pagkontrol sa mga peste                    
b.      pagpapanatili sa mga kalusugan ng mga halaman 
c.   pagpapanatili sa kalinisan ng tubig
d.   pagpapagamot sa mga sakit ng tao


4. Ang kemikal na pangkontrol ay dapat gamitin lamang ___________.
a.       kapag ang mga alternatibong pamamaraan upang kontrolin ang mga peste ay hindi maaaring gamitin at bilhin.
b.      kung kalian maaari
c.       sa tuwing may peste
d.      kapag wala nang oras upang maghanda ng mga alernatibong pangontrol sa peste.

5. Ang Integrated Pest Management (IPM) ay isang konsepto na _____________.
a.       tumutulong sa pagpapanatili ng balance sa kalikasan.
b.      nagbibigay ng mga epektibong pamamaraan upang labanan ang mga sakit at peste sa mga halaman
c.  Pinag-aralan ang siklo (cycle) ng buhay ng mga peste upang makahanap ng mga natural na pamamaraan sa pagpuksa ng mga ito.
d.      lahat ng mga nabanggit sa itaas.

6. Ano ang halimbawa ng protective factor?
a.       mahinang kakayahang makipagkapwa-tao at makisalamuha
b.      matatag at positibong ugnayan sa pamilya
c.       magulong tahanan
d.      kaugnayan sa mga kaibigang mahilig sumuway sa tama

7. Alin sa mga sumusunod ang isang serbisyong panggagamot sa mga drug addict o gumagamit ng ipinagbabawal ng bawal na gamot?
       a. laboratory test                    
       b. Edukasyon ukol sa droga 
       c. Psychiatric care 
       d. Drug Test

8. Ginagawa ng huwarang empleyado ang kanyang trabaho.
a.       sa paraang sinasabi sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa trabaho
b.      sa paraang gusto ng kanyang mga employer
c.       sa nararapat na paraan
d.      sa paraang gusto niya

9. Piliin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa paghahanap ng trabaho.
  I. Ihanda ang bio-data at panglakip na liham sa pag-aaplay.
 II. Maghanap ng mga palathala o anunsyo tungkol sa mga bakanteng posisyon o trabaho
 III. Magpa-interview o makipanayam

a. III, II, I         c. I, II, III
b. II, I, III         d. Kahit anong ayos                             

10. Alin sa mga sumusunod na kasalan ang ipinagdiriwang ng isang hukom o alkalde?
a. simbahang kasalan                            c. Kasalang pantribo
b. kasalang sibil                                    d. Kasalang pambarangay

11. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang pares na may pagkakaiba sa pinansiyal at katayuan sa buhay?
a.       Ang lalaki ay mayaman, ang babae ay mahirap
b.      Ang lalaki ay 48 gulang, ang babae ay 30 gulang
c.       Katoliko ang lalaki, ang babae ay Iglesia ni Cristo
d.      Mataba ang lalaki, payat ang babae

12. Ang pagtugon sa pangangailangan ng iyong  kabiyak ay isang palatandaan ng ___________.
       a. pag-aalaga                                             c. Pagtutulungan
       b. pag-unawa                                            d. Katapatan

13. Nangyayari ang stress kapag nakakaranas ka ng tension sa iyong katawan. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo mararamdaman kung ikaw ay nastress?
            a. napakalungkot                                  c. Nababagot
b. labis na natutuwa                              d. Nininerbiyos

14. Alin sa mga sumusunod ang  sintomas ng stress?
a.       mga nanlalamig na paa at kamay
b.      pananakit ng tiyan
c.       labis na pagpapawis
d.      lahat ng nabanggit

15. Nakababawas ng stress ang pagre-relax. Alin sa sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagrerelax?
a. pagninilay-nilay                                  c. pagbabakasyon
b. panood ng pelikula                             d. Paninigarilyo
=============================================================
Mga Tamang Sagot:
15. d 14. d 13. b 12. b 11. a
10. b 9. b 8. c 7. c 6. b
5. d 4. a 3. a 2.a 1. a


Test Schedules for ALS A&E October 2011


Maybe many of our reviewers/candidates for the October 2011 Alternative Learning System (ALS) Accreditation & Equivalenct (A & E) had already took their examinations since the first wave of the test was scheduled on October 2, 2011 for the Pencil & Paper and October 3, 2011 for Braile for Regions IX, X, XI, XII, CARAGA & ARMM.



The other schedules are as follows; (Please watch for the latest announcement from DepEd or from the Regional Administrator for the actual dates of the examination since we were under the wrath of typhoons lately)

Wave 2 - Regions V, VI, VII & VIII
Pencil & Pencil - October 9, 2011
Braille - October 10, 2011


Wave 3 - Regions I, II, III & CAR
Pencil & Paper - October 16, 2011
Braille - October 17, 2011

Wave 4 - Regions IV -CALABARZON, IV -MIMAROPA & NCR
Pencil & Paper - October 23, 2011
Braille - October 24, 2011

To the examinees, good luck!





Thursday, October 6, 2011

Mga Tips sa Pagsulat ng Sanaysay (Essay)

http://knol.google.com/k/essay-writing-help/how-to-write-an-argumentative-essay/2rjxmy56tmexc/7#

Dahil ang essay ay isang bahagi ng ALS A & E exam, nararapat lamang na pagtuunan ito ng pansin ng mga kukuha ng pagsusulit ngayong buwang ito. Ayon sa isang gurong nakausap ko na nagbabalik-aral sa mga kukuha ng test, may posibilidad na malaglag ang isang examiner na nakakuha ng mataas sa mutliple choice kung ang score naman niya sa essay ay mababa. Siyanga pala, ang essay part ng pagsusulit ay sa wikang Filipino (Elementary at Highschool).

Marami siguro ang magsasabing " ah, okay..Filipino, kayang-kaya ko 'yan!". Subali't sa katunayan, marami ang bumabagsak dahil sa essay part dahil hindi nila napag-igihan ang pagsulat ng kanilang mga sanaysay. Nasa ibaba ang ilang tips para sa isang mahusay na sanaysay:

Mga Tips Sa Pagsulat ng Sanaysay


1) Tema - basahing mabuti ang tema, pokus o topic  ng sanaysay na hinihingi ng pagsusulit. Ito ba ay tungkol sa iyong sarili, opinyon o puna, , isang paglalarawan, reaksyon sa isang nabasa, atbp?

2) Pamagat o Titulo ng Sanaysay - dapat ay may kinalaman ito sa tema ng isusulat; hindi dapat napakahaba, iwasan ang pamagat na patanong at kailangang nakakapukaw ng kalooban

3) Talata - isang punto o diwa, isang talata. Huwag pagsama-samahin sa iisang talata o paragraph ang mga isusulat. Ang mga talata ay dapat magkakaugnay. Iwasan din ang masyadong mahabang talata na paulit-ulit naman ang laman.

4) Punto - Dapat malinaw ang iyong punto o thesis sentence. Ano ba ang gusto mong palabasin? Iakma rito ang iyong mga sasabihin.

5) Balangkas o Outline - kung mahaba ang oras, gumawa ng maikling outline para alam mo ang isusulat sa bawat talata.

6) Panimula, Katawan at Wakas - Ang sanaysay ay karaniwang may panimulang talata, katawan at wakas o konklusyon. Sa body o katawan ng sanaysay, dito ipinahihiwatig ang pinakapunto ng sanaysay, ang maliliit na detalye ng punto at ang paglalarawan o masusing pagbusisi ng maliliit na detalye.

7) Tono - tiyakin ang tono ng iyong isusulat. Ito ba ay nasa unang katauhan (ako)? Ikaw ba ay isang magulang, pulitiko, guro? Ito ay mahalaga upang maipaliwanag mo ng mahusay ang inyong punto de vista (point of view).

8) Tamang gramatika at mga pananda - mas malaki ang puntos kung tama ang grammar o gramatika ng sanaysay. Dapat ay wasto ang mga pananda (tuldok, kuwit, pananong, tutuldok, atbp)

9) Tapusin ang sanaysay - huwag ibitin ang mambabasa. Dapat itong may konklusyon o wakas.

Good luck sa mga kukuha ng pagsusulit!

Wednesday, September 21, 2011

ALS E & A EXAM this OCTOBER 2011


Nalalapit na ang pagsusulit sa Alternative Learning System Equivalency & Accreditation Exam sa susunod na buwan. Sa palagay ko ay abala na sa pagbabalik-aral ang mga mag-aaral na kukuha ng pagsusulit. Isang paalala sa mga kukuha ng exam ay ang maging mahinahon o kalma sa araw na iyon upang makapag-isip nang mabuti. Isipin rin na mahalaga ang pagsulat ng sanaysay o essay na bahagi ng pagsusulit. Ayon sa aking pagkakaalam, kahit mataas ang score sa multiple choice, may pagkakataong bumabagsak sa test ang isang kumuha nito dahil na rin sa baba ng score sa essay. Agahan din ang pagpunta sa lugar na pagkukunan ng pagsusulit kung nangangailangan pa ito ng pagsakay sa bus o jeep. Kumain din nang maayos sa araw na iyon dahil nakakabawas ng konsentrasyon ang kumakalam na sikmura. Basahin mabuti ang mga tanong at unawain.

Ang pagusulit ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay may kabuuang 100 puntis na kinapapalooban ng 5 konsepto na may tig-25 na tanong na multiple choice at/o tama o mali (true or false). Ang huling bahagi ay ang pagsulat ng sanaysay (essay writing) sa wikang Filipino (high school o elementary level).

Sa mga kukuha ng test, good luck!

Sunday, July 10, 2011

DepEd Guidelines for the 2011 ALS A & E Tests


Read below the guidelines for the 2011 ALS A & E Tests. The next exam shall be held on 16 October 2011 and the registration had started in June 20, 2011 and ends on July 30, 2011.

http://www.deped.gov.ph/cpanel/uploads/issuanceImg/DepEd%20Memo%20No.%20123,%20s.%202011.pdf

Tuesday, May 17, 2011

Answers : Problem Solving & Critical Thinking - Part 2


Narito ang mga sagot:

11. b - Permentasyon  (Fermentatation) - prosesong ginagamit sa paggawa ng alak, suka, toyo, patis, bagoong, nata de coco.

12. d - Istetoskopo ( Stethoscope) - gamit ng doktor para marinig ang tibok ng puso
13. c - 87% ==>
Paraan ng pagkuha ng efficiency ng isang makina.
I-divide lamang ang enerhiyang ginamit sa isang makina sa enerhiyang ilalabas nito at i-multiply sa 100

Efficiency = energy or work input/ energy or work output
14. d - Tsunami
15. a - First degree burn
16. d
17. d
18. b
19. d - isothermic
20. b - egg larva pupa adult = metamorphosis

21. b
22. c
23. c - Paglusaw ng lupa o liquefaction. Liquefaction is a phenomenon in which the strength and stiffness of a soil is reduced by earthquake shaking or other rapid loading.
24. d
15. d

Thursday, March 31, 2011

Sample Test: PROBLEM SOLVING AND CRITICAL THINKING – Part 2



11. Si Lino ay nais magpatayo ng pagawaan ng alak. Anong siyentipikong paraan ang kinakailangan sa ganitong negosyo?
            a. Pagpapatuyo
b. Permentasyon         
c. Preserbasyon                      
d. Pagpapausok

12. Ang instrumentong ginagamit ng Doctor upang marinig ang tibok ng puso ay ______.
a. termometro                         
b. Heringgilya            
c. Tongue depressor   
d. Istetoskopo
13. Ang mga Gawain na nagawa ng isang makina ay 80 joules habang ang Gawain na ginagawa para sa isang makina ay 92 joules. Ano ang efficiency ng makina?
A. 72%                                     
B. 90%                                   
C. 87%                                   
D. 11%           

14. Ang mga higanteng alon sa dagat sanhi ng isang lindol sa ilalim ng karagatan ay tinatawag na _______.
a. Plate                                   
b. Fault                                   
c. Pagtaas at pagbaba ng tubig   
d. Tsunami

15. Isang uri ng paso (burn) na kung saan ang apektado ay ang panlabas na suson  ng laman o epidermis.
a. first-degree burn      
b. second-degree burn             
c. third-degree burn     
d. fourth-degree burn

16.        Ano ang unang bagay na dapat mong gawin  kung ang  nakasaksak na radyo ay nahulog sa timbang puno ng tubig?
  1. tanggalin ang radyo sa tubig
b.      tanggalin ang tubig mula sa timba
c.       tanggalin ang nakasaksak na radyo habang ang iyong katawan ay basa ng tubig
d.      patayin ang daloy ng kuryente mula sa fuse box o circuit breaker.

17.        Ano ang una mong dapat gawin kapag nakakita ka ng taong nakukuryente at di makagalaw?
  1. kunin ang braso at tanggalin siya sa pinanggagalingan ng kuryente
b.      itulak siyang palayo sa sirang kagamitan ng isang metal na patpat
c.       tumawag ng doktor o paramediko
d.      isara ang kuryente sa tahanan mula sa fuse box o circuit breaker

18.Ang sona na pumapalibot sa Karagatang Pasipiko ay tinatawag na kabilkugan ng apoy dahil maraming _______ sa mga ito.
a.      nagsisimulang sunog sa kagubatan                
b. sumasabog na bulkan
c.  kalbong bundok                                              
d.. malalim na lambak

19.Mga hayop na nagmamantini  ng palagiang temperature anuman ang temperature ng kapaligiran ng mga ito ay tinatawag na ____________.
      a. ectothermic                   
b. exothermic       
c. Endothermic                 
d. Isothermic

20.Ang apat na yugto ng pag-ikid ng buhay ng isang langaw sa tamang pagkakasunod-sunod ay ________.
  1. egg, pupa, larva, adult                        
  2. egg, larva, pupa, adult                        
  3. pupa, adult, larva, egg
  4. adult, pupa, egg, larva
21.Ano ang mga paraan sa kaligtasan na kailangang sundin ng mga tao bago maganap ang isang lindol?
a.      magsagawa ng mga pagsasanay para sa sunog
b.      magsagawa ng mga pagsasanay para sa lindol
c.       magsagawa ng mga pagsasanay para sa military
d.      magsagawa ng mga pagsasanay para sa Calisthenics.

22.Habang may lindol dapat ay _______.
a.      pumirmi ka kung nasaan ka                                        
b.      tumakbo paloob ng gusali na pinakamalapit sa iyo    
  1. lumabas ka
  2. tumigil sa tabi ng bintana

23.Ang ____ ay isang kababalaghan na nangyayari dahil sa lindol na nakapagpapalambot at nakakapagpahina sa lupa.
a. sunog                            
b. lumabas ka       
c. Paglusaw ng lupa         
d. Pagguho ng lupa

24.Maaari nating panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran sa pamamagitan ng __________.
  1. pagtatapon ng basura sa labas ng bahay
  2. paggamit ng kemikal sa pagpatay ng mga insekto
  3.  paglilinis ng bahay isang beses sa loob ng isang lingo.
  4.  pagsunog at pagtatapon ng basura araw-araw. 
25.Isang empleyado sa hotel ang namamalantsa ng damit ng bisita sa hotel. Hindi inaasahang nasagi ng plantsa ang kanyang kandungan. Ano ang iyong gagawin?
a.      diinan ang nasagi o napasong bahagi
b.      gawin ang mouth-to-mouth  resuscitation
c.       pahiran ng cream ang napasong bahagi upang maibsan ang sakit.
      d. lagyan ng yelo o malamig na tubig ang napasong bahagi sa loob ng sampung minuto.
==========================================================
Tunghayan ang mga sagot dito:  http://alternativelearningsystem.blogspot.com/2011/05/answers-problem-solving-critical.html