Sunday, October 25, 2020

GUIDES on ANSWERING Activity 1 & 2 of ALS Life Skills Module 4 - Work Habits & Conduct

 Module 4 - Work Habits and Conduct



SESSION 1: LOOKING FOR JOB OPPORTUNITIES

Activity 1: Introductory Activity

I. Let us begin by jogging our memory. Make a list of concepts or ideas that you learned from the previous module in the space below. Please spend no more than 5 minutes.

(Magsulat ng mga konsepto at ideya na natutunan mo sa nakaraang Module 3: Leadership and Teamwork)

Halimbawa:

1.Kahit may pagkakapareho ang ating paniniwala sa ibang tao, tayo ay kakaiba pa rin sa kanila.

2. Hindi kailangang maging sikat ang isang tao para maging pinuno.

3. May apat na klase ng pamumuno – awtoritaryan, nanghihikayat, sumasangguni, at nakikilahok.

4. Bilang isang lider, mahalaga ang makikipagtalastasan nang mahusay at magtaguyod ng pagkakaisa sa mga kasapi.

5. Mainam na nagkakasundo ang bawa’t kasapi sa kanilang layunin upang mas madali itong makamtan. 

II. In Module 4 you will learn about finding and keeping a job. Think about the proverb found at the beginning of the module:

“Ang magandang buhay ay makakamtan sa pamamagitan ng husay sa trabaho at sakripisyo” (The good life is to be earned with hard work and sacrifice).

What is the meaning? (Ano ang kahulugan ng salawikain?)

Ang salawikain ay nangangahulugan na hindi madaling makamtan ang ating ambisyon o magandang buhay. Ito ay nangangailangan ng sakripisyo  at husay sa pagtatrabaho sa mahabang panahon.

What do you think the proverb says about finding and keeping a job? (Ano sa iyong palagay ang sinasabi ng salawikain tungkol sa paghahanap at pananatili sa trabaho?)

Hindi madali o biro-biro lang ang makahanap at manatili sa trabaho.  Mangangailangan ka ng husay at maraming sakripisyo.

III. Think of a time in your life when you worked hard for something. Write down the story here (you can also write about someone you know). (Isulat ang isang karanasan kung saan naghirap ka nang husto upang makamtan ang isang bagay. Maaari ring ikuwento ang naging karanasan ng pagpupunyagi ng iyong kakilala.)

            Ang isang karanasan na naaalala ko kung saan kailangan kong maghirap nang husto ay aking pag-aaral sa kolehiyo. Ito ay dahil hindi lang katawan mo ang nahihirapan kundi maging ang iyong isip. Kung minsan ay nalilipasan ka na ng gutom matapos mo lang ang iyong proyekto. Naroong mapuyat ka sa pagrereview para sa mga pagsusulit. Minsan, kailangan mong pagbabad sa aklatan dahil wala kang pambili ng mga librong kailangan. Gayunman sa aking sakripisyo at pagpupunyagi, nakamit ko rin ang inaasam kong diploma na naging tulay ko upang makamit ang iba ko pang mga pangarap sa buhay.

What steps did you take to find a job? What went well? What didn’t? (Anong mga hakbang ang iyong ginawa upang makahanap ng trabaho? Ano ang naging nainam? Ano ang palpak?)

            Sa paghahanap ng trabaho,ang  ilan sa mga hakbang na nasubukan ko ay ang mga sumusunod:

1. Pagtatanong sa mga kapamilya, kaibigan, at kakilala

2. Pagbili ng pahayagan at pagtingin sa mga anunsyo

3. Pagdalo sa mga employment o job bazaar

4. Pagpunta at pagbabasa ng mga job announcements sa munisipyo

5. Panonood ng TV

6. Pag-iinternet

            Naging mas maganda ang magtanong sa mga kapamilya, kaibigan, at kakilala dahil makakalap ka ng dagdag na impormasyon tungkol sa trabaho at kumpanya.

            Mahirap ang pagdalo sa mga job bazaar dahil masyadong maraming tao at mahaba ang pila. Hindi ka rin makapaghanda nang husto sa dagliang panayam.

            Suntok din sa buwan ang pagsagot sa isang anunsyo sa pahayagan dahil kung magkaminsan ay hindi sumasagot ang pinadalhan mo ng aplikasyon kung natanggap nga nila ito o hindi o kung mayroon nang tinanggap na aplikante. 

IV. Write: When you have a job, what do you think are the most important behaviors and attitudes to remember at the workplace? (Noong  mayroon kang trabaho, ano sa palagay mo ang mga mahahalagang pag-uugali at asal na dapat alalahanin sa lugar ng pinagtatrabahuhan?)

Mga Dapat Tandaan na Pag-uugali at Asal sa Lugar na Pnagtatrabahuhan:

1. Maging maaga sa pagpasok

2. Magsuot ng akmang kasuotan

3.  Pamahalaan nang tama ang oras sa pagtatrabaho

4. Makipag-usap sa mga katrabaho at superbisor sa paraang positibo at may respeto.

5. Maging bukas sa mga puna, positibo man o negatibo, mula sa mga namumuno o katrabaho

6. Maging tapat sa lahat ng pagkakataon

7. Makiisa at maging bahagi ng isang grupo

8. Respetuhin ang gawain ng iba

Activity 2: Preparing a Bio-data and Application Letter

Have you ever written a bio-data or an application letter? Share your experience in the space below. (e.g. How did you find the experience? What was hard? What was easy?) Leave the space blank if you have never written any of these.

        Nakasulat ka na ba ng isang bio-data o liham sa pag-aaplay ng trabahao? Ibahagi ang iyong karanasan sa nakalaang espasyo sa ibaba. (Halimbawa: Ano ang iyong naging karanasan? Ano ang mahirap? Ano ang madali lamang?) Hayaang blanko ang espasyo kung hindi ka pa nakagagawa ng alinman sa mga ito.

        Nakaranas na akong gumawa ng isang bio-data at liham sa pag-aaplay ng trabaho noong ako ay labinsiyam na taong gulang. Ito ay sagot sa isang anunsyo sa pamosong kainan. Mas madali ang sumulat ng isang bio-data kaysa sa application letter dahil puro pampersonal na mga bagay-bagay lamang ang nilalaman ng bio-data samantalang kailangan mo pang pag-isipan nang mabuti ang nilalaman ng iyong liham. Nahirapan akong sumulat ng liham sa pag-aaplay sa trabaho dahil hindi ako ganoon kagaling sumulat sa wikang English. Pagkasulat ko ng aking liham, pinabasa at pinaayos ko iyon sa aking naging guro sa English na aming kapitbahay. Dahil sa kanyang tulong, naging maayos ang aking liham. Sa palagay ko ay isa iyon kung bakit ako natanggap sa trabaho.

Review the samples of bio-data and application letter provided in the next pages and answer the following questions: 

        Rebisahin ang mga halimbawa ng bio-data at liham sa pag-aaplay ng trabaho sa mga susunod na pahina at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

 

What type of information

do you find in a bio-data?

 

        Anong klaseng impormasyon ang makikita sa isang bio-data?

Ang isang bio-data ay naglalaman ng:

  • Impormasyon/Mga bagay-bagay hinggil sa sarili
  • Buod ng mga kasanayan at kaalaman
  • Karanasan sa trabaho
  • Edukasyon
  • Mga taong maaaring sanggunian ng iyong pagkatao

 

What type of information

do you find in the

application letter?

 

        Anong klaseng impormasyon ang makikita sa isang liham sa pag-aaplay ng trabaho?

Ang isang liham sa pag-aaplay ay naglalaman ng:

  • Impormasyon ng kumpanyang papasukan
  • Layunin ng liham
  • Buod ng kasanayan at kaalaman na mga kaugnayan sa posisyong inaplayan
  • Paghiling at pagiging handa sa isang panayam

 

What are the differences

between a bio-data and

application letter?

 

        Anu-ano ang kaibahan ng bio-data at liham sa pag-aaplay ng trabaho?

  • Ang bio-data ay mahaba at detalyado kaysa sa liham sa pag-aaplay.
  • Ang bio-data ay mas madaling gawin kaysa sa liham ng pag-aaplay.
  • Ang bio-data ay simple lamang na dokumento tungkol sa sarili subali’t ang liham ng pag-aaplay ay may layuning hikayatin ang bumabasa na basahin ang iyong bio-data.


Let’s Apply!

You will now prepare your own bio-data using the form below. Make sure you follow the writing tips discussed earlier.

         Gagawa ka na ng iyong sariling bio-data gamit ang porma sa ibaba. Siguraduhing sundin ang mga tips sa pagsulat ng liham sa pag-aaplay na ipinaliwanag na.

 

 Halimbawa

                                     BIO-DATA



Position Desired         :   Customer Service Supervisor         

Date:                           :   October 24, 2020

Name                          :   Juan Santos Dela Cruz                   

Gender:                       :   Male

City Address               :   123 Roces Blvd., Santa Ignacia, Quezon City  1008 

                                            Metro Manila

Provincial Address     :   Barangay Bugaong, Tiaong, Quezon 4325

Telephone                  :   (02) 899 2457                                  

Cellphone                   :   0919 765 4532

E-mail Address           :   juan2three@gmail.com

Date of Birth               :   Jan. 1, 1990                                     

Place of Birth              :   Tiaong, Quezon

Civil Status                  :   Married                                          

Citizenship                  :   Filipino

Height:                         :   165 cm.                                           

Weight                         :   63 kilos

Religion                       :   Roman Catholic

Spouse                         :   Juana Reyes Dela Cruz                   

Occupation                  :   Sari-sari store owner

Name of Children       :   Jose Reyes Dela Cruz                      

Date of Birth               :   Dec. 4, 2014

                                    :   Aida Reyes Dela Cruz                                                  

Date of Birth               :   May 23, 2017

Father’s Name            :   Pedro Silva Dela Cruz                     

Occupation                 :   Postman

Mother’s Name          :   Maria Santos-Dela Cruz               

Occupation                 :   Teacher

Language or dialect spoken and written          :           Filipino & Bicolano

Person to be contacted in case of emergency  :           Juana Reyes Dela Cruz

His or her address and telephone                     :           0929 789 5674

Elementary                 :   Tiaong Central School                                

Year Graduated          :   2003

High School                :   Claro M. Recto National High School       

Year Graduated          :   2007

College                       :   STI – Caloocan City                                    

Year Graduated            :   2009

Degree Received         :   Diploma in Customer Relationship

Special Skills               :   Good communication & customer service, 

                                          patient, hardworking


    

    Company Name         :   McBee Food Corporation

    Position                      :   Customer Service Crew                              

    From                           :  Jun 2009  To:  Dec 2009

    Company Name         :   Don Pedro’s Catering Services

    Position                      :   Catering Supervisor                                    

    From                           :  Jan 2009 To:  Sep 2020

        


 Name                          :   Mr. Timburcio Bartolome              

 Company                     :  McBee Food Corp.

 Position                      :   Branch Manager                             

 Contact No.                  :    0920 023 8765

  Name                          :   Mrs. Adelaida Sandoval                 

  Company                     :  Don Pedro’s Catering

  Position                      :   F & B Manager                               

  Contact No.                :    0908 968 5423


  Res. Cert. No              :   CCI2020 12345678

  Issued at                     :   Quezon City

  Issued on                    :   January 18, 2020

  SSS                             :   02 – 8664589 - 2

 TIN                              :   325  566  798  000

 NBI No.                       :   13440087

  Passport No.               :    P3422522A                                                     


         I hereby certify that the above information is true and correct to the best of my knowledge and belief. I also understand that any misinterpretation will be considered reason for withdrawal of an offer or subsequent dismissal if employed.

           Signature

Applicant’s Signature

Let’s Apply!

Now you will get to develop your own letter, using the writing space below. You can also write your letter with a computer. You can assume a scenario of a job opening that you would like to apply for, based on your experience. It can also be an application letter to a current job opening you are interested in.

        Sa ngayon, kailangan mo nang sumulat ang sarili mong liham sa pag-aapaly, gamit ang espasyo sa ibaba. Maaari ka ring gumawa ng iyong liham gamit ang kompyuter. Maaari kang magkunwari na ikaw ay mag-aaplay sa isang trabaho na nais mong aplayan, base sa iyong karanasan. Maaari rin itong liham sa pag-aaplay sa isang tunay na trabahong nais mong aplayan.

Note the details of the job that you are applying for below. (Isulat sa ibaba ang mga detalye ng trabahong nais mong aplayan). 

Customer Service Supervisor

5 taon o higit pang karanasang pagsisilbi sa mga parukyano

Mainam sa pakikipagtalastasan

May mga katangian bilang pinuno

May kaalaman sa paggamit ng kompyuter

Marunong gumamit ng MS Word at Excel


SAMPLE: Application Letter

October 25, 2020

 

G. Policarpio Villadolid

Hapag-Kainan sa Gitna ng Parang

Malinaw na Batis, Parang

Lungsod ng Marikina

 

Ginoong Villadolid:

Nasabi ng aking kaibigang nagtatrabaho sa inyong kumpanya na kayo ay nangangailangan ng mga kawani sa inyong bubuksang bagong sangay sa Lungsod ng Pasig. Mangyaring sumulat ako upang mapabilang bilang aplikante sa posisyong Customer Service Supervisor.

Nag-aral ako ng Customer Relationship sa STI – Caloocan at nagtapos na kabilang sa limang may pinakamatataas na marka. Upang mahasa ang aking kaalaman sa pagbibigay serbisyo sa mga parukyano , dumalo ako sa iba’t ibang pagsasanay, simposium, at talakayan. Kalakip nito ang aking mga sertipiko at pagkilalang tinanggap. 

Naniniwala akong napunan ko ang inyong pangangailangan sa posisyong inaaplayan dahil taglay ko ang mga katangiang hinahanap. Maliban sa aking edukasyon at kasanayang nabanggit, marunong din akong makaipag-usap nang maayos sa aking mga kasamahan lalo’t higit sa mga kustomer. Dagdag pa rito, marunong akong gumamit ng kompyuter at ng mga Microsoft softwares tulad ng Excel, Word, PowerPoint, at Outlook. Marunong din akong gumawa at magpadala ng mga email.

Lampas sampung taon akong nagtrabaho bilang Catering Supervisor subali’t dahil sa pandemya ay nagsara ang aming kumpanya matapos dapuan ng sakit at mamatay ang may-ari. Ang mahaba kong serbisyo sa iisang kumpanya ay nagpapatunay lamang ng aking pagiging matapat at dedikadong empleyado.

Kalakip ng liham na ito ang aking bio-data para sa inyong masusing pagkilatis. Ako po ay handa sa isang panayam na inyong itatalaga.

 

Lubos na gumagalang,

     Signature

Jose Dela Cruz

   Aplikante


Sharing is caring

Review your bio-data and your application letter carefully one more time before sharing them with three people. These can be your family members, your friends or professionals in your community whom you know well for comments and feedback on any improvement you can make. Summarize their comments here.

        Maingat na suriing muli ang iyong bio-data at liham sa pag-aaplay ng trabaho bago ang mga ito ay ibahagi sa tatlong tao. Ang mga ito ay maaaring miyembro ng iyong pamilya, mga kaibigan, o mga propesyonal sa iyong pamayanan na kilala mo para sa mga komento at puna upang mapabuti pa ang iyong ginawa. Ibigay ang buod ng mga komento dito.

 

Reviewer

Feedback on the

Bio-data

 

Feedback on the

Application Letter

 

Juana Dela Cruz (Ate)

Malinis at Kumpleto

Direkta sa punto

Romeo Macaspac (Matalik na kaibigan)

Malinaw

Nakapanghihikayat

Tessie Lagmay (Guro)

Mainam ang pagkakasulat

Simple subali’t nakalulugod basahin; natugunan ang pangangailangan ng trabaho

Thursday, October 22, 2020

ALS PRACTICE TEST ON MODULE 1 - PERSONAL DEVELOPMENT & MODULE 2 - INTERPERSONAL COMMUNICATION

 Learning Strand 5 – Understanding the Self and Society



Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang MALI?

A. Magkakaiba ang paraan ng pagkatuto ng bagong bagay ng bawa’t isa.

B. Kung hindi ka natututo sa ibang paraan, dapat mo itong iwasan hangga’t maaari.

C. Mapapaunlad mo ang iyong sarili kung kikilalanin mo ang iyong mga paniniwala at kakayahan.

D. Ang isang mithiin o layunin ay dapat na makatotohanan.


2. Paano maipapakita ni Juan ang kanyang kakayahan?

A. Sa pagsasauli ng mga bagay na hindi kanya

B. Sa pagbibigay tulong sa mga nangangailangan

C. Sa paglahok sa mga patimpalak sa awitan o sayawan

D. Sa pagsasabi ng “po” at “opo” sa mga nakatatanda


3. Alin sa mga sumusunod ang malinaw na pansariling layunin?

A. Nais kong makatapos ng pagkaguro.

B. Nais kong makatapos ng pagkaguro sa Unibersidad ng Cebu.

C. Nais kong mag-aral sa Unibersidad ng Cebu sa susunod na apat na taon.

D. Nais kong makatapos ng pagkaguro sa Unibersidad ng Cebu sa susunod na apat na taon.


4. Ang mga panininiwala at kakayahan ay magkaiba.

A. Oo

B. Hindi

C. Kung magkaminsan

D. Depende sa sitwasyon


5. Madaling matuto si Madelyn ng mga bagong bagay kapag pinapanood niya ito. Alin ang bagay sa kanya?

A. Bumili ng aklat ng mga putahe

B. Obserbahan ang ama habang nagluluto ng batute

C. Magluto ng adobong manok habang pinakikinggan ang ina

D. Tanungin ang lola kung paano magluto ng leche flan


6. Makikita ang iyong mga paniniwala sa iyong mga _______.

I. kuro-kuro

II. hilig

III. pinagkakaabalahan

IV. pasya

A. I at II

B. II at III

C. I, II, at III

D. I, II, III, at IV


7. Alin sa mga sumusunod ang TAMA?

A. Ilihim ang iyong paraan ng pagkatuto para hindi pagtawanan.

B. Ilihim ang iyong paraan ng pagkatuto upang hind magaya ng iba.

C. Ibahagi ang iyong paraan ng pagkatuto upang matulungan ka. 

D. Ibahagi ang iyong paraan ng pagkatuto upang makatulong ka.


8. Ano ang tamang pagkakasunod ng mga hakbang upang makamit ang isang layunin?

I. Gumawa ng plano

II. Kamtin ang layunin

III. Magtakda ng layunin

IV. Sundin ang plano

A. III, I, IV, at II

B. I, IV, III, at II

C. III, II, I, at IV

D. II, III, I, at IV


9. Alin ang halimbawa ng isang panandaliang layunin?

A. Makatapos ng pag-aaral at magtrabaho sa ibayong dagat sa loob ng anim na taon.

B. Makapagsuot ng toga sa araw ng pagtatapos sa high school sa loob ng dalawang taon.

C. Mabasa, maunawaan, masagot at maipasa ang Modyul 1 sa guro sa Biyernes ng hapon.

D. Makapamasyal sa Luneta kapag tapos na ang pandemya.


10. Upang maging mabuti at tanggap na kasapi ng isang pamayanan, ang paniniwala nito ay dapat ____.

A. sundin

B. linangin

C. respetuhin

D. punahin


11. Ano ang dapat gawin upang maibsan ang galit ng isang parukyano?

A. Balewalain ang kanyang sinasabi

B. Huwag siyang pakinggan

C. Huwag sagutin ang kanyang paratang

D. Tumahimik habang siya ay nagsasalita


12. Habang may nagsasalita sa iyong harapan, ________ sa kanyang sinasabi.

A. umiling kapag hindi ka sang-ayon 

B. pumalakpak upang ipakitang sang-ayon ka 

C. magtaas ng kamay upang tanungin siya 

D. pakinggan at hayaang matapos siya 


13. Kapag hindi mo naunawaan ang sinabi ng iyong superbisor, _______.

A. humingi ka ng paliwanag 

B. sundin ang iyong akala

C. tanungin ang kasamahan

D. wala kang dapat gawin


14. Paano mo maipakikita na kabagot-bagot ang sinasabi ng isang nagtatalumpati?

I. Laging pagtingin sa relo sa bisig

II. Paghihikab

III. Pagpikit ng mga mata

IV. Pagtango-tango

A. I at III

B.  II at III

C. I, II, at III

D. II at IV


15. Paano mo maipapakita ang malugod na pagtanggap sa isang kustomer?

A. Ulitin ang kanyang sinasabi o hinihingi

B. Batiin siya sa kanyang pagdating

C. Banggitin ang kanyang pangalan sa inyong pag-uusap

D. Ipakita ang iyong pag-aalala


16. Anu-ano ang taglay na katangian ng isang epektibong pagsasalita?

I. Nagsasalita nang malakas at malinaw

II. Nagpapaligoy-ligoy

III. May kamalayan sa ipinahihiwatig ng kanyang katawan at ng mga nakikinig

IV. Nagsasalita ng may kumpiyansa sa sarili at kagaspangan

A. I at III

B. II at IV

C. I, III, at IV

D. I at IV


17. Alin ang HINDI halimbawa ng komunikasyong electronic sa isang kumpanya?

A. Pagpapadala ng mensahe gamit ang cell phone

B. Pagpapaskel ng abiso sa bulletin board 

C. Pakikipag-usap sa telepono

D. Pagsusulat ng email


18. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang serbisyo sa isang parukyano?

A. Balewalain ang kanilang mga reklamo

B. Sundin ang kanilang bawa’t naisin.

C. Sagutin ang kanilang mga katanungan

D. Maging magiliw sa nagbibigay ng tip


19. Ang isang aktibong manggagawa sa isang kumpanya ay _______ sa isang talakayan.

A. nagsasalita

B. nakikinig

C. sumusunod

D. nakikilahok


20. Kapag may kausap na makulit/mapilit na parukyano, mabuting ________.

A. manatiling kalmado

B. huwag na lang siyang pansinin

C. pakiusapan siyang umalis na lang

D. tawagin ang guwardiya

MGA SAGOT

Tuesday, October 20, 2020

GUIDES on ANSWERING Activity 7, 8, & 9 of ALS Life Skills Module 3 - Leadership & Teamwork

 SESSION 4: TASK LEADERSHIP

Activity 7: Leadership Challenge

Think about it!

This section encourages you to express your opinions to family and friends about this activity.

It’s always great to share your ideas and hear more points of view. (Hinihimok ng seksyong ito na isiwalat mo sa iyong pamilya at mga kaibigan ang iyong mga saloobin/opinyon ukol sa gawaing ito.)

 Sagutin lamang ang mga tanong kapag natapos nang gawin ang Task 1 (Paggawa ng Banner) at Task 2 (Pagguhit bilang isang lider at isang tagasunod.)

Sample Banner


Task 1: My Team

 

1. On a scale of 1 to 10, 1 being poor and 10 being excellent, how many points will you give for your banner? Why?


            Sa sukatang 1 hanggang 10, 1 bilang hindi magaling at 10 bilang napakahusay, ilang puntos ang ibibigay mo sa inyong banner? Bakit?

 

            Bibigyan ko ng 8 puntos ang ginawa naming banner dahil ito ay kumpleto sa hinihingi ng tuntunin. Isa pa, ang aming banner ay simple at maaliwalas pagmamasdan. Dagdag pa rito, maganda ang aming islogan bukod pa sa nakiisa ang lahat ng kasapi upang ito ay mabuo.

 

 

2. Show your banner to a family member and ask him/her to give feedback on your banner: (Ipakita ang inyong banner sa isang miyembro ng pamilya at hingin ang kanyang masasabi rito.)

 

                        a. One to two things he/she likes about your banner: (Isa o dalawang bagay na nagustuhan niya sa inyong banner.)

                        1. Ang punla na may 8 dahon kung saan nakasulat ang mga pangalan ng kasapi ay nangangahulugan na nagkakaisa ang grupo.

                        2. Maaliwalas, simple, at malinis ang pagkakagawa ng banner.

 

                        b. One to two things that you need to improve in your banner: (Isa o dalawang bagay na kailangang pagbutihin pa sa inyong banner.)

                        1. Patingkarin o buuin ang kulay ng mga dahon.

                        2. Lagyan pa ng imahe ang banner.

 

3. In this activity, you were asked to draw the banner by yourself. If you were in a real youth camp with real team members, what do you think would be the best way to accomplish the task?


            Sa gawaing ito, inutusan kayong gumawa ng sarili ninyong banner. Kung ikaw ay nasa talagang youth camp na may mga kasamahan, ano sa palagay mo ang pinakamainam na paraan upang matapos ang gawain?


            Sa aking palagay, magiging maganda ang aming banner kung gagawa muna ng kaniya-kaniyang banner ang bawa’t kasapi at pag-isahin ang mga ideyang iyon upang matanggap ng lahat.

 

4. What did you learn about being a leader in this activity? (Ano ang natutunan mo ukol sa pagiging lider ng gawaing ito?)

            Bilang lider, natutunan ko ang maging kalmado. Natutunan ko rin na mahalaga ang komunikasyon upang maunawaan ng bawa’t isa ang aming gagawin, mahingan sila ng kuro-kuro at ideya, at maiatang ang angkop na papel na gagampanan.

Task 2: Draw As I Say

 

1.               How did it feel to be the leader giving instructions? (Ano ang pakiramdam ng pagiging pinuno na tagabigay ng instruksyon/direksyon?

            Pangamba ang aking naramdaman bilang pinuno na nagbibigay ng tuntunin. Ito ay dahil natatakot ako na baka hindi ako lubusang maunawaan ng tagasunod ang aking sinasabi at maging masyadong malayo ang kanya maiguhit kumpara sa nagawa ko.

 

2.               How did it feel to follow another person? (Ano ang pakiramdam kapag sinusunod mo ang isang tao?)

            Nang maging tagasunod, kinakabahan din ako dahil baka hindi ko maiguhit ang sinasabi ng lider, lalo na at hindi maaaring magtanong.

 

3.               Do you consider yourself a good follower? Why? (Pinapalagay mo bang mabuti kang tagasunod? Bakit?)

            Sa palagay ko ay mabuti akong tagasunod dahil pinakikinggan at sinusunod ko ang sinasabi ng lider. Isa pa, nakikiisa at tumutulong ako upang makamit ang aming layunin o matapos ang isang gawain. Inuunawa at nirerespeto ko ang ideya, saloobin, at kuro-kuro ng mga kasapi sa grupo.

 

4.               What are the traits of a good follower? (Anu-ano ang mga katangian ng mabuting tagasunod?)

            a. Nakikinig sa sinasabi ng lider at mga kasapi.

            b. Nakikiisa at nakikipagtulungan pang maabot ang layunin o matapos ang gawain ng grupo.

            c. Nagbabahagi ng kaalaman, kasanayan, at katangian sa grupo.

            d. Rumerespeto sa ibang kuro-kuro at opinyon.

            e. Sinusunod ang napagkasunduan.

Activity 8: Leadership in Real Workplaces


Date:

Ika – 18 ng Oktubre, 2020

Company Name:

Santos Trading Establishment

Manager Name:

G. Policarpio Santos

Manager’s Title:

Administration Manager

Questions for the Manager

 

1.            Tell me a little bit about your role as a manager. What are your responsibilities?

1. Gumagawa, nagpapatupad, at sinisiguro na ang mga batas, tuntunin, at pamantayan ng kumpanya ay nasusunod.

2.  Nangangalap, kinakapanayam, at kumukuha ng karapatdapat na manggagawa at empleyado sa kumpanya.

2.            How did you become a manager?

Naging manager ako dahil sa aking mataas na pinag-aralan, matagal na serbisyo, at pagiging huwarang empleyado ng kumpanya. Taglay ko rin ang mga katangian ng isang mabuting lider base sa aking karanasan at pakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao.

3.            How did you develop your leadership skills?

Ang mga kasanayan at kaalaman ko sa pagiging mabuting pinuno ay natutunan ko sa pamamagitan ng pagiging tagasunod din noong una. Nagbasa ako ng libro at dumalo sa mga seminar hinggil sa mabuting pamumuno, pakikipagtalastasan, at pakikinig. Ang malaking bahagi ay natutunan ko sa pang-araw-araw na karanasan sa loob at labas ng kumpanya.

4.            What skills do you use to manage your team?

Bilang manager, tumatanggap ako ng kritisimo at puna mula sa aking nasasakupan. Hinihingan ko ng mga panukala ang mga empleyado at puna sa alinmang tuntunin na aking isasagawa o naisagawa na.

5.            What is your style as a leader?

Ang apat na klase ng pagiging pinuno ay nagawa ko na. Ito ay nakadepende sa sitwasyon. Halimbawa, kung masyadong gahol na sa oras, nanghihikayat (persuading) ako upang isakatuparan na ang aking desisyon.

6.            As a leader, how do you deal with challenges?

Bilang lider, ang mga hamon at mga problemang kinakaharap ay itinuturing kong isang bahagi lang ng aking pag-aaral. Naniniwala kasi ako na ang bawa’t suliranin ay may katapat na solusyon kung uunawain lamang at bibigyan ng sapat na atensyon.

7.            How do you help your team solve task-related problems?

Upang matulungan ang aking nasasakupan sa paglutas ng mga problema na may kinalaman sa isang gawain, binibigyan ko sila ng malinaw at madaling maunawaang layunin at direksyong tatahakin. Ipinauunawa ko sa kanila ang kahalagahan ng pag-uusap, pakikiisa, at pagtutulungan.

8.            How do you help your employees improve their quality of work?

Upang matulungan ang mga empleyado na mapabuti ang kalidad ng kanilang trabaho, nagkakaroon ng regular na miting at pagsasanay ang mga trabahador. Bukod pa rito, pinadadalo sila sa mga seminar, exhibits, at pagbisita sa mga mas progresibong kumpanya. Ang ilan ay pinadadala sa ibang bansa upang magsanay at mag-aral ng makabagong teknolohiya at proseso.

9.            What is the most important thing you have learned as a leader?

Bilang lider, ang pinakamahalaga kong natutunan ay nasa mabuting pagsunod ang ikagagaling ng isang pinuno.

10.         Can I contact you in the future? If yes, get their contact information.

Oo, maaari mo akong puntahan, bisitahin, at tawagan sa hinaharap. Narito ang aking detalye: 14 Panay St., Quezon City. Tel. No. 09123456789

Sunday, October 18, 2020

GUIDES on ANSWERING Activity 5 & 6 of ALS Life Skills Module 3 - Leadership & Teamwork

 MODULE 3 - Leadership & Teamwork



SESSION 3: PROBLEM SOLVING AND DECISION MAKING

Activity 5: The Human Knot – Group Problem Solving

The last session talked about cooperation in a team and how to lead teamwork. State some important aspects of cooperating in a group and strategies to lead teamwork that you learned. Remember, we saw communication as an important tool for group cooperation and leadership.

               Pinag-usapan sa nakaraan sesyon ang tungkol sa pagkakaisa sa grupo at kung paano pamunuan ang pagtutulungan. Magbigay ng ilang mahahalagang aspeto ng pagkakaisa sa isang pangkat at mga estratehiya para pamuno na iyong natutunan. Tandaan, nasaksihan natin na ang pakikipagtalastasan ay importanteng gamit para sa pagkakaisa at pamumuno sa isang grupo.

Mahahalagang Aspeto ng Pagkakaisa at Pamumuno sa Isang Grupo:

1. Ang bawa’t kasapi ng grupo ay dapat maunawaan at tanggapin ang layunin ng grupo.

2. Dapat maunawaan ng isang miyembro ang kanyang tungkulin o inaasahang kontribusyon mula sa kanya upang makamit ang mithiin. Maaaring bumalangkas ng isang plano kung saan makikita ang gawain ng bawa’t isa at kung kailan ito dapat gawin.

3. Dapat na alam ng bawa’t miyembro ng grupo kung paano ginagawa ang pagdedesisyon at kung paano lulutasin ang isang problema. Ang mainam na grupo ay may malinaw na tuntunin para sa napagkasunduang desisyon upang maisagawa ang dapat gawin.

4. Lahat ng kasapi sa grupo ay dapat na nagsasanay sa paggamit ng epektibong pakikinig, pagsasalita, at malinaw na pakikipagtalastasan.

5. Dapat maramdaman ng bawa’t kasapi na siya ay ligtas at suportado ng grupo.


Think about it!

Reflect on the questions below and write your answers on the space provided. Share your thoughts to your family on how the game went and on your thoughts about what happened.

               (Matapos gawin ang larong inilarawan – Human Knot Activity -  sa modyul), magbalik-tanaw/alalahanin ang mga katanungan sa ibaba at isulat ang iyong mga sagot sa espasyong nakalaan. Ibahagi ang iyong mga kaisipan/kaalaman sa iyong pamilya kung ano ang nangyari sa laro at ang iyong pananaw sa nangyari.

1.            What approach did you use to solve this problem? (Anong diskarte ang iyong ginamit upang maresolba ang problemang ito?)

 Ipinaliwanag ng tumayong lider sa grupo kung ano ang layunin ng laro at kung ano ang dapat gawin ng bawa’t isa upang ito ay mairesolba.

2.            Did you have a plan? How did you arrive to that plan? (Mayroon  ba kayong plano? Paano ninyo nagawa/naisip/narating sa planong iyon?)

a. Isang plano ang aming naisip upang madali naming makalas ang aming pagkakabuhol-buhol ng aming mga kamay at bisig.

b. Para magawa ang planong iyon, inulit ng lider sa bawa’t miyembro ang layunin ng laro at tanungin kung nauunawaan nila iyon at ang mga dapat gawin ng bawa’t isa. Nagbigay ng suhestiyon at estratehiya ang ilang kasapi upang mas madaling makalas ang aming pagkakabuhol-buhol. Habang isa-isang nakakalas ang buhol, isang kasapi ang nagmamanman at nagsasabi kung tama nga ang ginagawa ng isang miyembro.

3.            Did you have a leader? Several leaders? What was his/her role? How was leadership shared? (May lider ba kayo? Maraming lider? Anu-ano ang kanyang naging papel? Paano ibinahagi ang pamumuno?)

Mayroon kaming lider, hindi lang isa kundi dalawa. Ang isang lider ay nagpaliwanag kung ano ang layunin ng laro at nagsabi ng mga dapat gawin ng bawa’t isa. Ang isa pang lider ay naatasang manmanan ang ginagawa ng bawa’t kasapi, siguruhin na tama iyon at sabihan kung mali, at magbigay mungkahi kapag nakitang may problema sa estratehiyang ginamit.

4.            Did everyone play a role in solving the problem? (Lahat ba ay may ginampanang papel upang malutas ang suliranin?)

               Lahat ng kasapi ay may ginampanang papel upang malutas ang suliranin - magmula sa pag-unawa sa layunin, pagganap sa nakaatang na gawin, hanggang sa pagsunod, pagkikiisa, at pagtutulungan ng lahat.

5.            What behaviors made it hard/easy to do it? (Anu-anong mga pag-uugali ang nagpahirap/nagpadali upang gawin ito?)

a. Sa una, naging balakid ang pagkakaroon ng iba’t ibang estratehiya ng bawa’t kasapi upang mas madaling malutas ang problema. Naging sagabal din ang pagsasalita ng ilang kasapi ng sabay-sabay.

b. Napadali na ang pagreresolba ng problema nang magkaroon ng iisang plano ang grupo. Nagawa ito matapos talakayin ang bentahe at problema ng mga paraan na iminungkahi ng mga kasapi. Dahil dito, nagkaroon ng iisang direksyon ang grupo upang malutas agad ang suliranin.

6.            Did you ever feel like quitting? What kept you going? (Naramdaman mo bang nais mo nang sumuko? Bakit ka nagpatuloy pa?)

               Sa una pa lang ay gusto ko nang umayaw sa laro dahil tila lahat ng kasamahan ko ay nais na maging lider. Dagdag pa rito ang sabay-sabay na pagsasalita ng ilang kasapi. Gayunman, nagpatuloy ako sa paglalaro dahil mayroon akong papel na dapat gampanan sa grupo. Nais ko rin kasing ipakita sa kanila na marunong akong makisama, makiisa, at makatulong.

7.            As a leader, what actions might you use when a problem becomes hard to solve? (Bilang pinuno, anu-anong mga pagkilos ang maaari mong ginawa kapag humihirap ang paglutas ng problema?)

a. Dapat na maging kalmado ang isang lider upang makapag-isip nang mabuti at ng bagong estratehiya.

b. Himayin ang problema sa maliliit na parte upang madaling malutas.

c. Pakinggan at hikayatin ang bawa’t kasapi na ibigay ang kanyang sariling saloobin sa problema at mungkahi kung paano ito malulutas.

d. Dapat ipaunawa sa mga kasapi na ang kanilang mga opinyon at ideya ay mahalaga at mapapakinabangan.

e. Bigyan ng kanya-kanyang gawain ang bawa’t kasapi matapos malaman ang kanilang lakas at kahinaan.

f. Magpakita ng katatagan ng loob, optimismo, at pag-asa sa mga kasapi.

8.            If you were going to re-do the activity or a similar one, what would you do differently? (Kung gagawin mong muli ang gawain o katulad nito, ano ang iyong babaguhin?)

               Kung uulitin ko ang gawaing ito, sasabihin ko agad kung anu-ano ang mga tuntunin ng grupo upang maiwasan ang pagsasalita nang sabay-sabay.

Activity 6: Problem-Solving Steps

Based on the human knot activity as well as your previous experiences, what do you think are the basic steps in problem solving? Jot down your thoughts in the space below. (Base sa larong “human knot activity” at sa iyong mga naging karanasan, ano sa iyong palagay ang mga hakbang sa paglutas ng isang suliranin? Isulat ang iyong mga naisip sa espasyong nakalaan.)

Ang mga pangunahing hakbang sa paglutas ng isang suliranin ay ang mga sumusunod:

1. Ipaliwanag ang problema. Ihiwalay ang pansariling nararamdaman at isaad ang suliranin.

2. Mangalap ng dagdag kaalaman o impormasyon na may kaugnayan sa problema.

3. Mag-isip ng iba’t ibang pamamaraan upang maresolba ang problema.

4. Pumili ng isang solusyon na tanggap ng mga kasapi.

5. Isakatuparan ang napiling solusyon.

6. Kilatisin o suriin ang solusyon kung nalutas nga nito ang suliranin.

Select at least one scenario from Scenarios for Problem Solving and use the 6 problem solving steps to help solve the problem in the scenario. (Pumili ng isa o higit pang senaryo sa mga senaryong nakatgala sa 3.5 sa ibaba at gamitin ang anim (6) na mga hakbang sa paglutas ng problema. Pag-aralan ang Senaryo 0 para malaman kung paano ito gagawin.)

Scenario 2:

 You work at El Manuel Construction site.You notice that tools are disappearing from

 

the worksite on a regular basis. What will you do?

 

1.       Define the problem. Summarize the problem here. What is the issue? What needs fixing?


          Bakit palaging nawawala ang mga kagamitan sa El Manuel Construction worksite?

 

2.            Get more information about the problem. What else do I know or need to know about the problem?


1. Anu-anong mga kagamitan ang nawawala?

2. Sa anong mga araw o oras nawawala ang mga kagamitan?

3. Sino ang nangangalaga ng mga kagamitan?

4. Sino ang guwardiya sa worksite kung kailan laging nawawala ang mga kagamitan?

5. Ito ba ay isang kaso ng nakawan o kapabayaan lamang?

6. Kailan nagsimulang mawala ang mga kagamitan?

 

3.            Generate many ideas on how to solve the problem. Write down as many ideas as you can that you think may solve the problem or help with the situation.

               1. Maglagay ng CCTV sa pinaglalagyan ng mga kagamitan.

               2. Palitan ang guwardiyang nagbabantay sa lugar.

               3. Palitan ang taong nangangalaga ng mga kagamitan.

               4. Magpatawag ng pulong, ipayahag sa mga trabahador ang problema, bigyang babala na tatanggalin sa trabaho at/o ipahuhuli sa kapulisan ang sinumang mahuling nagnanakaw, at bigyang gantimpala ang sinumang makapagtuturo sa magnanakaw.

               5. Dapat magpalista ang mga manggagawang gagamit ng mga kagamitan at pagbabayarin kung ang mga ito ay hindi maisasauli.

               6. Isangguni ang nagtuklasan sa nakatataas sa lugar ng trabaho.

4.            Choose a solution. Which of the solutions that you listed out above is the most REAL (Realistic, Effective, Acceptable and Logical? Explain the reasons for choosing this solution.

               Ang REAL na solusyon sa problemang ito ay ang pagpapatawag ng pulong upang malaman ng mga trabahador ang nangyayaring pagkawala ng mga kagamitan. Ito ay mahalaga upang may kamalayan sila sa posibleng nakawang nangyayari sa lugar na pinagtatrabahuhan. Sa miting na gaganapin, makatwirang bigyan ng babala ang mga trabahador sa posibleng pagkatanggal sa trabaho at/o pagkakakulong. Sa aking palagay ay tatanggapin ng mga trabahador ang kanilang kaparusahan sapagka’t ito ay naihayag na sa kanila sa simula pa lang.

5.            Implement the solution. You do not get to implement the solution for the scenario. In the space below, describe what can happen in this scenario if you implement the solution.

               a. Hindi na mawawala ang mga kagamitan sa worksite.

               b. Magdadalawang isip ang sinumang kumukuha ng mga kagamitan dahil alam na niya ang mangyayari sa kaniya.

               c. Magiging mapagmatyag ang bawa’t trabahador sa kaniyang kasamahan sa trabaho dahil sa gantimpalang nakalaan.

               d. Posibleng may magsumbong sa pangasiwaan kung sino o sinu-sino ang gumagawa ng kabalastugan.

              

6.                Evaluate the solution. How would you know if the problem is solved or if your solution works?


Hindi na mawawala ang mga kagamitan sa lugar ng trabaho. 


Sharing is caring

 

Share your solution to the scenario you picked to a family member or a 


friend. It’s always great to share your thoughts and hear feedback from 


people who care.


     Explain to your family or friend how the person in that scenario can use the 6 problem solving steps to solve the problem. Record ideas and feedback from the discussion in the space below

     Ibahagi ang napili  mong solusyon sa senaryong iyong napili sa isang kapamilya o kaibigan. Magandang ibahagi ang iyong kaisipan at marinig ang puna ng mga taong pinahahalagahan ka.

     Ipaliwanag sa iyong kapamilya o kaibigan kung paano magagamit ng tao sa senaryo ang 6 na hakbang upang malutas ang problema. Itala ang mga ideya at puna mula sa talakayan sa espasyo sa ibaba.

               Ilan sa mga ideya at puna sa ginawang talakayan ay ang mga sumusunod:

               a. Magiging madali ang paglutas ng problema kung gagamit ng siyentipikong pamamaraan sa paglutas nito.

               b. Dapat talakayin nang husto ang mga posibleng solusyon sa problema upang makapili ng pinakatamang solusyon.

               c. Tama ang napiling solusyon kung ito ay REAL (Realistic (Makatotohanan), Effective (Mabisa), Acceptable(Katangap-tangap), and Logical (Lohikal/Makatwiran).

               d. Kailangan ang pakikiisa at pagtutulungan ng bawa’t isa sa paglutas ng isang suliranin.