Saturday, November 7, 2020

GUIDES & SAMPLE ANSWERS of Activity 1 & 2 of ALS Life Skills Module 2 - Interpersonal Communication

Module 2: Interpersonal Communication

“Sa komunikasyon mahalaga ang unang impresyon”

The first impression you give is important in communication.



SESSION 1: LISTENING AND SPEAKING EFFECTIVELY

 Activity 1: Introductory Activity & Learner’s Reflection

Welcome to Module 2, which is about Interpersonal Communications. Before we proceed to this module, let us have a review of the previous module. Write five ideas that you can recall about the types of important values and skills, how to set and reach goals, and different ways people learn. (Magsulat ng 5 ideya na iyong natatandaan ukol sa uri ng mahahalagang paniniwala/pag-uugali at kasanayan, paano ihanda at makamit ang mga nais, at ang iba’t ibang pamamaraan kung paano natututo ang mga tao.) 

Halimbawa:

1. Ang ating paniniwala ay nasasalamin sa ating mga hilig, pasya, at pinagtutuunan ng panahon.

2. Kahit mayroon tayong kaparehong paniniwala sa ibang tao, ang bawa’t isa ay natatangi 

3. Ang pagkilala sa mga paniniwala, kakayahan, hamon, oportunidad, at interes ay bahagi ng pansariling pag-unlad.

4. May 5 hakbang upang maihanda at makamit ang mga nais: 1) ihayag ang nais 2) bumalangkas ng plano 3) isagawa ang mga dapat gawin 4) manatili sa landas na tinatahak, at 5) makamit ang mga nais

5. Natututo ang mga tao sa pamamagitan ng pagsusulat, pagbabasa, panonood, pakikinig, paggawa at kumbinasyon ng mga ito.

 

Read the proverb at the beginning of the module and answer the questions. “The first impression you give is important in communication” (Sa komunikasyon mahalaga ang unang impresyon). (Basahin ang salawikain sa simula ng modyul at sagutan ang mga tanong.)

What does it mean? (Ano ang ibig sabihin nito ?)

          Ang ibig sabihin ng salawikain ay hindi dapat balewalainang unang impresyon o pagkakilala mo sa iyong kausap o sa isang nagsasalita. Dahil dito, dapat natin pagtuunan ang ating sarili o ibang tao bilang tagapagsalita o tagapakinig man upang malaman natin kung ang mensaheng nais iparating ng bawa’t isa ay malinaw at nauunawaan. 

In your own words, how do you relate this proverb to yourself? Can you recall your first impression situation with someone else? Do you think the way you talk with your listener is important? Why? (Sa iyong sariling pananalita, paano mo maiuugnay ang salawikaing ito sa iyong sarili? Matatandaan mo ba ang iyong unang impresyon sa isang tao? Sa palagay mo ba ay mahalaga sa iyong mga tagapakinig ang paraan ng iyong pagsasalita? Bakit?)

          May kaugnayan sa aking sarili ang salawikain dahil ang komunikasyon ay pbahagi na ng aking buhay. Naranasan ko rin ang makinig at makipag-usap sa ibang tao at pinahalagahan ko ang impresyon nila sa akin o impresyon ko sa kanila upang mapagbuti ko pang lalo ang aking pakikipag-usap at pakikinig.

          Mahalaga kung paano ko kausapin ang ibang tao dahil nasasalamin nila kung anong klase akong tao. Halimbawa, kung magalang ang tono ng aking pagsasalita o gumagamit ako ng mga magagalang na salita tulad ng ”po” at “opo”  kapag kausap ko ang isang matanda o nakatataas sa akin, maiinganyo silang pakinggan akong mabuti at unawain ang aking sinasabi. Nagpapakita rin ito na may respeto ako sa kanila dahilan upang respetuhin din nila ako habang ako ay nagsasalita.

This module will focus on communication skills at work. What do you think is the relevance between the proverb and the importance of communication skills at work. How does it relate to your real life situation? (Ang modyul ay nakatuon sa kasanayan sa pakikipagtalastasan sa trabaho. Ano sa palagay mo ang kaugnayan ng salawikain at ang kahalagahan ng mga kasanayan sa pakikipagtalastasan sa trabaho? Paano ito maiuugnay sa iyong tunay na buhay?)

          Ang salawikain ay isang kaalaman na dapat isaisip ng isang manggagawa sa lugar ng kanyang pinagtatrabahuhan. Kung batid ng isang nag-aaplay sa trabaho o nagtatatrabaho na sa isang pagawaan ang ibig sabihin ng salawikain, maiaayon niya ang kanyang pakikipagpanayam sa may-ari o namumuno na kumakapanayam sa kanya upang matanggap siya sa trabaho. Ibig sabihin, pag-aaralan niya ang mga istratehiya o paraan ng tamang pakikinig at pakikipag-usap upang maging maganda ang unang impresyon/pagkilatis sa kanya. Gayundin naman kung isa ng empleyado ang nakikipag-usap at nakikibig sa kanyang boss. Nararapat din na batid niya kung paano maging mabisang tagapagsalita at/o tagapakinig upang maihatid niya ang mensaheng nais niyang maihatid nang malinaw o impormasyong nais niyang malaman.

          Kahit hindi sa lugar ng trabaho, mahalaga pa ring malaman ang ibig sabihin ng salawikain dahil na rin sa katutohanang ang komunikasyon ay bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng isang nilalang. Makatutulong ang salawikain upang maging maingat siya sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda sa kanya. Bilang isang miyembro ng komunidad, ako ay nakikipag-usap sa iba o nakikinig sa sinasabi ng ibang tao. Dahil alam kong mahalaga ang unang impresyon sa komunikasyon, pinagbubuti ko ang aking pakikipag-usap sa aking mga kapitbahay, mga guro, o namumuno ng aming barangay. Pinagbubuti ko rin ang aking pakikinig sa mga pulong o talakayan upang makuha ko ng malinaw ang impormasyon at mensahe na nais ibahagi ng nagsasalita.

 

I hear you, but I’m not listening”. Ask your mother, father, sister, brother or your friend if they have experienced a situation where they are talking to someone who seemed to be listening to them but when they ask if they understood what they are saying it turns out that they are not listening. How did they feel about it? Is this a good or bad thing to do? Why? (“Naririnig kita, pero hindi ako nakikinig”. Tanungin ang iyong nanay, tatay, ate, kuya o iyong kaibigan kung naranasan nilang makipag-usap sa ibang tao na animo ay pinakikinggan sila pero nang kanilang tanungin kung nauunawaan ang kanilang sinasabi ay natuklasan hindi naman pala ito nakikinig sa kanila. Ano ang naging pakiramdam nila ukol dito? Ito ba ay mabuti o masamang gawin? Bakit?)

          Masama ang pakiramdam ng miyembro ng aking pamilya kapag hindi pinakikinggan ang kanilang sinasabi. Ito ay madalas mangyari sa pagitan ng aking ina at mga kapatid. Panay ang salita ang aking ina subali’t hindi naman pala iniintidi ng iba kong mga kapatid ang pinag-uutos niya. Madalas tuloy ay nauuwi sa pagtatalo ang lahat at kung magkaminsan ay nagkakaroon pa ng sakitan.

          Masamang gawain ang hindi pakikinig sa sinasabi ng kausap dahil nagmumukha siyang tanga. Nauubos ang kanyang laway sa pagsasalita gayong nagtataingang-kawali pala ang kanyang kausap. Ito ay pagpapakita rin na hindi nirerespeto ng nakikinig ang nagsasalita.

Now it is your time to write your thoughts on the following questions in the space below. (Ngayon na ang oras upang isulat sa espasyo sa ibaba ang iyong mga saloobin/kaisipan hinggil sa mga tanong.)

Questions (Mga tanong)

Your Thoughts (Mga Saloobin)

What does it mean to listen/speak effectively? (Ano ang kahulugan ng makinig/magsalita nang mabisa?)

Ang mabisang pakikinig/pagsasalita ay nangangahulugan ng paggamit na mga kasanayan sa komunikasyon tulad ng tamang tono, malinaw na mga salita, paggamit ng mga body languages, atbp. upang maihatid ang mensahe mula sa pinagmulan hanggang patutunguhan o vice versa. Ito ay nangangahulugan din ng tumpak na pag-uugali/pagkilos ng isang nagsasalita at nakikinig.

How do you know when you are/are not being listened to or ignored? (Paano mo malalaman kung ikaw ay/ikaw ay hindi pinakikinggan o binabalewala?)

Malalaman mo kung ikaw ay hindi pinakikinggan o binabalewala ng isang tagapakinig kung hindi niya masabi o naisakatuparan ang iyong mensahe. Naipapakita rin ito sa pamamagitan ng mga kilos ng iyong kausap habang ikaw ay nagsasalita. Halimbawa, maaaring ang isang kausap o tagapakinig ay nakatingin sa malayo, natutulog sa upuan, naghihikab, o palakad-lakad habang ikaw ay nagsasalita.

What do you do when speaking to get your point across? (Ano ang iyong ginagawa habang nagsasalita para maihatid ang iyong mensahe?)

Para maihatid nang malinaw ang aking mensahe, nilalakasan ko ang aking pagsasalita upang marinig ng lahat. Gumagamit din ako ng mga salitang akma sa okasyon at sa mga nakikinig. Iniiba-iba ko rin ang tono ng aking pagsasalita upang hindi mabagot ang mga nakikinig. Higit sa lahat, binubuod ko ang aking mga sinabi at tinatanong sila kung naunawaan nila ang aking sinabi o kailangan pa nila ang dagdag na paliwanag.

How do you speak to an elder? Supervisor? Friend? Group of people? (Paano ka makipag-usap sa isang matanda? Superbisor? Kaibigan? grupo ng tao?)

Iniaayon ko ang aking pagsasalita sa mga nakatatanda o nakatataas ng posisyon sa akin sa pamamagitan ng paggamit ng magalang na salita tulad ng “po”,”opo, at/o “sir”. Ibig sabihin, nakikipag-usap ako sa kanila ng may respeto at paggalang.

Why is good (or effective) communication important in your personal and work lives? (Bakit mahalaga ang mabuting (mabisang) pakikipagtalastasan/pakikipag-usap sa iyong personal at buhay-trabaho?)

Mahalaga ang mabisang komunikasyon sa aking personal at buhay-trabaho dahil sumasalamin ito kung anong klaseng tao ako. Mahalaga ito upang magamit ko sa aking pang-araw-araw na buhay at sa lugar ng pinagtatrabahuhan upang maiparating ko nang malinaw ang mga impormasyong nais kong ibahagi. Importante rin ito upang makilatis ko nang mas mabuti ang mga taong nakikinig sa akin at upang maging kaiga-igaya akong tagapakinig.


Activity 2: Non-Verbal Communication
 

Think about it!

This section encourages you to express your opinions to family and friends about non-verbal communication. Start a discussion with them face to face, via text, chat, or whatever means available and comfortable to you. It’s always great to share your ideas and hear more points of view. (Ang seksyon na ito ay humihikayat sa iyo upang isiwalat ang iyong mga kuro-kuro sa pamilya at mga kaibigan ukol sa mga kilos na nagpapahiwatig ng pakikipag-usap. Simulan ang talakayan sa kanila ng harapan, sa pamamagitan ng text, chat, o anumang paraan na magagamit at komportable sa iyo. Palaging maganda ang ibahagi ang iyong mga ideya at makarinig ng mas maraming pananaw ng iba.)

 

1.       Why do you think non-verbal communication is important when giving information or when listening to someone? (Bakit sa palagay mo ay mahalaga ang mga kilos na nagpapahiwatig ng pakikipag-usap kapag nagbibigay ng impormasyon o kapag nakikinig sa iba?)

          Mahalaga ang mga kilos na nagpapahiwatig ng pakikipag-usap kapag nagbibigay ng impormasyon o kapag nakikinig sa iba sapagka’t ito ay isang paraan ng pakikipagtalastasan gamit ang iyong katawan. Mahalaga ito upang makilatis mo ang kahulugan ng mga ikinikilos ng mga tagapakinig at maiayon ang iyong pagsasalita nang sa gayon ay maipahatid nang kalugod-lugod ang iyong mensahe at maibigay nang malinaw ang mga impormasyong nais mong ibahagi. Mahalaga rin ito sa mga tagapakinig upang maihatid o maipabatid niya sa tagapagsalita ang kanyang reaksyon nang hindi nagsasalita.

2.       Why is knowing and recognizing non-verbal communication important in the workplace? (Bakit mahalagang malaman at makilala ang mga kilos na nagpapahiwatig ng pakikipag-usap sa pinagtatrabahuhan?)

          Mahalagang malaman at makilala ang mga kilos na nagpapahiwatig ng pakikipag-usap sa pinagtatrabahuhan upang makilatis mo ang pag-uugali ng iyong mga kasamahan sa trabaho at maiayon ang iyong pakikitungo sa kanila. Nakatutulong din ito upang mapabuti mo ang iyong pakikipag-usap sa kanila kahit hindi sila nagsasalita o maihayag mo ang iyong damdamin/saloobin/nais kahit hindi kayo nagsasalita o nag-uusap.

Thursday, November 5, 2020

ALS Computer-Based A&E Test - ENGLISH - JHS - Part 1

 


CLICK THE LETTER OF THE CORRECT ANSWER:

PLEASE COMMENT YOUR SCORE.



Wednesday, November 4, 2020

Practice Test: Computer-based Accreditation & Equivalency (A&E) Test 2019-2020 - Mathematical & Problem Solving Skills

 


PLEASE COMMENT YOUR SCORE.



Tuesday, November 3, 2020

ALS Practice Test - MyDev Life Skills Module 3 - Leadership & Teamwork and Module 4 - Work Habits & Conduct

Learning Strand 4 – Life and Career Skills




MyDev Life Skills Module 3 – Leadership & Teamwork & Module 4 – Work Habits & Conduct

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga pangungusap ang TAMA?

 

A. Kailangang magpasyang mag-isa ang isang pinuno nang walang sinasangguning iba kundi mga lider lamang.

B. Sinuman ay maaaring maging lider.

C. Lagi nang epektibong pinuno ang mga kilalang tao.

D. Hindi kailangang tumanggap ng mungkahi ang isang lider mula sa isang tauhan lamang.

 

2. Gustong maging pinuno ni Maricar sa kanilang klase. Anong katangian ang HINDI niya dapat tanglayin?

 

A. Ipagpilitan ang sariling pasya

B. May kumpiyansa sa sarili

C. Laging positibo

D. Nakikibagay

 

3. Alin sa mga sumusunod ang HiNDI katangian ng isang pinunong awtoritaryan?

 

A. Bagay sa panahong kailangan ang madaliang desisyon o yaong may dedlayn

B. Kadalasang umaasa lamang sa kanyang sariling pasya

C. Nagpapaliwanag kung bakit ang kanyang desisyon ay para sa interes ng lahat

D. Nagtatalaga kung anong papel ang dapat gampanan ng mga tauhan

 

4. Anong uri ng pinuno ang nagbibigay ng gabay at hindi utos?

 

A. Awtoritaryan

B. Nanghihikayat

C. Sumasangguni

D. Nakikilahok

 

5. Alin sa mga sumusunod ang TAMA?

A. Isa lamang na uring pamumuno ang dapat gamitin sa lahat ng oras at sitwasyon para hindi malito ang mga tauhan.

B. Dapat gumamit ng awtoritaryan na pamumuno lalo na’t kailangan ang madaliang pagpapasiya at pasibo ang mga kasamahan.

C. Lagi nang mahusay ang pamumunong nakikilahok sa lahat ng panahon at sitwasyon.

D. Ang nanghihikayat na lider ay kumukunsulta sa grupo.

 

6. May bagong sistema sa paggawa ang ipinaliwanag ni G. Ramos sa kanyang mga tauhan. Ano ang dapat niyang gawin matapos ang pulong?

 

A. Hayaang magtanong ang mga tagapakinig upang matalakay pa ang sistema.

B. Bigyan ng pagsusulit ang grupo upang malaman kung sino ang nakikinig.

C. Ihanda ang isang masaganang pagsasalo para sa grupo upang masiyahan ang mga ito.

D. Pauwiin nang maaga ang mga tauhan upang makapagpahinga.

 

7. Para maging matagumpay ang isang grupo, ano ang nararapat?

 

A. Ipakita ang kanya-kanyang husay at galing

B. Gawin ng mga kasapi ang diskarte ng bawa’t isa

C. Ipasa sa iba ang gawaing nakaatang kung hindi kayang gawin

D. Magkaroon ng iisa at malinaw na layunin

 

8. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa paglutas ng isang problema?

I.  Pagpili at pagsagawa ng solusyon

II. Pagsuri sa solusyon

III. Pagkalap ng mga ideya kung paano lutasin ang problema

IV. Pagkilala sa problema at pagkalap ng mas maraming impormasyon

 

A. III, IV, II, at I

B. IV, III, II at I

C. IV, III, I, at II

D. III, IV, I at II

 

9. Sa anong sitwasyon makikita ang pakikiisa at pakikipagtulungan?

 

A. Bayanihan

B. Kapistahan

C. Prusisyon

D. Halalan

 

10. Sa anong grupo ng mga hayop mapagmamasdan ang mabuting pamumuno, pagkakaisa, at pagtutulungan?

 

A. Talangka

B. Langgam

C. Paruparo

D. Palaka

 

11. Nais ni Mando na makahanap ng trabaho. Aling parte ng pahayagan ang dapat niyang basahin?

 

A. Lathalain

B. Pangulong-tudling

C. Anunsyo-klasipikado

D. Orbitwaryo

 

12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang MALI?

 

A. Magkaiba ang bio-data/resume at cover letter ng aplikasyon

B. Magkaiba ang tagapanayam sa isang job at informational interview

C. Magkaiba ang pagsusulat ng bio-data at resume

D. Magkaiba ang layunin ng isang job at information interview

 

13. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi natatapos ni Elisa ang kanyang gawain sa oras ng trabaho ay dahil tawag nang tawag sa telepono ang kanyang mga kapamilya. Ano ang nararapat niyang gawin?

 

A. Patayin ang kanyang cell phone sa oras ng trabaho.

B. Abisuhan ang kanilang sekretarya na huwag ipasa sa kanya kapag kaanak ang tumatawag.

C. Talakayin at ipaliwanag sa mga kapamilya ang mga tuntunin o regulasyon ng kumpanyang pinapasukan.

D. Huwag ibigay sa mga kapamilya ang numero ng kanyang cell phone at telepono ng kumpanya.

 

14. Bago ang superbisor ni Tomas sa pinapasukang talyer. Maliban sa taas ng pinag-aralan, batid niya na mas marami siyang kaalaman at karanasan sa kanyang amo. Madalas ay hindi niya pinakikinggan ang mga ideya ng kanyang boss. Kung magkaminsan ay hindi rin niya sinusunod ang ipinag-uutos nito. Isang araw ay ipinatawag si Tomas ng may-ari ng talyer at binigyan ng babala. Ano sa palagay mo ang katangiang kulang kay Tomas bilang trabahador?

 

A. Pakikiisa at pakikipagtulungan

B. Pagsunod at pagrespeto sa nakatataas

C. Pakikisama

D. Aktibong pakikipag-usap

 

15. Alin ang HINDI nakagagambala sa isang layunin o gawain?

 

A. Pagtuon sa iskedyul

B. Maingay na kapaligiran

C. Pagpapaliban ng mga dapat tapusin

D. Ituring na magkakapareho ang bawa’t gawain

 

16. Dahil sa layo ng nabiling bahay sa kumpanyang pinagtatrabahuhan, palaging huli sa pagpasok si Adela. Ano ang maipapayo mo sa kanya?

 

A. Humanap ng ibang trabaho at kumpanyang malapit sa tinitirhan

B. Umuwi nang huli sa hapon para punan ang nahuling oras sa umaga

C. Pumasok nang mas maaga kaysa sa nakaugalian

D. Lumipat ng tirahan na mas malapit sa pinapasukan

 

17. Mapapangasiwaan nang tama ang oras sa bahay at/o trabaho kung WALA nito:

 

A. Planning

B. Prioritizing

C. Procrastinating

D. Organizing

 

18. Ano ang resulta ng hindi pagsunod sa mga panuntunan o regulasyon sa pinagtatrabahuhan?

 

A. Babala

B. Parusa

C. Pagkawala ng trabaho

D. Lahat ng nabanggit

 

19. Alin ang HINDI bentahe ng tamang pangangasiwa sa oras sa iyong pansariling buhay?

 

A. bawas utang at tensyon

B. promosyon sa trabaho

C. maraming oras sa pamilya at kaibigan

D. mas mainam na buhay-mag-asawa

 

20. Alin ang HINDI magandang pag-uugali at asal sa pinagtatrabahuhan?

 

A. Kausapin ng positibo at may respeto ang namumuno at kapwa kawani.

B. Iwasang pag-usapan ang mga isyung pampamilya hangga’t maaari.

C. Balewalain ang mga puna o feedback ng mga namumuno at kapwa kawani.

D. Maging matapat upang makuha ang respeto ng namumuno at kapwa kawani.

MGA SAGOT:

Monday, November 2, 2020

GUIDES & SAMPLE ANSWERS of Activity 7 of ALS Life Skills Module 4 - Work Habits & Conduct

SESSION 2: APPROPRIATE WORKPLACE BEHAVIORS AND ATTITUDES



Activity 7: Time Management

Reflect on your own experience in time management. How do you manage time at work? How do you manage time at home? Note your experience in the space below. (Magbalik-tanaw sa iyong karanasan hinggil sa iyong pangangasiwa sa oras. Paano mo pinapamahalaan/pinapangasiwaan ang oras mo sa trabaho? Paano mo pinapamahalaan/pinapangasiwaan ang oras mo sa bahay? Itala ang iyong karanasan sa espasyo sa ibaba.)

            Pinangangasiwaan ko ang oras ko sa trabaho sa pamamagitan ng paggawa ng isang plano upang matapos ko ang mga gawaing nakaatang at dapat kong gawin sa araw o linggong iyon. Inuuna kong tapusin ang mga ulat na may dedlayn o dapat tapusin at isumite sa itinakdang oras. Hindi ko rin ipinagpapaliban pa ang mga gawaing kaya kong tapusin ng panahong iyon. Isa pa sa aking istratehiya ang pag-iwas sa mga nakagagambalang sitwasyon tulad ng pagtawag sa telepono kung hindi kinakailangan at pag-iinternet na hindi kasama sa trabaho.

            Tulad sa trabaho, pinangangasiwaan ko ang aking oras sa bahay sa pamamagitan ng isang plano. Itatala ko ang mga mahahalagang gawaing dapat kong tapusin ng araw o linggong iyon. Pinagtutuunan ko nang husto ang iskedyul na iyon upang hindi ako magahol sa oras. Hindi ko ipinagpapaliban ang mga gawaing kaya kong tapusin sa araw na iyon. Umiiwas din ako sa mga sitwasyong hindi masyadong importante tulad ng pangangapitbahay kung hindi naman kailangan.

Bad time management usually results in not getting things done on time or exhaustion from having to work in a rush near the deadline. In the table below, fill out the possible reasons that usually distract you and get you off track from the tasks that you are supposed to do.  (Ang hindi magandang pangangasiwa sa oras ay madalas na nagreresulta sa hindi pagtapos sa mga kailangang gawin sa oras o kapaguan dahil sa pag-aapura sa nalalapit na dedlayn. Sa table sa ibaba, isulat ang mga posibleng dahilan kung bakit naaabala/nagagambala ka sa mga gawaing dapat mong gawin/tapusin.)

Tasks

Not done because:

a.  Doing housework (Paggawa        

ng mga gawaing bahay)

Pagpapaliban; pangangapit-bahay; mabagal kumilos; tinatamad; inaasa sa ibang miyembro ng pamilya

b.  Learn new skills (Pag-aaral ng              

mga bagong kasanayan)

Walang ganang gawin; pagpapaliban

c.  Getting to school or work or an appointment on time (Pagpasok sa paaralan o trabaho o pagdating sa oras sa isang tipanan)

Mabagal kumilos; walang preparasyon; napupuyat sa gabi

d.  Updating bio-data                                

(Pag-a-update ng bio-data)

Pagpapaliban; tinatamad

e.  Looking for job   opportunity and apply (Paghahanap ng trabaho at pag-aaplay)

Pagpapaliban; tinatamad; umaasa sa magulang; walang ambisyong umasenso


Pick one task or goal and write down some ideas about how to get this done well and on time. Do not worry if you still cannot think of many ideas. You will get a chance to come back and revise your input. (Pumili ng isang gawain at magsulat ng mga ideya kung paano mo ito magagawa nang maganda at nasa oras. Huwag mabahala kung hindi ka pa makaisip ng maraming ideya. May panahon kang balikan ito at baguhin ang iyong gawa.)

Task or Goal

Time Management Ideas

Tapusin ang Module 5 sa loob ng isang linggo

1.   Gumawa ng isang lingguhang iskedyul ng mga dapat gawin.

2.   Maglaan ng isa’t kalahating oras sa umaga at dalawang oras sa hapon para magbasa at sagutan ang mga gawain sa modyul.

3.   Magpagising sa isang kasama sa bahay tuwing ikaanim ng umaga at matulog ng hindi hihigit sa ika-sampu ng gabi.

4.   Iwasan ang pangangapit-bahay kung hindi kinakailangan.

5.   Pagtuunan at sundin ang nakatalang gagawin sa araw na iyon.

6.   Maglaan ng dalawa o tatlong oras sa isang linggo kung kailan pupuntahan ang mga kaibigang makatutulong upang matapos ang modyul o kung kailan kakausapin sa telepono ang guro sa ALS upang humingi ng gabay.

7.   Maglaan ng isa o dalawang araw sa isang linggo para sa pamilya at mga kaibigan.

 


Let’s Apply!
 

Reflect and write a general plan to improve your time management at home and at work below. Remember that this is not a test, you are writing these for yourself to do. (Magbalik-tanaw at isulat sa ibaba ang isang pangkalahatang plano kung paano mo mapapabuti ang pamamahala mo sa iyong oras sa trabaho at sa bahay. Tandaan na ito ay hindi isang pasusulit, sinusulat mo ang mga ito para iyong gawin.)

            Upang mapabuti ko ang aking pangangasiwa sa oras ko sa bahay at sa trabaho, kailangan kong gumawa ng isang lingguhang iskedyul kung saan itatala ko ang mga mahahalagang gawaing dapat kong tapusin ng araw na iyon.

Write down your daily schedule for 1 week. Note that this schedule is for your own use. There is no correct answer as long as it can help you reach your weekly goals. You may also opt to use a to-do or calendar app on your phone, if this is possible/preferred. (Isulat ang iyong pag-araw-araw na gawain sa isang linggo. Tandaan na ang iskedul na ito ay para sa iyong sarili. Walang tamang sagot hangga’t makatutulong ito upang maabot mo ang iyong mga lingguhang layunin. Maaari ka ring gumamit ng to-do o calendar app sa iyong cell phone, kung ito ay posible/ginusto.)

My weekly goal(s):

               Tapusing basahin at sagutan ang Module 5.


 

Time

Day 1

Day 2

Day 3

Day 4

Day 5

Day 6

Day 7

 

7:00 – 8:00 AM

Simulan ang Activity 1

Simulan at Tapusin ang Activity 2

Simulan at tapusin ang Activity 3

Puntahan ang isang kaklase upang ikumpara ang ginawang Activity 1, 2, at 3

Simulan ang pagbabasa ng Session 2

Simulan at Tapusin ang Activity 7

 

 

 

4:00 – 5:00 PM

Tapusin ang Activity 1

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng Session 1

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng Session 1

Simulan ang Activity 5

Simulan at Tapusin ang Activity 6

Simulan at Tapusin ang Activity 8

 

 

 

8:00 – 9:00 PM

Simulan basahin ang Sesson 1

Hinggan ng gabay ang guro tungkol sa Activity 3, 4 at 5

Simulan at tapusin ang Activity 4

Tapusin ang Activity 5

Tapusin ang pagbabasa sa Session 2

Sagutan ang pagsusulit sa katapusan ng modyul