Learning Strand 4 – Life and Career Skills
MyDev Life Skills Module 3 – Leadership & Teamwork &
Module 4 – Work Habits & Conduct
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin
sa mga pangungusap ang TAMA?
A.
Kailangang magpasyang mag-isa ang isang pinuno nang walang sinasangguning iba
kundi mga lider lamang.
B. Sinuman ay maaaring maging lider.
C. Lagi
nang epektibong pinuno ang mga kilalang tao.
D.
Hindi kailangang tumanggap ng mungkahi ang isang lider mula sa isang tauhan
lamang.
2.
Gustong maging pinuno ni Maricar sa kanilang klase. Anong katangian ang HINDI
niya dapat tanglayin?
A. Ipagpilitan ang sariling pasya
B. May
kumpiyansa sa sarili
C.
Laging positibo
D.
Nakikibagay
3. Alin
sa mga sumusunod ang HiNDI katangian ng isang pinunong awtoritaryan?
A.
Bagay sa panahong kailangan ang madaliang desisyon o yaong may dedlayn
B.
Kadalasang umaasa lamang sa kanyang sariling pasya
C. Nagpapaliwanag kung bakit ang kanyang desisyon ay para sa interes
ng lahat
D. Nagtatalaga
kung anong papel ang dapat gampanan ng mga tauhan
4.
Anong uri ng pinuno ang nagbibigay ng gabay at hindi utos?
A.
Awtoritaryan
B.
Nanghihikayat
C. Sumasangguni
D. Nakikilahok
5. Alin sa mga sumusunod ang TAMA?
A. Isa
lamang na uring pamumuno ang dapat gamitin sa lahat ng oras at sitwasyon para
hindi malito ang mga tauhan.
B. Dapat gumamit ng awtoritaryan na pamumuno lalo na’t kailangan ang
madaliang pagpapasiya at pasibo ang mga kasamahan.
C. Lagi
nang mahusay ang pamumunong nakikilahok sa lahat ng panahon at sitwasyon.
D. Ang
nanghihikayat na lider ay kumukunsulta sa grupo.
6. May
bagong sistema sa paggawa ang ipinaliwanag ni G. Ramos sa kanyang mga tauhan.
Ano ang dapat niyang gawin matapos ang pulong?
A. Hayaang magtanong ang mga tagapakinig upang matalakay pa ang
sistema.
B.
Bigyan ng pagsusulit ang grupo upang malaman kung sino ang nakikinig.
C. Ihanda
ang isang masaganang pagsasalo para sa grupo upang masiyahan ang mga ito.
D.
Pauwiin nang maaga ang mga tauhan upang makapagpahinga.
7. Para
maging matagumpay ang isang grupo, ano ang nararapat?
A.
Ipakita ang kanya-kanyang husay at galing
B.
Gawin ng mga kasapi ang diskarte ng bawa’t isa
C.
Ipasa sa iba ang gawaing nakaatang kung hindi kayang gawin
D. Magkaroon ng iisa at malinaw na layunin
8. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga
hakbang sa paglutas ng isang problema?
I.
Pagpili at pagsagawa ng solusyon
II. Pagsuri sa solusyon
III. Pagkalap ng mga ideya kung paano lutasin
ang problema
IV. Pagkilala sa problema at pagkalap ng mas
maraming impormasyon
A. III, IV, II, at I
B. IV, III, II at I
C. IV, III, I, at II
D. III, IV, I at II
9. Sa anong sitwasyon makikita ang pakikiisa
at pakikipagtulungan?
A. Bayanihan
B. Kapistahan
C. Prusisyon
D. Halalan
10. Sa anong grupo ng mga hayop mapagmamasdan
ang mabuting pamumuno, pagkakaisa, at pagtutulungan?
A. Talangka
B. Langgam
C. Paruparo
D. Palaka
11. Nais ni Mando na makahanap ng trabaho.
Aling parte ng pahayagan ang dapat niyang basahin?
A. Lathalain
B. Pangulong-tudling
C. Anunsyo-klasipikado
D. Orbitwaryo
12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang
MALI?
A. Magkaiba ang bio-data/resume at cover letter
ng aplikasyon
B. Magkaiba ang tagapanayam sa isang job at
informational interview
C. Magkaiba ang pagsusulat ng bio-data at
resume
D. Magkaiba ang layunin ng isang job at information interview
13. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi
natatapos ni Elisa ang kanyang gawain sa oras ng trabaho ay dahil tawag nang
tawag sa telepono ang kanyang mga kapamilya. Ano ang nararapat niyang gawin?
A. Patayin ang kanyang cell phone sa oras ng
trabaho.
B. Abisuhan ang kanilang sekretarya na huwag
ipasa sa kanya kapag kaanak ang tumatawag.
C. Talakayin at ipaliwanag sa mga kapamilya ang mga tuntunin o
regulasyon ng kumpanyang pinapasukan.
D. Huwag ibigay sa mga kapamilya ang numero
ng kanyang cell phone at telepono ng kumpanya.
14. Bago ang superbisor ni Tomas sa pinapasukang
talyer. Maliban sa taas ng pinag-aralan, batid niya na mas marami siyang
kaalaman at karanasan sa kanyang amo. Madalas ay hindi niya pinakikinggan ang
mga ideya ng kanyang boss. Kung magkaminsan ay hindi rin niya sinusunod ang
ipinag-uutos nito. Isang araw ay ipinatawag si Tomas ng may-ari ng talyer at
binigyan ng babala. Ano sa palagay mo ang katangiang kulang kay Tomas bilang
trabahador?
A. Pakikiisa at pakikipagtulungan
B. Pagsunod at pagrespeto sa nakatataas
C. Pakikisama
D. Aktibong pakikipag-usap
15.
Alin ang HINDI nakagagambala sa isang layunin o gawain?
A. Pagtuon sa iskedyul
B.
Maingay na kapaligiran
C.
Pagpapaliban ng mga dapat tapusin
D.
Ituring na magkakapareho ang bawa’t gawain
16.
Dahil sa layo ng nabiling bahay sa kumpanyang pinagtatrabahuhan, palaging huli
sa pagpasok si Adela. Ano ang maipapayo mo sa kanya?
A.
Humanap ng ibang trabaho at kumpanyang malapit sa tinitirhan
B.
Umuwi nang huli sa hapon para punan ang nahuling oras sa umaga
C. Pumasok nang mas maaga kaysa sa nakaugalian
D.
Lumipat ng tirahan na mas malapit sa pinapasukan
17.
Mapapangasiwaan nang tama ang oras sa bahay at/o trabaho kung WALA nito:
A.
Planning
B.
Prioritizing
C. Procrastinating
D. Organizing
18. Ano
ang resulta ng hindi pagsunod sa mga panuntunan o regulasyon sa
pinagtatrabahuhan?
A. Babala
B. Parusa
C. Pagkawala
ng trabaho
D. Lahat ng nabanggit
19. Alin ang HINDI bentahe ng tamang
pangangasiwa sa oras sa iyong pansariling buhay?
A. bawas utang at tensyon
B. promosyon sa trabaho
C. maraming oras sa pamilya at kaibigan
D. mas mainam na buhay-mag-asawa
20. Alin ang HINDI magandang pag-uugali at
asal sa pinagtatrabahuhan?
A. Kausapin ng positibo at may respeto ang
namumuno at kapwa kawani.
B. Iwasang pag-usapan ang mga isyung
pampamilya hangga’t maaari.
C. Balewalain ang mga puna o feedback ng mga namumuno at kapwa
kawani.
D. Maging matapat upang makuha ang respeto ng
namumuno at kapwa kawani.
MGA SAGOT:
1B 2A 3C 4D 5B 6A 7D 8C 9A 10B
11C 12D 13C 14B 15A 16C 17C 18D 19B 20 C
No comments:
Post a Comment