Module 7: Financial Fitness
“Maging matalino sa paggamit ng iyong pera upang magkaroon ng sapat na ipon”
Be wise in using your money to have enough
savings.
SESSION 3: SAVING
What are examples of things that people save? Why might they save them? (Ano-ano ang mga halimbawa ng mga bagay na iniimpok ng mga tao? Baka kaya nila ito itinatabi?)
Ang ilan sa mga itinatabi ng mga tao at kung bakit ay ang mga sumusunod:
1. Buto ng mga gulay o punong namumunga – Itinatabi ito ng mga tao upang makapagtanim muli, anihin, at gawing pagkain ang bunga ng mga ito.
2. Pagkain – Itinatabi ito ng mga tao upang kainin sa mga araw na salat sa pagkain o mahirap maghanap na makakain o makapagtanim
3. Salapi – Itinatabi ito ng mga tao upang ipambili ng biglang pangangailangan o ipambayad sa mga bayaring hindi inaasahan.
What is an example of something you or someone you know saved up for? How long did it take to save for that item? (Ano ang halimbawa ng isang bagay na pinaglaanan mo o ng isang kakilala ? Gaano katagal bago ito naimpok para sa bagay na iyon?)
Ang isang bagay na pinaglaanan ko ay cell phone. Apat na buwan akong pansamantalang magtrabaho sa isang groserya at nagtipid ng mga gastusin upang mabili ito dahil kailangang-kailangan ko ito sa aking pag-aaral sa Alternative Learning System o ALS.
“Everyone can save, whatever their income; it is a question of behavior.” What do you think is the meaning of this statement?
"Ang bawat isa ay maaaring makapag-impok, anuman ang kanilang kita;
ito ay usapin ng pag-uugali. " Ano sa palagay mo ang kahulugan ng pahayag
na ito?
Ang pahayag na ito ay nangangahulugan na kahit maliit lamang ang iyong kinikita, magagawa mo pa ring mag-impok kung gugustusin mo. Hindi dahilan ang liit ng kita upang hindi makapagtabi ng maliit na halaga. Kailangan lamang ang determinasyon at tamang pag-iisip upang magawa ito.
7.11: If I Won P5,000
Imagine that you just won P5,000. Knowing what you know about financial
fitness, how would you spend this money? How much would you save and for what?
Do this activity with a member of your family.
Isipin na nanalo ka lang ng P5,000. Base sa iyong nalalaman tungkol sa kalakasang
pananalapi, paano mo gugugulin ang perang
ito? Magkano ang iyong itatabi at para
saan?
Isagawa ang aktibidad na ito kasama ang isang miyembro ng pamilya.
Amount: (total must
reach P5,000) |
Spend for: |
Save for: |
100 |
Cell phone
load |
|
100 |
|
Bagong damit |
200 |
t-shirt |
|
2,000 |
50 kg of rice |
|
300 |
Bayad sa utang sa tindahan |
|
600 |
Groseri |
|
1,500 |
Bayad sa kuryente at tubig |
|
200 |
|
Hindi inaasahang
bagay/sitwasyon |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Reflect on how you would spend this money. Were you more inclined to spend or to save? What types of things would you spend on or save for? (Pagnilayan kung paano mo gagamitin ang perang ito. Mas kiling ka bang gumastos o mag-impok? Anong mga uri ng bagay ang paggagastusan mo o pag-iimpukan?)
Base sa listahan sa itaas, mas kiling akong gumastos kaysa mag-impok. Kita rin sa listahan na mas malaki ang aking ginagasta kaysa itinatabi. Gayunpaman, nakapagtabi pa rin ako kahit papaano. Kalimitan na ang pinaggagastusan ko ay ang pambili ng pagkain sa araw-araw at bayarin sa kuryente at tubig. Pinaglalaanan ko naman ang pambili ng bagong damit at panggastos sa mga hindi inaasahang bagay/sitwasyon.
Activity 5: Savings Goals
7.12: My Savings Goals
What are your savings goals? List them in the space that follows. (Ano-ano ang iyong mga layunin sa pag-iimpok? Ilista ang mga ito sa kasunod na espasyo.)
Activity 6: Where to Save My Money
What do you think are the risks of keeping your money inside your home? (Ano sa palagay mo ang mga panganib na mapanatili ang iyong pera sa loob ng iyong bahay?)
Kapag nanatili ang itinabing pera sa loob ng bahay, may posibilidad na nakawin ito, masunog, mabasa o kaya ay tangayin ng baha. May pagkakataon din na nasasayang ang perang itinago sa loob ng bagay kapag ito ay nakalimutan na o nailagay sa isang sisidlang maaaring makaapekto sa materyales ng salapi. Maaari ring kainin ng mga daga at kulisap ang perang itinabi sa bahay.
What places might be better alternatives for saving money? List them. Why might they be better options? (Anong mga lugar ang maaaring mas mahusay na mga kahalili para pag-impokan ng pera? Ilista ang mga ito. Bakit sila maaaring maging mas mahusay na mga pagpipilian?)
Ang mga sumusunod ang ilan sa mga alternatibong lugar na maaaring pag-impokan ng pera:
1. Bangko – Mas mainam na ilagay rito ang perang itinabi dahil ito ay mas ligtas at nagkakaroon pa ng tubo ang iyong inimpok.
2. Kooperatiba – Tulad ng bangko, mainam din na ilagak ang sobrang pera sa isang kooperatiba upang makatulong sa mga kasapi at magkaroon ng benepisyo mula rito.
3. Credit Union – Mahusay rin na ilagak sa isang credit union ang perang itinabi upang kumita ng interes at makautang din dito kung kinakailangan para sa pagbubukas ng negosyo o pambayad sa hindi inaasahang bayarin.
Let’s Exercise!
Fill in the blanks:
1. Universal and commercial banks offer the widest variety of banking services among financial institutions.
2. The thrift banking system provides short-term working capital (money) and medium- and long-term financing to businesses.
3. Typically, microfinance organizations are very small, are un-regulated and are focused on urban areas.
4. Rural and cooperative banks are the more popular type of banks in rural communities.
5. The Philippine banking system is composed of universal and commercial banks, thrift banks, rural and cooperative banks.
Think about it!
Knowing what you know now, how would you go about saving your money?
Where would you prefer to keep it? Why? Discuss with family members or friends.
It’s always great to share your ideas and hear more points of view.
Sa mga nalalaman mo na ngayon, paano mo iimpokin ang iyong pera? Saan mo nanaisin na itago ito? Bakit? Talakayin ito sa mga miyembro ng pamilya o kaibigan. Palaging mainam na ibahagi ang iyong mga ideya at marinig ang marami pang mga pananaw.
Sa aking mga nalalaman sa ngayon, iiwasan kong itago ang aking sobrang pera sa loob ng bahay dahil sa mga peligrong kaakibat nito tulad ng pagkabasa, pagkasunog, pagkasira o ang posibilidad na nakawin ito ng ibang tao. Sa halip, itatabi o ilalagak ko ito sa isang unibersal o bangkong pangkalakal upang manatili itong ligtas at magkaroon ng tubo o interes.
Session 3 – Writing
Space
Use this space to complete any of the written assignments above or write any thoughts or ideas that have come to mind about the topic.
Gamitin ang espasyo o puwang na ito upang makumpleto ang anuman sa mga
nakasulat na takdang-aralin sa itaas o sumulat ng anumang mga saloobin o ideya
na naisip ang tungkol sa paksa.
No comments:
Post a Comment