Wednesday, February 13, 2019

Learning Strand I – Sining Pangkomunikasyon - FILIPINO

Below are sample questions taken from previous ALS A&E Test. The answers are based on the author's own understanding. You may change the answer as you wish. Good Luck!

ALS A&E Reviewer –
Learning Strand I – Sining Pangkomunikasyon - FILIPINO

Para sa Bilang 1 – 4, basahin ang talata at piliin ang tamang sagot.
          Ika-18 kaarawan ni Ana kaya siya ay binigyan ng sopresang pagdiriwang ng kanyang mga magulang. Dumalo halos lahat ng kanyang malalapit na kaibigan at mga kamag-anak. Marami ring mga regalo ang kanyang tinanggap subalit para sa kanya, ang pinakamagandang regalo ay ang pagmamahal sa kanya ng kanyang mga magulang.

1. Bakit binigyan ng sopresang pagdiriwang ng kanyang mga magulang si Ana?
a. Pumasa si Ana sa pagka-doktor
b. Naguna sa klase si Ana
c. Nanalo sa isang paligsahan si Ana
D. KAARAWAN NI ANA

2. Ano ang itinuturing ni Ana na pinakamagandang regalo?
A. PAGMAMAHAL NG MAGULANG
b. Mamahaling alahas
c. Bagong damit
d. Pagdating ng mga kaibigan

3. Ano ang magandang titulo ng talata?
A. ANG PAGMAMAHAL NG MGA MAGULANG
b. Mamahaling Alahas
c. Bagong Damit
d. Pagdating ng mga Kaibigan

4. Ano ang maaaring maramdaman ni Ana sa oras na iyon?
a. Pangungulila
B. PAGKATUWA
c. Pagmamalaki
d. Pagdadalamhati

Para sa Bilang 5 – 13, basahin ang talata at piliin ang tamang sagot.

Ang suliranin sa polusyon ay patindi nang patindi. Ito ay dahil na rin sa pagkabutas ng ozone layer. Ang ozone layer ang nagsisilbing bubong upang hindi masunog ng radiation o ng matinding sinag ng araw ang balat ng tao. Ang global warming o pag-init ng mundo ay isa ring problema natin ngayon. Ito ay dulot ng labis na pagsusunog ng langis sa industriya at kahoy sa pagluluto. Ang labis na pagkasira ng ating kagubatan at pagkakalbo ng ating mga bundok ay nagdudulot din ng malaking suliranin at nagiging dahilan ng pagguho ng lupa.

5. Ano ang ozone layer?
a. Ito ang pag-iinit ng mundo.
b. Ito ay nagsisilbing bubong upang hindi masunog ang ating balat.
c. Ito ay ang pagkakalbo ng ating kagubatan.
d. Ito ang dahilan ng pagguho ng lupa.

6. Ang layunin ng artikulo ay upang?
a. Magbigay babala
c. Magbigay ng opinyon
b. Magbigay paliwanag
d. Magbigay ng payo

7. Ano ang epekto ng global warming?
a. Mahabang tag-tuyot
c. Pag-ulan ng yelo
b. Mahabang tag-ulan
d. Pagbaha sa mababang lugar

8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naaayon sa artikulong binasa?
a. Ang global warming ay ang labis na pag-iinit ng mundo.
b. Patindi nang patindi ang ating suliranin sa polusyon.
c. Ang pagguho ng lupa ay sanhi ng kakulangan sa tubig.
d. Ang ozone layer ay butas na

9. Ano ang maaari nating gawin upang masugpo ang problema natin sa kalikasan?
a. Magtanim ng mga puno.
b. Gumamit ng plastic.
c. Magsunog ng mga gulong na goma.
d. Tambakan ang mga ilog

10. Ang salitang LABIS sa talata ay inilalarawan ang salitang __________.
a. Dulot
b. Langis
c. Pagsusunog
d. Industriya

11. Ang salitang LABIS ay isang uri ng anong pananalita?
a. Pang-abay
b. Pandiwa
c. Pang-uri
d. Pangngalan

12. Ang salitang malaking ay isang uri ng anong pananalita?
a. Pang-abay
b. Pandiwa
c. Pang-uri
d. Pangngalan

13. Ano ang salitang inilalarawan ng salitang malaking?
a. Lupa
b. Pagguho
c. kagubatan
d. suliranin

Para sa Bilang 14 – 17, basahin ang talata at piliin ang tamang sagot.

Tumanggap  ng   liham   si  Lorna  mula  sa  kanyang  kapatid   sa  probinsya.  Bigla  siyang napahagulgol pagkatapos niyang mabasa ang liham. Nakasaad sa liham na dapat siyang umuwi kaagad dahil sa pagpanaw ng kanyang ama dahil sa sakit na kanser.

14. Ano ang nakasaad sa liham?
a. Namatay ang ama ni Lorna.
b. Kailangan umuwi ni Lorna dahil kaarawan ng kanyang ama.
c. Binabati si Lorna ng kanyang kapatid.
d. Nangongomusta ang kapatid ni Lorna.

15. Ano ang ikinamatay ng ama ni Lorna?
a. Aksidente sa sasakyan
b. Sakit na kanser
c. Pagkatanda
d. Pagkalunod

16. Ano sa palagay mo ang gagawin ni Lorna pagkatapos mabasa ang liham?
a. Ipagwalang bahala ang liham
b. Uuwi siya kaagad-agad
c. Magpapalipas ng sama ng loob sa parke
d. Ikukuwento sa kaibigan ang nangyari

17. Ano ang naramdaman ni Lorna pagkatapos mabasa ang liham?
a. Pagkatuwa
b. Pagkamangha
c. Pag-aalinlangan
d. Pagkalungkot

Para sa Bilang 18 – 21, basahin ang talata at piliin ang tamang sagot.

          Ang manlalarong Pilipino ang itinanghal na kampeyon sa pandaigdigang kompitisyon sa larangan ng bilyar. Tinalo ni Efren “Bata” Reyes ang mga batikang manlalaro ng bilyar sa iba’t-ibang panig ng mundo. Siya ay ginawaran ng tropeyo at halagang katumbas ng isang milyong piso.

18. Ano ang paligsahang sinalihan ng manlalarong si Efren “Bata” Reyes?
a. Boksing 
b. Basketball
c. Bilyar
d. Bowling

19. Gaano kalawak ang kompetisyon?
a. Pang-Asya
b. Pandaigdigan 
c. Pang-Europa
d. Panlokal

20. Ano ang gantimpala sa pagkapanalo niya?
a. Tropeyo
b. Isang milyong piso
c. Tropeyo at isang milyong piso
d. Medalya at tropeyo

21. Bilang isang Pilipino ano ang naramdaman mo nang mabasa mo ang artikulo?
a. Pagka-inggit
b. Pagkamuhi
c. Pagmamahal
d. Pagmamalaki

Para sa Bilang 22 – 25, basahin ang talata at piliin ang tamang sagot.

Malakas ang ulan. Ilang oras lamang ang nagdaan ay lampas tuhod na ang baha sa mga kalsada. May mga punongkahoy na nabuwal at may mga nagliliparang mga yero dahil sa lakas ng hangin.

22. Ano ang dahilan ng pagbaha at pagkabuwal ng mga puno?
a. May malakas na bagyo
b. Tag-ulan
c. May tsunami
d. May lindol

23. Ano ang maaaring idulot ng pangyayari?
a. Walang pasok ang paaralan
b. Masisira ang mga panananim
c. Tataas ang bilihin
d. Lahat ng nabanggit

24. Aling pangungusap ang HINDI nakasaad sa artikulo?
a. Mataas ang baha sa mga kalsada
b. Nagliliparan ang mga yero dahil sa malakas na hangin
c. Nagkaroon ng pagguho ng lupa
d. Malakas ang ulan

25. Anong emosyon ang nakapaloob sa artikulong binasa?
a. Pagkaligalig 
b. Pagkamuhi
c. Pagkatuwa
d. Pagmamalaki

Para sa Bilang 26 – 29, basahin ang patalastas at piliin ang tamang sagot.

PATALASTAS

Walang pasok ang lahat ng estudyante sa elementarya at sekondarya, pampubliko man o pribado.   Ito ay  dahil  sa anunsyo  ng Kagawaran   ng Edukasyon bunsod  sa  paparating  ng Bagyong Egay na may signal na 2. Ipinapayo sa lahat na mag-ingat.

26. Tungkol saan ang patalastas?
a. Suspensyon sa klase
b. Signal ng bagyo
c. Pangalan ng bagyo
d. Pag-iingat ng lahat

27. Bakit sinuspindi ang klase sa elementarya at sekondarya?
a. May pagdiriwang na gaganapin
b. May malakas na bagyong paparating
c. Idineklara ng Pangulo ng Pilipinas
d. Baha sa mga langsangan

28. Bakit kailangang mag-ingat?
a. Upang maiwasan ang maaksidente
b. Upang manatili sa bahay
c. Upang huwag pumasok ng paaralan
d. Lahat ng nabanggit

29. Anong uri ng pananalita ang Bagyong Egay?
a. Pandiwa
b. Pang-uri
c. Pang-abay
d. Pangngalan

Para sa Bilang 30 – 33, basahin ang babala at piliin ang tamang sagot.

BABALA

Ito ay pribadong pag-aari. Mahigpit na pinagbabawal ang pagpasok dito. Sino man ang mahuhuling pumasok ay pwedeng managot sa batas.

30. Ano ang isinasaad ng babala?
a. Ipinagbabawal ang pagpasok dahil ito ay pribadong pag-aari
b. Ang mga pribadong pag-aari ay hindi pwedeng pasukin.
c. Pwedeng ikulong ang mahuhuli
d. Magbabayad ng limang daang piso ang mahuhuli

31. Ano ang maaaring mangyari sa susuway sa babala?
a. Pwedeng managot sa batas
b. Makukulong ng isang buwan
c. Magbabayad ng hindi hihigit sa isang libong piso
d. Ibibitin ng patiwarik

32. Anong uri ng pananalita ang salitang mahigpit?
a. Pang-abay
b. Pang-uri
c. Pandiwa
d. Pangngalan

33. Ano ang salitang inilalarawan ng salitang mahigpit?
a. Pagpasok
b. Ipinagbabawal
c. Pribado
d. Pag-aari

Para sa Bilang 34 – 37, basahin ang patalastas at piliin ang tamang sagot.
PATALASTAS
Ano  : Libreng bakuna            
Saan : Barangay Health Center            
Sino : __________________           
Kailan: Ika-6 ng Agosto, 2010 mula alas 8:00 ng umaga  hanggang alas 4:00 ng hapon

34. Alin sa mga sumusunod ang maaaring isulat sa puwang?
a. Sabado
b. Mga bagong silang na sanggol
c. Kausapin ang doktor sa barangay
d. Bakuna para iwas polio.

35. Ang patalastas ay tungkol sa libreng bakuna. Ito ay isang programa ng anong ahensiya ng pamahalaan?
a. Kagawaran ng Edukasyon
b. Kagawaran ng Pananalapi
c. Kagawaran ng Turismo
d. Kagawaran ng Kalusugan

36. Ang ika-6 ng Agosto, 2010 ay anong uri ng pananalita?
a. Pandiwa
b. Pang-uri
c. Pang-abay
d. Pangngalan

37. Ang alas 8: 00 ng umaga ay anong uri ng pang-abay?
a. Pang-abay na pamanahon
b. Pang-abay na pamaraan
c. Pang- abay na panlunan
d. Wala sa nabanggit

Para sa Bilang 38 – 41, basahin ang babala at piliin ang tamang sagot

BABALA
Bawal magtapon ng basura dito.
Multa: P500.00 o dalawang araw na pagkakakulong

38. Tungkol saan ang babala?
a. Kalinisan ng barangay
b. Katahimikan ng barangay
c. Utos ng barangay
d. Pagkakakulong ng dalawang araw

39. Ano ang kaparusahan kapag hindi sinunod ang babala?
a. Isang daang libong piso
b. Paglilinis sa buong barangay
c. Limang daang piso o pagkakakulong ng dalawang araw
d. Pagkakakulong ng dalawang araw

40. Anong uri ng pangungusap ang “Bawal magtapon ng basura dito.”    
a. pasalaysay
b. pautos
c. patanong    
d. padamdam

41. Bakit kailangang ipagbawal ang pagtatapon ng basura sa ibang lugar?    
a. Maaaring pagmulan ng sakit    
b. Hindi magandang tingnan    
c. Maaring pagmulan ng pagbabara ng kanal    
d. lahat ng nabanggit

Para sa Bilang 42 – 44, basahin ang paskel at piliin ang tamang sagot.

Wanted Kahera

- Babae edad 18 hanggang 25
- Kailangang nakatungtong sa kolehiyo
- Tapat at masipag
- Hindi kailangan ang eksperiyensa

42. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naaayon sa anunsiyo?   
a. nangangailangan ng kahera   
b.babae o lalaki edad 18 hanggang 25   
c. kahit walang eksperiyensa pwedeng mag-apply   
d. tapat at masipag

43. Sa palagay ninyo bakit kailangan ang katapatan bilang isang kalidad ng isang kahera?   
a. Siya ang hahawak ng kaha at pera   
b. Baka siya tumakas   
c. Siya ay gagawing tresurero   
d. Baka siya lumipat sa iba.

44. Ang mga salitang TAPAT at MASIPAG ay anong uri ng pananalita?   
a. pandiwa
b. pang-uri
c. pang-abay    
d. pangngalan

Para sa Bilang 45 – 50, basahin ang mga bahagi ng liham at piliin ang tamang sagot.

I. Nagmamahal

II. Juana Abad Santos   
143 Liwayway St. Brgy Makyapo   
Guagua, Pampanga

III. Mahal kong Kaibigang Juana,

IV. Kumusta ka na? Matagal na rin tayong hindi nagkikita mula nang malipat kami ng tirahan.   Kumusta  na   sina  Aida,  Lorna  at  Fe?  May   mga kaibigan   na  rin ako  dito  sa Batangas at tulad ninyo mababait din sila. Sana makapunta ka dito at nang makilala mo sila.

V. Sylvia

VI. Ika-8 ng Agosto, 2010

45. Paano ang wastong pagkaka-sunod-sunod ng liham?
a. II, VI,  III, IV, I, V
b. VI, II, III, IV, I, V
c. II, III, IV, I, V, VI
d. III, IV, II, I, VI, V

46. Anong uri ng liham ang nasa itaas?
a. Liham pangangalakal
b. Liham imbitasyon
c. Liham pangkaibigan
d. Liham Paumanhin

47. Bakit sumulat si Sylvia kay Juana?
a. Nangungumusta
b. Nagtatanong
c. Nag-aalala
d. Nagyayabang

48. Anong uri ng pangungusap ang “Kumusta ka na?”
a. Pangungusap na pasalaysay
b. Pangungusap na padamdam
c. Pangungusap na pautos
d. Pangungusap na patanong

49. Bakit matagal na hindi nagkita ang magkaibigan?
a. Lumipat ng tirahan sina Sylvia
b. Nagtrabaho sa Batangas si Sylvia
c. Lumipat ng tirahan si Juana
d. Lumayo si Juana

50. Anong uri ng pangungusap ang “Mayroon na rin akong mga bagong kaibigan dito.”
a. Pangungusap na pasalaysay
b. Pangungusap na padamdam
c. Pangungusap na pautos
d. Pangungusap na patanong

Para sa Bilang 51 – 55, basahin ang mga bahagi ng liham at piliin ang tamang sagot.

I.   Ginoo:

II. Gumagalang,

III. Nabasa ko sa pahayagan ang inyong anunsiyo na nangangailangan ang inyong      kumpanya ng bagong sekretarya. Nais ko po sanang tugunan ang inyong anunsiyo. Ako po si Bb. Clara Lopez, 21 taong gulang, dalaga at kasalukuyang nakatira sa 24 Ilang-Ilang St., Tondo, Manila. Ako po ay nagtapos ng kursong sekretaryal sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Kalakip po ang liham na ito ang aking bio data. Maaari po akong makipagkita sa anumang oras na naisin ninyo.

IV. Ang Pangulo    
Ace Publishing House    
Makati City

V. Ika-24 ng Agosto, 2009

51. Anong uri ng liham ang nakasulat sa itaas?
a. Liham pag-aaplay
b. Liham pangkaibigan  
c. Liham Paanyaya
d. Liham Pakikiramay

52. Paano ang wastong pagka-sunod-sunod ng bahagi ng liham?
a. IV, III, II, I, V
b. V, II, I, III, IV
c. V, IV, I, III, II
d. II, I, IV, III, V

53. Ano ang tawag sa bahagi ng liham na nakasaad ang lugar ng sinulatan?
a. Bating panimula
b. Pamuhatan
c. Katawan
d. Lagda

54. Anong uri ng pangungusap ang “Nais ko pong tugunan ang inyong anunsiyo”?
a. Pangungusap na padamdam
b. Pangungusap na pasalaysay
c. Pangungusap na pautos
d. Pangungusap na patanong

55. Bakit sumulat si Clara Lopez sa Pangulo ng Ace Publishing?
a. Nais niyang mag-aplay bilang sekretarya
b. Nais niyang mag-sulat sa Ace Publishing
c. Nais niyang kumustahin ang pangulo
d. Wala sa nabanggit

Para sa Bilang 56 – 60, basahin ang seleksyon at piliin ang tamang sagot.

Sinigang na Bangus

Ang sinigang na bangus ay isa sa mga paboritong lutuing Pilipino. Ang mainit at maasim na sabaw nito ay nagbibigay gana sa mga kakain nito. Ito ay sinasabing kumpletong ulam dahil ito ay may sabaw, mga gulay at isda. Madali lamang ang pagluluto ng sinigang na  bangus. Una, magpakulo ng 3 basong tubig kasama ng asin at gagamiting pang-asim tulad ng kamias, sampalok, mangga o santol. Kapag malambot na ang pang-asim, ito ay durugin at salain lalo na kung ito ay sampalok o kamias. Ilagay ang isdang bangus na malinis at hiniwa sa 3 o 4 na parte at kasabay nito ay ihalo rin ang gulay gaya ng labanos, sitaw, talong, at kangkong. Mas magiging masarap ang sinigang na bangus kung ito ay lalagyan ng siling haba.

56. Ayon sa talata, ano ang sinigang na bangus?
a. Paboritong panghimagas
b. Kumpletong ulam
c. Ulam na may sabaw
d. Pagkaing intsik

57. Alin sa mga pangungusap ang HINDI totoo?
a. Ang sinigang na bangus ay may halong gulay.
b. Ang sinigang na bangus ay isa sa mga paboritong lutuing Pilipino.
c. Dapat durugin at salain ang sampalok o kamias kapag malambot na.
d. Hindi dapat lagyan ng siling haba ang sinigang na bangus

58. Ayon sa talata, paano mas masarap ang sinigang na bangus?
a. Unahing pakuluan ang isda
b. Lagyan ng labanos ang sabaw
c. Lagyan ng siling haba
d. Sampalok ang gawing pang-asim

59. Ayon sa talata, ano ang nagbibigay gana sa pagkain ng sinigang na bangus?
a. Siling haba
b. Mga gulay
c. Mainit at maasim na sabaw
d. Sariwang bangus

60. Isaayos ang tamang proseso ng pagluluto ng sinigang na bangus.
I. Durugin at salain ang pang-asim
II. Magpakulo ng 3 basong tubig
III. Ilagay ang gulay
IV. Ilagay ang siling haba

a. I, II, III, IV
b. III, I, II, IV
c. II, I, IV, III
d. IV, III, I, II

1
BAHAGI 1- SINING PANGKOMUNIKASYON
Basahin ang talata at piliin ang tamang sagot.
Ika-18 kaarawan ni Ana kaya siya ay binigyan ng sorpresang pagdiriwang ng kanyang
mga magulang. Dumalo halos lahat ng kanyang  malalapit na kaibigan  at mga kamag-anak.
Marami ring mga regalo ang kanyang tinanggap subalit para sa kanya ang pinakamagandang
regalo ay ang pagmamahal sa kanya ng kanyang mga magulang.
1. Bakit bibigyan ng sorpresang pagdiriwang ng kanyang mga magulang si Ana?
a. Pumasa si Ana sa pagka-doktor.
b. Nanguna sa klase si Ana.
c. Nanalo sa isang paligsahan si Ana.
d. Kaarawan ni Ana.
2. Ano ang itinuturing ni Ana na pinakamagandang regalo?
a. Pagmamahal ng magulang
b. Mamahaling alahas
c. Bagong gamit
d. Pagdating ng mga kaibigan
3. Ano ang magandang titulo ng talata?
a. Ang pagmamahal ng mga magulang
b. Mamahaling alahas
c. Bagong damit
d. Pagdating ng mga kaibigan
4. Ano ang maaaring naramdaman ni Ana sa oras na iyon?
a. Pangungulila c. pagmamalaki
b. Pagkatuwa d. pagdadalamhati
Ang suliranin sa polusyon ay patindi ng patindi. Ito ay dahil na rin sa pagkabutas ng
ozone layer. Ang ozone layer ang nagsisilbing bubong upang hindi masunog ng radiation o ng
matinding sinag ng araw ang balat ng tao.
Ang global warming o pag-init ng mundo ay isa ring problema natin ngayon. Ito ay dulot
ng labis na pagsusunog ng langis sa industriya at kahoy sa pagluluto. Ang labis na pagkasira ng
ating kagubatan at pagkakalbo ng ating mga bundok ay nagdudulot din ng malaking suliranin at
nagiging dahilan ng pagguho ng lupa.

a. Magbigay babala c. Magbigay ng opinyon
b. Magbigay paliwanag d. Magbigay ng payo
7. Ano ang epekto ng global warming?
a. Mahabang tag-tuyot c. Pag-ulan ng yelo
b. Mahabang tag-ulan d. Pagbaha sa mababang lugar
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi naaayon sa artikulong binasa?

=========================================================

Para sa Bilang 1 – 4, basahin ang talata at piliin ang tamang sagot.
          Ika-18 kaarawan ni Ana kaya siya ay binigyan ng sopresang pagdiriwang ng kanyang mga magulang. Dumalo halos lahat ng kanyang malalapit na kaibigan at mga kamag-anak. Marami ring mga regalo ang kanyang tinanggap subalit para sa kanya, ang pinakamagandang regalo ay ang pagmamahal sa kanya ng kanyang mga magulang.

1. Bakit binigyan ng sopresang pagdiriwang ng kanyang mga magulang si Ana?
a. Pumasa si Ana sa pagka-doktor
b. Naguna sa klase si Ana
c. Nanalo sa isang paligsahan si Ana
D. KAARAWAN NI ANA

2. Ano ang itinuturing ni Ana na pinakamagandang regalo?
A. PAGMAMAHAL NG MAGULANG
b. Mamahaling alahas
c. Bagong damit
d. Pagdating ng mga kaibigan

3. Ano ang magandang titulo ng talata?
A. ANG PAGMAMAHAL NG MGA MAGULANG
b. Mamahaling Alahas
c. Bagong Damit
d. Pagdating ng mga Kaibigan

4. Ano ang maaaring maramdaman ni Ana sa oras na iyon?
a. Pangungulila
B. PAGKATUWA
c. Pagmamalaki
d. Pagdadalamhati

Para sa Bilang 5 – 13, basahin ang talata at piliin ang tamang sagot.

Ang suliranin sa polusyon ay patindi nang patindi. Ito ay dahil na rin sa pagkabutas ng ozone layer. Ang ozone layer ang nagsisilbing bubong upang hindi masunog ng radiation o ng matinding sinag ng araw ang balat ng tao. Ang global warming o pag-init ng mundo ay isa ring problema natin ngayon. Ito ay dulot ng labis na pagsusunog ng langis sa industriya at kahoy sa pagluluto. Ang labis na pagkasira ng ating kagubatan at pagkakalbo ng ating mga bundok ay nagdudulot din ng malaking suliranin at nagiging dahilan ng pagguho ng lupa.

5. Ano ang ozone layer?
a. Ito ang pag-iinit ng mundo.
b. Ito ay nagsisilbing bubong upang hindi masunog ang ating balat.
c. Ito ay ang pagkakalbo ng ating kagubatan.
d. Ito ang dahilan ng pagguho ng lupa.

6. Ang layunin ng artikulo ay upang?
a. Magbigay babala
c. Magbigay ng opinyon
b. Magbigay paliwanag
d. Magbigay ng payo

7. Ano ang epekto ng global warming?
a. Mahabang tag-tuyot
c. Pag-ulan ng yelo
b. Mahabang tag-ulan
d. Pagbaha sa mababang lugar

8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naaayon sa artikulong binasa?
a. Ang global warming ay ang labis na pag-iinit ng mundo.
b. Patindi nang patindi ang ating suliranin sa polusyon.
c. Ang pagguho ng lupa ay sanhi ng kakulangan sa tubig.
d. Ang ozone layer ay butas na

9. Ano ang maaari nating gawin upang masugpo ang problema natin sa kalikasan?
a. Magtanim ng mga puno.
b. Gumamit ng plastic.
c. Magsunog ng mga gulong na goma.
d. Tambakan ang mga ilog

10. Ang salitang LABIS sa talata ay inilalarawan ang salitang __________.
a. Dulot
b. Langis
c. Pagsusunog
d. Industriya

11. Ang salitang LABIS ay isang uri ng anong pananalita?
a. Pang-abay
b. Pandiwa
c. Pang-uri
d. Pangngalan

12. Ang salitang malaking ay isang uri ng anong pananalita?
a. Pang-abay
b. Pandiwa
c. Pang-uri
d. Pangngalan

13. Ano ang salitang inilalarawan ng salitang malaking?
a. Lupa
b. Pagguho
c. kagubatan
d. suliranin

Para sa Bilang 14 – 17, basahin ang talata at piliin ang tamang sagot.

Tumanggap  ng   liham   si  Lorna  mula  sa  kanyang  kapatid   sa  probinsya.  Bigla  siyang napahagulgol pagkatapos niyang mabasa ang liham. Nakasaad sa liham na dapat siyang umuwi kaagad dahil sa pagpanaw ng kanyang ama dahil sa sakit na kanser.

14. Ano ang nakasaad sa liham?
a. Namatay ang ama ni Lorna.
b. Kailangan umuwi ni Lorna dahil kaarawan ng kanyang ama.
c. Binabati si Lorna ng kanyang kapatid.
d. Nangongomusta ang kapatid ni Lorna.

15. Ano ang ikinamatay ng ama ni Lorna?
a. Aksidente sa sasakyan
b. Sakit na kanser
c. Pagkatanda
d. Pagkalunod

16. Ano sa palagay mo ang gagawin ni Lorna pagkatapos mabasa ang liham?
a. Ipagwalang bahala ang liham
b. Uuwi siya kaagad-agad
c. Magpapalipas ng sama ng loob sa parke
d. Ikukuwento sa kaibigan ang nangyari

17. Ano ang naramdaman ni Lorna pagkatapos mabasa ang liham?
a. Pagkatuwa
b. Pagkamangha
c. Pag-aalinlangan
d. Pagkalungkot

Para sa Bilang 18 – 21, basahin ang talata at piliin ang tamang sagot.

          Ang manlalarong Pilipino ang itinanghal na kampeyon sa pandaigdigang kompitisyon sa larangan ng bilyar. Tinalo ni Efren “Bata” Reyes ang mga batikang manlalaro ng bilyar sa iba’t-ibang panig ng mundo. Siya ay ginawaran ng tropeyo at halagang katumbas ng isang milyong piso.

18. Ano ang paligsahang sinalihan ng manlalarong si Efren “Bata” Reyes?
a. Boksing 
b. Basketball
c. Bilyar
d. Bowling

19. Gaano kalawak ang kompetisyon?
a. Pang-Asya
b. Pandaigdigan 
c. Pang-Europa
d. Panlokal

20. Ano ang gantimpala sa pagkapanalo niya?
a. Tropeyo
b. Isang milyong piso
c. Tropeyo at isang milyong piso
d. Medalya at tropeyo

21. Bilang isang Pilipino ano ang naramdaman mo nang mabasa mo ang artikulo?
a. Pagka-inggit
b. Pagkamuhi
c. Pagmamahal
d. Pagmamalaki

Para sa Bilang 22 – 25, basahin ang talata at piliin ang tamang sagot.

Malakas ang ulan. Ilang oras lamang ang nagdaan ay lampas tuhod na ang baha sa mga kalsada. May mga punongkahoy na nabuwal at may mga nagliliparang mga yero dahil sa lakas ng hangin.

22. Ano ang dahilan ng pagbaha at pagkabuwal ng mga puno?
a. May malakas na bagyo
b. Tag-ulan
c. May tsunami
d. May lindol

23. Ano ang maaaring idulot ng pangyayari?
a. Walang pasok ang paaralan
b. Masisira ang mga panananim
c. Tataas ang bilihin
d. Lahat ng nabanggit

24. Aling pangungusap ang HINDI nakasaad sa artikulo?
a. Mataas ang baha sa mga kalsada
b. Nagliliparan ang mga yero dahil sa malakas na hangin
c. Nagkaroon ng pagguho ng lupa
d. Malakas ang ulan

25. Anong emosyon ang nakapaloob sa artikulong binasa?
a. Pagkaligalig 
b. Pagkamuhi
c. Pagkatuwa
d. Pagmamalaki

Para sa Bilang 26 – 29, basahin ang patalastas at piliin ang tamang sagot.

PATALASTAS

Walang pasok ang lahat ng estudyante sa elementarya at sekondarya, pampubliko man o pribado.   Ito ay  dahil  sa anunsyo  ng Kagawaran   ng Edukasyon bunsod  sa  paparating  ng Bagyong Egay na may signal na 2. Ipinapayo sa lahat na mag-ingat.

26. Tungkol saan ang patalastas?
a. Suspensyon sa klase
b. Signal ng bagyo
c. Pangalan ng bagyo
d. Pag-iingat ng lahat

27. Bakit sinuspindi ang klase sa elementarya at sekondarya?
a. May pagdiriwang na gaganapin
b. May malakas na bagyong paparating
c. Idineklara ng Pangulo ng Pilipinas
d. Baha sa mga langsangan

28. Bakit kailangang mag-ingat?
a. Upang maiwasan ang maaksidente
b. Upang manatili sa bahay
c. Upang huwag pumasok ng paaralan
d. Lahat ng nabanggit

29. Anong uri ng pananalita ang Bagyong Egay?
a. Pandiwa
b. Pang-uri
c. Pang-abay
d. Pangngalan

Para sa Bilang 30 – 33, basahin ang babala at piliin ang tamang sagot.

BABALA

Ito ay pribadong pag-aari. Mahigpit na pinagbabawal ang pagpasok dito. Sino man ang mahuhuling pumasok ay pwedeng managot sa batas.

30. Ano ang isinasaad ng babala?
a. Ipinagbabawal ang pagpasok dahil ito ay pribadong pag-aari
b. Ang mga pribadong pag-aari ay hindi pwedeng pasukin.
c. Pwedeng ikulong ang mahuhuli
d. Magbabayad ng limang daang piso ang mahuhuli

31. Ano ang maaaring mangyari sa susuway sa babala?
a. Pwedeng managot sa batas
b. Makukulong ng isang buwan
c. Magbabayad ng hindi hihigit sa isang libong piso
d. Ibibitin ng patiwarik

32. Anong uri ng pananalita ang salitang mahigpit?
a. Pang-abay
b. Pang-uri
c. Pandiwa
d. Pangngalan

33. Ano ang salitang inilalarawan ng salitang mahigpit?
a. Pagpasok
b. Ipinagbabawal
c. Pribado
d. Pag-aari

Para sa Bilang 34 – 37, basahin ang patalastas at piliin ang tamang sagot.
PATALASTAS
Ano  : Libreng bakuna            
Saan : Barangay Health Center            
Sino : __________________           
Kailan: Ika-6 ng Agosto, 2010 mula alas 8:00 ng umaga  hanggang alas 4:00 ng hapon

34. Alin sa mga sumusunod ang maaaring isulat sa puwang?
a. Sabado
b. Mga bagong silang na sanggol
c. Kausapin ang doktor sa barangay
d. Bakuna para iwas polio.

35. Ang patalastas ay tungkol sa libreng bakuna. Ito ay isang programa ng anong ahensiya ng pamahalaan?
a. Kagawaran ng Edukasyon
b. Kagawaran ng Pananalapi
c. Kagawaran ng Turismo
d. Kagawaran ng Kalusugan

36. Ang ika-6 ng Agosto, 2010 ay anong uri ng pananalita?
a. Pandiwa
b. Pang-uri
c. Pang-abay
d. Pangngalan

37. Ang alas 8: 00 ng umaga ay anong uri ng pang-abay?
a. Pang-abay na pamanahon
b. Pang-abay na pamaraan
c. Pang- abay na panlunan
d. Wala sa nabanggit

Para sa Bilang 38 – 41, basahin ang babala at piliin ang tamang sagot

BABALA
Bawal magtapon ng basura dito.
Multa: P500.00 o dalawang araw na pagkakakulong

38. Tungkol saan ang babala?
a. Kalinisan ng barangay
b. Katahimikan ng barangay
c. Utos ng barangay
d. Pagkakakulong ng dalawang araw

39. Ano ang kaparusahan kapag hindi sinunod ang babala?
a. Isang daang libong piso
b. Paglilinis sa buong barangay
c. Limang daang piso o pagkakakulong ng dalawang araw
d. Pagkakakulong ng dalawang araw

40. Anong uri ng pangungusap ang “Bawal magtapon ng basura dito.”    
a. pasalaysay
b. pautos
c. patanong    
d. padamdam

41. Bakit kailangang ipagbawal ang pagtatapon ng basura sa ibang lugar?    
a. Maaaring pagmulan ng sakit    
b. Hindi magandang tingnan    
c. Maaring pagmulan ng pagbabara ng kanal    
d. lahat ng nabanggit

Para sa Bilang 42 – 44, basahin ang paskel at piliin ang tamang sagot.

Wanted Kahera

- Babae edad 18 hanggang 25
- Kailangang nakatungtong sa kolehiyo
- Tapat at masipag
- Hindi kailangan ang eksperiyensa

42. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naaayon sa anunsiyo?   
a. nangangailangan ng kahera   
b.babae o lalaki edad 18 hanggang 25   
c. kahit walang eksperiyensa pwedeng mag-apply   
d. tapat at masipag

43. Sa palagay ninyo bakit kailangan ang katapatan bilang isang kalidad ng isang kahera?   
a. Siya ang hahawak ng kaha at pera   
b. Baka siya tumakas   
c. Siya ay gagawing tresurero   
d. Baka siya lumipat sa iba.

44. Ang mga salitang TAPAT at MASIPAG ay anong uri ng pananalita?   
a. pandiwa
b. pang-uri
c. pang-abay    
d. pangngalan

Para sa Bilang 45 – 50, basahin ang mga bahagi ng liham at piliin ang tamang sagot.

I. Nagmamahal

II. Juana Abad Santos   
143 Liwayway St. Brgy Makyapo   
Guagua, Pampanga

III. Mahal kong Kaibigang Juana,

IV. Kumusta ka na? Matagal na rin tayong hindi nagkikita mula nang malipat kami ng tirahan.   Kumusta  na   sina  Aida,  Lorna  at  Fe?  May   mga kaibigan   na  rin ako  dito  sa Batangas at tulad ninyo mababait din sila. Sana makapunta ka dito at nang makilala mo sila.

V. Sylvia

VI. Ika-8 ng Agosto, 2010

45. Paano ang wastong pagkaka-sunod-sunod ng liham?
a. II, VI,  III, IV, I, V
b. VI, II, III, IV, I, V
c. II, III, IV, I, V, VI
d. III, IV, II, I, VI, V

46. Anong uri ng liham ang nasa itaas?
a. Liham pangangalakal
b. Liham imbitasyon
c. Liham pangkaibigan
d. Liham Paumanhin

47. Bakit sumulat si Sylvia kay Juana?
a. Nangungumusta
b. Nagtatanong
c. Nag-aalala
d. Nagyayabang

48. Anong uri ng pangungusap ang “Kumusta ka na?”
a. Pangungusap na pasalaysay
b. Pangungusap na padamdam
c. Pangungusap na pautos
d. Pangungusap na patanong

49. Bakit matagal na hindi nagkita ang magkaibigan?
a. Lumipat ng tirahan sina Sylvia
b. Nagtrabaho sa Batangas si Sylvia
c. Lumipat ng tirahan si Juana
d. Lumayo si Juana

50. Anong uri ng pangungusap ang “Mayroon na rin akong mga bagong kaibigan dito.”
a. Pangungusap na pasalaysay
b. Pangungusap na padamdam
c. Pangungusap na pautos
d. Pangungusap na patanong

Para sa Bilang 51 – 55, basahin ang mga bahagi ng liham at piliin ang tamang sagot.

I.   Ginoo:

II. Gumagalang,

III. Nabasa ko sa pahayagan ang inyong anunsiyo na nangangailangan ang inyong      kumpanya ng bagong sekretarya. Nais ko po sanang tugunan ang inyong anunsiyo. Ako po si Bb. Clara Lopez, 21 taong gulang, dalaga at kasalukuyang nakatira sa 24 Ilang-Ilang St., Tondo, Manila. Ako po ay nagtapos ng kursong sekretaryal sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Kalakip po ang liham na ito ang aking bio data. Maaari po akong makipagkita sa anumang oras na naisin ninyo.

IV. Ang Pangulo    
Ace Publishing House    
Makati City

V. Ika-24 ng Agosto, 2009

51. Anong uri ng liham ang nakasulat sa itaas?
a. Liham pag-aaplay
b. Liham pangkaibigan  
c. Liham Paanyaya
d. Liham Pakikiramay

52. Paano ang wastong pagka-sunod-sunod ng bahagi ng liham?
a. IV, III, II, I, V
b. V, II, I, III, IV
c. V, IV, I, III, II
d. II, I, IV, III, V

53. Ano ang tawag sa bahagi ng liham na nakasaad ang lugar ng sinulatan?
a. Bating panimula
b. Pamuhatan
c. Katawan
d. Lagda

54. Anong uri ng pangungusap ang “Nais ko pong tugunan ang inyong anunsiyo”?
a. Pangungusap na padamdam
b. Pangungusap na pasalaysay
c. Pangungusap na pautos
d. Pangungusap na patanong

55. Bakit sumulat si Clara Lopez sa Pangulo ng Ace Publishing?
a. Nais niyang mag-aplay bilang sekretarya
b. Nais niyang mag-sulat sa Ace Publishing
c. Nais niyang kumustahin ang pangulo
d. Wala sa nabanggit

Para sa Bilang 56 – 60, basahin ang seleksyon at piliin ang tamang sagot.

Sinigang na Bangus

Ang sinigang na bangus ay isa sa mga paboritong lutuing Pilipino. Ang mainit at maasim na sabaw nito ay nagbibigay gana sa mga kakain nito. Ito ay sinasabing kumpletong ulam dahil ito ay may sabaw, mga gulay at isda. Madali lamang ang pagluluto ng sinigang na  bangus. Una, magpakulo ng 3 basong tubig kasama ng asin at gagamiting pang-asim tulad ng kamias, sampalok, mangga o santol. Kapag malambot na ang pang-asim, ito ay durugin at salain lalo na kung ito ay sampalok o kamias. Ilagay ang isdang bangus na malinis at hiniwa sa 3 o 4 na parte at kasabay nito ay ihalo rin ang gulay gaya ng labanos, sitaw, talong, at kangkong. Mas magiging masarap ang sinigang na bangus kung ito ay lalagyan ng siling haba.

56. Ayon sa talata, ano ang sinigang na bangus?
a. Paboritong panghimagas
b. Kumpletong ulam
c. Ulam na may sabaw
d. Pagkaing intsik

57. Alin sa mga pangungusap ang HINDI totoo?
a. Ang sinigang na bangus ay may halong gulay.
b. Ang sinigang na bangus ay isa sa mga paboritong lutuing Pilipino.
c. Dapat durugin at salain ang sampalok o kamias kapag malambot na.
d. Hindi dapat lagyan ng siling haba ang sinigang na bangus

58. Ayon sa talata, paano mas masarap ang sinigang na bangus?
a. Unahing pakuluan ang isda
b. Lagyan ng labanos ang sabaw
c. Lagyan ng siling haba
d. Sampalok ang gawing pang-asim

59. Ayon sa talata, ano ang nagbibigay gana sa pagkain ng sinigang na bangus?
a. Siling haba
b. Mga gulay
c. Mainit at maasim na sabaw
d. Sariwang bangus

60. Isaayos ang tamang proseso ng pagluluto ng sinigang na bangus.
I. Durugin at salain ang pang-asim
II. Magpakulo ng 3 basong tubig
III. Ilagay ang gulay
IV. Ilagay ang siling haba

a. I, II, III, IV
b. III, I, II, IV
c. II, I, IV, III
d. IV, III, I, II

1
=====================

Monday, February 11, 2019

2018 ALS A&E Reviewer - DEVELOPMENT OF SELF and ONE'S WORLD VISION

Below is the Alternative Learning System (ALS) Accreditation & Equivalency (A&E) Reviewer for Learning Strand IV & V- Development of Self and Sense of Community and Expanding One's World Vision , taken from 2016 & 2018 A&E Test. The answers are purely based on the author's understanding. You may change any answer as you may seem fit. Some questions are modified. Good Luck!

Learning Strand IV & V – Development of Self and Sense of  Community/ Expanding One’s World Vision
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang isang huwarang ama ay hindi nagpapakita ng ganitong katangian:
A. Pagbibigay ng oras at panahon tuwing Sabado at Linggo
B. Pagsusugal at pag-inom ng alak kasama ang barkada
C. Pagtulong sa pag-aalaga ng mga anak
D. Paghahanapbuhay para sa pamilya

2. Ang mga deboto ay dumarayo sa Quiapo tuwing Enero sa pagdiriwang ng ______.
A. Pista ng Itim na Nazareno
B. Pista ng Sto. Nino
C. Pista ng Birhen Sto. Rosario
D. Pista ni San Juan de Bautista

3. Ang “Unity in Diversity” ng mga bansa at kultura sa mundo ay makakamtan sa pamamagitan ng _____.
A. pagtataguyod ng interes ng sariling bansa
B. pagbuo ng samahang internasyunal laban sa malalaking bansa
C. pagkilala at pag-unawa sa pagkakaiba ng kultura ng bawa’t bansa
D. pagtanggap ng pamumuno ng mga malalaki at mayayamang bansa

4. Nakatapos si Clara ng Junior High School subali’t dahil sa kahirapan ay hindi na siya nakapagpatuloy pa ng pag-aaral. Nagtrabaho siya sa umaga at kumuha ng kurso sa Tesda hanggang makatapos siya ng kursong Commercial Cookery.  Siya ngayon ay nagmamay-ari ng pamosong restaurant sa bayan. Anong katangian mayroon si Clara?
A. matapat at mapagkumbaba
B. masayahin at magiliw
C. matiyaga at determinado
D. ambisyosa at mayabang

5. Isa sa mga bansang nasa ibaba ay hindi nabibilang sa pinakamayayamang bansa sa mundo?
A. China      
B. Japan
C. Amerika
D. Malaysia

6. Mainam ang kampanyang “Laban Kontra Droga” ng Pangulong Duterte dahil ______.
A. maiiwasan ang pang-aabuso sa kababaihan at kabataan
B. maiiwasan ang pagkalat ng krimen
C. maisasalba ang mga taong gumagamit ng droga
D. lahat nang nabanggit

7. Bagong lipat ang iyong kapitbahay na si Monica. Maigsi siyang magdamit, naninigarilyo, at laging mamula-mula ang mga labi at pisngi. Paano mo maipakikita ang magandang pakikitungo sa kanya?
A. Tumingin sa kanyang negatibong katangian
B. Umayon kung ano ang iyong unang pagkakilala sa kanya
C. Kilalanin muna siya bago humusga
D. Lahat nang nabanggit

8. Maipapatupad nang maayos ang anumang proyekto sa barangay kung susundin lamang ang mga panukala sa ibaba maliban sa ______.
A. Mag-isang gagawin ng lider ang mga proyekto upang hindi makaabala sa mga kabarangay
B. May partisipasyon sa pagpaplano ang mga naninirahan sa barangay
C. Hinihingi ang opinyon ng bawa’t naninirahan sa barangay
D. Pinapayagang magbigay ng mungkahi ang sino mang naninirahan sa barangay

9. Ang mga batang Pilipino ay may mga karapatan. Hindi kabilang dito ang ____.
A. makapaglaro
B. makapagtrabaho
C. mahubog ang potensyal
D. ipanganak at magkaroon ng pangalan

10. Isa sa mga indikasyon ng maunlad na ekonomiya ay ang ______.
A. pagdagsa ng mga produkto mula sa labas ng bansa
B. mataas na unemployment rate
C. laki ng populasyon kumpara sa laki ng bansa
D. maayos na sistema ng transportasyon

11. Bilang tagapagitan sa isang sigalot na kinasasangkutan ng dalawang pangkat, ano ang nararapat mong gawin?
A. panigan kung sino ang nabugbog o naagrabiyado nang husto
B. sisihin ang naunang nanakit
C. pakinggan ang bawa’t panig bago magbigay ng payo at desisyon
D. pagbawalang magkita pa ang dalawang panig
12. Ang banyagang institusyong ito ay nagpapautang ng pantustos para sa mga proyektong pagpapaunlad ng isang bansa. Ano ito?
A. United Nations
B. World Bank
C. Development Bank of the Philippines
D. Land Bank of the Philippines

13. Ang kahulugan ng pagtingin sa sarili ay _____.
A. pananaw ng iyong pamilya sa iyo
B. pananaw ng mga kaibigan mo sa iyo
C. pananaw mo sa iyong pamilya
D. pananaw mo sa iyong sarili

14. Nakikilala ang pangkat etnolingguistikong Pilipino ng mga pangkat dahil sa kanyang wikang ginagamit. Ano sa mga sumusunod ang ginagamit ng mga Bisaya?
A. Ilonggo
B. Waray
C. Hiligaynon
D. lahat nang nabanggit

15. Nakita mong sinira ng iyong kapitbahay ang bakod ng kabila mong kapitbahay na walang tao. Ano ang dapat mong gawin?
A. Kausapin siya nang maayos na mali ang kanyang ginawa
B. Huwag siyang pansinin
C. Pagsalitaan siya ng masama
D. Gamitan siya ng dahas

16. Ano ang pangunahing gawain ng mga Muslim sa buwan ng Ramadan?
A. Nagbabakasyon
B. Nag-aayuno
C. Nagsasayaw
D. Nakikipagkaibigan

17. Anong isyung pagkapaligiran ang kasalukuyang hinahanapan at patuloy na hinahanapan ng solusyon sa buong mundo?
A. Polusyon
B. Terorismo
C. Erosyon
D. Droga

18. Ang karapatang pansarili ( right to privacy) ay mahalagang karapatan ng bawa’t isa. Ito ay maaaring maipamalas sa pamamagitan ng ______.
A. Pagsasabi sa iba ng mga sekreto ng iyong kaibigan
B. Pagbasa sa mga mensahe sa cell phone ng iyong kaibigan
C. Hindi pagbukas ng liham na hindi nakapangalan sa iyo
D, Pagbukas at pagbasa ng sulat na hindi sa iyo

19. Sina Kiko at Kikay ay kapwa labing-anim na gulang pa lamang. Masyado silang mapusok kaya nais na nilang magpakasal. Bilang kaibigan, ano ang maipapayo mo sa dalawa?
A. Huwag magpadala sa payo ng iba bagkus sundin ang bugso ng damdamin
B. Mag-asawa nang maaga at saka magtapos n pag-aaral
C. Tapusin muna ang pag-aaral, maghanap ng trabaho at saka magpakasal
D. Ituloy ang balak dahil hindi hadlang ang idad sa pag-iibigan

20. Huminto na sa pag-aaral si Monico dahil nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot. Kasalukuyan siyang nasa isang rehabilitation center at iniwan na ng ibang mga kaibigan. Tanging ang ina ang kanyang karamay. Paano mo matutulungan si Monico upang mabigyan siya ng bagong pag-asa?
A. Makipagtulungan sa mga ahensiya ng pamahalaan na makatutulong sa kaso ni Monico
B. Alukin at akitin siyang bumalik sa dating bisyo upang makalimutan ang problema
C. Ikalat at ipamalita ang kalagayan ng kaibigan
D. Isuplong siya sa kapulisan upang mabigyan ng karampatang parusa

21. Ang isang taong nagtataglay ng mga katangian sa ibaba ay makaiiwas sa mga personal na away.
A. pagiging masipag at determinado
B. pagiging mapagkumbaba at mahabang pasensya
C. pagiging masikap at matipid
D. pagiging mainitin ang ulo at mahusay sa pakikipagtalo

22. Ano ang maaaring maging epekto ng masigasig na pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang Russia, China, at Malaysia?
A. Maaaring pag-interesan ng mga nasabing bansa ang ating teritoryo
B. Maraming pagawaan ang magsasara at lililipat sa nasabing mga bansa
C. Magiging masigla ang pakikipagkalakalan natin sa nasabing mga bansa
D. Magkakaroon ng hidwaan ang mga nasabing bansa

23. Ang stress ay hindi maaaring bumaba sa pamamagitan ng _______.
A. pagmumuni-muni
B. sapat na tulog
C. pag-eehersisyo
D. pag-inom ng alak

24. Inaalala natin ang ating mga namayapang mahal sa buhay sa pamamagitan ng paglilinis ng kanilang mga nitso, pag-aalay ng mga bulaklak, at pagitirik ng mga kandila. Sa anong petsa natin ipinagdiriwang ang Araw ng mga Yumao?
A. April 9
B. November 1
C. November 2
D. August 21

25. Nagtatrabaho si Marissa sa Hongkong. Nagsusuot siya ng damit Maria Clara tuwing may okasyon doon upang ipakita na siya ay ______.
A. Amerikano
B. Pilipina
C. Tsino
D. Haponesa

26. Ano sa mga sumusunod ang HINDI tungkulin ng isang Pilipino?
A. Pumili ng sagisag o simbolo ng bansa na nais ikarangal at isantabi ang iba
B. Igalang, ikarangal, at bigyan ng pagkakaisa ang mga pamana, pagpapahalaga at tradisyon
C. Sumali sa makabuluhang gawain para sa kanyang sarili at pamilya nang karapat-dapat sa karangalan ng isang tao
D. Tumulong sa pag-unlad, kapakanan, at pagkakaisa ng buong bansa

27. Nakita ni Manuel na nagtatapon ng basura malapit sa kanilang bakod si Igme. Agad niya itong sinita at sinabing huwag doon itapon ang basura nito at hintayin ang trak na humahakot ng basura. Sinagot siya ni Igme at sinabing huwag siyang pakialamanan at utusan.
Kung ikaw si Igme, ano ang dapat mong iginawi ng pagkakataong iyon?
A. I-report si Manuel sa mga pulis upang matuto at hindi tularan ng iba
B. Manghingi ng paumanhin at iwanan ang basura pagkaalis ni Manuel
C. Sagutin ng may mataas na tono upang mapagtanto ni Manuel ang kanyang pagkakamali
D. Manghingi ng paumanhin kay Manuel at hintayin ang trak  na basura

28. Nararapat na makialam ang United Nations sa mga bansang kasapi nito upang _____.
A. patunayan ang karapatan at lawak ng kapangyarihan nito
B. pagsilbihan ang sarili nitong interes
C. mapangalagaan ang pananatili ng kapayapaan sa buong mundo
D. pangalagaan ang karapatan ng mga maliliit na bansa

29. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na salik sa integrasyon ng mga bansa sa daigdig ngayon?
A. ang paglaganap ng teknolohiya sa internet
B. ang pagbagsak ng mga rehimeng awtoritaryan sa Gitnang Silangan
C. ang pagtukoy sa mga bansang terorista
D. ang pangrelihiyong isyu sa Afghanistan

30. Kung ginagampanan ng bawa’t miyembro ng pamilya ang kani-kanilang tungkulin, magreresulta ito sa ______.
A. hindi pagkakasundo sa  bawa’t tungkulin
B. pagkakasundo at may payapang pamumuhay
C. aasa sa masipag na kasapi ng pamilya
D. pagkilala sa maling nagawa ng bawa’t isa

31. “Huwag kang bibitiw! Subukan mo lang hanggang makamit ang tagumpay.” Anong mabuting katangian ang ipinahihiwatig ng mga pangungusap na ito?
A. makatarungan
B. matipid
C. matiyaga
D. maagap

32. Kalilipat mo lamang at ang iyong pamilya sa Barangay Loob. Nais mong makibahagi sa mga gawaing pampaunlad sa inyong barangay. Ano ang dapat mong gawin?
A. pumunta sa istasyon ng pulis upang magtanong
B. humingi ng tulong sa iyong kapitbahay
C. gumawa ng sarili mong proyekto
D. pumunta sa barangay hall at magtanong kung ano ang mga proyekto nito

33. Ano ang nabanggit sa ibaba ang itinuturing na karapatang sibil?
A. bumoto
B. makaroon ng ari-arian
C. maging malaya
D. pumili ng relihiyon
34. Ang pagluluwas ng ating mga produkto sa ibang bansa ay nagdudulot ng kabutihan para sa atin. Isa na rito ang ______.
A. pagtaas ng presyo ng mga bilihin
B. pagdami ng turista
C. paglabas ng dolyar sa bansa
D. pagpasok ng dolyar sa bansa

35. Makakamtan ang “Unity in Diversity” sa pagitan ng mga bansa kung ________.
A. Magsasama ang malalaki at mayayamang mga bansa
B. Kikilalanin at uunawain ng ang bawa’t bansa ay may iba’t ibang kultura
C. Sasapi ang maliliit na bansa sa mga samahang internasyunal
D. Itataguyod ng bawa’t bansa ang sarili nitong interes

36. Paano maisusulong ang proyektong Gender and Development (GAD) at gender equality?
A. Pagkilala na magaling sa Mathematics ang mga lalaki at sa English naman ang mga babae
B. Mga batang lalaki lamang ang maaaring maglaro ng baril-barilan
C. Maaaring maghugas ng plato ang mga anak na lalaki at babae
D. Kulay pink ang dapat isuot ng babae at blue naman sa lalaki

37. Bilang bahagi ng pamayanan, paano mo maipakikita ang iyong aktibong pakikilahok sa proyektong “Harap Mo, Linis Mo”?
A. Hindi ako makikinig sa mga pahayag ng mga nakilahok
B. Magmumungkahi ako ng mga makabuluhang paraan upang hindi kumalat ang basura
C. Makikipagkuwentuhan ako sa aking mga kaibigan habang nagsasalita ang iba
D. Uuwi ako kahit hindi pa tapos ang pulong

38. Ang pagiging matapat ay masasalamin sa pangungusap na ito:
A. Nagsasabi ako ng totoo anuman ang kahihinatnan
B. Iniipon ko sa alkansiya ang bahagi ng aking baon
C. Iniingatan ko ang aking mga gamit para di agad masira
D. Tinatapos ko agad ang aking takdang aralin bago manood ng TV

39. Napapabayaan ng iyong kaibigan ang kanyang pag-aaral dahil mas maraming oras niya ang iginugugol sa mga gawain ng kaniyang relihiyon. Ano ang maipapayo mo sa kanya?
A. Tumigil na lamang sa pag-aaral at magpakarelihiyoso
B. Ipagpatuloy ang ginagawa dahil pupunta siya sa langit kahit hindi nag-aaral
C. Pagtuunan ng pansin ang pag-aaral sa tuwing araw ng may pasok at ang paglilingkod naman sa araw ng pagsamba
D. Huwag siyang pansinin at gayahin

40. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pang-aabuso sa mga kababaihan?
A. Patigilin siya ng kanyang asawa sa pagtatrabaho
B. Pilitin siya ng kanyang asawa na ibigay ang buong sahod sa kanya
C. Iwanan siya ng kanyang asawa na may maraming utang na babayaran
D. Lahat nang nabanggit

41. Ano ang maaaring mangyari sa isang tao na hindi marunong magdala ng stress na kanyang nararanasan sa matagal na panahon?
A. Magiging desperado/desperada
B. Mabilis magalit
C. Magiging sakitin
D. Lahat nang nabanggit

42. Alin sa mga sumusunod na pagpapahalaga ang naglalarawan sa mga Pilipino ano man ang pangkat etnolingguistikong kinabibilangan?
A. matatag na paniniwala sa Diyos
B. pagsasabi ng po at opo
C. matatag na relasyon sa pamilya
D. pagiging mapagmuni

43. Ano ang makatarungang solusyon na dapat gawin ng mga bansang may hindi pagkakaunawaan sa kanilang teritoryo?
A. paghahati ng teitoryo sa lahat ng umaangkin nito
B. paggamit ng ahas
C. dayalogo upang bumuo ng mutual agreement sa pagitan ng mga bansang sangkot
D. pagbibigay ng teritoryo sa maliit na bansang umaangkin dito

44. Kung ang Sinulog Festival ay ipinagdiriwang sa Cebu, ano naman ang ipinagdiriwang sa Davao?
A. MassKara Festival
B. Ati-atihan Festival
C. Kadayawan Festival
D. Dinagyang Festival

45. Ano ang iyong mararamdaman kapag nabalitaan mong nasunugan ang isa mong kamag-anak?
A. malungkot
B. magagalak
C. masaya
D. magagalit

46. Kapag humingi ng tulong ang iyong kapatid sa paggawa ng kanyang proyekto sa susunod na araw, ano ang iyong gagawin?
A. sasabihin sa kanya na sa iba na humingi ng tulong
B. sisigawan siya at sasabihing huwag kang gambalain
C. hindi siya papansinin
D. tutulungan siya sa paggawa ng kanyang proyekto

47. Ang mga sumusunod ay matututunan sa pag-aaral ng Heograpiya maliban sa ___.
A. klima ng isang lugar
B. lokasyon ng lugar
C. kalagayang politikal ng isang lugar
D. populasyon ng lugar

Para sa bilang 48 – 50. Basahin ang talata sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

          Nagtatrabaho sa isang pabrika si Upeng na may pitong anak. Malayo ang kanyang pinapasukan kung kayat maaga siyang umaalis sa umaga at gabi na kapag umuuwi. Bihira na niyang nakukumusta at nakakausap ang mga anak. Ang mga anak ay sa ama kumukunsulta hinggil sa mga gawain at asignatura sa paaralan.

48. Ano ang tungkulin ni Upeng sa kanyang mga anak?
A. tagapag-alaga ng asawa at mga anak
B. tagalaba ng mga damit ng pamilya
C. naghahanap-buhay para sa pamilya
D. tagaluto ng pagkain para sa mga anak at asawa

49. Bakit hindi na nagagampanan ni Upeng ang kanyang tungkulin sa asawa at mga anak?
A. hindi niya mahal ang asawa at mga anak
B. mas nais niyang pagtuunan ng oras ang pagtatrabaho kaysa pamilya
C. nagtatrabaho siya, umaalis ng maaga at gabi na kapag nakauuwi ng bahay
D. hindi niya pinahahalagahan ang pamilya

50. Sa iyon palagay, ano ang mabuting maidudulot nito sa kanyang mga anak habang sila ay lumalaki?
A. lalaki na may takot sa Diyos
B. lalaking maunawain at responsible
C. mawawalan ng pagmamahal sa magulang
D. hindi makapagtatapos ng pag-aaral

MGA SAGOT: 1B 2A 3C 4C 5D 6D 7C 8A 9B 10D 11C 12B 13D 14D 15A
16B 17A 18C 19C 201 21B 22C 23D 24C 25B 26A 27D 28C 29A 30B
31C 32D 33A 34D 35B 36C 37B 38A 39C 40D 41D 42B 43C 44C 45A

46D 47C 48C 49C 50C