Module 2: Interpersonal Communication
“Sa komunikasyon mahalaga
ang unang impresyon.”
The first impression you give is important in
communication.
SESSION 1: LISTENING AND SPEAKING EFFECTIVELY
Activity
3: Effective Listening
Read
the story about a workplace situation described below. Invite 2 of your family
members, friend or home companions to do a role play. Assign them to take the
roles pf the characters mentioned in the scenario. (Basahin ang kuwento tungkol
sa isang sitwasyon sa isang
pinagtatrabahuhan na inilarawan sa ibaba. Mag-imbita ng 2 miyembro ng iyong
pamilya, kaibigan o kasamahan sa bahay na magsagawa ng isang role play. Italaga
sila sa iba’t ibang papel na gagampanan sa binanggit na senaryo. )
Omar
is a front desk worker at Lantaka Hotel. He is responsible for checking guests
in, answering the phone, and responding to the needs of hotel guests. He and
his sister Sitti have been having some misunderstanding lately so he has been
distracted at work. An angry guest from room 202 comes to the desk to complain
about dirty sheets. While the guest was complaining, Omar’s mobile phone rings.
It
was his sister. He asks the guest to wait for a minute but he ends up getting
into a heated discussion with Sitti. The guest becomes annoyed and says she is
going to go out and expects clean sheets by the time she returns in her hotel
room. Omar nods his head in agreement and says, “No problem, it will be taken
care of”. He continues with his phone conversation and he is quite upset when
he gets off. Things start to get busy at the hotel -‐‐the
hotel phone keeps ringing and a busload of guests arrives to check-in. The
guest from room 202 returns, gets her key and within minutes she went down in
the lobby shouting that her dirty sheets have not been replaced.
Read
the following questions and write your answers below based on your
understanding of the scenario. (Basahin ang mga sumususunod na tanong at isulat
ang iyong mga sagot ayon sa pagkakaunawa mo sa senaryo.)
1.
What
is the scenario all about? (Tungkol sa
ano ang senaryo/eksena?)
Ito ay tungkol sa isang bisita ng otel na nagrereklamo
dahil marumi ang kanyang kumot at tuluyang nagalit sa bandang huli dahil hindi
pinakinggan ang kanyang hiling.
2.
Can
you identify any misunderstanding? (Matutukoy mo ba ang hindi pagkakaunawaan?)
Hindi natupad ni Omar
ang kanyang pangako sa bisita ng otel na papalitan niya ang maruming kumot nito
kaya nagalit ito.
3.
Why
did this situation happen? (Bakit nangyari ang sitwasyong ito?)
Nangyari ang hindi
pagkakaunawaang ito dahil hindi inintindi at nakalimutan ni Omar ang hinihiling
ng bisita dahil sa pagtatalo nila ng kanyang kapatid sa telepono at kalaunan ay
pagiging abala niya sa pagtatrabaho.
4.
Has
a similar situation happened to you? Have you ever not listened to someone who
was speaking to you? Have you experienced speaking and the other person was not
listening to you? What happened? (Nangyari na ba sa iyo ang ganitong eksena?
May pagkakataon bang hindi ka nakikinig sa kumakausap sa iyo? Naranasan mo na
bang magsalita at ang kausap mo ay hindi nakikinig sa iyo? Ano ang nangyari?)
Naranasan ko ang
pagbabalewala sa sinasabi ng aking kasamahan sa trabaho dahil may kaingayan sa
aming paligid dahilan upang bigla niya akong iwan.
Naranasan ko rin na
makipag-usap sa isang kaibigan na kunwari ay nakikinig sa akin, habang ito ay
may kausap sa kanyang cell phone. Ang nangyari, hindi siya nakasama sa aming
picnic dahil hindi pala pumasok sa kanyang isip ang aming pinag-usapan.
5.
If
you were one of the characters, what will you do to avoid such a situation?
(Kung ikaw ay isa sa mga tauhan, ano ang iyong gagawin upang maiwasan ang
ganitong sitwasyon?)
Kung ako ang bisita,
hindi ako aalis sa harap ni Omar hangga’t hindi napapalitan ang aking maruming
kumot. Kung ako naman si Omar, hindi ko muna sasagutin ang tawag ni Sitti at
uunahin ko ang hiling ng bisita.
2.1 Effective
Listening Observation Checklist
Identifying
effective listening skills and strategies: Read the statement in the table
below one at a time. Check Yes if you use or practice the standard in your
real-life situation, and check No if you don’t.
(Pagkilala sa mga mabisang kasanayan at istratehiya sa pakikinig.
Basahin isa-isa ang ang pangungusap sa table sa ibaba. I-tsek ang “Yes” kung
ginagamit mo o pinapraktis mo ang pamantayan sa iyong tunay na buhay, at i-tsek
ang “No” kung hindi.
Standards
|
Yes
|
No
|
Do
you use appropriate body language to show you are listening? (eye contact,
sit upright, nod head, etc.) (Gumagamit ka ba ng naaangkop na kilos ng
katawan upang ipakita na ikaw ay nakikinig? (pag-upo nang matuwid, pagtango
ng ulo, atbp.)
|
ü
|
|
Do
you listen to the speaker without interrupting? (Pinakikinggan mo ba ang
nagsasalita nang hindi nakakagambala?)
|
ü
|
|
Do
you repeat what the speaker has said to make sure you have understood
correctly? (Inuulit mo ba ang sinabi ng tagapagsalita para masigurong tama
ang iyong pagkakaintindi?)
|
|
ü
|
Do
you ask questions for clarification when you do not understand something?
(Humihingi ka ba ng paliwanag kung hindi mo nauunawaan ang isang bagay?)
|
ü
|
|
Do
you avoid being distracted by noises, mobile phones, or by what other people
are doing? (Iniiwasan mo bang magambala ka ng mga ingay, pag-uusap sa cell
phone, o kung ano ang ginagawa ng ibang tao?)
|
|
ü
|
Do
you avoid being distracted by the mannerisms, speaking style, clothing of the
person speaking? (Iniiwasan mo bang magambala ng manerismo/nakagawian, istilo
ng pananalita, pananamit ng nagsasalita?)
|
ü
|
|
Are
you aware of your own attitude & do you avoid being judgmental? (May
kamalayan ka ba sa iyong sariling
pag-uugali at iniiwasan mo ba ang maging mapanghusga?)
|
ü
|
|
Count
your YES and NO answers. If you have more YES answers, then most likely you are
practicing good listening skills! (Bilangin mo ang mga sagot mong YES at NO.
Kung mas marami ang sagot mong YES, nangangahulugan nito na pinapraktis mo ang
mabuting kasanayan sa pakikinig!)
Let’s Apply!
Ask
your family members, home companions or friends to do a role play with you. You
can choose from the 2 role play scenarios described below. You may change the
name of the characters to your real names or other names as you wish. Your conversation
or dialogue in the role play must be according to the standards found in the
Effective Listening Observation Checklist (Be sure to share the checklist with
your role play partner beforehand!).
Hilingin
sa mga miyembro ng pamilya, mga kasama sa bahay o mga kaibigan ang magsagawa ng
isang “role play”/dula-dulaan/skit. Maaari kang pumili sa 2 senaryo/eksena na
inilarawan sa ibaba. Puwedeng palitan ang mga pangalan ng mga tauhan ng inyong
mga pangalan o ibang pangalan na nais ninyo. Ang inyong usapan o dialog sa role
play ay nararapat na naaayon sa mga pamantayan na makikita sa Effective
Listening Observation Checklist. [Siguraduhing ibahagi ang checklist sa mga
tauhan sa dula bago simulan ang pagtatanghal.]
Role Play Scenario 1:
At the Store
A
young man named Jose works in a store selling items such as toothpastes,
candles, pens, salt, sugar, and bread. He finds his boss, Maria, annoying and
he tends not to listen to her all the time. One day, they had two types of
bread to sell. Maria made it clear that the higher quality loaves should go for
50 pesos and the other ones for 30 pesos. All morning many customers came in to
buy bread. Jose sold all loaves for the same price -‐‐
30 pesos. When Maria returned, she realized that Jose sold the good quality bread
for only 30 pesos. She got angry and said she would make Jose pay the
difference.
Role Play Scenario 2:
At the Construction Site
Patrick
is new in his job at Candace Construction. His job is to mix cement for a wall
that they are building. His supervisor had told him that for every bag of
cement he should mix in 5 bags of sand. Distracted by all the noise around him,
he couldn’t remember the number of bags of sand to add to the cement. He feared
he would lose his job if he asked the supervisor again, so he did what he
thought was right – 10 bags of sand for every bag of cement. After the wall had
been up a few days, the wall crumbled.
Think about it!
Once
the role play is over, encourage the role players (family member, home
companion or a friend) to express your respective opinions about the story you
just role-played together. You may wish to start a discussion with them on a
later time either face to face, via text, chat, or whatever means available and
comfortable to you. It’s always great to share your ideas and hear more points
of view. (Pagkatapos ang isinagawang dula-dulaan, hikayatin ang mga gumanap
(miyembro ng pamilya, kasama sa bahay o kaibigan) na isiwalat ang kani-kanilang
opinyon/pananaw ukol sa kuwento. Puwede ring gawin ang talakayan sa ibang oras
sa pamamagitan nang harapan, via text, chat, o anumang paraan na magagamit at
komportable sa iyo. Laging mainam na ibahagi ang iyong mga ideya at pakinggan
ang mas maraming pananaw.)
The
following guide questions may help you in your discussion: (Makatutulong ang
mga sumusunod na tanong sa inyong talakayan?)
1. What did it feel like to be in a
conversation where you failed to understand something that the other person is
trying to say? (Ano ang iyong naging pakiramdam sa inyong pag-uusap kung saan
hindi mo naintindihan ang nais sabihin ng ibang tao?)
Kapag hindi ko maintindihan ang nais
sabihin ng iba, tila nagkakaroon ako ng panliliit sa aking sarili. Iniisip ko
tuloy kung may kahinaan ba ang aking isip o sadyang malabo ang nais ipahatid na
mensahe ng aking kausap. Sa ganitong pagkakataon, dapat kong ipaulit sa aking
kausap ang nais niyang sabihin o hinggan siya ng dagdag na paliwananag. Maaari
ko ring ipaulit sa kanya ang kanyang sinabi upang matiyak na iyon nga ang nais
niyang sabihin.
2. What did you observe about our body
languages while talking to each other? (Ano ang iyong naging obserbasyon
tungkol sa mga body languages/mga ibig ipahiwatig ng ating katawan habang tayo
ay nakikipag-usap sa isa’t isa?)
Iba-iba ang ibig sabihin ng mga
pagkilos ng katawan ng isang tao habang nagsasalita. Kailangan nating magkaroon
ng kamalayan dito upang maiayon natin ang ating pakikipag-usap sa ibang tao.
3. What conclusions can we make about how to
be an effective listener? (Ano ang ating mga naging konklusyon hinggil sa kung
paano ang maging isang mabisang tagapakinig?)
Upang magkaroon ng mabuting
pakikipagtalastasan, ang mga tao ay kailangang marunong rumespeto sa kausap at
maging mabuting tagapakinig. Kailangan nilang magtanong upang malinawan ang
napag-usapan.
4. What other tips can you offer for us to
become effective listeners? (Ano pang mga payo/gabay ang iyong maiaalok sa
lahat upang maging mga mabisa/epektibong tagapakinig?)
Ang mga payong aking maiaalok upang
maging mabisang tagapakinig ay ang mga sumusunod:
1. Umupo nang tuwid kapag nakikinig sa
isang pagpupulong o talakayan.
2. Iwasang magambala ang nagsasalita o
mga tao sa paligid sa pamamagitan ng pagpatay sa hawak na telepono, pagkausap
sa katabi kung hindi kinakailangan, at magpapakita ng mga kilos ng katawan na
hindi angkop.
3. Tapusin munang magsalita ang
tagapagsalita bago ihayag ang salunggat na opinyon tungkol sa paksa.
4. Ulitin ang sinabi ng kausap upang matiyak
na pareho ang inyong pagkakaunawa sa pinag-usapan.
5. Humingi ng dagdag impormasyon kung
hindi masyadong naintindihan ang sinabi ng kausap.
6. Huwag agad maging mapanghusga at
magambala sa pananamit, nakaugaliang galaw o kilos, ibang pananaw ng nagsasalita.
Activity
4: Effective Speaking
Get
any object nearest to you (e.g. book, mobile phone) or a blank sheet of paper
and draw something that comes to your mind first. Look for a family member. In
2 minutes, describe the object you chose or the picture you drew. Your task is
to clearly convey the importance of the object or drawing in your daily life.
Convince the listener/s of its importance. Keep checking to see his/her
interest in the object and adjust your approach accordingly! (Kumuha ng isang
bagay na malapit sa iyo (halimbawa: aklat, cell phone) o blankong papel at
gumuhit ng kahit anong bagay na unang puamsok sa iyong isip. Humanap ng isang
miyembro ng pamilya. Sa loob ng 2 minuto, ilarawan ang bagay na iyong napili o
bagay na iyong ginuhit. Ang iyong pakay ay ihatid nang malinaw ang kahalagahan
ng bagay o iginuhit sa iyong pang-araw-araw na buhay. Kumbinsihin ang iyong
tagapakinig/mga tagapakinig ang kahalagahan nito. Panatilihin ang kanilang
interes sa bagay at iayon ang iyong pamamaraan!)
Reflect
on the experience, using the questions below. (Magbalik-tanaw sa naging
karanasan, gamit ang mga katanungan sa ibaba.)
1. What lesson or lessons did you get from
the activity above? (Ano o anu-ano ang mga leksyon/aral na nakuha mo sa gawain
sa itaas?)
a. Kailangang malakas at malinaw ang
iyong pagsasalita upang maunawaan ng nakikinig ang iyong sinasabi.
b. Magkaroon ng kamalayan sa mga
ikinikilos ng kausap upang maiayon mo ang iyong pagsasalita.
c. Kailangang gumamit ng iba’t ibang
body language upang makatulong na ibahagi mo ang iyong mensahe.
2. What will happen if we do not speak
clearly? (Ano ang mangyayari kapag hindi tayo nagsasalita nang malinaw?)
Kapag hindi tayo nagsalita nang
malinaw, hindi natin maihahatid sa tagapakinig ang nais nating iparating. Hindi
makukuha o mauunawaan ng ating kausap ang ating sinasabi kapag hindi malinaw
ang ating pagsasalita. Maaaring magdulot din ito ng kalituhan.
3. Were you able to give a clear message?
(Nakapagbigay ka ba ng malinaw na mensahe?)
Naibigay ko naman ng malinaw ang akin
mensahe matapos ko itong ulit-ulitin sa kanila dahil may pagkakataong maingay
sa paligid o kaya ay may gumagambala sa kanilang pakikinig.
4. What were some of the effective speaking
strategies that you used? (Anu-ano ang ilan sa mga istratehiya ng mabisang
pakikinig ang iyong nagamit?)
Ang ilan sa mga istratehiya ng
mabisang pakikinig ang aking nagamit ay ang mga sumusunod:
a. Gawing malinaw, maikli, at direkta
ang mensaheng nais iparating.
b. Magbigay ng mga halimbawa kung
hindi agad naunawaan ang sinasabi.
c. Maging magalang, matapat, at
magiliw habang nagsasalita.
d. Magsalita ng may kumpiyansa sa
sarili subali’t hindi ng may kahambugan.
e. Iayon ang sarili sa sitwasyon, kalagayan/pakiramdam
at pag-uugali ng kausap.
f. Magkaroon ng kamalayan sa iyong mga
kilos o mga kilos na nais ipabatid ng kausap.
5. What was the reaction of the listener to
you? (Ano ang naging reaksyon ng nakikinig sa iyo?)
Sa simula ay interesado ang aking mga
tagapakinig subali’t habang lumalaon ay hindi na sila masyadong interesado sa
aking sinasabi.
6. How did you adjust your approach if you
found the listener was not so interested in your object or drawing? (Paano mo
binago ang iyong pamamaraan nang makita mong hindi masyadong interesado sa
bagay na hawak mo o sa iyong iginuhit ang iyong tagapakinig?)
Upang manumbalik ang kasiglahan ng
aking mga kausap, nilalakasan ko ang aking pagsasalita o kaya ay nagdaragdag
ako ng mga kaiga-igayang pananalita na nagpapasaya sa kanila. Kung magkaminsan
naman ay sadyang humihinto ako sa pagsasalita upang tanungin sila kung may mga
bagay silang hindi nauunawaan sa aking mga sinabi.
7. What kind of body language did you use?
(Anong body language/pahiwatig ng katawan ang iyong ginamit?)
Ang ilan sa aking ginamit na body
language ay ang paglalapat ng aking dalawang daliri sa aking bibig upang
sawayin ang kanilang pag-uusap; pagkunot-noo kapag hindi sila nakikinig; at
pagngiti o pagpalakpak upang makuha ang kanilang atensyon.
8. What are some of the things that you as a
speaker can use next time to be a more effective speaker? (Ano ang ilan sa mga
bagay bilang isang tagapagsalita ang iyong gagamitin sa susunod na panahon para
maging mas mabisang tagapagsalita?)
Upang maging mas mabisa pang
tagapagsalita sa susunod na panahon, kailangan ko ng mas maraming kaalaman ukol
sa bagay/paksa na aking ipinahahayag. Dapat ko pa ring alamin ang mga paraan
upang maging mas malinaw at kaiga-igaya ang aking pagsasalita, halimbawa, kung
paano ang tamang bigkas, tono, o ritmo ng bawa’t salita, atbp.
Let’s
Exercise!
Read
the statements one by one and put a ü if the statement is about effective
speaking and û
if not. (Basahin ang mga pangungusap nang isa-isa at lagyan ng ü kung ang mga pangungusap ay ukol sa mabisang
pagsasalita at û kung hindi.)
1
|
I
need to use positive and constructive words. (Kailangan kong gumamit ng mga
positibo at konstraktibong salita.)
|
ü
|
2
|
I
always check the mood and attitudes of my listeners. (Lagi kong sinusuri ang
pakiramdam/kamalayan at mga pag-uugali ng aking mga tagapakinig.)
|
ü
|
3
|
I
should always be respectful when I speak to elders, but not so much when I speak
to those of a younger age. (Dapat ay palagi akong magalang sa aking
pakikipag-usap sa nakatatanda sa akin, hindi masyado kung ang aking kausap ay
nakababata sa akin.)
|
û
|
4
|
Honesty
is one of the strategies to become an effective speaker (Ang pagiging matapat
ay isa sa mga istratehiya upang maging mabisang tagapagsalita)
|
ü
|
5
|
Body
language must be observed when speaking. (Ang ikinikilos ng katawan ay
kailangang pansinin kapag nagsasalita)
|
ü
|
6
|
I
will speak fast so I can finish early on so I can entertain more questions.
(Magsasalita ako nang mabilis upang makatapos agad nang sa gayon ay masagot
ko ang mas maraming mga katanungan)
|
û
|
7
|
I
should be clear, brief and direct to the point when speaking. (Kailangan kong
maging malinaw, maikli lang, at walang paligoy-ligoy kapag nagsasalita)
|
ü
|
8
|
I
should know what I want to say in advance and prepare when possible. (Dapat
ay alam ko na ang aking sasabihin sa umpisa pa lamang at makapaghanda kung
kinakailangan.)
|
ü
|
9
|
I
will avoid arrogance and maintain confidence when speaking. (Iiwasan ko ang
kahambugan at mananatiling may tiwala sa sarili habang nagsasalita.)
|
ü
|
10
|
I
will try to avoid respect when I needed to speak direct messages. (Susubukin
kong iwasan ang pagiging magalang kapag kailangang kong magsalita nang
diretsahan.)
|
û
|
Sharing is caring
This
section encourages you to express your opinions to family and friends. Start a
discussion with them face to face, via text, chat, or whatever means available
and comfortable to you. It’s always great to share your ideas and hear more
points of view. (Ang seksyon na to ay humihikayat sa iyo na ipahayag ang iyong
mga pananaw sa iyong pamilya at mga kaibigan. Simulan ang talakayan sa
pamamagitan nang harapan, via text, chat, o anumang paraan na magagamit at
komportable sa iyo. Laging mainam na ibahagi ang iyong mga ideya at pakinggan
ang mas maraming pananaw.)
1. How can my learning today help me become
confident and effective in speaking? (Paano makatutulong sa akin ang aking
natutunan ngayon upang ako ay maging tiwala at mabisa sa pagsasalita?)
Dahil sa aking natutunan ngayon,
nagkaroon ako ng sapat na kamalayan upang matanto ko kung ano ang aking naging
kakulangan habang kinakausap ko ang iba. Sanhi ng mga kasanayan sa
pakikipag-usap na aking natutunan, magagamit ko ito upang mapalakas ang aking
kumpiyansa sa sarili at maging mabisang tagapagsalita. Dahil sa kamalayan sa
mga ikinikilos ng iba, maiaayon ko ang aking mga kilos at pananalita sa kanila
upang maihayag ko ang aking damdamin at saloobin nang mas malinaw.
2. How important are effective speaking
skills at home? School? Workplace? (Gaano kahalaga ang mga mabisang kasanayan
sa pagsasalita sa tahanan? Paaralan? Pinagtatrabahuhan?)
Mahalaga ang mabisang pakikipag-usap
sa tahanan upang maging malinaw at tumpak ang nais ipahayag ng isang miyembro
ng pamilya. Maiiwasan din ang samaan ng loob kapag naihayag nang maayos ng
isang kasapi ang kanyang damdamin at pananaw sa isa pang miyembro ng pamilya.
Importante ang pagsasalita nang mabisa
sa loob ng paaralan upang makuha po ang interes ng iyong guro at mga kaklase.
Mahalaga rin ito upang malinaw mong maipahayag sa mga tagapakinig ang iyong
pananaw at ideya. Kailangang may kasanayan sa mabisang pakikipag-usap ang isang
guro upang maunawaan agad ng mga mag-aaral ang mga aralin at maging kaiga-igaya
ang mga talakayan.
Mahalaga rin sa pinagtatrabahuhan ang
mga kasanayan ng mabisang pagsasalita nang sa gayon ay maibahagi mo ng malinaw
at tumpak sa isang namumuno o kapwa manggagawa ang iyong sariling pananaw o
bagong ideya. Kailangan din ito upang maiwasan ang anumang samaan ng loob o
kapahamakan sa loob ng pagawaan dahil sa hindi pagkakaunawaan.