Saturday, December 12, 2020

ALS MyDev Life Skills Module 6 - Rights and Responsibilities of Workers and Employers - Activity 3 & 4

Module 6: Rights and Responsibilities of Workers and Employers

 “Ang bawat karapatan ay may kaakibat na responsibilidad”

 Every right implies a responsibility.



SESSION 2: RIGHTS AND RESPONSIBILITIES UNDER THE LABOR CODE OF THE PHILIPPINES


Activity 3: Introductory Activity

Brainstorm a list of the rights and responsibilities you think you will have as an encoder in an office. (Mag-isip ng listahan ng mga karapatan at tungkulin na sa palagay mo ay magkakaroon ka bilang isang encoder.)

My Rights

My Responsibilities

1. Magkaroon ng sipi ng napagkasunduang kontrata sa trabaho.

1. Sundin ang mga tungkulin at tuntuning nakapaloob sa kontratang sinang-ayunan.

2. Tumanggap ng napagkasunduang sahod.

2. Pumasok sa takdang oras at araw ng trabaho.

3. Mailista bilang kasapi ng Social Security System o SSS.

3. Magbayad ng kaukulang kontribusyon na nakatoka sa manggagawa.

4. Tumanggap ng overtime pay sa oras na lampas na sa regular na trabaho

4. Magtrabaho ayon sa performance na napagkasunduan.

5. Magkaroon ng bakasyon at/o sick leave.

5. Hindi abusuhin ang bakasyon at/o sick leave at pumasok na pagkatapos ng mga ito.

6. Magkaroon ng mga kasuotan at kagamitang-pangkaligtasan.

6. Sumunod sa mga patakaran at tuntunin hinggil sa kalusugan at kaligtasan sa trabahao at pangangalaga ng mga gamit na ipinahiram/ibinigay ng kumpanya.

Read the statements below that have to do with rights in the workplace. For each statement, write TRUE or FALSE based on your understanding of labor laws in the Philippines. If you think it is FALSE, change the statement to make it TRUE. (Basahin ang mga pangungusap sa ibaba na may kinalaman sa mga karapatan sa pinagtatrabahuhan. Sa bawa’t pahayag, isulat ang TAMA o MALI ayon sa iyong pagkakaunawa sa mga batas panggawa sa Pilipinas. Kung sa palagay mo ay MALI ito, baguhin ang pahayag upang ito ay maging TAMA.)

Statement

TRUE or FALSE

1.       The Philippine work week consists of 45 hours. (Ang lingguhang trabaho sa Pilipinas ay binubuo ng 45 oras.)

MALI. Ang lingguhang trabaho sa Pilipinas ay binubuo ng 40 oras.

2.       Young people under the age of 15 may work if they have their parent’s permission. (Ang mga kabataan na may gulang na 15 pababa ay maaaring makapagtrabaho kung may permiso sila sa mga magulang.)

MALI. Ang mga kabataan na may gulang na 15 pababa ay maaaring makapagtrabaho kung sila ay nasa pangangalaga ng mga magulang, at ang trabahong ito ay hind nakasasagabal sa kanilang pag-aaral.

3.       Employers may require its employees to work even during rest days. (Ang mga may-ari ng negosyo ay maaaring hilingin sa mga empleyado na magtrabaho sila maging sa mga araw ng pahinga.)

TAMA

4.       Workers should not get involved in policy decisions about his/her rights because the government is the one making those decisions. (Hindi dapat makialam ang mga manggagawa sa mga patakarang desisyon tungkol sa kanyang mga karapatan sapagka’t ang mga ito ay nakalaan sa pamahalaan.)

MALI. Hinihikayat ng pamahalaan o estado na makiisa ang mga manggagawa sa paggawa ng mga desisyon at polisiya/patakaran sa may kinalaman sa kanilang karapatan,  tungkulin, at kapakanan bilang manggagawa.

5.       Workers are entitled to paid leave at the employer’s expense. (Ang mga manggagawa ay karapatdapat sa bayad na bakasyon na ginastusan ng may-ari ng negosyo.)

TAMA

Activity 4: Responsibilities of Workers and Employers

Below is a list of responsibilities. Decide if the responsibility is primarily that of the employer or the worker and write E for employer or W for worker in the space before the statement. The first one has been done as an example.(Ang nasa ibaba ay listahan ng mga tungkulin. Magpasya kung ito ay pangunahing tungkulin ng manggagawa o ng maypagawa and isulat ang E para sa employer o W para sa worker sa espasyo bago ang pahayag. Ang una ay ginawa na bilang halimbawa.)

Check your answers below in  6.4: Responsibilities of the Employer and the Worker after completing the table. You can also verify your answers with the Mobile Teacher. (Suriin ang iyong mga sagot sa ibaba sa 6.4: Responsibilities of the Employer and the Worker matapos makumpleto ang table. Maaari mo ring patotohanan/patunayan ang iyong mga sagot sa pamamagitan ng iyong Mobile Teacher.)

E

To make a work agreement with the employee, agreeing on conditions, time and place To follow up with the employee on the agreed terms (Gumawa ng isang kasunduan sa paggawa kabilang ang manggagawa, pagpayag sa mga kondisyon, oras, at lugar)

W

To personally perform the work in the time, place and conditions as agreed upon (Gampanan nang personal ang trabaho sa oras, lugar, at mga kondisyon na napagkasunduan)

E

To supervise and provide suitable conditions of work so workers have security, health and dignity (Mangasiwa at magbigay ng angkop ng mga kalagayan/kondisyon upang ang mga manggagawa ay magkaroon ng seguridad, kalusugan, at dignidad)

E

To honor terms of payment (Igalang ang mga takda sa pagbabayad/pagpapasahod)

W

To follow the instructions of the worker’s boss (Sundin ang mga tagubilin ng amo/boss ng trabahador)

E

To safeguard standards, staff and environment (Pangalagaan ang mga pamantayan, tauhan, at kapaligiran)

E

To register and pay into social security for the employee (Ipalista at magbayad ng social security para sa manggagawa)

E

To take care of the wellbeing of staff and qualified dependents (e.g. wife/husband, children) [Pangalagaan ang kapakanan ng tauhan at ng mga kwalipikadong umaasa sa kanya (kabiyak, mga anak)]

W

To avoid any issues or problems at the workplace that will endanger the worker or his/her colleagues (Umiwas sa mga isyu o suliranin sa pinagtatrabahuhan na maglalagay sa panganib sa manggagawa o sa kanyang mga kasamahan sa trabaho)

E

To agree on a performance contract (Sumang-ayon sa isang kontrata sa pagganap)

W

To follow the rules at work (Sumunod sa mga patakaran sa trabaho)

Think about it!

This section encourages you to express your opinions to family and friends about a topic. Start a discussion with them face to face, via text, chat, or whatever means available and comfortable to you. It’s always great to share your ideas and hear more points of view. (Ang seksyon na ito ay humihikayat na ipahayag mo ang iyong mga opinyon.kuro-kuro sa iyong pamilya at mga kaibigan tungkol sa paksa. Simulan ang talakayan sa kanila nang harapan, via text, chat, o sa anumang maaaring pamamaraan at komportable sa ito. Laging mainam na ibahag ang iyong mga ideya at marinig ang iba pang pananaw.)

Show your adult family members the Responsibilities of the Employer and the Worker. Ask them for their thoughts around these responsibilities. Which ones do they think exist in their own places of work? Which ones do not? How do they feel about having or not having the responsibilities stated in the list? (Ipakita sa matatandang miyembro ng pamilya ang Responsibilities of the Employer and the Worker. Hingin ang kanilang mga saloobin hinggil sa mga tungkuling ito. Alin sa mga ito ang naiisip nilang uniiral sa kanilang mga pinagtatrabahuhan? Alin ang hindi? Ano ang kanilang pakiramdam sa pagkakaroon o wala ang mga tungkulin na nakasaad sa listahan?)

          Ayon sa mga miyembro ng aking pamilya na aking nasangguni hinggil sa mga tungkulin ng isang manggagawa at ng may-ari ng negosyo, lahat naman ng mga ito ay umiiral sa kanilang pinagtatrabahuhan. Dahil dito, kontento sila at masaya.

Remember to thank them for their time and their help on your schoolwork. (Tandaan na sila ay pasalamatan para sa kanilang oras at tulong sa iyong gawain.)


1 comment:

Anonymous said...

Ang helpful