Saturday, December 12, 2020

ALS MyDev Life Skills Module 6 - Rights and Responsibilities of Workers and Employers - Activity 5 & 6

Module 6: Rights and Responsibilities of Workers and Employers

 “Ang bawat karapatan ay may kaakibat na responsibilidad”

 Every right implies a responsibility.


SESSION 2: RIGHTS AND RESPONSIBILITIES UNDER THE LABOR CODE OF THE PHILIPPINES


Activity 5: Applying What We Learned About Philippine Labor Laws

Let’s Apply!

1.       Read the case studies below and answer the questions. Use the information above to help you deepen your understanding of the Philippine law. If possible, work on these case scenarios with a fellow learner in the Life Skills course or someone in your household. (Basahin ang mga case studies sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Gamitin ang impormasyon sa itaas (Right to freedom from sexual harassment; Right to a safe and healthy workplace; Hours of Work ) para matulungan kang mapalalim pa ang iyong pang-unawa sa batas ng Pilipinas. Kung posible, gawin ang mga case scenario kasama ang iyong kapwa ALS learner sa Life Skills course o sinuman sa iyong pamamahay.)

 Case Studies

 Scenario 1: Gender Based Violence / Sexual Harassment

Melanie has been hired to work as an office assistant for a new business in Zamboanga. After being on the job for about a month, one day her supervisor told her that if she would spend the night with him, he would make sure she will be promoted. She said she was not interested but he cornered her, twisted her arm behind her, and threatened to fire her if she didn’t comply with his demands. Melanie was able to run away and tells her friends about the incident.

What is the issue? (Ano ang issue?)

          Si Melanie ay pinipilit ng kanyang superbisor na makipagtalik kapalit ang promosyon. Nang siya ay tumanggi, kinorner siya ng boss, binaliti ang kanyanyang braso, at saka tinakot na sisisantihin sa trabaho. Mabuti na lamang at nakatakas si Melanie at sinabi ang insidente sa mga kaibigan.

What does the Philippine law says about this type of harassment? (Ano ang sinasabi ng batas ng Pilipinas tungkol sa ganitong uri ng harassment/panliligalig?)

        Ayon sa  batas ng Pilipinas, ang ganitong uri ng harassment/panliligalig ay seksuwal. Ang sexual harassment ay nagagawa ng sinumang tao sa kapaligiran ng paggawa na may otoridad o impluwensya sa apektadong indibidwal , at humihiling ng pabor na may kinalaman sa seks sa indibidwal na ito, pumayag man siya o hindi.

Are you aware of any groups or organizations that provide services to women who have been harassed? (May kamalayan/nalalaman ka ba na anumang grupo o samahan na nagbibigay serbisyo/panglilingkod sa mga kababaihan na biktima ng harassment/panliligalig?)

Ang ilang grupo o samahan na nagbibigay serbisyo sa mga kababaihang biktima ng sexual harassment ay ang mga sumusunod:

1. GABRIELA

2. Philippine Commission on Women

3. Youth Against Sexual Harassment (YASH)

Scenario 2: Health and Safety at Work

Manny recently started working for a construction company. His supervisor told him that because he was so smart and fit for the job, he did not need training in the use of the equipment. He would learn by doing instead. One day he was trying to use a table saw that he had never used before. He cut himself badly on one of his hands, and it began to bleed profusely, but he did not know where the first aid kit was located.

What is the issue? (Ano ang isyu?)

          Nasugatan ang isang daliri ni Manny habang ginagamit sa unang pagkakataon ang isang table saw na walang kaukulang pagsasanay at oryentasyon. Dagdag dito, hindi rin niya alam kung saan nakalagay ang first aid kit.

What does the Philippine law says about health and safety at work? (Ano ang sinasabi ng batas ng Pilipinas tungkol sa kalusugan at kaligtasan sa paggawa?)

          Ayon sa batas ng Pilipinas hinggil sa kalusugan at kaligtasan sa paggawa, ang bawa’t may-ari ng isang negosyo ay may mga tungkulin na:

          a. pagkalooban ang kanyang mga manggagawa ng lugar na pinagtatrabahuhan na ligtas sa anumang mapanganib na kondisyon na maaaring magdulot ng kamatayan, karamdaman, o anumang sakit sa katawan ng mga manggagawa;

          b. magbigay ng kumpletong panutong pangkaligtasan sa lahat ng manggagawa (lalung-lalo na ang mga kapapasok pa lamang sa trabaho sa unang pagkakataon) kabilang ang mga tagubilin na may kinalaman sa pagiging pamilyar/gamay sa kanilang pinagtatrabahuhan, mga panganib na nakaamba, at mga hakbang na gagawin sa oras ng emergency;

          c. sundin ang mga kinakailangan ng DOLE’s Occupational Safety and Health Standards (OSHS); at

          d. gumamit lamang ng mga aprobadong aparato at kagamitan sa pinagtatrabahuhan.

How can such a situation be prevented in the future? (Paano maaaring iwasan ang sitwasyon/pangyayaring ito sa hinaharap?)

          Maiiwasan ang sitwasyong naganap kung bibigyan ng pagsasanay at sapat na impormasyon tungkol sa kalusugan at kaligtasan si Manny sa kanyang pinagtatrabahuhan. Dapat ay magkaroon din siya ng oryentasyon sa lugar ng kanyang trabaho upang malaman niya ang anumang panganib na nakaamba sa kanya, ano ang kanyang mga gagawin sa mga oras ng insidente at aksidente, kabilang na ang kaalaman kung saan matatagpuan sa loob ng gusali/pagawaan ang mga first aid kits. Dapat din siyang bigyan ng sapat na kasanayan sa mga bagong aparato at kagamitan na maaari niyang gamitin sa unang pagkakataon. 

Scenario 3: Time Off from Work

Betsay, a young, single mother, had been working long hours at the restaurant. She hadn’t had a day off in over a month and often worked 55 hours per week. One day her child became very sick with dengue so she called the restaurant to let them know she could not come to work. Her boss was annoyed, murmuring that she will look for someone more reliable than Betsay. Betsay became worried she was going to lose her job.

What is the issue? (What is the isyu?)

          Hindi nakapasok si Betsay nang biglang magkasakit ng dengue ang kanyang anak. Nagpaalam siya sa kanyang boss subali’t nagamba siya na baka mawalan ng trabaho dahil sa sinabi nitong maghahanap ng mas maaasahan kaysa kay Betsay.

What does the Philippine law says about number of work hours and time off? (Ano ang sinasabi ng batas ng Pilipinas tungkol sa bilang ng oras ng trabaho at pahinga?)

          Ayon sa batas paggawa ng Pilipinas, walong oras lamang kada araw ang regular na trabaho ng isang manggagawa. Anumang labis sa 8 oras ay ituturing na overtime na babayaran ng dagdag na 25% kung ito ay sa regular na pasok o 30% kung ito ay naganap sa araw ng pahinga o pista opisyal.Iba pa ang rate o porsyento kung ito ay naganap sa gabi.

How should Betsay handle this situation? (Paano dapat i-handle/pangasiwaan ni Betsy ang sitwasyong ito?)

          Dapat ipaliwanag ni Betsy sa kaniyang boss na ang pagkakasakit ng kanyang anak ay hindi inaasahan. Sabihin din niya rito ang kanyang mga nakaraang performance. Kung siya ay tinanggal sa trabaho dahil sa hindi pagpasok ng may dahilan, maaari siyang dumulog sa DOLE upang maghain ng reklamo.

2.       It is time to practice your speaking and interviewing skills to learn more about what happens in workplaces! Your task is to interview at least one employer and one employee (from different workplaces) about labor laws in the workplace. If possible, interview more so you can learn more! (Oras na upang gamitin ang ating kasanayan sa pagsasalita at pakikinig upang matuto ng marami tungkol sa kung ano ang mga nangyayari sa mga lugar ng trabaho! Ang iyong gagawin ay mag-interbyu ng isa o higit pang employer/may-ari ng negosyo at isang manggagawa (mula sa iba’t ibang lugar ng trabaho) tungkol sa mga batas paggawa. Kung posible, mag-interbyu ng marami upang maraming matutunan!)

Think about possible questions you can ask an employer and questions you could ask a worker. Remember, it is important to be sensitive in how you ask questions. You do not want people to feel like they are being accused of a wrongdoing. (Umisip ng mga posibleng tanong na maaari mong itanong sa employer at mga tanong na maaari mong itanong sa manggagawa. Tandaan, mahalagang maging sensitibo sa paraan ng iyong pagtatanong. Hindi mong gustong sila ay makaramdam na tila inaakusahan ng isang pagkakamali.)

Write questions you could ask regarding rights and responsibilities in the workplace. (Isulat ang mga tanong na maaari mong itanong na may kinalaman sa mga karapatan at tungkulin sa lugar ng trabaho.)

Questions for an Employer

Questions for a Worker

1. Ilang araw at ilang oras ang trabaho ng isang manggagawa sa kumpanya?

1. Ilan at kung nasusunod mo ang regular na bilang ng oras ng trabaho na itinakda ng kumpanya?

2. Ilang araw ang pahinga sa loob ng isang linggo?

2. May mga araw ka ba ng pahinga sa loob ng isang linggo? Ilang araw ito?

3. Ilang porsyento ang dagdag na sahod kapag lumabis sa oras na itinakda?

3. Nababayaran ba nang sapat ng may-ari ang mga overtime mo?

4. Ilang araw kada taon ang vacation leave ng isang trabahador?

4. Ano ang mga tungkulin mo kapag hindi ka nakakapasok?

5. Ilang sick leave ang ibinibigay sa bawa’t manggagawa?

5. Nakatanggap ka ba ng oryentasyon tungkol sa kalusugan at kaligtasan nang una kang pumasok?

6. Maaari bang palitan ng cash ang sick at vacation leave?

6. Naipaliwanag ba sa iyo nang husto ang iyong mga karapatan, tungkulin, at benebisyo bilang isang manggagawa?

7. Maliban sa itinakda ng batas, anu-ano pang benepisyo ang tinatamo ng isang manggagawa?

7. Kasapi ka ba ng SSS, Philhealth, at Pag-ibig Fund? Mahalaga ba ang mga ito sa iyo?

8. Anong kasanayan at pagsasanay ang ibinibigay sa mga bagong pasok na trabahador lalung-lalo na yaong mga nagtatrabaho sa unang pagkakataon?

8. Alam mo ba ang iyong dapat gawin sa oras ng sakuna, insidente, aksidente, sunog, lindol, at iba pang kalamidad?

9. Anu-anong mga tuntunin pangkalusugan at pangkaligtasan ang umiiral sa kumpanya?

9. Anong benepisyo ang nais mong idagdag na ibigay sa iyo ng kumpanya?

10. Anu-anong mga paglabag sa batas paggawa ang inereklamo ng mga manggagawa, kung mayroon man?

10. Biktima ka ba ng sexual harassment o anumang uri ng panggigipit?

 

The following table includes questions you might want to ask an employer. You should also add other questions from your brainstorming above. Write the interviewee’s responses in the right hand column. (Ang sumusunod na table ay kinapapalooban ng mga tanong na maaari mong itanong sa isang may-ari ng negosyo. Dapat mo ring idagdag ang iba pang tanong na iyong naisip sa itaas. Isulat ang mga sagot ng kinapanayam sa kanang hanay.)

[NOTE: Ang sagot sa mga tanong ay base/ayon sa mga aktwal/totoong sagot ng inyong nakapanayam/nainterbyu. Ang nakasulat na kasagutan sa ibaba ay halimbawa lamang.]

Questions for an Employer

Response

How many hours do employees work per day? (Ilan oras nagtatrabaho ang mga manggagawa sa isang araw?)

Sila ay nagtatrabaho ng 12 oras sa isang araw.

If an employee works more than 8 hours per day, how do they get paid? (Kung lumampas sa 8 oras ang pagtatrabaho ng isang manggagawa, paano sila binabayaran?)

Kung regular na araw, ang 4 na oras na lumampas ay binabayan ng dagdag na 25% at 30% kapag oras ng pahinga o pista opisyal. Ibang porsyento kung gabi, kung pista opisyal ang araw ng pahinga, atbp.

How often do workers get breaks during the day? (Ilang beses nagbe-break ang mga manggagawa sa loob ng isang araw?)

Mayroon silang 15 minutong meryenda sa umaga at hapon at isang oras naman sa oras ng tanghalian.

How much leave time do workers get? (Ilang araw ng leave ang nakukuha ng isang empleyado?)

Sila ay may 30 araw na bakasyon kapag nakapagtrabaho ng 12 buwan; pro-rata kung hindi. Ito ay may bayad.

How do you provide safety in the workplace? (Paano mo ibinibigay ng kaligtasan sa lugar ng trabaho?)

Mayroon kaming oryentasyon at pagsasanay sa mga bagong tauhan at regular na pagsasanay.

What training do you provide staff on health and safety in the workplace? (Anong pagsasanay ang ibinibigay mo sa mga staff/tauhan ukol sa kalusugan at kaligtasan sa lugar ng trabaho?)

Binibigyan sila ng pagsasanay sa first aid tulad ng CPR at emergency life support; kung ano ang mga gagawin sa oras ng sunog, lindol, at iba pang kalamidad. Mayroon din silang mga babasahin kung paano makakaiwas sa sakit; paano ang tamang paghuhugas ng kamay, atbp.

Have there ever been cases of sexual harassment in the workplace?(Nagkaroon na ba ng mga kaso ng sexual harassment sa lugar ng trabaho?)

No discrimination at no to sexual harassment ang ilan sa mga polisiya ng kumpanya.

How do you handle cases of sexual harassment? (Paano mo pinangasiwaan ang mga kaso ng sexual harassment?)

Kung magkakaroon, iimbestigahan, susuriin, at bibigyan ng karampatang kaparusahan ang sinumang lumabag.

Maaari bang palitan ng cash ang sick at vacation leave?

Ibinibigay namin ng cash ang hindi nagamit na sick o vacation leave.

Maliban sa itinakda ng batas, anu-ano pang benepisyo ang tinatamo ng isang manggagawa?

a. private health insurance

b. one sack of rice every month

c. 14th month pay

d. yearly bonus

e. interest-free loan

f. retirement pay

Anu-anong mga paglabag sa batas paggawa ang inereklamo ng mga manggagawa, kung mayroon man?

May union ang mga manggagawa kaya nalulutas na agad ang anumang reklamo na kadalasan ay maliliit na bagay lamang.


Questions for a Worker

Response

How many hours per day do you work? (Ilang oras ka nagtatrabaho sa isang araw?)

Ang regular na oras ay 8. Limang araw kada linggo ang pasok ko.

How do you get compensated if you work more than 8 hours per day? (Paano ka binabayaran kapag lumampas sa 8 oras ang iyong pagtatrabaho?)

May patong ng 25% kapag regular na araw ang overtime; 30% naman kapag araw ng pahinga ko o kaya ay holiday.

What breaks do you get during the workday? (Anu-anong mga break ang iyong nakukuha habang ikaw nasa trabaho?)

Maaari kaming magmiryenda ng 15 minuto sa umaga at hapon; isang oras naman kapag kakain ng tanghalian.

Do you get paid leave time during the year? (Nakakakuha ka ba ng leave/pahinga na may bayad sa loob ng isang taon?)

15 araw na vacation leave na may bayad ang ibinibigay sa amin kapag nakapagtrabaho kami ng 12 buwan.

What safety precautions are you required to take in the workplace? (Anu-anong pag-iingat pangkaligtasan ang kailangang gawin sa lugar ng trabaho?)

Kailangan naming magsuot ng mga kasuotan at kagamitang pangkaligtasan o PPE habang nagtatrabaho. Kailangang matinding pag-iingat kapag gumagamit ng mga bagong makinarya at kagamitan.

What type of training or orientation did you receive on health and safety in the workplace? (Anong uri ng pagsasanay o oryentasyon ang iyong natanggap ukol sa kalusugan at kaligtasan sa lugar ng trabaho?)

Binibigyan kami ng basic training sa first aid at life support. Mayroon din kaming mga sinusunod na health protocols lalo na ngayong may covid.

Have you experienced or witnessed cases of sexual harassment in the workplace? If so, what happened? (Nakaranas ka ba o nakamasid ng mga kaso ng sexual harassment sa pinagtatrabahuhan? Kung oo, ano ang nangyari?)

May isang superbisor dito na tinanggal sa trabaho at kinasuhan matapos manghipo ng isang babaing empleyado. Magmula noon ay wala nang sumunod pang pangyayari.

How are cases of sexual harassment handled in your workplace? (Paano pinapangasiwaan ang mga kaso ng sexual harassment sa inyong pinagtatrabahuhan?)

Pinatatawag ng pangasiwaan ang mga sangkot at hinihingan ng paliwanag; may lupon na mag-iimbistiga at magbibigay ng recmendasyon.

Ano ang mga tungkulin mo kapag hindi ka nakakapasok?

Kailangan mong tawagan at abisuhan ang opisina nang maaga; magdala ng doctor’s certification kapag maysakit/nagkasakit.

Kasapi ka ba ng SSS, Philhealth, at Pag-ibig Fund? Mahalaga ba ang mga ito sa iyo?

Kasapi ng SSS, Philhealth, at Pag-ibig Fund ang lahat ng empleyado sa aming pagawaan. Mahalaga ito lalo na kung may emergency, at kapag magpapagawa o bibili ng bahay.

Anong benepisyo ang nais mong idagdag na ibigay sa iyo ng kumpanya?

a. private health insurance

b. subsidized school fees

c. retirement benefits


Think
about the responses from both the employer and employee. How much did they seem to know about the labor laws in the Philippines? What differences and similarities did you notice in their responses to questions regarding hours of work, health and safety in the workplace and sexual harassment? (Isipin ang mga sagot ng may-ari at empleyado. Gaano sila kaalam tungkol sa mga batas paggawa ng Pilipinas? Anu-ano ang pagkakaiba at pagkakapareho na iyong napansin sa kanilang mga sagot na may kinalaman sa mga oras ng trabaho, kalusugan at kaligtasan sa lugar ng trabaho, at sexual harassment?)

        Batay sa mga kasagutan ng may-ari ng isang negosyo at isang manggagawa, sapat ang kanilang kaalaman sa mga umiiral na batas paggawa ng Pilipinas magkaiba man ang kanilang kumpanya.

        Wala akong napansin na magkakaiba sa kanilang mga sagot na may kinalaman sa mga oras ng trabaho, kalusugan at kaligtasan sa lugar ng trabaho, at sexual harassment.

Sharing is caring

Share with someone in your household or a fellow learner what you have learned from asking employers and workers questions related to the labor code. Do it face to face, via text, chat, or whatever means available and comfortable to you. The people you share with might also have other experiences to discuss related to the labor code and the workplace. (Ibahagi sa sinuman sa iyong pamamahay o kapuwa mag-aaral sa ALS ang iyong mga natutunan mula sa pagtatanong sa mga may-ari ng negosyo at mga manggagawa na may kinalaman sa batas paggawa. Gawin ito nang harapan, via text, chat, o anumang pamamaraan na maaari at komportable sa iyo. Ang mga binahaginang tao ay may mga ibang karanasan din na maaaring talakayin na may kinalaman sa batas paggawa sa pinagtatrabahuhan.)

Activity 6: Review, Wrapping Up, and Application

Talk to your parents or adult family members about the topics below. How much does each of you know? Put a check beside the top five topics that you would like to learn more about. Remember to thank them for their time and help on your schoolwork. (Kausapin ang iyong mga magulang o matandang miyembro ng pamilya tungkol sa mga paksa sa ibaba. Gaano ang inyong kaalaman sa mga ito? Lagyan ng tsek ang pinakaunang 5 paksa na nais mo pang matutunan pa. Tandaan na pasalamatan sila sa kanilang panahon at tulong sa iyong gawaing eskwela.)

Topics

Interested to learn more (Put a check)

1. What’s the minimum wage that I should be paid?

 

2. Am I entitled to SSS and Philhealth and Pag-ibig?

 

3. Am I entitled to overtime, holiday pay, and 13th month pay?

 

4. Women’s rights in the workplace

 

5. PWD rights in the workplace

ü

6. Reasons for termination of employees

ü

7. Sick leave and vacation leave

 

8. Maternity and paternity leave

ü

9. OJT, apprentice, probationary and regular employees –

ü

10. Where do I go if I have complaints or grievances at work?

ü


If you have a job, what are your rights and responsibilities in your current job? If you are looking for a job, which right needs to be prioritized and fulfilled by your potential job?

(Kung ikaw ay may trabaho, anu-ano ang iyong mga karapatan at tungkulin sa iyong kasalukuyang trabaho? Kung ikaw ay naghahanap ng trabaho, aling karapatan ang kailangang bigyan ng prayoridad at matupad ng iyong potensyal na trabaho?)

          Bilang isang manggagawa, ang ilan sa aking mga karapatan at tungkulin sa aking kasalukuyang trabaho ay ang mga sumusunod:

Mga Karapatan:

1. Magkaroon ng kopya ng kontrata sa mga napagkasunduang “terms and conditions of employment.”

2. Tumanggap ng kaukulang sahod at karampatang benepisyo ayon sa kontrata at alinsunod sa batas paggawa ng Pilipinas.

3. Magkaroon ng sapat na pagsasanay, kasanayan, at oryentasyon tungkol sa mga pangkalusugan at pangkaligtasang panganib at pag-iwas sa lugar ng trabaho.

4. Hindi makatanggap ng anumang uri ng diskriminasyon at panggigipit mula sa may-ari o sa mga kasamahan sa trabaho.

5. Magkaroon ng sapat na pahinga at oras sa pagkain habang nagtatrabaho.

6. Magtrabaho sa lugar na ligtas sa anumang panganib. 

Mga Tungkulin:

1. Sundin ang mga kondisyong napagkasunduan sa kontrata.

2. Pumasok sa takdang oras at huwag abusuhin ang oras ng pahinga at pagkain.

3. Ipagbigay alam agad sa kumpanya kung hindi makapapasok.

4. Sundin ang mga pangkalusugan at pangkaligtasang tuntunin na pinaiiral sa pinagtatrabahuhan.

6. Ingatan ang mga kagamitang inisyu ng kumpanya.

7. Respetuhin ang pinuno at mga katrabaho.

8. Mag-ingat habang nagtatrabaho.

Session 2 – Writing Space

Use this space to complete any of the written assignments above or write any thoughts or ideas that have come to mind on The Labor Code of the Philippines. (Gamitin ang espasyong ito upang kumpletuhin ang anumang sulating takdang aralin o isulat ang anumang saloobin na pumasok sa isip tungkol sa Batas Paggawa ng Pilipinas.) [Hayaang blanko kung walang isusulat.]

Learners’ Reflection: Module 6 Rights and Responsibilities of Workers and Employers

Remember this? You answered this at the beginning of the module. Answer it again and compare your results with your previous reflection. Is there a difference?

This is not a test but is a way for you to see what you already know or do not know about the topics. You will read a skill that is listed in the left column. Think about yourself and your experience. Then read the statements across the top. Check the column that best represents your situation. The results will help you and your teacher know which topics may require more time, effort and guidance.

Ang mga katanungan dito ay hindi test. Ito ay isang paraan upang malaman mo ang iyong kaalaman, kasanayan o kakayahan tungkol sa paksang ito. Basahin ang bawat tanong. Magbalik-tanaw sa inyong mga karanasan at lagyan ng tsek ang sagot na naaangkop sa inyong sitwasyon. Ang iyong kasagutan ay magiging gabay mo at ng iyong guro sa pagpapalawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksang ito.

My Experience

1

2

3

4

Knowledge, skills and abilities/ Kaalaman, kasanayan at kakayahan

I don’t have any experience doing this. Wala akong karanasan sa paggawa nito

I have very little experience doing this. May kaunti akong karanasan sa paggawa nito

I have some experience doing this. Mayroon akong karanasan sa paggawa nito

I have a lot of experience doing this. Marami akong karanasan sa paggawa nito

Identify universal human rights / Pagtukoy sa pang-unibersal na karapatang pantao

 

 

 

ü

Know the rights and responsibilities of workers and employers according to the Philippine Labor Code / May kaalaman tungkol sa karapatan at tungkulin o responsibilidad ng mga manggagawa at may-ari ng negosyo ayon sa Philippine Labor Code

 

 

 

ü

Know and use the health & safety regulations in the Philippine Labor Code / Pag-alam at pagsasagawa ng mga tuntunin para sa kalusugan at kaligtasan ayon sa Philippine Labor Code

 

 

ü

 

Use several appropriate strategies to stand up for my rights or take action to address a problem at work / Paggamit ng mga angkop na estratehiya o pamamaraan para panindigan ang aking karapatan, o para maaksiyunan ang problema sa trabaho

 

 

 

ü

 

2 comments:

Anonymous said...

Salamat at nakatulong po ito

Anonymous said...

Super duper thank you it was very helpful :)