Saturday, January 9, 2021

Guides on Activity 10 & 11 - ALS Life Skills Module 2 - Interpersonal Communication

Module 2: Interpersonal Communication

“Sa komunikasyon mahalaga ang unang impresyon”

The first impression you give is important in communication.

SESSION 3: CUSTOMER CARE

 


Activity 10: Observing Communication in the Workplace

Think about workplace observation. How can we learn about communication during an observation? (Pag-isipan ang isang pagmamasid sa isang negosyo o bahay-kalakal. Paano tayo matututo tungkol sa pakikipagtalastasan/komunikasyon habang nagmamasid?)

            Habang nagmamasid sa isang bahay-kalakal o negosyo, bukod sa nalalaman natin ang iba’t ibang ng trabaho at pag-uugali ng mga manggagawa, natutunan din natin ang mga uri ng komunikasyon at kung paano ito ginagamit ng mga kawani sa bawa’t isa at sa kanilang mga kustomer. 

What do we need to know or prepare before workplace observation? (Ano ang dapat nating malaman o paghandaan bago ang isang pagmamasid sa lugar ng trabaho?)

            Bago tayo magsagawa ng isang pagmamasid sa lugar ng trabaho, humingi muna tayo ng permiso sa may-ari o namamahala rito kung kinakailangan. Kailangan din natin ng mga gamit sa pagtatala tulad ng lapis/bolpen at papel, at kamera/videocam/smartphone kung meron tayo nito. Kailangan din nating sumunod sa patakarang pangkalusugan at pangkaligtasan na ipinatutupad sa lugar na ating napiling obserbahan, gayundin na rin ang pagsusuot ng mga akmang damit at kagamitang na ipinaiiral para sa ating kalusugan at kaligtasan.

What should you do during a workplace observation? (Ano ang dapat mong gawin habang nasa isang pagmamasid sa isang bahay-kalakal o negosyo?)

            Bukod sa paghingi ng permiso at pagsusuot ng mga damit at kagamitang pangkaligtasan, kailangan nating sumunod sa mga abiso sa lugar. Maging magalang kung may nais itanong sa mga kawani o tauhang ating inoobserbahan at sabihin ang ating tunay na pakay sa ating ginagawa. Dapat ay maging obhektibo tayo o walang halong personal o may pagkiling (bias) ang ating pagmamasid. Bukod sa ating naririnig, dapat ay maging matalas din ang ating pakiramdamdam sa ikinikilos o ipinahihiwatig ng katawan ng mga manggagawang ating pinagmamasdan upang lubusang malaman natin ang kanilang tunay na saloobin. Pagkatapos ng ating pagmamasid, magpasalamat tayo sa mga manggagawa at namamahala.

Let’s Apply!

 You will complete two workplace observations. If there are safety restrictions, choose workplaces that you can observe from a safe distance outside. Do an observation when you are tending to your daily needs such as grocery shopping or going to the pharmacy. Observe for 10 – 20 minutes. (Kukumpletuin mo ang dalawang pagmamasid sa lugar ng trabaho. Kung may mga paghihigpit sa kaligtasan, piliin ang mga lugar ng trabaho na maaari mong pagmasdan mula sa isang ligtas na distansya sa labas. Gawin ang iyong pagmamasid kapag ginagawa mo ang iyong pang-araw-araw na pangangailangan tulad ng paggo-grocery o pagpunta sa botika.  Magmasid sa loob ng 10 – 20 minuto.)

Complete the form for each observation to the best of your ability. You may not be able to answer every single question. Take notes as you can and then answer the questions on communication that follow the table when you are back home. (Kumpletuhin ang porma ng bawa’t pagmamasid sa abot ng iyong makakaya. Maaaring hindi mo masagot ang bawa’t katanungan. Kumuha ng tala hangga’t maaari at sagutin pagkatapos ang mga tanong tungkol sa komunikasyon na kasunod ng table pagbalik mo sa inyong bahay.)

 2.7 Observing Communication in the Workplace

 

Observation #1

Observation #2

 

Date: Dec. 24, 2020

Date:  Jan. 4, 2021

Information about the business:

 

 

1. What is the name of the business?

Eden’s Hypermart

Dado’s Glass & Metal Works

2. What type of business is it?

Grocery Store

Glass & Metal Works

3. What products or services does the business offer?

Grocery items: canned goods, grains, bakery products, frozen goods, fruits & vegetables, etc.

Window grills, aluminum windows & doors, sliding metal doors & gates, glass display racks, etc.

4. What jobs did you observe? What did they do and what equipment did they use?

a. Mga kahera/kahero na gumagamit ng scanner, cash register, at credit card machine.

b. Mga taga-supot/taga-kahon ng pinamili

c. Mga tagasalansan at taga-ayos ng mga paninda

d. Manedyer

a. Mga naghihinang

b. Mga tagagawa ng mga aluminum na bintana at pinto

c. Namamahala

Communication:

5. What forms of communication did you see?

Oral, written, and electronic

Pag-uusap nang harapan  at sa pamamagitan ng intercom

6. How did the supervisor communicate with the employees?

Kinakausap ng manedyer ang mga kawani nang harapan at sa pamamagitan ng intercom at telepono.

Kinakausap ng namamahala ang mga kawani nang harapan at sa pamamagitan ng intercom

Customer Service:

7. Describe any good customer service you saw.

a. Nagsasabi ng “thank you” ang mga cashiers matapos magbayad ang mga kustomer.

b. Sinasagot nang malugod ng mga merchandiser ang mga nagtatanong na parukyano.

a. Magiliw na kinakausap ng namamahala ang mga parukyano at sinasagot ang kanilang mga katanungan.

b. Nagpapasalamat ang may-ari sa mga kustomer

8. Describe any bad customer service you saw.

Walang bumabati sa mga kustomer kapag pumapasok ng groserya.

Maliban sa namamahala, walang tauhan ang bumabati sa mga kustomer kapag pumapasok ng pagawaan.

Main Equipment Observed:

9. List and explain some of the main equipment you saw? Include anything used with customers such as cash registers, credit card machines, etc.

 

a. cash register

b. scanner

a. welding machines

b. grinders

c. sanders

d. hydraulic machine

e. bender

f. alumunum & metal cutter

g. electric drills & punchers

h. at iba pa

Dress Code:

10. What do you notice about how the workers are dressed?

Nakauniporme ang mga tagasalansan ng mga paninda, kahero/kahera, at mga taga-supot/taga-kahon ng mga pinamili.

Kaswal ang kasuotan ng mga kawani.

Possible Work Experience

Opportunities:

11. Do you think there might be work experience or internship opportunities here? Why?

Mayroong oportunidad na makapagtrabaho rito dahil may nakita akong paskel na sila ay nangangailangan ng kahera/kahero.

Mayroong oportunidad na makapagtrabaho rito dahil binanggit ng namamahala na magbubukas sila ng bagong pagawaan sa Matso 2021.

Manager or Supervisor’s Name:

12. List here if you were able to get this information.

Gng. Adelaida Lanto

G. Diosdado Aquipel

What forms of communication did you see? (Anong mga anyo ng pakikipagtalasan ang iyong nakita?)

            Ang namamahala at mga tauhan ay nakikipagtalastasan sa pamamagitan ng oral at electronic na pamamaraan.

How did the staff communicate with each other? (Paanong makipagkomunikasyon ang mga kawani sa bawa’t isa?)

            Ang mga kawani ang nag-uusap nang harapan at sa pamamagitan ng intercom o telepono.

How did the staff communicate with their customers? (Paanong makipagtalastasan ang mga kawani sa kanilang mga kustomer?)

            Kinakausap nang harapan ng mga kawani ang kanilang mga kustomer. Nagbibigay rin sila ng anunsyo at abiso sa pamamagitan ng intercom. Mayroon din mga nakapaskel na anunsyo/abiso sa palibot ng groserya.

Describe any good customer service you saw. (Ilarawan ang kahit anong mabuting serbisyo sa kstomer na iyong nakita.)

             Nagpapasalamat ang mga kahera/kahera at namamahala sa mga kustomer.

Describe any bad customer service you saw. (Ilarawan ang kahit anong masamang serbisyo sa kstomer na iyong nakita.)

            Walang bumabati sa mga parukyano kapag pumapasok ng grocery/talyer.

Activity 11: Module 2 Review and Application

Reflect on what you have learned from Module 2. Jot down your answers to the questions below in the spaces provided. (Magbalik-tanaw sa natutunan mo sa Modyul 2. Isulat ang iyong mga sagot sa mga tanong sa ibaba sa espasyong nakalaan.)

Learning: Share 2 main things you learned about communications in Module 2. (Ibahagi ang 2 pangunahing bagay na iyong natutunan tungkol sa pakikipagtalasan sa Modyul 2.)

    1. Bukod sa ating naririnig na sinasabi ng ating kausap, kailangang malaman din natin ang nais ipahiwatig ng mga kilos ng kanilang mukha at katawan upang siya ay lubos na maunawaan.

    2. Mahalaga ang pakikipagtalasan upang makapagbigay ng magandang serbisyo sa mga parukyano.

Strength: Share 2 strengths that you think you have in communication. (Ibahagi ang 2 kalakasan na sa palagay mo ay taglay mo sa pakikipagtalastasan.) 

    1. Nakikinig ako at nirerespeto ang pananaw ng iba.

    2. Gumagamit ako ng iba’t ibang anyo ng komunikasyon upang ipahatid ko ang aking mga saloobin at ideya.

Weakness: Share 2 weaknesses that you think you have in communication that you can improve in the future. (Ibahagi ang 2 kahinaan na sa palagay mo ay taglay mo sa pakikipagtalastasan na mapapabuti mo sa hinaharap.) 

    1. Kailangan ko pa ng pag-aaral at pagsasanay upang makapagsalita sa harap ng mga tao o grupo.

    2. Kailangan ko pa ng pag-aaral at pagsasanay upang maging matatas sa pagsasalita sa Ingles.

Challenges: Share 2 things that you find very challenging in effective communication. (Ibahagi ang 2 bagay na sa iyo ay napakamapanghamon sa mabisang komunikasyon.)

    1. Pagsasalita sa Ingles sa harap ng maraming tao.

    2. Pagtantya nang wasto sa mga ikikilos ng mukha at katawan ng kausap.

Sharing is caring

How do you feel after the debate? How do your family members feel? Ask them for their thoughts and then answer the questions below. (Ano ang iyong pakiramdam matapos ang debate? Ano ang naramdaman ng miyembro ng iyong pamilya? Hilingin sa kanila ang kanilang mga saloobin at pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa ibaba.)

            Matapos ang aming isinagawang debate, tila nagkaroon ako ng kumpiyansa sa sarili. Naisawalat ko ang aking nais ipahayag kahit may kaunting nerbiyos habang sinasabi ito. Kung magkaminsan ay napapalakas ang aking pagsasalita.

In what ways did this debate relate to what you learned in this Module on Interpersonal Communication? (Sa anong mga paraan nauugnay ang debate na ito sa iyong natutunan sa Modyul na ito sa Interpersonal Communication?) 

Sa pamamagitan ng debate, naipapamalas mo ang tamang pakikinig sa iyong katunggali upang siya ay maunawaan at maibahagi mo rin nang malinaw ang iyong nais ipabatid.

What good communication skills did you see displayed in this debate? Give examples. (Anong magagandang kasanayan sa komunikasyon ang nakita mong ipinakita sa debate na ito? Magbigay ng halimbawa.)

1. Kailangan mong unawain ang mga kilos ng mukha at katawan ng iyong mga kausap.

2. Kailangan mong makinig nang mabuti upang maiayon mo ang iyong mga pahayag.

3. Kailangan mong igalang ang kanilang pananaw at ipahayag ang iyong sariling saloobin ng walang personalan.

What communication skills were not observable, but you think could help in a debate or similar dialogue? (Anong mga kasanayan sa komunikasyon ang hindi nakita, ngunit sa palagay mo ay makakatulong sa isang debate o katulad na dayalogo?) 

Kung magkaminsan, hindi nasunod ang biglaang pagsagot ng katunggali kahit hindi pa niya oras na magsalita.

Session 3 – Writing Space

Use this space to complete any of the written assignments above or write any thoughts or ideas that have come to mind on customer care. (Gamitin ang espasyong ito upang makumpleto ang anuman sa mga nakasulat na takdang-aralin sa itaas o sumulat ng anumang mga saloobin o ideya na naisip ukol pag-aalaga ng kustomer.)

 

Learners’ Reflection: Module 2 Interpersonal Communication

 

Remember this? You answered this at the beginning of the module. Answer it again and compare your results with your previous reflection. Is there a difference? (Natatandaan mo ba ito? Sinagot mo ito sa simula ng modyul. Sagutin itong muli at ihambing ang iyong mga resulta sa iyong dating pagsasalamin. Mayroon bang pagkakaiba?)

This is not a test but is a way for you to see what you already know or do not know about the topics. You will read a skill that is listed in the left column. Think about yourself and your experience. Then read the statements across the top. Check the column that best represents your situation. The results will help you and your teacher know which topics may require more time, effort and guidance.

Ang mga katanungan dito ay hindi test. Ito ay isang paraan upang malaman mo ang iyong kaalaman, kasanayan o kakayahan tungkol sa paksang ito. Basahin mo ang mga kaalaman, kasanayan o kakayahan na nakalista sa kaliwang kolum. Magbalik-­­tanaw sa iyong sarili at mga karanasan, basahin ang lahat ng mga pangungusap at i-­­tsek ang sagot na naaangkop sa iyong sitwasyon. Ang iyong kasagutan ay magiging gabay mo at ng iyong guro sa pagpapalawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksang ito.

 

My experience

Knowledge, skills and abilities

Kaalaman, kasanayan at kakayahan

1

I don’t have any experience doing this.

Wala akong karanasan sa paggawa nito.

2

I have very little experience doing this.

May kaunti akong karanasan sa paggawa nito.

3

I have some experience doing this.

Mayroon akong karanasan sa paggawa nito.

4

I have a lot of experience doing this.

Marami akong karanasan sa paggawa nito.

Using  a  variety  of  strategies to  listen carefully to others / Paggamit ng iba’t- ibang  istratehiya  para  makinig  nang mabuti sa iba.

 

 

ü

 

Using  and  understanding  non-verbal communication cues / Paggamit at pag- unawa ng mga kilos na nagpapahiwatig ng pakikipag-usap.

 

 

ü

 

Asking questions of others when I do not understand / Paghingi ng tulong sa iba kung merong hindi naintindihan.

 

 

 

ü

Speaking clearly and effectively in front of individuals or groups /Pagsasalita nang maliwanag at mabisa sa harapan ng mga tao o grupo.

 

ü

 

 

Understanding the   importance of customer care and service / Pag-unawa sa kahalagahan ng pag- alaga ng kustomer at pagbibigay ng kaukulang serbisyo.

 

 

ü

 

Striving to provide exceptional customer service, in person or on the telephone /

Pagsisikap upang makabigay ng pinakamagandang serbisyo sa telepono o pakikitungo sa tao

 

 

ü

 

No comments: