Monday, February 22, 2021

Paano Mag-enrol sa ALS?

Dahil sa pagsasabatas ng R.A. 11510 o mas kilala bilang Alternative Learning System Act at mas maraming oras na naigugugol ng mga out of school youth at mga may idad na huminto o hindi nakapag-aral dahil sa pandemya dulot ng Covid-19, maraming mamamayang Pilipino ang naging interesado tungkol sa ALS at kung paano makapag-e-enrol dito. Ang programa ng ALS ay nasa pangangasiwa ng Department of Education (DepED) at bukas para sa mga kabataang may 13 taong gulang para sa elementary level at 16 taong gulang para sa Junior High School level. 

Layunin ng programa na bigyan ng basic education ang mga Pilipino sa isang informal setting. Nguni't dahil sa pandemya, naging pareho ang mode of delivery of instructions ng ALS learners at ng mga nasa formal school. Dahil hindi pinapayagan ang face-to-face instructions, naging digital at modular ang pagbibigay-kaalaman sa mga estudyante. Ang mga aralin ay naimamahagi sa pamamagitan ng mga modules, radyo, telebisyon, at internet.

Dahil marami ang nagtatanong kung paano makapagpatala sa Alternative Learning System programa, nagpalabas ang Department of Education sa pamamagitan ng Bureau of Education Assessment o BEA ng isang informatics. Ayon sa BEA, may tatlong paraan upang makapagpatala sa ALS:

1. Pagtatanong sa Barangay
2. Pagtungo sa Schools Division Office o SDO
3. Magpapalista online thru ALS teachers/implementers

Basahin at unawain ang mga abiso sa ibaba mula sa BEA:

1. Barangay





2. Schools Division Office




3. Online




Sa mga karagdagang impormasyon at katanungan hinggil sa ALS, mangyaring bisitahin ang official page ng BEA sa Facebook - DepEd ALS 2.0 


No comments: