This A&E Practice Test for the 2024 Alternative Learning System (ALS) Accreditation and Equivalency (A&E) Test is taken from the Bureau of Alternative Education (BAE). The test is tentatively scheduled on January 26, 2025 for Luzon cluster and on February 2, 2025 for Visayas and Mindanao clusters. No copyright infringement intended.
Direction: Choose the letter of the correct answer.
1.
Ginagampanan ni Ruel nang maayos ang trabaho
sa kanilang kompanya. Hindi siya nahihiyang magtanong at magpaturo sa kanyang
mga kasamahan. Ibinabahagi rin niya ang kanyang nalalaman. Ano ang
pinakamalamang na magiging epekto ng pag-uugaling ito ni Ruel?
(A)
Magiging modelong
manggagawa siya.
(B)
Uunlad ang kompanya
dahil sa kaniya.
(C) Magiging responsable lahat ng manggagawa.
(D) Maghahanap ng panibagong manggagawa ang kompanya.
2.
Sa paglipas ng panahon, dahil sa kapabayaan at pang-aabuso sa kalikasan,
unti-unting nasisira ang ganda ng mga pangunahing tourist destination sa ating bansa. Alin sa mga reaksiyon sa ibaba
ang HINDI makatutulong sa paglutas ng problema?
(A)
Magkibit-balikat at ipaubaya ang problema sa pamahalaan.
(B)
Gumawa ng sama-samang pagkilos para sa pagsasaayos nito.
(C)
Pag-aralan
ang mga nakababahalang pangyayari sa kalikasan.
(D)
Makiisa sa kampanya
sa pagpapanatili ng kaayusan ng kapaligiran.
3.
Unang araw sa trabaho ni Glen, kaya maaga siyang pumasok. Siya ay nagulat
sa lugar na kanyang pagtatrabahuhan dahil napakagulo nito. Gumawa siya
ng sistema sa pagtatrabaho, ngunit nangamba
siya na baka hindi
ito magustuhan ng kanyang superbisor. Ano pa ang maaari
niyang gawin?
(A)
Humingi ng permiso
sa superbisor.
(B)
Humingi ng tulong
sa ibang trabahador.
(C)
Iligpit ang mga gamit nang sama-sama.
(D)
Hintayin na lamang kung ano ang sasabihin
ng superbisor.
4.
Kung namimili si Aling Tessie, ayon
lang sa kanilang pangangailangan. Minsan, nakabili siya ng mga produktong
hindi naman niya balak bilhin. Napansin niyang makintab ang balot at talaga
namang nakakahalina. Alin sa sumusunod ang magandang batayan upang bilhin ang
isang produkto?
(A)
Makikislap
ang balot nito.
(B)
Iniindorso
ng maraming artista.
(C)
Maayos ang pagkasalansan nito.
(D)
Kompleto ang impormasyon sa etiketa.
5.
Ang isang manggagawa ay may mga karapatan at mga tungkulin. Alin sa sumusunod ang
HINDI tungkulin?
(A)
Magkaroon
ng sapat na benepisyo.
(B)
Dumating sa trabaho
ng tamang oras.
(C)
Sundin ang lahat ng alituntunin ng kompanya.
(D)
Panatilihin
ang maayos na patakbo ng mga gamit sa kompanya.
6.
Ang pag-aalaga ng baboy ay isa sa mga magandang
halimbawa ng pagkakakitaan. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng paraan sa
pag-aalaga ng baboy?
(A)
Bakunahan
at pakainin bago linisin ang kulungan.
(B)
Bakunahan tuwing linggo,
pakainin at laging
linisan ang kulungan.
(C)
Linisin ang kulungan,
pakainin sa oras, bigyan ng tamang
bitamina at bakuna.
(D)
Linisin ang kulungan
sa umaga, bigyan
ng bakuna at bitamina sa tuwing pakakainin.
7.
Nang mag-apply si Rona sa isang opisina, siya
ay sinabihang mababa lang ang sahod na matatanggap niya. Kailangan na niyang
kumita at ang trabaho ay magagawa niya. Alin sa sumusunod ang pinakamabuting
isasagot ni Rona?
(A)
Hindi po ba maaaring dagdagan
ang sahod?
(B)
Hahanap na lamang
po ako ng ibang trabaho.
(C)
Sana po sa susunod ay may dagdag
na sahod.
(D)
Okay lang po sa akin, mahalaga po na may trabaho ako.
8.
Susumahin na sana ng isang kahera ang mga pinamili
ni Aling Dina nang biglang nasira ang cash register
machine. Ano ang pinakamabuting gawin ng kahera
para makuwenta agad ang pinamili ng mamimili?
(A)
gumamit ng calculator
(B)
gumamit ng lapis at
papel
(C)
gamitin ang computer ng
opisina
(D)
hiramin ang cellphone ng
mamimili
Para sa bilang 9
I.
Hintaying lumabas ang resibo. II.
Kuwentahin ang
pinamili. III.
Iswipe ang
ATM card ng
customer. IV.
Iabot sa
kustomer ang swipe machine. V.
Ipalagay sa kustomer ang pin number ng ATM card.
|
9.
Isang kahera si Lanie sa RM Department Store. May isang kustomer na ATM card ang
gagamitin sa pagbayad
ng kanyang pinamili. Ano ang tamang
pagkakasunod- sunod ng mga hakbang sa itaas na dapat gawin ni Lanie?
(A)
I, II, III, IV, V
(B)
II, IV, III, V, I
(C)
IV, III, II, I, V
(D)
V, IV, III, II, I
10.
Naghahanap si Cathy ng mauupahang mura at
malapit sa kanyang opisina. Ang mga paupahan nina Aling Lita at Aling Tina ay
parehong malapit at parehong naniningil ng Php1,500.00 na upa bawat buwan. Si
Aling Lita ay nagbibigay ng diskwentong Php150.00, samantalang si Aling Tina ay
nagbibigay ng 5% na diskwento. Ano ang maaaring maka-impluwensiya sa pagpili ni
Cathy ng paupahan?
(A)
ang diskwento sa upa
(B)
ang may-ari ng paupahan
(C)
ang layo ng bahay paupahan
(D)
ang halaga ng upa sa kontrata
11.
Bumili si Rey ng bagong motorsiklo galing sa isang online dealer. Sa paraang ito ay binigay niya ang mga kailangang
sagot sa mga tanong na personal at pinansiyal. Aling batas ang mangangalaga sa
seguridad ng pribadong impormasyon ni Rey upang hindi ito magamit para sa ibang
layunin ng dealer o ng mga ibang
kasosyo nito?
(A)
Data Privacy Act
(B)
Intellectual
Property Code
(C)
Securities
Regulation Code
(D)
Freedom of Information Act
12.
Nakita ni
Arman ang mga masasarap na
kakanin na ibenibenta ni Mina sa social media. Nais niyang mag-order para
sa kaarawan ng kaniyang asawa kaya nagtakda siya ng araw para sa delivery.
Ano ang maaring basehan ni Arman upang makatiyak na
mapagkakatiwalaan si Mina?
I.
Nasisiguro
ang contact address na
binigay.
II.
May mabuting rekomendasyon galing sa mga
kaibigan.
III.
Humihingi
ng impormasyon tungkol
sa bank account.
IV.
May ipinakikitang permit para sa food delivery.
(A)
I, II, III
lamang
(B)
I, II, IV lamang
(C)
I, IV, V lamang
(D) II, III, IV lamang
13.
Nawawala sa mesa ni G. Rodriguez ang sobreng
may lamang pera. Tinanong niya ang kanyang mga tauhan kung sino ang kumuha. Pinagdududahan
ni G. Rodriguez ang mga tauhan at tinanong sila kung sino ang kumuha. Tama ba ang ginawa
niya?
(A)
Oo, wala ng ibang kukuha ng pera kundi empleyado
niya.
(B) Hindi, dapat nag-imbestiga muna si G. Rodriguez sa makatarungang paraan.
(C)
Hindi, wala namang CCTV sa opisina para mapatunayang iyon ang nagnakaw.
(D)
Oo, dahil hindi dapat magtagal
sa trabaho ang isang
empleyadong magnanakaw.
14.
Si Paul ay mahilig magtahi at magaling
magdisenyo ng mga gown. Anong posibleng negosyo ang nababagay sa kanya?
(A)
Magtayo ng sari-sari store.
(B)
Magtayo ng couture
house.
(C)
Mag-apply
sa pagawaan ng damit.
(D) Mag-apply sa tindahan ng mga tela
15.
Si Ana ay nagbebenta ng yema. Sinisigurado niyang
malinis ang pagkakagawa nito. Nilalagyan niya ito ng tamang sangkap
upang mas magustuhan ng kanyang mga suki.
Kung mapapanatili niya ang dekalidad na produkto, ano ang mangyayari sa kanyang
negosyo?
(A)
Matitigil
ang paggawa ng produkto.
(B)
Mababawasan
ang bibili ng produkto.
(C)
Pararamihin
ang produksiyon ng produkto.
(D)
Tatangkilin
at hahanap-hanapin ang produkto.
16.
Ang Boracay ay isang malaparaisong lugar,
subalit sa labis na pang-aabuso ng mga pumupunta dito, ito ay ipinasara ng anim na buwan. Sa
muling pagbubukas ng Boracay,
ipinatupad ang Municipal
Ordinance No. 320 Series of 2018. Ito ay
makatutulong sa paglutas ng problema dahil mahigpit na ipinagbabawal ang
(A)
panghuhuli
ng mga isda
(B)
pagpasok ng mga dayuhan
(C)
paggamit ng mga plastic at styrofoam
(D)
pagtatayo
ng mga gusali malapit sa dagat
17.
Si Alwin ay malikhain at mahilig magtanim ng
iba’t ibang halaman. Ang kanilang bahay ay nakatayo sa harap ng sementeryo.
Madalang ang nagpapalinis ng puntod, kaya siya ay naghahanap ng dagdag na
mapagkakakitaan. Anong negosyo ang maaari niyang pasukin na HINDI
nangangailangan ng malaking puhunan?
(A)
Magbenta ng ataol.
(B)
Magbukas ng karinderya.
(C)
Magtinda ng bulaklak
at kandila.
(D)
Magbenta ng semento
at buhangin.
18.
Sa isang isla sa Barangay Malibayo ay may
isang tindahan na nagbebenta ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao doon. Ang paninda dito ay halos doble ang presyo, ngunit
napipilitan silang bumili dito dahil kinakailangan pa nilang tumawid ng dagat papuntang bayan upang doon bumili ng mas mura. Alin sa
sumusunod ang maaaring mangyari kung magkakaroon ng kooperatiba sa isla?
(A)
Bababa ang presyo
ng paninda.
(B)
Magkakaroon
ng pondo ang barangay.
(C)
Bababa ang dami ng produktong paninda.
(D)
Marami ang pupunta
sa bayan upang doon bumili.
19.
Alin sa sumusunod ang tamang pagkakapares ng salita?
(A)
nail care - damit
(B)
vulcanizing
- sasakyan
(C)
laundry services
- kuko
(D)
livestock raising - halaman
20.
Alin sa sumusunod ang nagsisilbing lugar kung
saan nakakamit ng isang konsyumer ang kanyang mga pangangailangan at kagustuhan
sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong handa at kayang maubos?
(A)
plasa
(B)
paaralan
(C)
palengke
(D)
munisipyo
21.
Isang matalinong mamimili
si Elma. Pinipili
niya ang mga produktong may kilalang
tatak. Alin sa sumusunod ang maaaring maidulot ng pagkakaroon ng may mahusay at
kilalang tatak?
(A)
Tataas ang benta
ng produkto.
(B)
Tutumal ang benta ng produkto.
(C)
Tatagal sa merkado
ang produkto.
(D)
Tatangkilin
ng mamimili ang produkto.
22.
Upang hindi makalimutan ni DJ ang kanyang pin
number sa ATM card, petsa ng kapanganakan niya ang laging ginagamit ngunit
hindi ito ligtas gamitin. Ano ang maaari pa niyang gamitin?
(A)
petsa ng kasal
(B)
inuulit na bilang
(C)
sunod-sunod
na bilang
(D)
numerong siya lamang ang may alam
23.
Si Cora ay nakatapos ng pag-aaral sa tulong ng ALS. Nais na niyang maghanap ng
trabaho. Aling bahagi ng pahayagan ang makapagbibigay ng impormasyong
makatutulong sa kanya?
(A)
Obitwaryo
(B)
Pangulong Tudling
(C)
Anunsyo Klasipikado
(D)
Pahinang Panlibangan
24.
Nakita ni Gema ang iniidolo
niyang artista na may patalastas ng isang produktong nakakapagpaputi. Gusto na rin
niyang bumili nito. Ano ang dapat isaalang-alang ni Gema bago bumili ng mga
ganitong produkto?
(A)
Dapat iniindorso ito ng sikat at mapuputing
mga artista.
(B)
Bumibili ang mga kamag-aral ng produktong pampaputi.
(C)
Ito ay aprubado
ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno.
(D) Ito ay dapat munang subukan kung talagang nakakapagpaputi
25.
Nakatanggap
si Rina ng isang mensahe
na siya ay nanalo ng Php 100,000.00 sa raffle ng isang
sikat na mall. Ano ang pinakamabuting gagawin niya upang makasiguro na totoo
ang mensaheng ito?
(A)
Alamin kung aprubado
ng DTI.
(B)
Kompirmahin
ito sa barangay hall.
(C)
Sundin kung ano ang sinabi
sa text.
(D)
Tanungin ang opinyon
ng mga kaibigan.
26. Alin sa sumusunod ang maaaring maging dahilan ng pagkatanggal sa trabaho ng isang manggagawa, ayon sa Labor Code?
(A)
Madalas na pagpapabaya sa tungkulin.
(B)
Hindi pagpasok ng trabaho dahil sa sakit.
(C)
Pagtitinda
ng pagkain sa mga kasamahan.
(D)
Aksidenteng
pagkabasag ng gamit sa pagawaan.
27.
Nalaman ni Philip na hindi sapat ang
benepisyong kanilang natatanggap, kinausap niya ang superbisor ngunit
nakiusap ito na huwag nang iparating sa lider
ng samahan ng manggagawa. Kung magpapatuloy pa ang maling
pangangasiwa ng superbisor at malaman ito ng ibang empleyado, anong
hakbang ang tamang gawin ng mga manggagawa?
(A)
Mananahimik
na lang upang
hindi mawalan ng trabaho.
(B)
Pagkakaisahan ng mga manggagawa na ipasara ang kompanya.
(C) Magkakaisa ang mga manggagawa upang
patalsikin sa puwesto ang kanilang superbisor.
(D) Mag-oorganisa ng
pagkilos ang mga manggagawa
upang mapakinggan ang kanilang
hinaing.
ANSWERS: