Friday, November 3, 2017

ALS A&E Reviewer: Critical Thinking and Problem Solving

Ang eksamin sa ibaba ay sinipi lamang sa post ni Maxine B. Borado sa Facebook. Ayon sa kanya, ito ay akda ni RM Zantua. Maraming salamat sa kanilang dalawa.



LEARNING STRAND 2 – Critical Thinking and Problem Solving

1. Upang mabuhay nang malusog at masigla sa iyong pagtanda, dapat ay _______________________.

a. kumain nang wasto at regular na pag-ehersisyo
b. magkaroon ng mga magulang na malusog at masigla
c. magsaya ka sa buhay
d. lahat ng mga nabanggit sa itaas

2. Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata __________.

a. maraming-maraming sex hormone ang nagagawa ng katawan
b. lumalaki ang mga kamay at paa ng tao
c. nagbabago ang hugis ng katawan ng tao
d. lahat ng mga nabanggit sa itaas

3. Buntis ang babae kapag __________.

a. nagaganap ang ovulation
b. nagaganap ang fertilization
c. kapag kumapit ang cell mass sa kanyang matris
d. simula nang marinig ang pagtibok ng puso ng fetus

4. Tinatawag ang pagsasama ng egg cell at sperm cell na __________.

a. fertilization b. ovulation c. menstruation d. puberty

5. Nag-uumpisa ang kakayahang magparami o mag-reproduce sa __________.

a. adolescence b. adulthood c. childhood d. infancy

6. Ang tanging pagbabagong sexual na parehong nagaganap sa mga lalaki at babae ay __________.

a. paglaki ng mga suso
b. paglaki ng mga kalamnan o muscles
c. pagiging mataba
d. pagkakaroon ng pubic hair

7. Isang komunidad ng mga organismo na may kaugnayan sa bawat isa at sa mga salik na bumubuo sa kanilang kapaligiran.

a. Forestation
b. Urbanization
c. Ecosystem
d. Wala sa nabanggit

8. Ang pagbago sa mga kagubatan at mga tirahan ng mga organismo upang gawing tirahan ng mga tao, daan at industriya.

a. Ruralization
b. Urbanization
c. Deforestation
d. Wala sa nabanggit

9. Ito ay isang pangunahing organo ng circulatory system.

a. dugo b. puso c. ugat d. elula ng dugo

10. Ano ang pangunahing gamit ng circulatory system?

a. Pinaiikot nito ang dugo sa buong katawan.
b. Sinusuportahan nito ang katawan at pinoprotektahan ang mahahalagang organo nito.
c. Dinudurog nito ang pagkain upang magamit ng katawan.
d. Ito ang responsible sa paglanghap ng oksiheno at pagbuga ng carbon dioxide

11. Ano sa mga sumusunod ang halimbawa ng ecosystem?

a. ilog b. paso c. basurahan d. lahat nang nabanggit

12. Ano sa mga sumusunod ang hindi organismo?

a. tao b. hangin c. saging d. ipis

13. __________ ang sukatan ng pagiging estabilisado sa isang ecosystem.

a. Biodiversity b. Ebolusyon c. Food chain d. Energy flow o pagdaloy ng enerhiya

14. Ang panlabas na bahagi ng balat

a.dermis b.epidermis c.glandula d.hair follicle

15. Butas na nakapaligid sa ugat ng buhok o balahibo;

a.dermis b.epidermis c.glandula d.hair follicle

16. Ang mga higanteng alon sa dagat na sanhi ng isang lindol sa ilalim ng karagatan ay tinatawag na

a. plate b. fault c. pagtaas at pagbaba ng tubig d. tsunami

17. Ang pag-alog at pagyanig na resulta mula sa biglang paggalaw ng bahagi ng ilalim ng mundo ay kilala bilang _____________________.

a. pagguho ng lupa b. pagdaloy ng putik c. lindol d. tectonic plate

18. Ano ang mga paraan sa kaligtasan na kailangang sundin ng mga tao bago maganap ang isang lindol?

a. magsagawa ng mga pagsasanay para sa sunog
b. magsagawa ng mga pagsasanay para sa lindol
c. magsagawa ng mga pagsasanay para sa militar
d. magsagawa ng mga pagsasanay para sa calisthenics

19. Isa sa mga sistem ng ating katawan na responsable paglaban sa mga masasamang organismo na sumisira sa ating immune system.

a. Circulatory System b. Lymphatic System c. Respiratory System d. Muscular System

20. Mga sakit ng lympahtic system

a. AIDS b. elephantiasis c. edema d. lahat ng nabanggit

21. Ang sistema ng mga organ na may kinalaman sa pagtatanggal ng dumi sa katawan sa pamamagitan  ng paglikha ng ihi.

a. Excretory System b. Endocrine System c. Circulatory System d. Digestive System

22. Pagkatapos ng tatlong buwan sa sinapupunan ng ina, ang fetus ay __________.

a. handa nang maisilang
b. nagkaroon ng malaking katawan at maliit na ulo
c. mukhang maliit na tao
d. may kumpletong mga organ system subalit hindi pa rin kayang mabuhay nang mag isa

23. Upang mabuhay nang malusog at masigla sa iyong pagtanda, dapat ay __________.

a. kumain nang wasto at regular na pag-ehersisyo
b. magkaroon ng mga magulang na malusog at masigla
c. magsaya ka sa buhay
d. lahat ng mga nabanggit sa itaas

24. Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata __________.

a. maraming-maraming sex hormone ang nagagawa ng katawan
b. lumalaki ang mga kamay at paa ng tao
c. nagbabago ang hugis ng katawan ng tao
d. lahat ng mga nabanggit sa itaas

25. Panghihina ng mga buto dahil sa kawalan ng calcium lalo na sa mga matatandang babae.

a. Kyphosis b. Osteoporosis c. Osteoarthritis d. Dementia


ALS A&E Reviewer: Sustainable Use of Resources/Productivity

Ang eksamin sa ibaba ay sinipi lamang sa post ni Maxine B. Borado sa Facebook. Ayon sa kanya, ito ay akda ni RM Zantua. Maraming salamat sa kanilang dalawa.



LEARNING STRAND 3 – Sustainable Use of Resources / Productivity
1. May isang tindahan lamang ang Barangay Malayo na nagbebenta ng mga pangangailangang pang-araw-araw. Bumibili sa tindahang ito sa mataas na presyo o kaya’y nagbibyahe pa nang malayo papuntang poblasyon para makabili ng mas murang produkto ang mga nakatira dito. Makakatulong ang isang kooperatiba sa Barangay Malayo sa pamamagitan ng . . .

a. pagbili ng isang dyip na magagamit ng mga taga-barangay para makapunta sa mga tindahan
sa poblasyon
b. pagtatayo ng isang tindahan sa komunidad na magbebenta ng mga produkto sa makatwirang
presyo
c. paggawa ng daan upang mabilis na makarating sa poblasyon
d. pagtuturo sa mga miyembro nito na kaunti lamang ang ikonsumo o pagkasyahin na lamang
ang kakaunti

2. May kasanayan sa pagbuburda ang mga taga-Barangay Sampaguita. May mga order sa kanila ang maraming tindahan sa Maynila. Pero wala silang sapat na puhunan para makabili ng tela at sinulid. Wala silang magawa kundi umutang ng pampuhunan sa mga usurero na nagpapatong ng napakataas na  interes. Makakatulong sa Barangay Sampaguita ang isang kooperatiba sa pamamagitan ng . . .

a. pakikipag-usap sa mga usurero na huwag magpatong ng mataas na interes
b. ipaalam sa mga tao na may iba pang usurero na may mas mababang patong na interes
c. pagpapautang sa mga taga-barangay at pagpapatong ng mas mababa at mas makatwirang interes
d. pagtuturo sa mga taga-barangay ng iba pang posibleng mapagkakakitaan.

3. Kapag natuto ang mga miyembro nang kahalagahan ng kooperatiba tulad ng pag-asa sa sarili at puspusang paggawa, nakikinabang din ang komunidad. Paano?

a. Ang mga miyembro ng kooperatiba ay miyembro din ng komunidad. Ang mga
pinahahalagahan sa buhay na natutuhan nila sa kanilang kooperatiba ay nakakatulong din para maging mabuting miyembro ng kanilang komunidad
.

b. Pinipilit ng kooperatiba ang mga miyembro nito na lumahok sa mga gawain ng komunidad.
c. Itinuturo ng kooperatiba ang mga kurso sa pag-aaral ng mga kahalagahan (values education)
sa hay-iskul ng kanilang lugar.
d. wala sa nabanggit

4. Marunong gumawa ng pastilyas at iba pang pangmatamis ang taga-Barangay Matamis. Minsan sa  isanglinggo, pumupunta sa kanila ang mga mamamakyaw at bumibili ng kanilang produkto. Dahil dito, kailangang pagbutihin ang paggawa ng mga produktong ito. Kailangan nang dedikasyon at pag-iingat  ang paggawa ng ganitong produkto kaya nagtataka sila kung bakit napakaliit ng bayad sa kanilang mga  minatamis.Nagdesisyon silang magtayo ng kooperatibang makatutulong sa kanila na makakita ng mga  mamimili na nakahandang magbayad ng mataas na presyo. Ang uri ng kooperatibang ito ay tinatawag na_____________.

a. kooperatibang pamprodukto
b. kooperatibang pampamilihan
c. kooperatiba ng kendi
d. kooperatibang pangmamimil

5. Kilala na napakahusay na mga sapatero ang bayan ng Caminar. Nakakakuha sila ng malalaking order mula sa maraming tindahan sa Maynila. Pero lagi naman silang kinukulang ng mga suplay para sa produksiyon tulad ng balat, bakel, at pangkulay. Gusto din nilang mapahusay ang disenyo ng sapatos para maibenta ito sa mga eksporter. Nagdesisyon ang mga sapatero na magtayo ng kooperatibang makapagbibigay sa kanila ng mga maaasahang suplay na may mas mababang presyo. Tutulong din ang kooperatiba sa pagbili ng mga kagamitan at makina na makapagpapahusay ng kalidad ng kanilang
sapatos. Ang uri ng kooperatibang ito ay tinatawag na ____________________.

a. kooperatibang pamprodukto
b. kooperatibang pampamilihan
c. kooperatiba ng sapatos
d. kooperatibang pangmamimili

6. Nagbibigay ng oportunidad ang mga kooperatiba sa pag-aaral at pagsasanay sa mga miyembro nito para ____________________.

a. mapahusay ang kanilang kasanayan at magkaroon sila ng mas magandang kabuhayan
b. matutuhan nila ang mga importanteng bagay sa pagpapatakbo ng maliit na negosyo
c. matuto silang umasa sa sarili at magtrabaho nang puspusan
d. lahat ng nakasaad sa itaas

7. Ano ang unang ibinibigay sa biktima ng aksidente upang mabawasan ang sakit na nararamdaman at mailigtas ang biktima kung walang doktor?

a. antibiotiko
b. pangunang lunas
c. oxygen
d. pagsasanay sa pangunang lunas

8. Tungkol saan ang Article 162 ng Batas sa Paggawa o Labor Code? 

a. Karapatan ng manggagawa sa ligtas at maayos na kapaligiran sa lugar ng paggawa
b. Karapatan ng mga babae at mga anak sa lugar ng paggawa
c. Istandard na estruktura at disenyo ng gusali
d. Serbisyong pangkalusugan para sa mga manggagawa

9. Alin sa mga sumusunod ang pinakamagandang halimbawa ng target sa pagtitinda?

a. makakuha ng P 25,000 mula sa pagtitinda ng prutas
b. magtinda ng prutas magtinda ng komiks na nagkakahalaga ng P 50,00.00
c. magtinda ng komiks na nagkakahalaga ng =P50,00.00
d. Makakuha ng P 10,000.00 sa loob ng isang buwan sa pamamagitan nang pagtitinda ng gulay

10. Marunong kang magkumpuni ng elektrikal na kagamitan at iba pang kagamitan sa loob ng bahay. Ano ang negosyong maaari mong pasukin?

a. magtinda ng mga muwebles
b. mag-alok ng pag-aayos ng mga kasangkapang elektrikal
c. bumili at magtinda ng mga kasangkapang elektrikal
d. magtayo ng mga bahay

11. Nagtitinda si Ana ng ice candy tuwing tag-init, sa halagang P1 ang isa. Isang araw, nalaman niya na nagtitinda din ng ice candy ang kanyang kapitbahay na si Carla sa halagang 75 sentimos naman ang isa. Kung ikaw si Ana, ano ang gagawin mo?

a. Tumigil sa pagtitinda ng ice candy
b. Ibaba ang iyong presyo sa halagang 75 sentimos bawat isa
c. Magbigay ng isang libreng ice candy sa bawat limang pirasong bibilhin
d. Paratangan si Carla ng hindi patas na kumpetisyon

12. Alin sa sumusunod ang hindi klasipikasyon ng gulay?

a. madahon b. leguma c. lamang-ugat d. wala sa itaas

13. Alin sa sumusunod na pestisidyo ang hindi lubhang nakapipinsala?

a. DDT b. Pestisidyong may mercury c. Pestisidyong organophosphate d. Heptachlor

14. Alin sa sumusunod ang hindi pestisidyo?

a. parricide b. insecticide c. herbicide d. fungicide

15. Alin sa sumusunod na pamamaraan ang nakasasama sa kapaligiran?

a. pag-iiba-iba ng mga pananim
b. paggamit ng mga mabubuting insekto
c. pagsasama ng mahahalimuyak na damong-gamot sa mga karaniwang pananim
d. paggamit ng mga pataba


ALS A&E Reviewer: Development of Self and Sense of Community

Dahil sa nalalapit na ang pagsusulit, mag-ensayo tayong mabuti sa pagsagot ng mga reviewer kahit ito ay giya lamang.




Ang sumusunod ay sinipi sa post ni Maxine B. Borado sa Facebook.

LEARNING STRAND 4 – Development of Self and A Sense of Community

1. Ang pagiging responsible at mapagkakatiwalaan ay nangangahulugan ng pagiging tapat, magalang at
maunawain sa kalagayan ng tao, marunong magtimpi, may sariling paninindigan at 
____________________.

a. pagiging makasarili
b. may paggalang sa sarili
c. hindi nagmamadali na tapusin ang kanyang gawain kahit na alam niyang may mga
naghihintay sa kanyang mga gawain
d. hindi ginagawa ang kanyang tungkulin, lalong-lalo na kung walang nakakakita

2. Ang mga taong responsible ay sumusunod sa mga batas trapiko kahit na walang pulis na nakabantay 
dahil
_________________.
a. ayaw nilang mahuli ng pulis o tagapamahala ng trapiko
b. takot sila sa maaring gawin sa kanila ng mga tagapamahala ng trapiko sakaling mahuli
c. mawawalan sila ng dangal kung mahuli sila ng pulis o tagapamahala ng trapiko
d. alam nila kung lalabagin ang mga batas-trapiko, magiging sagabal ito sa tuluyan at maayos na
daloy ng trapiko

3. Alin sa mga sumusunod ang kilala sa pag-gawa ng hagdang palayan o rice terraces?

a. Aeta b. T'boli c. Ifugao d. Mangyan

4. Ang Pagdiwata ay sayaw ng mga Tagbanua ng Palawan. Ginagawa ito para ipakita ang ang 
pasasalamat sa magandang ani at para humingi ng proteksiyon at pabor sa mga diyos.

a. tama b. siguro c. mali d. wala sa nabanggit

5. Kailangang ipakita mo ang iyong pag-alala at pag-galang sa ibang tao sa pamamagitan ng pagtapos 
ng iyong mga nasimulang gawain kahit may mga iba ka pang personal na pagkakaabalahan at 
karamdaman sapagkat _______________

a. sinabihan ka ng iyong nanay o boss na gawin mo ito
b. gusto mong magyabang sa ibang tao
c. may mga taong umaasa sa iyong produkto, serbisyo at gawain
d. ang tatanggapin mong bayad ay malaki

6. Ang paggalang ay pagtanggap _______________________

a. sa ibang tao sa kabila ng kanilang kapansanan
b. lamang sa kanyang sarili
c. sa isang taong masama
d. sa mga taong gumagawa nang masama sa kapwa

7. Sinasabing ang pag-aasawa ay lehitimo o tunay dahil ________________________________

a. ito ay pinapayagan at pinagtibay ng batas
b. ang mga di-kasal o hiwalay na tao lamang ang maaaring magpakasal
c. ang mga taong nagpapakasal ay nagmamahalan
d. ito ay isang panghabang-buhay na pagsasama

8. Alin sa mga sumusunod na kasalan ang ipinagdiriwang ng isang hukom o alkalde?

a. Simbahang kasalan c. Kasalang Pantribo c. Kasalang sibil d. Kasalang Barangay

9. Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa kontrata ng kasal ang hindi totoo?

a. Palaging nakasulat ang mga kontrata sa kasal
b. Ipinapaliwanag ng kontrata sa kasal ang mga karapatan at obligasyon ng mag-asawa sa isa’t
isa
c. Kinikilala ng batas ang mga kontrata sa kasal.
d. Kinikilala ng simbahan ang mga kontrata sa kasal.

10. Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang wasto sa kinakailangang gulang o taon sa pag-aasawa sa ilalim ng batas-sibil ?

a. Ang pares ay kinakailangang may 18 gulang o mababa
b. Ang pares ay kinakailangang may 18 gulang o pataas.
c. Ang lalaki ay dapat may 18 gulang o pataas habang ang babae ay dapat 18 gulang o mababa.
d. Wala sa itaas.

11. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang pares na may pagkakaiba sa pinansyal at katayuan 
sa buhay?

a. Ang lalaki ay mayaman, ang babae ay mahirap
b. Ang lalaki ay 48 gulang, ang babae ay 30
c. Katoliko ang lalaki, ang babae ay Saksi ni Jehovah
d. Mataba ang lalaki, payat ang babae.

12. Isang organisasyon ng mga kababaihan ang GABRIELA na nagmula pa sa Estados Unidos at may 
sangay dito sa Pilipinas.Ang mga sumusunod ay kanilang mga pinagkaka-abalahan, maliban lamang sa:

a. pagbebenta ng mga kabataan sa iba’t ibang mga bansa
b. paglalako ng sex
c. pagkakaroon ng asawa sa pamamagitan ng koreo
d. relasyong pangkasarian sa bansa ng Asya at Amerika 

13. Nagdudulot ng kaguluhan sa pamayanan ang mga kilos protesta. Kailangang ipagbawal ang mga ito 
sa business areas, workplace, unibersidad at eskwelahan at ahensya ng pamahalaan. Ikaw ba ay:

a. sang-ayon b. hindi sigurado c. di sang-ayon d. wala sa nabanggit

14. Ang pagkakaroon ng kaalamang pulitikal ay hindi nangangahulugang pagpunta sa lansangan at 
pagsama sa mga kilos protesta.

a. sang-ayon b. hindi sigurado c. di sang-ayon d. wala sa nabanggit

15. Alin sa mga sumusunod ay katangian ng isang huwarang empleyado?

a. Tinitiyak ni Vanessa na marami siyang natatapos na gawain sa isang araw. Alam naman
niyang titingnan ng kanyang boss kung may pagkakamali siyang nagawa.
b. Tinitiyak ni Neil na palagi siyang nakahanda ano mang oras na kakailanganin siya ng kanyang
boss.
c. Ginagawa ni Richard ang mga gawain ng mga kasamahan niya kahit hindi ito ipinapagawa sa
kanya.
d. Kung maaari, iniiwasan ni Norman ang iba niyang kasamahan dahil sa gusto niyang
magtrabaho nang mag-isa.

16. Ang pagpasok nang maaga sa opisina ay tanda ng ___________.

a. isang responsableng empleyado
b. isang taong may kusang-gawa
c. isang taong madaling makibagay
d. isang taong may sariling-sikap

17. Mahilig si Jose sa mga gawaing may kaugnayan sa mga numero. Ang dapat niyang maging trabaho 
ay
__________.
a. kusinero c. konduktor ng bus b. barbero d. mekaniko
18. Sa paghahanap ng trabaho, ang una mong dapat gawin ay _________.
a. maghanap sa mga palathala o advertisements
b. magpainterbyu
c. ihanda ang bio-data
d. magpadala ng bio-data

19. Ano ang mga karaniwang kailangan sa paghahanap ng trabaho?

a. bio-data, resumé, application form
b. bio-data, application form, NBI Clearance
c. bio-data, NBI Clearance, rekord sa eskwelahan
d. application form, rekord sa eskwelahan, resumé

20. Nangyayari ang labis na stress kapag naaapektuhan ang iyong katawan dahil sa lubusang pagkagipit.  Alin sa sumusunod ang hindi pisikal na patunay ng labis na stress?

a. madalas na sipon
b. pag-iba sa gana ng pagkain
c. nananakit na likod
d. namamagang mga paa

Wednesday, November 1, 2017

2016-2017 ALS A&E Practice Test - 1

Dahil sa nalalapit na pagsusulit ng Accreditation & Equivalency (A&E) sa ika-19 ng Nobyembre, 2017 para sa mga taga-Luzon at ika-26 ng Nobyembre, 2017 para sa mga taga-Visayas at Mindanao, nararapat na mag-ensayo tayo sa pagsagot ng mga posibleng tanong. Nasa ibaba ang sample test na maaaring subukan:


Sagutin muna ang mga tanong bago hanapin ang tamang sagot para higit tayong matuto.

Tuntunin: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap o mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong papel.

1. Nakita mo ang iyong kaklase sa elementarya sa mall. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

          a. Hoy, ang taba-taba mo naman!
          b. May utang ka sa akin, ‘di ba?
          c. Kumusta ka na? Ang tagal nating hindi nagkita!
          d. Ano na nga pala ang nangyari sa inyo ni Benjie?

2. Nangutang si Aling Baste ng halagang P 5,000.00 kay Bumbay. Siya ay magbabayad dito ng P 1,300.00 kada buwan sa loob ng 5 buwan. Ilang porsyento ang interes sa perang inutang ni Aling Baste?

          a. 10%
          b. 20%
          c. 25%
          d. 30%

3. Nakatanggap ng libreng gamot si Marissa sa pampublikong klinika sa bayan. Ano ang una niyang dapat gawin pagdating ng bahay?

          a. Ipagbili ang gamot sa tindahan dahil hindi niya ito kailangan.
          b. Basahin ang etiketa sa loob ng gamot upang malaman kung anong karamdaman ang nagagamot nito.
          c. Ibigay sa kapitbahay ang gamot dahil nalaman niyang may sakit ito.
          d. Itago ang gamot sa medicine cabinet.

4. Ang isang lungsod o bayan ay may mga konsehal. Ang katumbas nito sa isang lalawigan ay

          a. punong-panlalawigan
          b. bokal
          c. kagawad
          d. gobernador

5. Kailangang bakuran ni Natoy ang kanyang nabiling lupain. Ito ay korteng tatsulok at may sukat na 40 metro,  65 metro at 80 metro. Ang isang rolyong alambreng-tinik ay may habang 300 metro. Kung palilibutan niya ng tatlong ulit ang lupain, ilang rolyong alambreng-tinik ang dapat niyang bilhin?

          a. 1 rolyo
          b. 2 rolyo
          c. 3 rolyo
          d. 4 rolyo

6. Batay sa bilang 5, kung ang isang metro ng alambreng-tinik ay nagkakahalaga ng P15 bawat metro at maaaring kang bumili ng tingi, magkano ang pagbabayaran mo?

          a. P2,775
          b. P5,550
          c. P8,325
          d. P11,100

7. Sumakay si Pedring ng dyip. Sa kalagitnaan ng biyahe ay nalaman niyang nakalimutan niya ang kanyang wallet. Ang sumusunod ang mainam na gawin ni Pedring.

          a. Humingi ng paumanhin sa tsuper at ipaliwanag ang pangyayari.
          b. Humingi ng sukli sa tsuper para malaman nitong nagbayad na siya.
          c. Magpabayad sa ibang nakasakay sa dyip.
          d. Pumara at bumaba ng dyip.

8. Natuklasan mong may isang kriminal ang kinakanlong ng isa mong kapitbahay. Ano ang nararapat mong gawin?

          a. Sabihin mo ang iyong natuklasan sa nabanggit na kapitbahay at hingan siya ng pera upang itikom mo ang iyong bibig.
          b. Ipagbigay alam sa mga may kapangyarihan ang iyong natuklasan.
          c. Hulihin mo ang kriminal.
          d. Kumbinsihin mo ang iyong asawang sa ibang lugar muna kayo mamalagi.

9. Kinuwenta ni Aling Metring ang gastusin sa pag-aaral ng kanyang anak sa kolehiyo sa isang taon. Ito ang naging resulta:
          Pamasahe – 15%
          Pagkain – 20%
          Libro – 10%
          Tuition – 30%
          Uniform – 5%

Kung binibigyan ni Aling Metring ng halagang P60,000 kada semestre ang anak, magkano ang napupunta para sa baon nito sa isang taon?

          a. P24,000
          b. P12,000
          c. P96,000
          d. P48,000

10. Nagtanim ng mga binhing mais na albino si Mang Juan. Lumaki ito ng isang piye subali’t unti-unting namamatay. Bakit?

          a. Kulang ito sa dilig.
          b. Kulang ito sa pataba.
          c. Wala itong kakayahang gumawa ng sariling pagkain.
          d. Kailangan nito ng sikat ng araw.

11. Ang mga halaman ay humihinga rin tulad ng tao. Ano ang tawag sa parteng ito ng halaman?

          a. stomata
          b. chlorophyll
          c. stamen
          d. veins

12. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang isosceles triangle maliban sa isa.

          a. Ang lahat ng sides o gilid ay may parehong sukat.
          b. Dalawa sa mga angles ay may parehong degree.
          c. Magkasingsukat ang dalawang sides o gilid.
          d. Ang kabuuan ng degree ay 180 degrees.

13. Bumili ng pahayagan si Maria at nabasa niya roon ang pagkamatay at libing ng kanyang matalik na kaibigan. Anong parte ng pahayagan ang nabasa niya?

          a. editoryal
          b. obituary
          c. classified ads
          d. headline

14. Ayon sa PAGASA, kaya malamig ang panahon ay dahil sa hanging nagmumula sa hilagang-silangan. Ang hanging ito ay tinatawag na

          a. Habagat
          b. Kanluranin
          c. Amihan
          d. El Nino

15. Ang mga hayop na ito ay nabuhay muna sa tubig at lumaki sa lupa.

          a. Reptiles
          b. Amphibians
          c. Mammals
          d. Primates

16. Kapag nasawi o nagbitiw sa tungkulin ang pangulo at ang pangalawang-pangulo, sino sa mga sumusunod ang maaaring humalili pansamantala sa kanyang tungkulin?

          a. Pangulo ng Senado
          b. Tagapagsalita ng Kongreso
          c. Punong-mahistrado
          d. Ang kanyang kabiyak

17. Ito ay kalipunan ng mga karapatan ng isang mamamayan ayon sa Saligang-Batas.

          a. Bill of Rights
          b. Human Rights
          c. Preamble
          d. Civil Rights

18. Ang pinakamatandang siyudad at naging kapitolyo ng Pilipinas.

          a. Manila
          b. Quezon City
          c. Davao City
          d. Cebu City

19. Ilang hugis bilog ang nasa simbolo ng Olympics?

          a. 4
          b. 5
          c. 6
          d. 3

20. Napansin ni Estong na kapag dagsa ang isang uri ng produkto sa merkado ay bumababa ang presyo nito. Ano kaya ang dahilan?

          a. Law of supply and demand
          b. Value Added Tax Law
          c. Law of diminishing return
          d. Income Tax Law

21. Ang pagtaas ng Interest Rate sa isang bansa ay nakakabuti sa mga sumusunod maliban sa isa.

          a. Foreign lenders (mga bansa o banyagang nagpapautang)
          b. Exporters (mga nagluluwas ng produkto sa ibang bansa)
          c. Importers (mga namimili ng produkto mula sa ibang bansa)
          d.  Banks (mga banko)

22. Elsa bought a washing machine from a department store. She paid it and the saleslady gave her a

          a. reciept
          b. riceipt
          c. receipt
          d. riceipt

23. The teacher asked her students to draw a triangle whose sides are of different lengths. What kind of triangle should the students draw?

          a. scalene
          b. isosceles
          c. equilateral
          d. right

24. Taga-Davao ____ ang napangasawa ng kanyang kapatid. Anong salita ang nararapat sa patlang?

          a. daw
          b. din
          c. raw
          d. pa

25. Ginagamit ito sa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat.

          a. pangatnig
          b. pang-angkop
          c. pantukoy
          d. panlapi

26. Allan gave apples to you and ____. Which word is appropriate in the blank?

          a. I
          b. me
          c. he
          d. mine

27. If   y = 2x – 6, what is not correct in the following?

          a. The slope of the line is 2.
          b. The x-intercept is 3.
          c. The y-intercept is – 6
          d. The y-intercept is 3.

28. Naghahanap ng trabaho si Mario. Anong parte ng diyaryo ang dapat niyang basahin?

          a. headline
          b. editorial
          c. classified ads
          d. comics

29. Batid ni Mang Rafael ang masamang epekto ng pamatay-kulisap sa kapaligiran subali’t ang kaniyang binili ay ang tanging produktong makakalunas sa suliranin ng kanyang pananim na mais. Ano ang mabisa niyang gawing sa pagkakataong ito?

          a. Huwag nang gamitin ang pamatay-kulisap.
          b. Isangguni sa isang beterinaryo ang kanyang problema.
          c. Basahing mabuti ang etiketa ng produkto at gamitin ito ayon sa nabasa.
          d. Isauli sa binilhan ang pamatay-kulisap.

30. May binagong artikulo ang mga mambabatas sa Saligang-Batas. Kailangang isangguni ito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng isang _____.

          a. halalan
          b. siyasig (survey)
          c. plebisito
          d. talakayan

31. Josefa dances gracefully, but her sister _______.

          a. didn’t.
          b. wasn’t
          c. don’t
          d. doesn’t

32. Nangamatay ang mga isda at hipon sa sapa nang linisin ni Lam-ang ang kanyang buhok. Ito ay isang uri ng

          a. pagwawangis
          b. pagmamalabis
          c. pagtutulad
          d. pagsasatao

33. Ang kuwento ng “Florante at Laura”  ay isang uri ng

          a. epiko
          b. tula
          c. awit
          d. alamat

34. Between you and _____, I don’t think her acting deserves an award.

          a. me
          b. I
          c. she
          d. us

35. Namumutiktik sa bunga ang punong-mangga ni Mang Teban. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay

          a. panay putik
          b. sagana
          c. wala
          d. hinog

36. Ang mga sumusunod ay mga uri ng kalupaan maliban sa isa.

          a. lake
          b. hill
          c. valley
          d. mountain

37.  Ang mga sumusunod na talata ay hango sa ika-17 Kabanata ng “Florante at Laura”.

"Kung ang isalubong sa iyong pagdating
ay masayang mukha't may pakitang-giliw,
lalong pag-ingata't kaaway na malihim,
siyang isaisip na kakabakahin."

"Dapuwa't huwag kang magpahalata,
tarok mo ang lalim ng kaniyang nasa;
ang sasadatahi'y lihim na ihanda,
nang may ipagtanggol sa araw ng digma."

Ano ang mensahe ng may-akda?

          a. masuyong salubungin ang panauhin
          b. unahan ang kaaway
          c. mag-ingat at maging handa
          d. maging masaya at ipaghanda ang panauhin

38. Manganganak na ang alagang baka ni Anita. Sino ang kanyang pupuntahan upang makatulong?

          a. komadrona
          b. manggagamot
          c. albularyo
          d. beterinaryo

39. The sum of the angles of any triangle is ______.

          a. 180 degrees
          b. 360 degrees
          c. 90 degrees
          d. 45 degrees

40. Teacher asked her students to select the flashcard with the correct word on it. What word is on the flashcard?

          a. comittee
          b. commision
          c. occur
          d. accomodate

41. Donita regulary saves money on the bank. At the end of the year, the balance of her account is P142,140. If she deposited P11,500 every month, what is the interest rate of the bank?

          a. 1.5%
          b. 8%
          c. 4.5%
          d. 3%

42. Pinaniniwalaan ng ang mga sinaunang tao ng Pilipinas ay nagmula sa Tsina. Paano sila nakarating sa bansa?

          a. sakay ng balangay
          b. naglakad
          c. sumakay ng barko
          d. lumangoy

43. May deck ng nakataob na baraha si Pedro. Binuksan niya ang nasa unahan. Ano ang tsansa na ito ay isang “hari”?

          a. 1/13
          b. 1/52
          c. ¼
          d. 4/13

44. Ang mga elemento ng isang bansa o estado ay ang mga sumusunod:

          a. populasyon, teritoryo, pamahalaan, at kayamanan
          b. pamahalaan, kalayaan, teritoryo, at populasyon
          c. teritoryo, karapatan, gobyerno, at pagkakaisa
          d. gobyerno, naninirahan, kapangyarihan, at kayamanan

45. Nag-jogging si Joven sa oval ng palaruang-bayan. Napansin niyang bumabagal siya ng 15% pagkatapos ng naunang lap. Kung nakumpleto niya sa loob ng 20 minuto ang unang lap, ano ang kanyang bilis pagkaraan ng 4 na lap?

          a. 30.42 min.
          b. 26.45 min.
          c. 12.28 min.
          d. 20.45 min.

46. Bumili ng gamot na herbal si Lucia sa botica. Pagkauwi sa bahay ay nabasa niya sa etiketa ng gamot ang ganito” “No approved therapeutic claims”. Ano ang kahulugan nito?

          a. Hindi maaari sa therapy ang gamot.
          b. Hindi ito gamot at hindi maaaring gawing panggamot sa anumang uri ng sakit.
          c. Hindi sapat ang pag-aaral sa gamot.
          d. Panlunas lamang sa sintomas ng sakit ang gamot.

47. Kayang tapusin ni Andoy ang pagtatanim ng palay sa loob ng 3 oras. Apat na oras naman ang gugugulin kung si Arman ang magtatanim. Kung sabay silang magtatanim ng palay, ilang oras ito gagawin? (Round off the answer to the nearest minutes).

          a. 1 oras at 10 minuto
          b. 1 oras at 17 minuto
          c. 3 oras at kalahati
          d. 3 oras at 50 minuto

48. Sino sa mga sumusunod ang hindi mamamayan ng Pilipinas?

          a. anak ng OFW na ipinanganak sa ibang bansa
          b. mga taong banyaga at pinili ang pagiging Filipino ayon sa batas
          c. mga ipinanganak bago ang ika-17 ng Enero,1973, na ang ina ay isang Filipina at banyaga ang ama
          d. anak ng mamamayan ng Pilipinas

49. Given the example Benguet/vegetables/CAR, which of the following is incorrect?

          a. Nueva Ecija/rice/Central Luzon
          b. Camiguin/mangoes/Northern Mindanao
          c. Quezon/coconuts/Calabarzon
          d. Negros/sugarcane/Mimaropa

50. What is the function of me in this sentence “Marina gave me two dozen eggs.”?
          a. indirect object
          b. direct object
          c. pronoun
          d. subject

Answers:  Good luck!