LEARNING
STRAND 3 – Sustainable Use of Resources / Productivity
1. May isang tindahan
lamang ang Barangay Malayo na nagbebenta ng mga pangangailangang pang-araw-araw.
Bumibili sa tindahang ito sa mataas na presyo o kaya’y nagbibyahe pa nang
malayo papuntang poblasyon para makabili ng mas murang produkto ang mga nakatira
dito. Makakatulong ang isang kooperatiba sa Barangay Malayo sa pamamagitan ng .
. .
a. pagbili ng isang dyip na magagamit ng mga taga-barangay para makapunta sa mga tindahan
sa poblasyon
b. pagtatayo ng isang tindahan sa komunidad na magbebenta ng mga produkto sa makatwirang
presyo
c. paggawa ng daan upang mabilis na makarating sa poblasyon
d. pagtuturo sa mga miyembro nito na kaunti lamang ang ikonsumo o pagkasyahin na lamang
ang kakaunti
2. May kasanayan sa pagbuburda ang mga taga-Barangay Sampaguita. May mga order sa kanila ang maraming tindahan sa Maynila. Pero wala silang sapat na puhunan para makabili ng tela at sinulid. Wala silang magawa kundi umutang ng pampuhunan sa mga usurero na nagpapatong ng napakataas na interes. Makakatulong sa Barangay Sampaguita ang isang kooperatiba sa pamamagitan ng . . .
a. pakikipag-usap sa mga usurero na huwag magpatong ng mataas na interes
b. ipaalam sa mga tao na may iba pang usurero na may mas mababang patong na interes
c. pagpapautang sa mga taga-barangay at pagpapatong ng mas mababa at mas makatwirang interes
d. pagtuturo sa mga taga-barangay ng iba pang posibleng mapagkakakitaan.
3. Kapag natuto ang mga miyembro nang kahalagahan ng kooperatiba tulad ng pag-asa sa sarili at puspusang paggawa, nakikinabang din ang komunidad. Paano?
a. Ang mga miyembro ng kooperatiba ay miyembro din ng komunidad. Ang mga
pinahahalagahan sa buhay na natutuhan nila sa kanilang kooperatiba ay nakakatulong din para maging mabuting miyembro ng kanilang komunidad.
b. Pinipilit ng kooperatiba ang mga miyembro nito na lumahok sa mga gawain ng komunidad.
c. Itinuturo ng kooperatiba ang mga kurso sa pag-aaral ng mga kahalagahan (values education)
sa hay-iskul ng kanilang lugar.
d. wala sa nabanggit
4. Marunong gumawa ng pastilyas at iba pang pangmatamis ang taga-Barangay Matamis. Minsan sa isanglinggo, pumupunta sa kanila ang mga mamamakyaw at bumibili ng kanilang produkto. Dahil dito, kailangang pagbutihin ang paggawa ng mga produktong ito. Kailangan nang dedikasyon at pag-iingat ang paggawa ng ganitong produkto kaya nagtataka sila kung bakit napakaliit ng bayad sa kanilang mga minatamis.Nagdesisyon silang magtayo ng kooperatibang makatutulong sa kanila na makakita ng mga mamimili na nakahandang magbayad ng mataas na presyo. Ang uri ng kooperatibang ito ay tinatawag na_____________.
a. kooperatibang pamprodukto
b. kooperatibang pampamilihan
c. kooperatiba ng kendi
d. kooperatibang pangmamimil
5. Kilala na napakahusay
na mga sapatero ang bayan ng Caminar. Nakakakuha sila ng malalaking order mula
sa maraming tindahan sa Maynila. Pero lagi naman silang kinukulang ng mga
suplay para sa produksiyon tulad ng balat, bakel, at pangkulay. Gusto din
nilang mapahusay ang disenyo ng sapatos para maibenta ito sa mga
eksporter. Nagdesisyon ang mga sapatero na magtayo ng kooperatibang makapagbibigay
sa kanila ng mga maaasahang suplay na may mas mababang presyo. Tutulong din
ang kooperatiba sa pagbili ng mga kagamitan at makina na makapagpapahusay
ng kalidad ng kanilang
sapatos. Ang uri ng kooperatibang ito ay tinatawag na ____________________.
sapatos. Ang uri ng kooperatibang ito ay tinatawag na ____________________.
a. kooperatibang pamprodukto
b. kooperatibang pampamilihan
c. kooperatiba ng sapatos
d. kooperatibang pangmamimili
6. Nagbibigay ng oportunidad ang mga kooperatiba sa pag-aaral at pagsasanay sa mga miyembro nito para ____________________.
a. mapahusay ang kanilang kasanayan at magkaroon sila ng mas magandang kabuhayan
b. matutuhan nila ang mga importanteng bagay sa pagpapatakbo ng maliit na negosyo
c. matuto silang umasa sa sarili at magtrabaho nang puspusan
d. lahat ng nakasaad sa itaas
7. Ano ang unang ibinibigay sa biktima ng aksidente upang mabawasan ang sakit na nararamdaman at mailigtas ang biktima kung walang doktor?
a. antibiotiko
b. pangunang lunas
c. oxygen
d. pagsasanay sa pangunang lunas
8. Tungkol saan ang Article 162 ng Batas sa Paggawa o Labor Code?
a. Karapatan ng manggagawa sa ligtas at maayos na kapaligiran sa lugar ng paggawa
b. Karapatan ng mga babae at mga anak sa lugar ng paggawa
c. Istandard na estruktura at disenyo ng gusali
d. Serbisyong pangkalusugan para sa mga manggagawa
9. Alin sa mga sumusunod ang pinakamagandang halimbawa ng target sa pagtitinda?
a. makakuha ng P 25,000 mula sa pagtitinda ng prutas
b. magtinda ng prutas magtinda ng komiks na nagkakahalaga ng P 50,00.00
c. magtinda ng komiks na nagkakahalaga ng =P50,00.00
d. Makakuha ng P 10,000.00 sa loob ng isang buwan sa pamamagitan nang pagtitinda ng gulay
10. Marunong kang magkumpuni ng elektrikal na kagamitan at iba pang kagamitan sa loob ng bahay. Ano ang negosyong maaari mong pasukin?
a. magtinda ng mga muwebles
b. mag-alok ng pag-aayos ng mga kasangkapang elektrikal
c. bumili at magtinda ng mga kasangkapang elektrikal
d. magtayo ng mga bahay
11. Nagtitinda si Ana ng
ice candy tuwing tag-init, sa halagang P1 ang isa. Isang araw, nalaman niya na nagtitinda
din ng ice candy ang kanyang kapitbahay na si Carla sa halagang 75 sentimos
naman ang isa. Kung ikaw si Ana, ano ang gagawin mo?
a. Tumigil sa pagtitinda ng ice candy
b. Ibaba ang iyong presyo sa halagang 75 sentimos bawat isa
c. Magbigay ng isang libreng ice candy sa bawat limang pirasong bibilhin
d. Paratangan si Carla ng hindi patas na kumpetisyon
12. Alin sa sumusunod ang hindi klasipikasyon ng gulay?
a. madahon b. leguma c. lamang-ugat d. wala sa itaas
13. Alin sa sumusunod na pestisidyo ang hindi lubhang nakapipinsala?
a. DDT b. Pestisidyong may mercury c. Pestisidyong organophosphate d. Heptachlor
14. Alin sa sumusunod ang hindi pestisidyo?
a. parricide b. insecticide c. herbicide d. fungicide
15. Alin sa sumusunod na pamamaraan ang nakasasama sa kapaligiran?
a. pag-iiba-iba ng mga pananim
b. paggamit ng mga mabubuting insekto
c. pagsasama ng mahahalimuyak na damong-gamot sa mga karaniwang pananim
d. paggamit ng mga pataba
No comments:
Post a Comment