LEARNING
STRAND 2 – Critical Thinking and Problem Solving
1. Upang mabuhay nang
malusog at masigla sa iyong pagtanda, dapat ay _______________________.
a. kumain nang wasto at regular na pag-ehersisyo
b. magkaroon ng mga magulang na malusog at masigla
c. magsaya ka sa buhay
d. lahat ng mga nabanggit sa itaas
2. Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata __________.
a. maraming-maraming sex hormone ang nagagawa ng katawan
b. lumalaki ang mga kamay at paa ng tao
c. nagbabago ang hugis ng katawan ng tao
d. lahat ng mga nabanggit sa itaas
3. Buntis ang babae kapag __________.
a. nagaganap ang ovulation
b. nagaganap ang fertilization
c. kapag kumapit ang cell mass sa kanyang matris
d. simula nang marinig ang pagtibok ng puso ng fetus
4. Tinatawag ang pagsasama ng egg cell at sperm cell na __________.
a. fertilization b. ovulation c. menstruation d. puberty
5. Nag-uumpisa ang kakayahang magparami o mag-reproduce sa __________.
a. adolescence b. adulthood c. childhood d. infancy
6. Ang tanging pagbabagong sexual na parehong nagaganap sa mga lalaki at babae ay __________.
a. paglaki ng mga suso
b. paglaki ng mga kalamnan o muscles
c. pagiging mataba
d. pagkakaroon ng pubic hair
7. Isang komunidad ng mga organismo na may kaugnayan sa bawat isa at sa mga salik na bumubuo sa kanilang kapaligiran.
a. Forestation
b. Urbanization
c. Ecosystem
d. Wala sa nabanggit
8. Ang pagbago sa mga kagubatan at mga tirahan ng mga organismo upang gawing tirahan ng mga tao, daan at industriya.
a. Ruralization
b. Urbanization
c. Deforestation
d. Wala sa nabanggit
9. Ito ay isang
pangunahing organo ng circulatory system.
a. dugo b. puso c. ugat d. elula ng dugo
10. Ano ang pangunahing gamit ng circulatory system?
a. Pinaiikot nito ang dugo sa buong katawan.
b. Sinusuportahan nito ang katawan at pinoprotektahan ang mahahalagang organo nito.
c. Dinudurog nito ang pagkain upang magamit ng katawan.
d. Ito ang responsible sa paglanghap ng oksiheno at pagbuga ng carbon dioxide
11. Ano sa mga sumusunod ang halimbawa ng ecosystem?
a. ilog b. paso c. basurahan d. lahat nang nabanggit
12. Ano sa mga sumusunod ang hindi organismo?
a. tao b. hangin c. saging d. ipis
13. __________ ang sukatan ng pagiging estabilisado sa isang ecosystem.
a. Biodiversity b. Ebolusyon c. Food chain d. Energy flow o pagdaloy ng enerhiya
14. Ang panlabas na bahagi ng balat
a.dermis b.epidermis c.glandula d.hair follicle
15. Butas na nakapaligid sa ugat ng buhok o balahibo;
a.dermis b.epidermis c.glandula d.hair follicle
16. Ang mga higanteng alon sa dagat na sanhi ng isang lindol sa ilalim ng karagatan ay tinatawag na
a. plate b. fault c. pagtaas at pagbaba ng tubig d. tsunami
17. Ang pag-alog at pagyanig na resulta mula sa biglang paggalaw ng bahagi ng ilalim ng mundo ay kilala bilang _____________________.
a. pagguho ng lupa b. pagdaloy ng putik c. lindol d. tectonic plate
18. Ano ang mga paraan sa kaligtasan na kailangang sundin ng mga tao bago maganap ang isang lindol?
a. magsagawa ng mga pagsasanay para sa sunog
b. magsagawa ng mga pagsasanay para sa lindol
c. magsagawa ng mga pagsasanay para sa militar
d. magsagawa ng mga pagsasanay para sa calisthenics
19. Isa sa mga sistem ng ating katawan na responsable paglaban sa mga masasamang organismo na sumisira sa ating immune system.
a. Circulatory System b. Lymphatic System c. Respiratory System d. Muscular System
20. Mga sakit ng lympahtic system
a. AIDS b. elephantiasis c. edema d. lahat ng nabanggit
21. Ang sistema ng mga organ na may kinalaman sa pagtatanggal ng dumi sa katawan sa pamamagitan ng paglikha ng ihi.
a. Excretory System b. Endocrine System c. Circulatory System d. Digestive System
22. Pagkatapos ng tatlong buwan sa sinapupunan ng ina, ang fetus ay __________.
a. handa nang maisilang
b. nagkaroon ng malaking katawan at maliit na ulo
c. mukhang maliit na tao
d. may kumpletong mga organ system subalit hindi pa rin kayang mabuhay nang mag isa
23. Upang mabuhay nang malusog at masigla sa iyong pagtanda, dapat ay __________.
a. kumain nang wasto at regular na pag-ehersisyo
b. magkaroon ng mga magulang na malusog at masigla
c. magsaya ka sa buhay
d. lahat ng mga nabanggit sa itaas
24. Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata __________.
a. maraming-maraming sex hormone ang nagagawa ng katawan
b. lumalaki ang mga kamay at paa ng tao
c. nagbabago ang hugis ng katawan ng tao
d. lahat ng mga nabanggit sa itaas
25. Panghihina ng mga buto dahil sa kawalan ng calcium lalo na sa mga matatandang babae.
a. Kyphosis b. Osteoporosis c. Osteoarthritis d. Dementia
No comments:
Post a Comment