Multiple Choice. Select the letter of the best answer. If no answer is on the list, write e.
1. Naglipana ang mga
langaw sa Barangay Tahimik. Napag-alaman ng kapitan na sanhi ito ng malaking
babuyan na itinayo malapit sa kabahayan. Saan siya dapat magreklamo?
a. Bureau of Animal Industry
b. Department of National Defense
c. Department of Natural Resources and
Environment
d. Office of the City Mayor
2. Isinilid ng guro sa
isang kahon ang 30 binilot na papel kung saan nakasulat ang mga pangalan ng
kanyang mag-aaral para sa paripa. Lima lamang ang premyo at hindi maaaring
manalo ng higit sa isang premyo ang bawa’t isa. Bubunutin muna ang ikalimang
premyo hanggang sa unang premyo. Kung isa ka sa mga estudyante, ano ang
tsansang mabubunot ang pangalan mo para sa ikalawang premyo?
a. 1/30
b. 2/15
c. 1/27
d. 3/10
3. Naglagay ng
mothball o pamatay sa ipis sa loob ng aparador ng damit si Aling Marta. Anong
proseso ang sanhi ng pagkawala nito pagkalipas ng ilang buwan?
a. Sublimation
b. Digestion
c. Evaporation
d. Condensation
4. Ang panukalang batas ay inupuan ng mga Kinatawan
ng Kongreso. Ano ang mangyayari rito?
a. masisira
b. maipapasa
c. mamamatay
d. maluluma
5. Inaabot ng 45 minuto sa paglalakad si Nardo
papunta sa paaralan. Nagsisimula ang kanilang klase ng ganap na ika- 7 at
kalahati ng umaga. Nang magising ay nakita niyang 5:40 ang nakarehistro sa
orasan. Ilang minuto ang kanyang paghahanda bago umalis ng bahay para hindi
siya mahuli sa klase?
a. isang oras at 5 minuto
b. 55 minuto
c. isang oras at 15 minuto
d. 45 minuto
6. Nais makita ng mga dayuhan ang isang
halimbawa ng dalubsakahan ng Pilipinas. Saan mo siya dadalhin?
a. palaisdaan
b. pantalan
c. palayan
d. laboratoryo
7. Inutusan ng guro si Buknoy na sumipi ng mapa
ng Australya sa silid-aklatan. Anong bagay ang kanyang hihiramin para ipakopya?
a. Atlas
b. Encyclopedia
c. Dictionary
d. Globe
8. Amelia considered Armando as her knight in a
shining armor. What did Armando does to Amelia?
a. He courted her with chocolates and
flowers.
b. He served as her prince in “Santacruzan”.
c. He married her.
d. He saved her from dangerous or
difficult situation.
9. Napansin ni Aida na nawalay siya sa kanyang
ina nang magsimba sila sa Baclaran. Ano ang hindi niya dapat gawin?
a. Maghanap ng isang pulis at magpatulong.
b. Maglakad-lakad hanggang makita ang
ina.
c. Tawagan ang ina gamit ang kanyang
cellphone.
d. Umupo sa isang tabi, mag-isip at
puntahan ang huling lugar na nakita niya ang ina.
Ibatay sa mapa sa ibaba ang pagsagot sa
bilang 10 hanggang 15.
10. Ang pinakamalapit na bilihan ng groserya ng
mga naninirahan sa Citta Italia ay ang _____.
a. WalterMart
b. Robin Mart
c. Makro
d. SM South Mall
11. Ang Fracisco Motors ay matatagpuan sa ____.
a. Aguinaldo Highway
b. Alabang-Zapote Road
c. South Expressway
d. wala sa itaas
12. Ang mga palarong pampalakasan ay ginaganap
sa ____.
a. Dela Salle – EAC
b. La Mediterranea
c. Imus Sports Center
d. Capitol Dev’t Bank
13. Ilang shopping center ang makikita sa mapa?
a. lima
b. walo
c. anim
d. pito
14. Ang Ninoy Aquino International Airport ay
isang _____.
a. daungan
b. himpilan
c. paliparan
d. salubungan
15. Ang Citta Italia ay isang _____.
a. pasyalan
b. tahanan
c. subdibisyon
d. palaruan
16. Nais mag-aplay ni Roberto sa isang kumpanya.
Ano ang nararapat na isulat niya sa pamuhatan?
a. Petsa at lugar kung saan nagmula
ang liham
b. Petsa, pangalan ng taong tatangap
ng liham at lugar kung saan dadalhin ang liham
c. Pangalan ng taong tatanggap ng
liham
d. Pangalan niya
17. Ang angkop na bating panimula sa isang
liham-pangkaibigan
a. Nagmamahal sa iyo,
b. Tapat na sumasaiyo,
c. Mahal kong kaibigan,
d. Kumusta ka na?
18. Para matanggap sa trabaho, ano ang hindi mo
dapat gawin sa panayam?
a. Kausapin ang kilalang opisyal ng
kumpanyang inaaplayan para maalalayan.
b. Paghandaan ang panayam at alamin
ang mga bagay-bagay sa kumpanya.
c. Magsuot ng damit ayon sa trabahong
papasukan.
d. Maging matapat sa pagsagot ng mga
tanong sa panayam.
19. The circumference of a ball is 36 cm. If pi
is equal to 3.14, what is the radius of the ball?
a. 11.46 cm
b. 22.92 cm
c. 5.73 cm
d. 32.83 cm
20. Which of the following statement is false?
a. The absolute value of a number is
always negative.
b. The square root of non-zero number
has two values.
c. The sum of two prime numbers is always
an even number.
d. The product of two negative
integers is always positive.
21. Kapag pinagsama sa isang garapon ang tubig,
mantika at gaas, ano ang mananatili sa gitna?
a. mantika
b. tubig
c. hangin
d. gaas
22. Kung may inakusahang tao dahil sa paglabag
sa batas, pinapalagay na ____.
a. inosente siya hanggang hindi
napapatunayan.
b. maysala siya kaya inakusahan.
c. inamin niya ang kanyang
pagkakasala.
d. tinanggi niya ang kanyang
pagkakasala.
23. President Ferdinand E. Marcos proclaimed
Martial Law in September 1972 under___.
a. Proclamation No. 1018
b. Proclamation No. 1810
c. Proclamation No. 1081
d. Proclamation No. 1180
24. Ano ang kahihinatnan ng isang panukalang
batas na may pirma ng Kongreso at Senado nguni’t hindi pinirmahan ng Pangulo sa
loob ng 30 araw?
a. Ito ay hindi na magiging batas.
b. Ito ay ibabalik sa Kongreso upang
baguhin.
c. Ito ay magiging batas, gusto man o
ayaw ng Pangulo.
d. Ito ay ipapapirma sa Punong-Mahistrado
ng Korte Suprema upang maging batas.
25. Bukas ang isip ni Aling Marina. Anong
katangian mayroon siya?
a. Marunong siyang bumasa nang iniisip
ng ibang tao.
b. Wala siyang pakialam sa ibang tao.
c. Tumatanggap siya ng mga katwiran at
mungkahi.
d. Marunong siyang manghula.
Mga Sagot:
If you have question about any answer, please leave your comment.
No comments:
Post a Comment