Tuntunin:
Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap o mga pangungusap. Piliin ang
titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong papel.
1. Nakita mo ang iyong
kaklase sa elementarya sa mall. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
a. Hoy, ang taba-taba mo naman!
b. May utang ka sa akin, ‘di ba?
c. Kumusta ka na? Ang tagal nating
hindi nagkita!
d. Ano na nga pala ang nangyari sa
inyo ni Benjie?
2. Nangutang si Aling
Baste ng halagang P 5,000.00 kay Bumbay. Siya ay magbabayad dito ng P 1,300.00
kada buwan sa loob ng 5 buwan. Ilang porsyento ang interes sa perang inutang ni
Aling Baste?
a. 10%
b. 20%
c. 25%
d. 30%
3. Nakatanggap ng
libreng gamot si Marissa sa pampublikong klinika sa bayan. Ano ang una niyang
dapat gawin pagdating ng bahay?
a. Ipagbili ang gamot sa tindahan
dahil hindi niya ito kailangan.
b. Basahin ang etiketa sa loob ng
gamot upang malaman kung anong karamdaman ang nagagamot nito.
c. Ibigay sa kapitbahay ang gamot
dahil nalaman niyang may sakit ito.
d. Itago ang gamot sa medicine
cabinet.
4. Ang isang lungsod o
bayan ay may mga konsehal. Ang katumbas nito sa isang lalawigan ay
a. punong-panlalawigan
b. bokal
c. kagawad
d. gobernador
5. Kailangang bakuran
ni Natoy ang kanyang nabiling lupain. Ito ay korteng tatsulok at may sukat na 40
metro, 65 metro at 80 metro. Ang isang
rolyong alambreng-tinik ay may habang 300 metro. Kung palilibutan niya ng
tatlong ulit ang lupain, ilang rolyong alambreng-tinik ang dapat niyang bilhin?
a. 1 rolyo
b. 2 rolyo
c. 3 rolyo
d. 4 rolyo
6. Batay sa bilang 5,
kung ang isang metro ng alambreng-tinik ay nagkakahalaga ng P15 bawat metro at
maaaring kang bumili ng tingi, magkano ang pagbabayaran mo?
a. P2,775
b. P5,550
c. P8,325
d. P11,100
7. Sumakay si Pedring
ng dyip. Sa kalagitnaan ng biyahe ay nalaman niyang nakalimutan niya ang
kanyang wallet. Ang sumusunod ang mainam na gawin ni Pedring.
a. Humingi ng paumanhin sa tsuper at
ipaliwanag ang pangyayari.
b. Humingi ng sukli sa tsuper para
malaman nitong nagbayad na siya.
c. Magpabayad sa ibang nakasakay sa
dyip.
d. Pumara at bumaba ng dyip.
8. Natuklasan mong may
isang kriminal ang kinakanlong ng isa mong kapitbahay. Ano ang nararapat mong
gawin?
a. Sabihin mo ang iyong natuklasan sa
nabanggit na kapitbahay at hingan siya ng pera upang itikom mo ang iyong bibig.
b. Ipagbigay alam sa mga may
kapangyarihan ang iyong natuklasan.
c. Hulihin mo ang kriminal.
d. Kumbinsihin mo ang iyong asawang sa
ibang lugar muna kayo mamalagi.
9. Kinuwenta ni Aling Metring
ang gastusin sa pag-aaral ng kanyang anak sa kolehiyo sa isang taon. Ito ang
naging resulta:
Pamasahe – 15%
Pagkain – 20%
Libro – 10%
Tuition – 30%
Uniform – 5%
Kung binibigyan ni Aling Metring ng halagang P60,000 kada
semestre ang anak, magkano ang napupunta para sa baon nito sa isang taon?
a. P24,000
b. P12,000
c. P96,000
d. P48,000
10. Nagtanim ng mga
binhing mais na albino si Mang Juan. Lumaki ito ng isang piye subali’t
unti-unting namamatay. Bakit?
a. Kulang ito sa dilig.
b. Kulang ito sa pataba.
c. Wala itong kakayahang gumawa ng
sariling pagkain.
d. Kailangan nito ng sikat ng araw.
11. Ang mga halaman ay
humihinga rin tulad ng tao. Ano ang tawag sa parteng ito ng halaman?
a. stomata
b. chlorophyll
c. stamen
d. veins
12. Ang mga sumusunod
ay mga katangian ng isang isosceles triangle maliban sa isa.
a. Ang lahat ng sides o gilid ay may
parehong sukat.
b. Dalawa sa mga angles ay may
parehong degree.
c. Magkasingsukat ang dalawang sides o
gilid.
d. Ang kabuuan ng degree ay 180
degrees.
13. Bumili ng
pahayagan si Maria at nabasa niya roon ang pagkamatay at libing ng kanyang
matalik na kaibigan. Anong parte ng pahayagan ang nabasa niya?
a. editoryal
b. obituary
c. classified ads
d. headline
14. Ayon sa PAGASA,
kaya malamig ang panahon ay dahil sa hanging nagmumula sa hilagang-silangan.
Ang hanging ito ay tinatawag na
a. Habagat
b. Kanluranin
c. Amihan
d. El Nino
15. Ang mga hayop na ito
ay nabuhay muna sa tubig at lumaki sa lupa.
a. Reptiles
b. Amphibians
c. Mammals
d. Primates
16. Kapag nasawi o
nagbitiw sa tungkulin ang pangulo at ang pangalawang-pangulo, sino sa mga
sumusunod ang maaaring humalili pansamantala sa kanyang tungkulin?
a. Pangulo ng Senado
b. Tagapagsalita ng Kongreso
c. Punong-mahistrado
d. Ang kanyang kabiyak
17. Ito ay kalipunan
ng mga karapatan ng isang mamamayan ayon sa Saligang-Batas.
a. Bill of Rights
b. Human Rights
c. Preamble
d. Civil Rights
18. Ang
pinakamatandang siyudad at naging kapitolyo ng Pilipinas.
a. Manila
b. Quezon City
c. Davao City
d. Cebu City
19. Ilang hugis bilog
ang nasa simbolo ng Olympics?
a. 4
b. 5
c. 6
d. 3
20. Napansin ni Estong
na kapag dagsa ang isang uri ng produkto sa merkado ay bumababa ang presyo nito.
Ano kaya ang dahilan?
a. Law of supply and demand
b. Value Added Tax Law
c. Law of diminishing return
d. Income Tax Law
21. Ang pagtaas ng
Interest Rate sa isang bansa ay nakakabuti sa mga sumusunod maliban sa isa.
a. Foreign lenders (mga bansa o banyagang
nagpapautang)
b. Exporters (mga nagluluwas ng
produkto sa ibang bansa)
c. Importers (mga namimili ng produkto
mula sa ibang bansa)
d. Banks (mga banko)
22. Elsa bought a
washing machine from a department store. She paid it and the saleslady gave her
a
a. reciept
b. riceipt
c. receipt
d. riceipt
23. The teacher asked
her students to draw a triangle whose sides are of different lengths. What kind
of triangle should the students draw?
a. scalene
b. isosceles
c. equilateral
d. right
24. Taga-Davao ____
ang napangasawa ng kanyang kapatid. Anong salita ang nararapat sa patlang?
a. daw
b. din
c. raw
d. pa
25. Ginagamit ito sa
unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat.
a. pangatnig
b. pang-angkop
c. pantukoy
d. panlapi
26. Allan gave apples
to you and ____. Which word is appropriate in the blank?
a. I
b. me
c. he
d. mine
27. If y = 2x – 6, what is not correct in the
following?
a. The slope of the line is 2.
b. The x-intercept is 3.
c. The y-intercept is – 6
d. The y-intercept is 3.
28. Naghahanap ng
trabaho si Mario. Anong parte ng diyaryo ang dapat niyang basahin?
a. headline
b. editorial
c. classified ads
d. comics
29. Batid ni Mang
Rafael ang masamang epekto ng pamatay-kulisap sa kapaligiran subali’t ang
kaniyang binili ay ang tanging produktong makakalunas sa suliranin ng kanyang
pananim na mais. Ano ang mabisa niyang gawing sa pagkakataong ito?
a. Huwag nang gamitin ang
pamatay-kulisap.
b. Isangguni sa isang beterinaryo ang
kanyang problema.
c. Basahing mabuti ang etiketa ng
produkto at gamitin ito ayon sa nabasa.
d. Isauli sa binilhan ang pamatay-kulisap.
30. May binagong
artikulo ang mga mambabatas sa Saligang-Batas. Kailangang isangguni ito sa mga
mamamayan sa pamamagitan ng isang _____.
a. halalan
b. siyasig (survey)
c. plebisito
d. talakayan
31. Josefa dances
gracefully, but her sister _______.
a. didn’t.
b. wasn’t
c. don’t
d. doesn’t
32. Nangamatay ang mga
isda at hipon sa sapa nang linisin ni Lam-ang ang kanyang buhok. Ito ay isang
uri ng
a. pagwawangis
b. pagmamalabis
c. pagtutulad
d. pagsasatao
33. Ang kuwento ng “Florante
at Laura” ay isang uri ng
a. epiko
b. tula
c. awit
d. alamat
34. Between you and
_____, I don’t think her acting deserves an award.
a. me
b. I
c. she
d. us
35. Namumutiktik sa bunga ang
punong-mangga ni Mang Teban. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay
a. panay putik
b. sagana
c. wala
d. hinog
36. Ang mga sumusunod
ay mga uri ng kalupaan maliban sa isa.
a. lake
b. hill
c. valley
d. mountain
37. Ang mga sumusunod na talata ay hango sa
ika-17 Kabanata ng “Florante at Laura”.
"Kung
ang isalubong sa iyong pagdating
ay masayang mukha't may pakitang-giliw,
lalong pag-ingata't kaaway na malihim,
siyang isaisip na kakabakahin."
"Dapuwa't huwag kang magpahalata,
tarok mo ang lalim ng kaniyang nasa;
ang sasadatahi'y lihim na ihanda,
nang may ipagtanggol sa araw ng digma."
ay masayang mukha't may pakitang-giliw,
lalong pag-ingata't kaaway na malihim,
siyang isaisip na kakabakahin."
"Dapuwa't huwag kang magpahalata,
tarok mo ang lalim ng kaniyang nasa;
ang sasadatahi'y lihim na ihanda,
nang may ipagtanggol sa araw ng digma."
Ano ang mensahe ng may-akda?
a. masuyong salubungin ang panauhin
b. unahan ang kaaway
c. mag-ingat at maging handa
d. maging masaya at ipaghanda ang
panauhin
38. Manganganak na ang alagang baka ni Anita. Sino ang kanyang
pupuntahan upang makatulong?
a. komadrona
b. manggagamot
c. albularyo
d. beterinaryo
39. The sum of the angles of any triangle is ______.
a. 180 degrees
b. 360 degrees
c. 90 degrees
d. 45 degrees
40. Teacher asked her students to select the flashcard with the correct
word on it. What word is on the flashcard?
a. comittee
b. commision
c. occur
d. accomodate
41. Donita regulary saves money on the bank. At the end of the year,
the balance of her account is P142,140. If she deposited P11,500 every month,
what is the interest rate of the bank?
a. 1.5%
b. 8%
c. 4.5%
d. 3%
42. Pinaniniwalaan ng ang mga sinaunang tao ng Pilipinas ay nagmula
sa Tsina. Paano sila nakarating sa bansa?
a. sakay ng balangay
b. naglakad
c. sumakay ng barko
d. lumangoy
43. May deck ng nakataob na baraha si Pedro. Binuksan niya ang nasa
unahan. Ano ang tsansa na ito ay isang “hari”?
a. 1/13
b. 1/52
c. ¼
d. 4/13
44. Ang mga elemento ng isang bansa o estado ay ang mga sumusunod:
a. populasyon, teritoryo, pamahalaan,
at kayamanan
b. pamahalaan, kalayaan, teritoryo, at
populasyon
c. teritoryo, karapatan, gobyerno, at
pagkakaisa
d. gobyerno, naninirahan,
kapangyarihan, at kayamanan
45. Nag-jogging si Joven sa oval ng palaruang-bayan. Napansin niyang
bumabagal siya ng 15% pagkatapos ng naunang lap. Kung nakumpleto niya sa loob
ng 20 minuto ang unang lap, ano ang kanyang bilis pagkaraan ng 4 na lap?
a. 30.42 min.
b. 26.45 min.
c. 12.28 min.
d. 20.45 min.
46. Bumili ng gamot na herbal si Lucia sa botica. Pagkauwi sa bahay
ay nabasa niya sa etiketa ng gamot ang ganito” “No approved therapeutic claims”. Ano ang kahulugan nito?
a. Hindi maaari sa therapy ang gamot.
b. Hindi ito gamot at hindi maaaring
gawing panggamot sa anumang uri ng sakit.
c. Hindi sapat ang pag-aaral sa gamot.
d. Panlunas lamang sa sintomas ng
sakit ang gamot.
47. Kayang tapusin ni Andoy ang pagtatanim ng palay sa loob ng 3
oras. Apat na oras naman ang gugugulin kung si Arman ang magtatanim. Kung sabay
silang magtatanim ng palay, ilang oras ito gagawin? (Round off the answer to
the nearest minutes).
a. 1 oras at 10 minuto
b. 1 oras at 17 minuto
c. 3 oras at kalahati
d. 3 oras at 50 minuto
48. Sino sa mga sumusunod ang hindi mamamayan ng Pilipinas?
a. anak ng OFW na ipinanganak sa ibang
bansa
b. mga taong banyaga at pinili ang
pagiging Filipino ayon sa batas
c. mga ipinanganak bago ang ika-17 ng
Enero,1973, na ang ina ay isang Filipina at banyaga ang ama
d. anak ng mamamayan ng Pilipinas
49. Given the example Benguet/vegetables/CAR,
which of the following is incorrect?
a. Nueva Ecija/rice/Central Luzon
b. Camiguin/mangoes/Northern Mindanao
c. Quezon/coconuts/Calabarzon
d. Negros/sugarcane/Mimaropa
50. What is the function of me
in this sentence “Marina gave me two dozen eggs.”?
a. indirect object
b. direct object
c. pronoun
d. subjectAnswers: Good luck!
1c 2d 3b 4b 5b 6c 7a 8b 9a 10c 11a 12a 13b 14c 15b 16a 17a 18d 19b 20a 21c 22c 23a 24c 25d 26b 27d 28c 29c 30c 31d 32b 33c 34a 35b 36a 37c 38d 39a 40c 41d 42b 43a 44b 45a 46b 47a 48c 49d 50a
Please leave your comments if there are wrong answers or you want clarifications.
No comments:
Post a Comment