Friday, October 16, 2020

GUIDES on ANSWERING Activity 3 & 4 of ALS Life Skills Module 3 - Leadership & Teamwork

Module 3 – Leadership and Teamwork

NOTES:

1 – The activity featured in this video comes from Module 3 – Leadership & Teamwork produced by the Education Development Center.

2 – The purpose of this video is to give guidelines to ALS learners who are not well-versed in the English language by translating the questions into Taglish.

3 – The sample answer is written in Taglish so that it will not be copied by the learners as their own since the answer should be written in English in their module.

4 – This is for learning and teaching purposes only.

5 – If anyone wants to remove anything from this video, please email me first at poncianosantos1959@gmail.com or leave a comment.

SESSION 2: LEADING TEAMWORK / GROUP COOPERATION

Activity 3: Introductory Activity

This session is going to focus on leading teamwork and group cooperation. On the space provided below, write at least two experiences, knowledge, skills or abilities that you have about leading teams and practicing teamwork.

Ang sesyon na ito ay nakatuon tungkol sa pamumuno sa pagtutulungan at pagkakaisa sa grupo. Sa espasyong inilaan sa ibaba, sumulat ng dalawa o higit pang karanasan, kaalaman, kasanayan o kakayahan na taglay mo tungkol sa pamumuno ng isang grupo at pagsanay sa pagtutulugan.

1. Napili ako upang pamunuan ang aming Science Proyect noong ako ay nasa unang taon sa mataas na paaralan. Mahirap ang aking naging responsibilidad subali’t dahil sa pakikiisa ng aking mga kasapi, nagtagumpay kami sa aming layunin.

2. Kailangan ang mabisang pakikipagtalastasan sa mga gawaing-pangkatan (group work) upang malaman ng bawa’t isa ang kani-kaniyang tungkulin at layunin ng pangkat.

3. Magaling na lider ang isang nilalang kung kaya niyang pagbuklurin o pagkaisahin ang mga kasaping may iba’t ibang ugali at kasanayan tungo sa iisang layunin.

 Look at this image: Masdan ang imaheng ito:

Write your answers on the space provided. Share your answers with one of your family members or friends and solicit their thoughts on the same questions relating to the photo.

Isulat ang iyong mga sagot sa nakalaang espasyo. Ibahagi ang iyong mga kasagutan sa isang miyembro ng pamilya o mga kaibigan at hinggan siya ng mga saloobin tungkol sa parehong mga katanungan na may kaugnayan sa larawan.

1.            What does the illustration tell us? (Ano ang nais ipahayag ng larawan?)

               Ipinakikita sa larawan na ang isang malaking gawain ay nangangailangan ng maraming manggagawa. Ipinamamalas din nito na kailangan ang kooperasyon o pagkakaisa ng lahat upang matapos kaagad ang isang proyekto.

2.            What do you think is the purpose or goal of the people in the illustration? (Ano sa iyong palagay ang layunin o adhikain ng mga tao sa ilustrasyon/larawan.)

               Ang layunin ng mga tao sa larawan ay matapos ang ginagawang bahay sa lalong madaling panahon sa pagtutulungan at pagkakaisa ng bawa’t isa.

3.            If you see yourself as a leader in this illustration, what would you do to help achieve the goal? (Kung nakikita mo na ikaw ang pinuno sa larawang ito, ano ang iyong gagawin upang makatulong sa katuparan ng layunin?)

               Bilang pinuno sa larawan, pupulungin ko ang lahat ng kasapi, ipapahayag ko nang malinaw ang aming layunin, at ibibigay ang kani-kanilang gawain ayon sa kanilang kakayahan at kasanayan habang kinukuha at pinag-aaralan ang kanilang mga mungkahi upang mapabilis ang aming pagtatrabaho.

4.            If you see yourself as one of the contributors in this illustration, how can you contribute to their goal? (Kung nakikita mo na ikaw ay isang taga-ambag sa larawang ito, paano ka makakatulong sa kanilang layunin?)

               Bilang kasapi, gagampanan ko ang responsibilidad na nakaatang sa akin; tutulungan ang ibang nangangailangan ng aking tulong, at makikiisa sa anumang gawaing-pangkatan.

 Think about it!

Take turns sharing and discussing your experience in the imagination activity you have done with your partner. Use these questions as your guide in your sharing. Jot down your answers.

 Salitan na ibahagi at talakayin ang inyong karanasan sa imagination activity  (ikaw bilang pinuno ng isang gawain) na iyong ginawa katuwang ang iyong kapareha.  Gamitin ang mga tanong bilang gabay sa inyong pagbabahagi. Isulat ang iyong mga sagot.)

1.            Which is more difficult? Being a leader of the team or just being a member of the team? ( Alin ang higit na mahirap? Maging isang lider o bilang isang kasapi ng pangkat?)

               Sa aking palagay, mas mahirap ang maging lider dahil mas marami at mas mabigat ang iyong responsibilidad.

2.            How do you describe a good leader? A good team work? (Paano mo ilalarawan ang isang mabuting pinuno? Isang mainam na pagtutulungan na gawain?)

               Taglay ng mabuting lider ang sapat na kaalaman at kasanayan sa pakikipag-usap sa kanyang mga kasapi upang maihatid nang malinaw ang layunin ng samahan at ang gawain ng bawa’t miyembro. Dapat ding marunong makisama ang isang lider, kumilatis at kilalanin ang kaibahan ng pag-uugali at kasanayan ng bawa’t kasapi, at lumikha ng estratehiya upang manatili ang pagtutulungan at pagkakaisa sa kabila ng mga kaibahang ito.

               Ang isang mainam na pagtutulungan na gawain ay nagtataglay ng pagkakaisa ng mga kasapi magkakaiba man ang kanilang mga ugali at talento. Ang gawaing pagtutulungan ay mabuti kung may iisang direksyong tinatahak ang buong grupo at ang bawa’t isa ay tumutugon sa layuning iyon upang matapos ang isang gawain sa lalong madaling panahon.

 Activity 4: Working Together

Think about it!

With your family and friends who joined the game, discuss the questions below. Be honest in your answers!

        Kabilang ang iyong pamilya at mga kaibigan na sumali sa laro – pagdudugtong ng mga plastic straw at unti-unti itong ilalapag sa sahig -, talakayin ang mga katanungan sa ibaba. Maging tapat sa inyong mga sagot!

1.            What did the group do first? (Ano ang unang ginawa ng grupo?)

               Ang unang ginawa ng grupo ay alamin ang layunin ng laro at kung paano ito gagawin.

2.            What type of cooperation skills did you need to be successful as a group? (Anong kasanayan/kaalaman sa pakikiisa ang kailangan mo upang maging matagumpay bilang isang grupo?)

               Upang maging matagumpay bilang isang grupo, dapat ay may mabisang pakikipagtalastasan ang grupo, bubuo ng estratehiya kung paano pagtatagumpayan ang layunin ng laro, at ang responsibilidad ng bawa’t kasapi kung paano ito gagawin.

3.            What creative ideas were suggested and how were they received? (Anu-anong mga malikhaing ideya ang ipinanukala at paano tinanggap ang mga ito?)

               Ipinanukala na dapat ay nakapokus ang bawa’t isa sa plastic straw na kanyang hawak samantalang pinagmamasdan din niya ang kabuuang stick upang maiayon niya ang kanyang pagkilos nang manatiling sabay-sabay ang grupo. Ang mga malikhaing ideya ay tinalakay ng grupo bago tuluyang tinanggap.

4.            What roles did different people play in the group? Did some people take on a leadership role? (Anu-anong mga papel ang ginampanan ng iba’t ibang tao sa grupo? May mga tao bang pinili ang maging pinuno?)

               Ang ilang kasapi ay kumuha ng mga materyales na ginamit. Ang iba ay nagbigay mungkahi kung ano ang dapat gawin. Ang higit na nakaaalam o nakagawa na ng kaparehong larong ito ay ang tumayong lider namin.

5.            As a leader, how can you encourage group cooperation? (Bilang isang lider, paano mo mahihikayat ang pagkakaisa ng grupo?)

               Bilang isang lider, kailangang maging isang mabuting tagasunod ka muna. Alamin ang lakas at kahinaan ng mga kasapi. Matutong makinig sa mungkahi ng iba. Ipahayag nang malinaw ang layunin ng laro at ng grupo. Hikayating makiisa ang bawa’t miyembro. Kailangan ding maging malikhain ang isang lider sa pagsasagawa ng mga estratehiya  at pagbibigay solsyon sa isang problema. Bigyan ng kahalagahan at pagtanaw ang ambag ng bawa’t kasapi. Ipaliwanag na nasa pagtutulungan at pagkakaisa upang mapagtagumpayan ang isang gawaing-pangkatan.

6.            What situations in life/work/home could you compare to the stick? (Anu-anong mga sitwasyon sa buhay/trabaho/tahanan maikukumpara mo ang patpat?)

               Ang patpat ay maaaring kumatawan sa isang suliranin o gawain sa buhay/trabaho/tahanan. Halimbawa sa tahanan, maaaring ang patpat ay ang pag-aani ng palay sa bukid. Upang matapos ang gawaing ito, kailangan ang pagtutulungan at pakikiisa ng lahat ng miyembro ng pamilya. Mag-aatang ang ama kung sinu-sino sa kanyang mga anak ang gagapas, magbubuhat, at magsasalansan ng mga palay. Ang ina naman bilang katuwang ng ama ay mag-aatang din sa ibang anak kung sino ang makatutulong niya sa magluluto ng meryenda at tanghalian. Dahil dito, ang “patpat” ay gagaan at matatapos sa lalong madaling panahon.

Let’s Apply!

You were tasked by your Barangay Captain to lead a Clean-up Project in your neighborhood. Your task is to gather all the youth (14-24 years old) in your community to ensure all public spaces are clean. You also need to make sure there are labelled trash bins in key areas to encourage everyone to dispose of their trash properly.

        Naatasan ka ng inyong Kapitan ng Barangay na mamuno sa isang Clean-up Project sa inyong pamayanan. Ang iyong gagawin ay tipunin ang lahat ng kabataan (14-24) sa inyong komunidad upang masiguro na malinis ang mga pampublikong lugar. Kailangan mo ring siguraduhin na may mga basurahan na tama ang mga etiketa sa pangunahing mga lugar upang mahikayat ang lahat na itapon ang kanilang mga basura nang maayos.

1.            What will you do to develop cooperation among your team members? (Ano ang iyong gagawin upang mabuo ang pagkakaisa sa bawa’t kasapi ng grupo?)

               Upang mabuo ang pagkakaisa ng bawa’t kasapi ng grupo, dapat ipaalam sa kanila ang layunin ng pangkat. Kilalanin ang lakas at kahinaan ng bawa’t kasapi at iatang ang angkop na gawain base rito. Ihayag din sa mga kasapi kung paano ginagawa ang pagdedesisyon at kung paano makikisa ang bawat isa upang mabuo ito. Mahalaga rin na ipahayag ang kahalagahan ng pakikipagtalastasan ng bawat kasapi sa pamamagitan ng mabisang pakikipag-usap at aktibong pakikinig, gayundin ang pagpapahayag ng saloobin sa isang paksa. Kailangan ding kunin ang pagtitiwala ng bawa’t kasapi sa pamamagitan ng pagpapakita na pinahahalagahan ng lider ang saloobin, opinyon, at mungkahi ng bawa’t isa maliban pa sa pagtukoy na ang bawa’t isa ay may mahalagang ambag na kailangan upang matapos ang isang gawain.

2.            What would you do to help members complete the necessary tasks that you decide to do as a team? (Ano ang iyong gagawin upang matulungan ang mga kasapi na makumpleto ang mga kailangang gawain na iniatang mo bilang gawaing panlahat?)

               Upang magawa ito, dapat mong ipaliwanag ang kahalagahan at kaugnayan ng ginagawa ng bawa’t isa sa pangkalahatang gawin. Ihayag na kung hindi matatapos ng isang kasapi ang trabahong nakaatang sa kanya, mabibitin ang susunod pang gawaing na may kaugnay nito.  Halimbawa, kung hind matatapos ang pagpipintura at paglalagay ng etiketa sa mga basurahan, walang paglalagyan ang mga basurang natipon ng ibang kabataan.

3.            If you are not the leader but just a member, how will you work to support teamwork? (Kung hindi ikaw ang lider at isang kasapi lamang, paano ka magtatrabaho upang suportahan ang pagtutulungan?)

               Bilang kasapi, dapat na sundin ko ang mga resposibilidad na nakaatang sa aking balikat. Alamin kung kaya kong gawin ang lahat ng ito at humingi ng tulong kung kinakailangan. Tutulungan ko rin ang ibang kabataan na nangangailangan ng aking tulong, kasanayan , at kaalaman.


Thursday, October 15, 2020

Guides on Answering Activity 2, ALS Life Skills Module 3 - Leadership & Teamwork

Module 3 – Leadership and Teamwork


Activity 2: Leadership Styles

Basahin ang maikling talambuhay ni Mark Zuckerberg na nasa modyul at sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Do you think Mark Zuckerberg has made significant contributions to society? Why or why not?

Sa pakiwari mo ba ay nakagawa ng mga mahahalagang ambag si Mark Zuckerberg sa lipunan? Bakit o bakit hindi?

Sa aking palagay ay nakagawa ng mga mahahalagang kontribusyon si Mark Zuckerberg sa lipunan. Dahil sa pagkatatag niya ng Facebook, nagkaroon ng plataporma ang mga tao upang ipakilala ang kanilang katangian, pananaw, saloobin, at marami pang iba sa mundo. Naging isang venue ang Facebook upang magkaroon uli ng ugnayan ang mga magkakaibigan at magkakapamilya na matagal nang hindi nagkakaroon ng komunikasyon. Isa pa, naragdagan pa ng iba pang mga kaibigan at kakilala ang isang nilalang. Bukod pa rito, naging daan din ang Facebook upang mapaunlad ang kalakalan at negosyo sa pamamagitan ng online selling at promosyon. 

2. What do you think are the qualities/characteristics that made him a leader of a big company like Facebook?

Ano sa palagay mo ang taglay niyang mga katangian kaya siya naging pinuno ng isang malaking kumpanya tulad ng Facebook?

Isa sa nakikita kong dahilan kung bakit naging pinuno ng Facebook si Mark Zuckerberg, maliban sa siya ang nagtatag nito, ay ang kanyang pagiging determinado. Dahil ang Facebook ay isang social at interpersonal relationship platform, nagtataglay rin si Mark na isang epektibo at magandang kasanayan sa pakikipagtalastasan, sa pagsasalita man o sa pakikinig. Taglay rin niya ang pagiging mapanuri (critical thinker), mapanlikha (creative) , at visionary o mapangitain. Nakikita niya ang maaaring maganap sa susunod na mga taon at iniaayon niya iyon sa pagpapaunlad ng kanyang kumpanya. Marahil ay tumatanggap din ng kritisismo si Mark subali’t ginagawa niya itong hamon upang lalo pang mapaunlad ang facebook. Dahil dito, maituturing din siya bilang flexible na lider o maaaring mabago ang isang desisyon o pananaw ayon sa sitwasyon.

3. Think of a person from your community or other person you know who is an example of a leader that is inspiring and well respected. What are his/her qualities/character that made him a leader?

Umisip ng isang tao sa iyong pamayanan o ibang tao na kilala mo na isang halimbawa ng isang lider na kagalang-galang at isang inspirasyon.  Anu-ano ang kanyang mga katangian at pagkatao kaya siya naging pinuno?

Taglay ng aming barangay captain ang mga sumusunod na katangian at pagkatao kaya namin siya inihalal na pinuno:

1. Matapat. Hindi siya nasisilaw sa kinang ng pera. Iyon ay ginagamit lamang para sa proyektong pambarangay o tulong sa mga nangangailangan.

2. Walang kinikilingan. Pantay-pantay ang kanyang turing sa isa’t isa, mayaman man o mahirap, kamag-anak man o hindi. Ipinapataw niya ang kaparusahan sa sinumang nagkasala nang walang pasubali.

3. Bukas ang isip. Tumatanggap siya ng kritisismo at pinakikinggan ang pananaw o mungkahi ng iba. Ang desisyong kanyang ginagawa ay nakabase sa pangkalahatang pakinabangan o nais ng nakararami.

4. Responsable. Ginagampanan ng aming kapitan ang kanyang mga tungkulin may nakakakita man o wala. Kusang-loob siyang nagtatrabaho at hindi na kailangang utusan o paalalahanan pa. Makikita ang kanyang presensya sa lahat pulong, pambarangay man o pangmunisipal.

5. May tiwala sa sarili. Kahit hindi mataas ang kanyang pinag-aralan, may tiwala sa kanyang sarili at kakayahan ang aming punong-barangay. Ipinaglalaban niya ang mga proyektong mapapakinabangan ng mga kabarangay kahit sa matataas na tao sa lipunan o sa mga pulitiko. Hindi siya antubiling magsalita sa Tagalog maihatid lang ang kanyang mensahe sa kinauukulan.

4. In addition to the qualities/characteristics that you have mentioned, underline from the word/phrase list below other qualities that your community leader demonstrates:

Maliban sa mga katangian/pagkatao na iyong binanggit, salungguhitan mula sa mga salita/parirala na nakalista sa ibaba ang iba pang katangiang ipinamalas ng pinuno sa inyong pamayanan:

enthusiasm         courage                    self-control    to make decisions            

clear vision          planner

 believer in themselves and others              dedication           pleasant

 empathetic and understanding     generous             responsible

 cooperative        passionate   

  Let’s Exercise!

Below are statements that a leader says. Fill in the blanks with the leadership style being demonstrated.

Ang nasa ibaba ay mga pangungusap na pahayagi ng isang lider. Isulat sa puwang kung anong istilo ng pamumuno ang ipinahihiwatig nito base sa leadership styles na binasa sa 3.2 (authoritarian, persuading, consulting, at joining)                                                                                                                       

 

Statement

Leadership Style

1.

I already have the solution to our problem. I did not have time to consult you because you are all very busy. But I assure you that this solution will benefit all of you, so please accept it.

 Ang istilo ng pamumuno ay

 

 

 

 

 

PERSUADING?  Consulting? Joining?   Authoritarian?

 

Mayroon na akong lunas sa ating suliranin. Wala na akong oras para konsultahin pa kayo dahil alam kong abala kayong lahat. Pero sigurado akong makatutulong sa inyo ang solusyong ito, kaya pakiusap tanggapin ninyo ito.

 

 

 

 

2.

I have given you the background information about our company’s problem. I think we should transfer to a new location, but I would like to get your views before I make the final decision. I am open to your recommendations.

Ang istilo ng pamumuno ay 

CONSULTING? Authoritarian? Joining? Persuading?

 

 

 

 

 

 

 

Ibinigay ko na sa inyo ang mga impormasyon hinggil sa problema ng ating kumpanya. Naisip kong kailangan nating lumipat sa bagong lugar, pero hinihingi ko pa rin ang inyong saloobin o pananaw bago ko gawin ang pinal na desisyon. Bukas ako sa inyong mga mungkahi.

 

 

 

 

3.

I own this company and I have been running this for the last

 

 

10 years. Mia, contact the suppliers at once! Dan, this is not


 

the time to ask many questions. Inform our field offices

 

 

immediately about my decision.


Ako ang may-ari ng kumpanyang ito at pinatatakbo ko ito sa nakalipas na 10 taon. Mia, agad na tawagan mo ang mga suppliers (tagapagtustos)! Dan, hindi ito ang tamang oras upang magtanong nang magtanong! Ipaalam agad sa ating mga field offices (mga sangay) ang aking pasya.

 Ang istilo ng pamumuno ay

AUTHORITARIAN? Consulting? Persuading? Joining?

 

 

4.  Please feel free to discuss the issue among yourselves. You may ask me for guidance if you need to, but I leave the decision entirely up to the team.

 

 

 


 

Nakikiusap ako na talakayin ninyo nang walang pag-aalinlangan ang isyu. Maaari ninyo akong hingan ng gabay kung kailangan, subali’t ipinauubaya ko nang lubos ang desisyon sa buong team (pangkat).

 Ang istilo ng pamumuno ay

JOINING? Persuading? Consulting? Authoritarian?

 

 

 


Let’s Apply!

Reflect upon and write about your own leadership style in the writing space below.

Magbaliktanaw at sumulat tungkol sa inyong sariling istilo sa pamumuno sa blankong espasyo sa ibaba.

1. Your own leadership qualities: Which qualities do you already have? Which qualities would you like to improve upon?

Ang iyong mga katangian sa pamumuno: Alin sa mga katangiang ito ay mayroon ka na? Alin sa mga ito ang nais mo pang mapagbuti?

Sa aking palagay, ang mga katangiang taglay ko na bilang pinunoay ang mga sumusunod: matapat, responsable, positibo, marunong makiayon sa iba at sa sitwasyon, at walang kinikilingan. Ang mga nais kong mapagbuti ay ang pagiging matatas sa pakikipagtalastasan sa pagsusulat man o pagsasalita. Isa pa sa nais kong linangin ay ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Dahil sa hindi ako masyadong marunong magsalita ng English, nababawasan ang aking kumpiyansa sa sarili.

2. Your leadership style: What is your preferred leadership style? Which leadership style are you least comfortable with? Is it possible to use /adopt all types of leadership styles?

Ang istilo ng iyong pamumuno: Ano ang iyong pinakagustong istilo? Anong istilo ng pamumuno ang hindi ka komportable? Posible bang gamitin/magkaroon ng lahat ng uri ng istilo sa pamumuno?

Ang istilo ng pamumuno ng pinakagusto ko ay ang “joining leadership style”. Nais kong ituring muna ako bilang isang kasapi lamang ng grupo na may kanya-kanyang pananaw at adhikain. Naniniwala kasi ako na bago maging isang mabuting pinuno ang isang tao, siya ay dapat lamang na maging mabuting tagasunod muna. Ang istilong ito ay isang paraan din upang makiisa ang mga kasapi ng grupo at maniwalang isasaalang-alang ang bawa’t opinyon ng isa’t isa at ang mabubuong desisyon ay nakabase sa pinagkasunduan ng lahat.

               Ang istilo ng pamumuno na hindi ako komportable ay ang “authoritarian leadership” dahil kung magkaminsan ay natatakot akong magkamali. Ayaw kong isisi sa aking lahat kapag pumalpak ang aking naging desisyon. Nais ko rin kasing magkaroon ng boses ang bawa’t kasapi ng grupo at ituring silang hind sunud-sunuran lamang.

               Imposibleng gamitin lahat ang isang istilo ng pamumuno sa pagdedesisyon dahil magkakontra ang mga iyon. Gayunman, posibleng gamitin ang isa o kumbinasyon ng mga istilo depende sa sitwasyon at pangangailangan. Halimbawa, kung gahol na sa oras, maaaring maging “authoritarian” at “persuading” na ang isang lider. Gugawa siya ng isang desisyon, kukumbinsihin at ipapatanggap niya ito sa grupo at pagkatapos ay mamanduhan ang ibang mga kasapi kung anu-ano ang kanilang dapat gawin.

======

NOTES:

1 – The activity featured in this video comes from Module 3 – Leadership & Teamwork produced by the Education Development Center.
2 – The purpose of this video is to give guidelines to ALS learners who are not well-versed in the English language by translating the questions into Taglish.
3 – The sample answer is written in Taglish so that it will not be copied by the learners as their own since the answer should be written in English in their module.
4 – This is for learning and teaching purposes only.
5 – If anyone wants to remove anything from this video, please email me first at poncianosantos1959@gmail.com or leave a comment.


ALS Module 3 - Leadership & Teamwork: Activity 1 | Guides & Sample Answers

ABISO:

1 – The activity featured in this video comes from Module 3 – Leadership & Teamwork produced by the Education Development Center.
2 – The purpose of this video is to give guidelines to ALS learners who are not well-versed in the English language by translating the questions into Taglish.
3 – The sample answer is written in Taglish so that it will not be copied by the learners as their own since the answer should be written in English in their module.
4 – This is for learning and teaching purposes only.
5 – If anyone wants to remove anything from this video, please email me first at poncianosantos1959@gmail.com or leave a comment.



Module 3 – Leadership and Teamwork
 

Activity 1: Introductory Activity & Learner’s Reflection 

1. Write five ideas that you can recall about the demonstration of non-verbal communication, listening actively and appropriately or practice of good customer service skills. 

     Sumulat ng limang ideya/kaisipan/kaalaman na iyong natatandaan/natutunan (sa Module 2) tungkol sa pagpapakita ng non-verbal communication(pakikipagtalastasan na hindi ginagamitan ng pananalita), aktibo at tamang pakikinig, o kung paano ipakita ang tamang serbisyo sa mga customers. 

Halimbawa: 

1. Maaaring ipakita ang pakikipagtalastasan na hindi gumagamit ng salita sa pamamagitan ng kilos ng katawan tulad ng pagtango, pag-iling, pagsimangot, laging pagtingin sa relo, pagpapakita ng pagkainip, at marami pang iba. 

2. Ang paggamit mo ng non-verbal communication ay maaaring nakatutulong o makasagabal sa pagpapahayag mo ng iyong saloobin. 

3. Ang mabuting pakikipagtalastasan ay nangangailangan ng respeto sa bawat isa at tamang pakikinig. 

4. Kung hindi nauunawaan ang sinasabi ng kausap, mangyaring hintayin siyang matapos magsalita bago hinggan ng dagdag paliwanag o klaripikasyon. 

5. Maging kalmado habang nakikipag-usap sa isang mapilit o nagrereklamong kustomer/parukyano. 

2. Read the proverb at the beginning of the module. “Leaders are always taken as role models” (Ang mga lider ay tinuturing na huwaran). What does it mean?
 
    Basahin ang sawikain sa simula ng module “Ang mga lider ay tinuturing na huwaran.” Ano ang kahulugan/ibig sabihin nito? 

Halimbawa: 

Nais ipahayag ng sawikain na dahil sa mga katangiang taglay ng isang lider o pinuno, sila ay lagi nating itinuturing na isang huwaran na dapat pamarisan kundi man gawing idolo. Isinasaisip natin na ang isang lider ay mas matalino sa atin, may katangi-tanging kaalaman at kasanayan, at mas mataas ang puwesto sa atin. Dahil dito, siya ay ating tinitingala, nirerespeto, at ginagawang inspirasyon. 

3. In your own words, how do you relate this proverb to yourself? Can you recall your first role model when you were younger? What were his or her qualities that you liked? Why? 

        Sa iyong sariling pananalita, paano mo iuugnay ang sawikain sa iyong sarili? Natatandaan mo ba kung sino ang iyong role model o iniidolo noong ikaw ay bata-bata pa? Anu-ano ang mga katangian na nagustuhan mo sa kanya? Bakit? 

Halimbawa: 

Isa sa mga iniidolo ko noong ako ay mas bata pa ay ang aking guro sa Matematika sa high school. Siya ay si Bb. Mercedes Yandoc. Idolo ko siya dahil magaling siyang magpaliwanag habang nagtuturo. Sinasagot niya ang aming mga tanong kung may hindi kami maunawaan sa aralin. Inuulit-ulit niya ang pagpapaliwanag hanggang kami ay matuto. Pinakikinggan niya ang aming hinaing at panukala kaya lumalim ang aming respeto sa kanya. 

4. This module will focus on leadership and teamwork at work. What do you think is the relevance between the proverb and the importance of leadership skills at work? How does it relate to your real-life situation? 

        Ang module na ito ay nakatuon sa pamumuno at pagtutulungan sa trabaho. Ano sa isip mo ang kaugnayan sa pagitan ng sawikain at ang kahalagahan ng mga kasanayan sa pamumuno sa trabaho? Paano ito maiuugnay sa tunay na buhay?

Halimbawa: 

Ang kasabihan o sawikain na “Ang mga lider ay tinuturing na huwaran” ay may kaugnayan sa mga layunin ng modyul dahil ang mga layunin ay nagbibigay paliwanag, katangian, at kasanayang dapat taglayin ng isang mabuting pinuno. Ang mga katangian at kasanayang ito ay dapat na maunawaan nang husto upang magampanan ng lider ang kanyang trabaho nang tama. Ang mga kaalamang ito ay mahalaga dahil isa sa mga adhikain ng bawat isa ay ang magkaroon ng hanapbuhay at ang mga katangiang dapat taglayin ng isang pinuno at tagasunod ay dapat isaalang-alang upang maging maayos ang relasyon o samahan ng bawa’t isa sa oras ng trabaho. 

 5. Look at the picture and imagine that you are with your friends playing tug of war game. You are a member of the group that wins the first round, loses the second round, but wins the final round and is declared as the champion. How did you feel when you won the first round? When you lost? When your team is declared as champion? 


        Tingnan ang larawan at imadyinin na kasama mo ang iyong mga kaibigan na naglalaro ng “tug of war”. Kabilang ka sa pangkat na nanalo sa unang laro, natalo sa ikalawa, pero nanalo sa huling round at idineklarang kampeon. Ano ang pakiramdam mo nang manalo ka sa unang round? Nang matalo? Nang ideklarang kampeon ang inyong pangkat? 

Halimbawa: 

Masaya ako nang nanalo ang aming pangkat sa larong “tug of war” sa unang pagkakataon. Ganoon na lang ang aking lungkot at panghihinayanang nang kami naman ang natalo sa pangalawang “round”. Naisip ko na baka hindi ko napag-igi ang aking paghatak. Napakasaya ko nang muli kaming manalo sa huling yugto ng laro at tanghaling kampeon. Nagkamayan, nagyakapan, nagpalakpakan, at masayang nag-usap ang lahat ng kasapi ng pangkat. Pagkatapos ay kinamayan din namin ang pangkat na natalo sa laro. 

6. Have you experienced participating in actual competition in the past? What was the competition all about? Did your team win or lose the game? What do you think was your team’s strategy for winning the game? 

Nakaranas ka bang makilahok sa isang aktuwal na paligsahan noon? Para saan ang paligsahan? Nanalo ba o natalo ang inyong pangkat? Ano sa palagay mo ang estratehiya ng inyong pangkat kaya nanalo sa laro? 

Halimbawa: 

Noong school intramurals nang maranasan kong makilahok sa aktuwal na paligsahan. Isa ako sa mga manlalaro ng basketball ng mga Juniors o third year students. Naging kampeon sa paligsahan ang aming koponan ng panahong iyon. Bukod sa mas matatangkad ang aming grupo sa iba, ang pagkakaisa ng team ang isang dahilan kung bakit kami nanalo. Isa pang dahilan ay ang walang sawang suporta ng aming coach sa oras ng pagsasanay. Pinapanood namin ang pagsasanay ng ibang team upang malaman kung paano sila maglaro at iayon ang amin depensa sa kanila. Dagdag pa rito ay ang pagsunod namin sa kapitan ng team at pagsasagawa ng mga tungkulin na nakaatang sa amin habang naglalaro. 

7. What were your contributions to the team that you think were factors for winning or losing the game? How about your teammates, what were their contributions? Was there a member in your group who acted as a leader and guided the team? What strategies did she or he use? 

Anu-ano ang iyong kontribusyon sa inyong pangkat na sa palagay ay dahilan kaya kayo nanalo o natalo sa laro? Ano naman ang mga ambag ng iyong mga kakampi? Mayroon ba sa grupo na tumayong lider at nagbigay gabay sa inyong koponan? Anong mga estratehiya ang kanyang ginamit? 

Halimbawa: 

Bilang kasapi, sinunod ko ang mga payo ng aming coach at kapitan ng aming koponan upang manalo kami sa laro. Nakiisa ako sa layunin ng pangkat at ginawa ang responsibilidad na nakaatang sa akin habang naglalaro. Ang aking mga kakampi ay lubos ang suporta sa akin. Tinulungan nila ako upang mapahusay pa ang aking paglalaro ng basketball sa pamamagitan ng pagbibigay ng tips o pointers kung paano humawak ng bola, mag-dribble, mag-lay up, at tamang pag-shoot. Tumayong pinakalider sa koponan ang aming captain. Siya ang nagbigay gabay sa aming mga bagitong manlalaro. Ibinahagi niya ang kanyang kaalaman at kakayahan sa amin. Isa sa estratehiyang kanyang ginamit ay ang pagkukumbinsi sa amin na kaya naming manalo kung pagsisikapan namin. Nagbigay siya ng regular na pagsasanay. Pinapanood din niya kami sa mga praktis ng aming katunggali upang maiayon ang aming depensa at opensa sa kanila. Ipinahayag din niya na nasa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa upang makamit namin ang tagumpay. Sabi pa niya, “Mag-enjoy lang kayo!” na amin namang ginawa habang naglalaro.

Tuesday, October 13, 2020

Pagtatampok sa mga ALS passers na unti-unting natutupad ang mga naudlot na pangarap

Kilalanin natin ang ilan sa mga ALS passers na unti-unti nang natutupad ang kanilang naudlot na mga pangarap. Tandaan natin na ang isa sa mga pamosong personalidad na naging matagumpay ay "Ang Pambansang Kamao" na si Senator Manny Pacquiao. Siya ay kumuha ng A&E test at pumasa sanhi upang maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral.

Senador Manny Pacquiao

Sa ngayon, itampok naman natin sina:

Benjie Placencia

"Isa akong dating nagtatrabaho lang sa isang piggery pero noong nalaman ko na may ALS ay agad akong pumasok at nag aral. Sa tulong ng mga teachers at co-teachers nila ay pumasa ako sa exam. Ngayon ay nag-aaral ako sa college sa kursong BEED. Second year na ako ngayon. Salamat sa ALS.  Sobrang laki ang nabago at naitulong sa akin lalo na sa trabaho."


Khora Salvedia Sape

"I was a Fourth Year High School drop-out. Nagka-asawa at nagkaanak. But through ALS, nagkaroon ako ng chance to continue and finish my high school. Nag-aral ng college at grumaduate ng HRM. After I graduated, kumuha ng units ng BS in Secondary Education. Now I am on my way to finish my Masteral Degree in Hospitality Industry. Kaya guys, hindi hadlang ang pagiging nanay or ama para hindi na matupad ang ating mga pangarap. Andiyan si ALS na handa tayong tulungan para maabot ang ating minsang naudlot na pangarap. Keep on dreaming mga ka-ALS."

Soreño Papasin Iris

"Sobra thankful ako dahil 3rd year high school lang po ako noon. Ngayon, gradaute na ako sa ALS. Kahit buntis ako noon, nagpursige akong mag aral sa ALS . Sa araw ng graduation, i yon din ang araw na nanganak ako. Napakabless ko po dahil kahit hindi nakarampa, at least pasado ako sa exam. Ngayon, p’wede ko nang magamit ang diploma ko. ðŸ˜ŠðŸ˜Š Thanks po,  Solid ALS!"


Christine Lapore

Ako po si Christine Lapore.  I'm proud ALSian. Sa rami ng aking pinagdaanan sa buhay, hindi ako bumitaw sa aking pangako na tatapusin ko ang aking pag-aaral para maisakatuparan ko ang aking mga pangarap para sa mga taong mahalaga at parte ng buhay ko. Year 2015 nang my isang pangyayari sa buhay ko na hindi ko inaasahan. Thirteen years old ako nang unang sumabak sa ALS pero sa hindi inaasahang pangyayari,  biglang dumilim ang mundo ko.  Sinira ang aking dangal, pagkatao at kaluluha pero lahat ng iyon ay nilabanan ko sa tulong ng mga guro ng ALS.  Sa dami ng nangyari sa akin ay patuloy pa rin akong nangagarap hanggang nahinto ako sa pag-aaral noong 2016 dahil sa nangyari sa akin.  Noong  2017, bumalik ako para mag-aral ulit. Sumabak ako sa exam noong 2019 at sa awa ng Diyos ako ay napabilang sa mga nakapasa sa EDMUND RICE MINISTRIES, Kabankalan City, Negros Occidental. Maraming salamat po!

Meriam R. Mayor

"Ako ay isang OFW since 2009. Ang inabot ko lang ay 2nd year high school. Dahil sa kagustuhan ko rin na makapag-aral ulit, nang malaman ko sa lugar namin sa Daet, Camarines Norte na may ALS ay agad akong pumunta sa barangay hall namin upang mg tanong at agad naman akong inasikaso. Noong panahon  na nag-aaral ako ay kapapanganak ko lang ng tatlong buwan at cesarian pa. Pero kahit ganoon ang kalagayan ko na may baby na,  nagsikap pa rin ako na mag-aral. Salamat sa partner ko na super supportive sa akin dahil kahit may work siya at kailangan kong pumasok ay uuwi siya para siya naman ang mag-alaga ng anak namin. Nakatutuwa lang na kahit 36 na ako at that time ay napapasali pa rin ako sa mga contest at nagwawagi rin naman kahitg paano. Noong nalaman ko na pumasa ako ay sobrang saya ko kaya lang ay hindi na ako nakapag- attend ng graduation dahil nandito  na ulit ako sa abroad. Hindi ko naranasan ang magsuot ng toga. Siguro sa picture na lang ako nakasuot ng toga pag-uwi ko ng Pilipinas. Balak ko pag-uwi ay  mag-aral ng Caregiving dahil in demand siya sa abroad."

JM Nazareth Alinsunorin

"Hi! Ako po si John Mark Alinsunorin.  Elementary lang ang naabot ko, maagang nagtrabaho at namulat sa reyalidad ng buhay . Pumasok sa ALS CLC Antipolo ngunit’ muling huminto dahil namatay ang aking ina. Dahil dito ay nawalan na ako noon ng gana na magpatuloy sa ALS sapagka’t wala nakong inspiration Napabarkada, gala roon, gala rito.  Sama kung saan may inuman at napariwara . Nalipat ako rito sa Pinugay,Baras, Rizal at  naisip ko kung ganito nal ang ba talaga ako. Hanggang sa niyaya ako ng Ate ko na mag-ALS  muli at napasok nga ako.  Noong una ay nahihiya ako kasi Grade 5 lang ang inabot ko at laro-laro lang sa akin ang pag-aaral.  Nawala ang hiya ko nang maging guro ko si Ma'am Rosario Ajoc Taro. Ang galing niya magturo, lahat ng detalye ay matutunan mo . Pinasulat kami ng essay na may pamagat na “Ang Kahalintulad Ko”.  Sa aking sanaysay ay inihalintulad ko ang aking sarili sa “Kandila” sapagkat ito ay nagbibigay liwanag sa dilim ngunit paunti-unting nauubos at naglalaho na parang buhay ng tao. Sa gabi ako nagre-review  at sa umaga ay ako ang nag aasikaso sa bahay . Marami akong naririnig sa iba na hindi ako makakatapos ngunit hindi iyon naging hadlang bagkus ay nagpursige ako sa pag-aaral para makapasa . Hayun na nga at nakapasa ako at sumabak sa sekondarya at muling nakapasa sa gradong 68.80 percent.  Sa ALS ko naranasan ang makapagsuot ng toga ðŸŽ“ Kaya salamat sa Ate ko na nagyaya sa aking bumalik sa pag aaral kahit non-formal school lang . Marami ring salamat sa aming butihing guro na hindi nagsawa at nagtiyaga sa aming magturo. Higit sa lahat, maraming salamat sa ALS (Alternative Learning System) sa pagbibigay ng pakakataon sa lahat na muling makapag aral at makatapos.

 

Evaniza Denum Calzada

"Hi! I'm Evaniza Denum Calzada, proud ALSian.  Second year high school lang ang natapos ko. Nagkapamilya nang maaga ngunit hindi naalis sa isip ko ang makapagtapos ng pag aaral. Graduating ang anak ko sa college nang malaman ko ang tungkol sa ALS. Nag aral ako at hindi ko akalain na mararanasan ko ang makapag-aral muli. Napasali rin ako sa mga quiz contest from district to region at nakakuha rin ng place in the help of God. As of now,  I'm taking up BEED . Thanks sa ALS for giving me an opportunity to continue my studies despite of hard life as a working mother and discrimination from other people who  said na “Wala na ako maabot dahil sa  idad ko.”  Hindi  ako nagalit sa kanila bagkus sila ang ginawa kong inspiration.  Now I'm proud ALSIAN and 2nd year college student of BEED."

Jupre Virtudazo

"Hay! Mahirap ang buhay namin noon kaya hindi na ako nakapagtapos ng sekondarya. Pumunta ako ng Maynila upang magbakasakali. Pumasok ako sa ALS at nagtapos noong 2018. Sa ngayon,  second year college na ako taking  up Bachelor of Science  in Secondary Education,  Major in English. Salamat po Lord, hindi  mo ako pinabayaan!"

Melanie M. Aguilar

"Hi! I’m Melanie M. Aguilar from Nueva Ecija. I'm 35 years old, married and I have 3 children. Graduating ako ng 4th year high school noong 2002  pero napilitang magdrop-out dahil sa kahirapan.. Nagtrabaho sa abroad pero hindi pinalad kaya nag-work dito sa Pilipinas hanggang nagkaasawa at nagkaanak. After 16 years, may nabasa akong post about sa ALS para sa mga hindi nakapagtapos ng elementary at high school. Nag-inquire ako at nag aral sa ALS. Mahirap pagsabayin ang pag aaral, pagtatrabaho, at  pag-aasikaso sa asawa at mga anak ko. Ang daming struggles pero kinaya ko hanggang makapasa sa exam at maka-graduate ako sa ALS with honors.  Nag-try ako mag-exam sa isang kilalang university dito and luckily, pinalad ako. 2nd year college na ako this semester taking up Bachelor of Science in Industrial Education (BSIE). Konting tiyaga pa at  masusuot ko rin ang itim na toga. Trust the process talaga.. "All good things are worth to wait"❤️. Proud ALSian batch 2018-2019, Nueva Ecija."

Rachel Sevinc

"Thank you po sa ALS. Second  year high school lang po ako noong nagkababy ako. So nag-stop po ako at nag-work pero dahil sa ALS , 3rd year college na po ako ngayon."

Christian Bantilan

"Ako rin binigyan ng pag asa ng ALS.  Salamat po, Lord!"

=====

(Ipagbigay-alam kung mayroon man pong pagkakamali."