Monday, September 27, 2021

Lesson 2 - Angles: Introduction to Trigonometry | Trigonometry in Taglish

LESSON 2 – ANGLES (Mga SALIKOP O ANGGULO)

Sa araling ito, malalaman mo kung ano ang anggulo o salikop. Malalaman mo rin ang iba't ibang mga uri ng mga anggulo at kung paano ito sinusukat.


Ang pag-alam tungkol sa mga anggulo ay napakahalaga sapagkat may mga problemang maaari nating harapin na nangangailangan ng kaalaman sa mga anggulo at kanilang mga sukat. Ang kaalamang ito ay kapaki-pakinabang din sa paggawa ng ating pang-araw-araw na gawain tulad ng pagsasabi ng oras. 

Isang paraan upang maunawaan ang iba’t ibang uri ng angles ay ang pagmamasid sa isang orasan. Mapapansin na ang isang ordinaryong orasan ay may dalawang kamay, isang maliit at isang malaki. (Huwag muna nating pansinin ang ikatlong maliit na kamay na para sa segundo.) Ang dalawang kamay na ito o ray ay may iisang endpoint. Ang endpoint na ito ay tinatawag ding vertex. Ang angle o salikop ay nalilikha kapag ang dalawang linya ay nagsalubong o nag-intersect sa iisang point.



Paano bibigyan ng pangalan ang isang angle?

Ang isang angle ay maaaring pangalanan sa pamamagitang ng tatlong magkakaibang malalaking titik. Masdan ang larawan sa ibaba. Tatlong anggulo ang nakalarawan dito:
∠ABC (Pagbasa: Angle ABC),    ∠BCA,   at   ∠BAC. Dapat nating tandaan na sa pagbibigay pangalan sa isang salikop, ang ikalawa o gitnang titik ay para sa vertex o ang intersecting point.


Maliban sa 3 malalaking titik, maaari ring pangalanan ang isang angle ng isang titik lamang o isang numero, tulad ng nasa ibabang larawan.
Ilang angles ang nakita mo sa larawan?

                                            



The PROTRACTOR

Ang nakalarawan sa ibaba ay tinatawag na protractor. Ito ay isang aparato na ginagamit upang sukatin ang isang anggulo.


Mag-ingat sa pagbasa ng tamang hanay ng mga numero dahil ang isang protractor ay may dalawang hanay ng mga numero: ang isang hanay ay nagmula sa 0 hanggang 180, ang isa pang hanay ay mula 180 hanggang 0. Alin man sa iyong nabasa ay nakasalalay sa kung paano mo inilalagay ang protractor: ilagay ito upang ang isang gilid ng anggulo ay nakahanay  sa  isa sa mga zero, at basahin ang hanay ng mga numerong iyon upang masukat ang tamang anggulo.

Paano Gumamit ng Protractor?

Upang masukat ang isang anggulo gamit ang isang protractor, sundin ang mga hakbang sa ibaba.

1. I-line up ang vertex ng anggulo gamit ang tuldok sa gitna ng protractor.
2. I-line up ang isang gilid ng anggulo na may 0 degree sa protractor.
3. Basahin ang protractor upang makita kung saan ang isa pang gilid ng anggulo ay tumumbok sa number scale.


    This angle measures 120 degrees, or 120°.


This angle measures 35 degrees, or 35°.

Degree ( ° ) is the unit of measurement for angle.

Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba at isulat kung ano ang sukat na anggulo base sa protractor.





Mga Uri ng Anggulo

1. Acute angle  -  ang tawag sa isang salikop kung ang sukat nito ay lampas sa zero degree nguni’t mas mababa sa 90 degrees, 






2. Right angle  -  ang tawag sa isang salikop kung ang sukat nito ay eksaktong 90 degrees.


3. Obtuse angle  -  ang tawag sa isang salikop kung ang sukat nito ay mas malaki sa 90 degrees subali’t mas mababa sa 180 degrees.



4. Straight angle  -  ang tawag sa isang salikop kung ang sukat nito ay eksaktong180 degrees.


5. Reflex angle  -  ang tawag sa isang salikop kung ang sukat nito ay mas malaki sa 180 degrees subali’t mas mababa sa 360 degrees.





6. Complete  or full angle  -  ang tawag sa isang salikop kung ang sukat nito ay eksaktong 360 degrees.


PAGTATASA (Assessment) : Lines and Angles

1. Kung ang dalawang linya ay hindi maaaring makagawa ng isang anggulo, ito ay tinatawag na _______.

A. Intersecting lines
B. Parallel lines
C. Perpendicular lines
D. Straight lines

2. Dalawang linya na makalilikha ng apat na right angles.

A. Intersecting lines
B. Parallel lines
C. Perpendicular lines
D. Straight lines

3. Anong mga anggulo ang malilikha ng dalawang intersecting lines?

A. 2 right at 2 acute angles
B. 4 na acute angles
C. 2 acute at 2 obtuse angles
D. 1 acute, 1 right, at 2 obtuse angles

4. Sa larawan, anong uri ng anggulo ang nilikha ng dalawang kamay ng orasan?


A. Acute angle
B. Right angle
C. Reflex angle
D. Obtuse angle

5. Sa larawan, anong uri ng anggulo ang nilikha ng dalawang kamay ng orasan?


A. Acute angle
B. Right angle
C. Obtuse angle
D. Reflex angle

6. Sa larawan, alin ang obtuse angle?
∠CEG II. ∠CEF
III. ∠BEF IV. BEG


A. I
B.  II and  III
C. II and IV
D. I and IV

7. Alin sa mga sukat ang halimbawa ng isang acute angle?

A. 170 degrees
B.  115 degrees
C.  90 degrees
D. 37 degrees

8. Ano ang sukat ng anggulo na sinukat ng protractor?




A. 60 degrees
B.  65 degrees
C.  120 degrees
D. 180 degrees


9. Ilang obtuse angle ang maaaring kapalooban ng isang straight angle?

A. 0
B.  1
C.  2
D. 4


10. Kung ang isang angle ay may sukat na 18 degrees, anong sukat ang kailangan nito upang maging right angle?

A. 12 degrees
B.  42 degrees
C.  72 degrees
D. 162 degrees

Sa susunod na leksyon ay tatalakayin naman natin ang tungkol sa complementary at supplementary anglesPythagorean Theorem at kung paano ito magagamit sa paglutas ng mga tunay na  suliranin  na kinasasangkutan ng mga anggulo.

Mga Sagot sa Pagtatasa:

Lesson 1 - Lines: Introduction to Trigonometry | Trigonometry in Taglish

Isa sa mahihirap na subject sa high school ay ang Trigonometry na ibinibigay kapag nakaabot na sa Grade 10 ang isang mag-aaral. Ang subject ding ito ang madalas ibagsak ng isang estudyante sa kolehiyo dahil kabilang ito sa mga basic subjects na dapat kunin. Kung sa high school ay naka-focus lamang sa simpleng pagkuha ng mga values ng sine, cosine, tangent, at ang kanilang reciprocals - cosecant, secant, at cotangent - ang Trigo, sa kolehiyo ay applications na ng mga trigonometric functions ang ibinibigay na kadalasan ay real word problems.

Ano ba ang Trigonometry?

Ang salitang trigonometry, ay kinuha mula sa mga salitang Griyego na trigonon at metron. Ang Trigonon ay nangangahulugang "tatsulok" at ang metron ay nangangahulugang "sukatin". Sa gayon, ang ating pag-aaral ng trigonometry ay ipopokus sa mga triangles.

Bago natin lubos na maunawaan at matutunan ang Trigonometry, nararapat ay may sapat na tayong kaalaman tungkol sa mga linya at salikop (lines and angles). Magbalik-aral muna tayo tungkol sa mga linya at salikop o anggulo. Narito ang ilang konsepto na dapat nating maunawaan at tandaan:

A. Point  (.)

Ang isang point sa Matematika ay isang eksaktong lokasyon sa isang plane, karaniwang minarkahan ng isang tuldok. Ang isang plane ay isang 2-dimensional, patag na ibabaw. Maraming tao ang nag-iisip na ang isang point ay isang dot o tuldok, ngunit hindi - ang tuldok ay simpleng ginagamit upang ipakita sa iyo ang lokasyon ng isang point. Dahil ang isang point ay isang lokasyon, wala itong mga sukat - posisyon lamang ito sa isang plane.

B. Line (Linya) _______

Ang isang linya ay isang pinagsama-samang mga points. Ang isang linya ay tuloy-tuloy sa dalawang direksyon.

C. Line segment - isang bahagi ng isang linya na may hangganan na haba. Ang segment ng linya na may mga endpoint na A at B ay isusulat na AB at overbar sa itaas nito (tulad ng nasa larawan) .

D. Ray  - isang linya na may isang endpoint sa simula na umaabot nang walang hanggan sa isang direksyon (na ipinamamalas ng isang arrow)

 


Mga Tipo o Uri ng mga linya:

1. Parallel lines (kahilerang mga linya) - mga pares ng linya na magkatulad na hindi kailanman magtatagpo gaano man kahaba palawigin ang mga ito.

A_____________________________B

C_____________________________D


2. Intersecting lines - mga pares ng linya na maaaring magtagpo sa isang point. Ang point kung saan nagtagpo ang dalawang linya ay tinatawag na point of intersection.


3. Perpendicular lines - mga pares ng linya nang magtagpo sa isang point of intersection ay nakagawa ng apat na right angles or mga salikop na may sukat na 90 degrees o 90o

Sa susunod na leksyon ay tatalakayin naman natin ang mga uri ng angle o salikop.

Monday, September 20, 2021

Sample ALS Functional Literacy Test (FLT) Elementary: LS 6 - Digital Citizenship

FUNCTIONAL LITERACY TEST (FLT)

ELEMENTARY LEVEL


PANGKALAHATANG PANUTO

Sa bawat aytem sa Bahagi I, piliin ang tamang kasagutan sa mga pagpipiliang sagot. Sa inyong Sagutang Papel, bilugan ang titik ng inyong sagot. Halimbawa, ang sagot sa aytem ay titik C, bilugan ang titik C tulad ng ipinapakita sa ibaba.


LS 6 : DIGITAL CITIZENSHIP

Directions: Read each item. Encircle the letter of the correct answer on the answer sheet provided for LS6.

1. Which of the following describes a computer?

A) It produces many errors.
B) It takes a long time to operate.
C) It works without instruction from the user.
D) It works fast and performs multiple functions.

2. Which is the correct order of steps in operating a computer?

1. Click the start button.
2. Save and Close all the applications
3. Click the Shutdown button.

A) 3, 2, 1
B) 1, 2, 3
C) 2, 1, 3
D) 2, 3, 1

3. Which of the following is NOT an example of a microcomputer?

A) Laptop
B) Tablet PC 
C) Desktop computer 
D) Mainframe

4. Which of the following devices is an input device?

A) Mouse
B) Monitor
C) Printer
D) Speaker

 
5. Jonnalyn needs to scan her ID picture. What is the last step that she should do?

A) Connect the scanner to the computer.
B) Place the picture to the scanner.
C) Press on the power button of the scanner.
D) Click the scan button.


6. Dondon wants to save his project into a USB flash drive. What is the first step to save it?

A) Click File
B) Choose Save As
C) Name the file and click save
D) Insert the flash drive to a USB slot


7. Marie wants to present her research to a wider audience. What program or application of Microsoft is appropriate?

A)    Excel
B)    PowerPoint
C)    Word
D)    OneNote


8. Which of the following is NOT a search engine?

A)    Bing
B)    Baidu
C)    Yahoo
D)     Firefox


9. What is the "brain of the computer"?

A)    Monitor
B)    Cables
C)    CPU
D)    User


10. Erickson wants to save an image on a USB. Which file formats can he use?

A)    PNG
B)    HTML
C)    DOC
D)    PDF





Sample ALS Functional Literacy Test (FLT) Elementary: LS 5 - Understanding the Self and Society

FUNCTIONAL LITERACY TEST (FLT)

ELEMENTARY LEVEL



PANGKALAHATANG PANUTO

Sa bawat aytem sa Bahagi I, piliin ang tamang kasagutan sa mga pagpipiliang sagot. Sa inyong Sagutang Papel, bilugan ang titik ng inyong sagot. Halimbawa, ang sagot sa aytem ay titik C, bilugan ang titik C tulad ng ipinapakita sa ibaba.


LS 5 : UNDERSTANDING THE SELF AND SOCIETY

Panuto: Basahin ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel para sa LS 5.

1. Ano ang pinakatamang gawin kapag alam mong darating ang isang napakalakas na bagyo?

A) Hintaying tumaas ang tubig bago lumikas.
B) Mag-imbak ng pagkain para sa loob ng isang buwan.
C) Lumikas sa isang ligtas na lugar.
D)    Humingi ng tulong sa barangay kapag binabayo ng bagyo ang bahay.


2. Kailan dapat gabayan nang mabuti ang isang tao?

A) Kapag sanggol pa
B) Kapag nagbibinata/nagdadalaga
C) Kapag may asawa na
D) Kapag matanda na


3. Napansin mong alas diyes na ng gabi subali't tuloy pa rin sa pagkakarioke ang iyong kapitbahay. Hindi ka makatulog at may pasok ka sa trabaho kinabukasan. Ano ang dapat mong gawin?

A) Kausapin siya nang mahinahon.
B) Igalang ang karapatan niya.
C) Isumbong siya sa kapitan.
D) Tiisin ang ingay at huwag na lang pumasok kinabukasan.

 
4. Kapag humantong sa paghihiwalay ang pagsasama nina Ruel at Edna. May dalawa silang anak na hindi pa nag-aaral ng elementrya. Kanino mapupunta ang dalawang bata?

A) Sa ama dahil siya ang may trabaho.
B) Sa ama kapag siya ang pinili ng mga bata.
C) Sa ina dahil iyon ang nasa batas.
D) Kung ano ang mas makabubuti sa mga bata.

5. Dahil sa isang hindi sinasadyang pangyayari ay nagasgasan ng isang mangangalakal ang kotse ni Efren. Sa halip na magalit, pinayuhan na lamang niya ang may-ari ng kariton na maging maingat sa susunod. Ano ang katangian ni Efren?

A) Mapagpasensya
B) Matulungin
C) Mapag-aruga
D) Magalang


6. Kung ikaw ay naabutan ng sunog sa isang gusali, ano ang pinakamainam mong gawin?

A)     Mag-selfie habang nasusunog ang gusali.
B)     Agad na lumabas ng gusali.
B)     Tawagan ang mga kasambahay at ibalita ang nangyayari.
C)     Umakyat sa roof-top.


7. Nangutang ka sa iyong kumare ngunit nang sumapit ang ipinangako mong petsa ay kulang ang iyong pambayad. Ano ang iyong gagawin?

A)    Huwag pagbuksan ang kumare kapag kumatok sa inyong bahay.
B)    Umutang sa isang kapitbahay upang idagdag na pambayad.
C)    Ibayad ang salaping mayroon ka at humingi ng paumanhin.
D)    Ikaila na may utang ka.




Tuesday, September 14, 2021

Sample ALS Functional Literacy Test (FLT) - Elementary: LS 4 - Life and Career Skills

FUNCTIONAL LITERACY TEST (FLT)

ELEMENTARY LEVEL

PANGKALAHATANG PANUTO

Sa bawat aytem sa Bahagi I, piliin ang tamang kasagutan sa mga pagpipiliang sagot. Sa inyong Sagutang Papel, bilugan ang titik ng inyong sagot. Halimbawa, ang sagot sa aytem ay titik C, bilugan ang titik C tulad ng ipinapakita sa ibaba.


LS4: LIFE AND CAREER SKILLS

Panuto: Basahin ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel para sa LS4.

1. Nais ni Roberto na maragdagan pa ang kanyang kaalaman at kanasayan sa paghihinang. Ano ang mas mainam niyang gawin upang matupad ito?

A) Bumili ng libro tungkol sa paghihinang at basahin ito.
B) Pumasok na apprentice sa isang welding shop.
C) Manood ng paghihinang sa YouTube.
D) Kapanayamin ang isang batikang welder.

2. Si Madelyn ay mahilig magluto ng iba't ibang putahe. Anong kurso ang nababagay niyang kunin?

A) Pamamahala ng Negosyo
B) Pagtuturo
C) Sining sa Pagluluto
D) Pagluluto ng Tinapay

3. Madaling-araw pa lamang ay pumaparoon na si Mando sa dagat upang manghuli ng mga isda at iba pang lamang-dagat. Batid niya kung anong oras kumakain ang mga ito kung kaya't maaga siya pumapalaot. Pauwi na siya na may maraming huli samantalang nagsisimula pa lang gumaod palaot ang mga kaibigan niyang mangingisda. Anong katangian mayroon si Mando?

A) Masigasig
B) Masipag
C) Maagap
D) Palakaibigan

4. Nagpapainit ng tubig si Thelma nang madaiti ang isa niyang daliri sa mainit na takuri. Ano ang una niyang dapat gawin?

A) Humingi ng saklolo habang umiiyak.
B) Lagyan ng bandage ang napasong daliri.
C) Lagyan ng toothpaste ang napasong daliri.
D) Patuluan sa malamig na tubig ang napasong daliri.

5. Nakapasok bilang isang construction worker si Abel sa ABC Builders. Ano ang dapat niyang ihanda at isuot?

A) jacket, sumbrero, at eyeglasses
B) gown, guwantes, at mask
C) helmet, safety shoes, at guwantes
D) leather shoes, long-sleeves, at panyo

6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang may-ari ng negosyo ay nagbibigay ng maayos na serbisyo sa kaniyang mamimili?

A) Walang pakialam ang security guard sa mga pumapasok na mamimili.
B) Iisa lang ang pila ng lahat ng mga mamimili.
C) Pinapalitan ng may-ari ang anumang produktong may diprensiya.
D) Hindi pinakikinggan ng serbidora ang mga hinaing ng mamimili.

7. Nagkasakit si Anna kaya hindi siya nakapasok sa trabaho sa loob ng anim na buwan. Pagkatapos noon ay ipinaalam sa kanya ng namamahala na terminated na siya sa trabaho. Tama ba ang ginawa ng kumpanya?

A) Oo, dahil labag iyon sa batas ng paggawa.
B) Oo, dahil walang sapat na abiso.
C) Hindi, dahil wala ng lunas ang kanyang sakit.
D) Hindi, dahil Covid-19 ang kanyang sakit.

8. Ano ang hindi kailangang ilagay sa isang bio-data?

A) educational attainment
B) contact information
C) employment history
D) motto

9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na gawaing pangpamayanan?

A) Paglahok sa Brigada Eskwela
B) Pagboto sa halalan
C) Feeding program
D) Paglilinis sa barangay

10. Maraming punong niyog sa Barangay Niyogan. Anong produkto ang HINDI maaaring inegosyo roon?

A) bukayo
B) pawid
C) langis
D) bunot




Sample ALS Functional Literacy Test (FLT) ELEMENTRY: LS 3 - Mathematical and Problem-Solving Skills

FUNCTIONAL LITERACY TEST (FLT) 

ELEMENTARY LEVEL


PANGKALAHATANG PANUTO

Sa bawat aytem sa Bahagi I, piliin ang tamang kasagutan sa mga pagpipiliang sagot. Sa inyong Sagutang Papel, bilugan ang titik ng inyong sagot. Halimbawa, ang sagot sa aytem ay titik C, bilugan ang titik C tulad ng ipinapakita sa ibaba.


LS 3: MATHEMATICAL AND PROBLEM-SOLVING SKILLS

Directions: Read each item. Encircle the letter of the correct answer on the answer sheet provided for LS3.

1. What is the difference between the numbers of flowers inside the boxes?

A) 2
B) 8
C) 24
D) 128

2. What symbol should be placed in the blank?

2/3  ______    6/9

A) >
B) <
C)    =
D)    ≠

3. Mother bought 2,378 mangoes and 4,569 oranges. How many fruits did she buy?

A) 6,837
B) 6,937
C) 6,947
D) 7,947

4.  (210 x 30) ÷ (60 x 7) =

A) 5
B) 15
C) 25 
D) 35

5. During their Christmas party, each grade level of Loob Elementary School ordered 35 boxes of spaghetti from McBee. If there were seven grade levels, what were the total boxes of spaghetti ordered?

A) 5
B) 42 
C) 245
D) 357

6. Over the week, Mario gathered 4 dozen eggs. How many eggs did each hen lay if there were 6 hens in total?

A) 3
B) 4
C) 6
D) 8

7.  Donnalyn bought the following from the grocery:  banana catsup at ₱ 35.25, spaghetti pasta at ₱ 42.95, 1/2 kg. hotdog at ₱ 34.70, and tomato sauce at ₱ 17.85. How much money did she spend?

A) ₱ 110.65
B) ₱ 120.65
C) ₱ 130.75
D) ₱ 140.85

8.  In a kindergarten class, the ratio of girls to boys is 5:3. How many boys are in the class if there are 25 girls?

A) 10
B) 15
C) 20
D) 25

9. Two thousand twelve is written as _________.

A) 200,012
B) 20,012
C) 2,112
D) 2,012

10. If one pencil costs ₱ 0.75, how many pencils can you buy if you have ₱ 4.00?

A) 3
B) 4
C) 5
D) 6





Monday, September 13, 2021

Sample ALS Functional Literacy Test (FLT) Elementary: LS 2 - Scientific and Critical Thinking Skills

Alternative Learning System (ALS) Functional Literacy Test (FLT)

Elementary Level

PANGKALAHATANG PANUTO


Sa bawat aytem sa Bahagi I, piliin ang tamang kasagutan sa mga pagpipiliang sagot. Sa inyong Sagutang Papel, bilugan ang titik ng inyong sagot. Halimbawa, ang sagot sa aytem ay titik C, bilugan ang titik C tulad ng ipinapakita sa ibaba.




LS 2: SCIENTIFIC LITERACY AND CRITICAL THINKING SKILLS



Directions: Read each item. Encircle the letter of the correct answer on the answer sheet provided for LS2.


1. Which solid waste management process is involved in using an item, whether for its original purpose or to fulfill a different function.


A) Recovering

B) Recycling

C) Reducing

D) Reusing


2. The following are some of the activities that can be done during summer

EXCEPT


A) Jogging at the park

B) Swimming at the beach

C) Planting crops in the field

D) Skiing in the snow park


3. Which of the following shows the correct way of preventing the spread of Covid-19?


A) Shake hands

B) Meet and greet

C) Wear a mask

D) Hug and kiss


4. What kind of energy is illustrated when a block of ice melts into water?


A) Chemical

B) Nuclear

C) Physical

D) Kinetic


5. Which of the following DOES NOT contribute to the greenhouse effect that causes climate change?


A) Use of fossil fuel

B) Use of aerosol sprays

C) Use of refrigerant or HFC in airconditioning

D) Use of solar-powered street lights


6.  Digestion in the human body starts in the _________.


A) stomach

B) esophagus

C) mouth

D) small intestines


7. Which star is nearest to the Earth?


A) Sun

B) Venus

C) Moon

D) Polaris


8. All of the following are living things EXCEPT _________.


A) starfish

B) bacteria

C) stone

D) koala


9. Which of the following activities is harmful to our natural resources and environment?


A) Recycling

B) Deforestation

C) Conservation

D) Crop rotation


10. Mixing yellow and blue colors will produce what color?


A) orange

B) violet

C) green

D) pink


Saturday, September 11, 2021

Sample ALS Functional Literacy Test (FLT) - Elementary: LS 1 - Communication Skills - ENGLISH/FILIPINO

 FUNCTIONAL LITERACY TEST (FLT)  ELEMENTARY LEVEL



PANGKALAHATANG PANUTO

 


Sa bawat aytem sa Bahagi I, piliin ang tamang kasagutan sa mga pagpipiliang sagot. Sa inyong Sagutang Papel, bilugan ang titik ng inyong sagot. Halimbawa, ang sagot sa aytem ay titik C, bilugan ang titik C tulad ng ipinapakita sa ibaba.





Tiyaking ang binibilugan ninyo ay nasa tamang hanay ng mga pinagpipiliang sagot. Isa lang dapat ang sagot. Kung nais niyong palitan ang inyong unang sagot, burahin itong mabuti. Ang aytem na may maraming sagot ay magiging mali.


May ilang aytem sa LS1 English at LS1 Filipino na ang sagot ay salita, pangungusap  o talata na isusulat sa sagutang papel.

Huwag sulatan ang buklet.

Sundin ang panuto sa bawat bahagi ng pagsusulit at gamitin ang tamang sagutang papel para rito. Kapag natapos ninyo ang isang bahagi, magpatuloy sa susunod na pahina hanggang matapos ang buong test. Mayroon kayong isang oras at sampung minuto (1hr. 10min.) para tapusin ang buong test. Kung matapos kayo ng mas maaga ay rebyuhin ang inyong mga sagot.

 LS 1: COMMUNICATION SKILLS (ENGLISH)


Part I. Reading

Directions: Read each item. Encircle the letter of the correct answer on the answer sheet provided for LS1 English.

1. In the traffic signal, the color light after YELLOW is _______.


A) Green

B) Red

C) Orange

D) Black


2. Identify the type of sentence according to use.

How are you?

A) Declarative

B) Exclamatory

C) Imperative

D) Interrogative

    The Moon is Earth's only natural satellite. At about one-quarter the diameter of Earth, it is the largest natural satellite in the Solar System relative to the size of its planet, the fifth largest satellite in the Solar System overall, and is larger than any known dwarf planet. (Source: Wikipedia)

3. What is the main idea of the given paragraph?

A) The moon is larger than any known dwarf planet. 

B)  The only natural satellite of the Earth is the moon.

C) The moon has no natural light.

D) The moon is found in the solar system.


4. Fill in the blank with the correct word from the options below that will make the statement POSITIVE. Choose the letter of the correct answer.

Tomorrow is our Third Quarter Test. I will _______ study our lessons.

A) not

B) hardly

C) definitely

D) never


5.    Germs are tiny organisms, or living things, that can cause disease. Germs are so small and sneaky that they creep into our bodies without being noticed. In fact, germs are so tiny that you need to use a microscope to see them.

What word in the paragraph is SIMILAR to "tiny"?

A) small

B) sneaky

C) creep

D) microscope


Part II. Writing

Directions: Read the item below. Write your answer on the blanks provided on the LS1 English answer sheet.

6. Think of your favorite person and write a simple sentence to describe him/her. (1 point)

_____________________________________________________


LS 1 : COMMUNICATION SKILLS (FILIPINO)

Part I. Pagbasa

Panuto: Basahin ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel para sa LS1 Filipino.

1. Basahin ang sitwasyon at piliin ang tamang sagot na nagpapakita ng magalang na pananalita.

        Kasalukuyan kang nag-aaral ng iyong leksyon nang biglang tumunog ang telepono. Ano ang iyong sasabihin sa kabilang linya?

A) Bwisit! Nakaiistorbo ka.

B) Mamaya ka na tumawag at nag-aaral ako.

C) Ako po si Ben. Ano po ang maipaglilingkod ko?

D) Sino ka?


2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may tamang bantas?

A) Ay, nahulog ang bata?

B) Pumaroon ka sa simbahan.

C) Siya ba ang iyong mahal!

D) Ang Pasko ay ipinagdiriwang tuwing ika=25 ng Disyembre.


3. Basahin ang pangungusap at piliin ang pares ng mga salitang magkasalungat ang kahulugan.

        Si Annabel ay isang batang ipinanganak mula sa maralitang pamilya. Dahil sa mahirap, hindi siya nakatapos ng pag-aaral. Sa gulang na labinlima ay kusa siyang mamasukan bilang kasambahay sa kanyang tiyahing may sinasabi sa buhay. Kahit papaano ay nalasap niya ang pagiging mayaman dahil hindi naman siya itinuturing na alila ng kanyang kamag-anak. Pinilit siyang mag-aral sa ALS.

A) maralita - mahirap

B) kasambahay - alila

C) may sinasabi - mayaman

D) kusa - pinilit


Part II. Pagsulat

Panuto: Basahin ang aytem. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

4. Isulat sa patlang ang baybay sa Filipino ng salitang hiram na "information".

________________________







SAMPLE Functional Literacy Test - ELEMENTARY: Personal Information Sheet (PIS)

Nasa ibaba ang halimbawa ng porma para sa Personal Information Sheet (PIS) na dapat sagutan at kumpletuhin ng isang taong nagnanais na pumasok sa programang Alternative Learning System (ALS) para sa Elementary Level.





Monday, September 6, 2021

Bakit Kailangan ang Batas? | Isang Sanaysay sa ALS

        Maraming kautusan, panuntunan, pamantayan, o batas ang ipinaiiral sa isang barangay, bayan, siyudad at bansa. Kung wawariin mo ay tila napapaligiran ng mga utos ang isang katauhan. Tila ang kanyang buhay ay umiikot na rito kundi man kinokontrol ang kanyang kilos, galaw, at kaisipan. Kung baga, tila ang batas ay kanya ng buhay.

                (Image from https://people.howstuffworks.com)

        Ano nga ba ang batas at bakit ito kailangan?

       Ayon sa Wikipedia, ang batas ay isang lehislasyon na nilikha at ipinatupad sa pamamagitan ng mga institusyong panlipunan o pang-gobyerno upang makontrol ang pag-uugali ng mga tao. Ito ay iba-ibang inilalarawan bilang isang agham at sining ng hustisya. Ito ay may kaakibat na kaparusahan sa sinumang hindi susunod dito.

               (Image from https://www.gretchentristan.com)

    Mas madaling mauunawaan ang kahalagahan ng batas kung wala ito sa lipunan. Natutupad ng batas ang maraming mahahalagang tungkulin, ngunit ang ang pinakamahalaga ay ang manatili ang kapayapaan at kaayusan ng isang lugar. Bukod pa rito, pinoprotektahan ng mga batas ang mga karapatan at kalayaan ng isang indibidwal.  Ang Bill of Rights ay karaniwan nang idinagdag sa Konstitusyon ng isang bansa upang magarantiyahan ang maraming mahahalagang proteksyon. Pinoprotektahan ng mga batas ang mga indibidwal mula sa ibang mga indibidwal, mula sa mga organisasyon, at maging mula sa gobyerno.

        Kung walang mga batas, walang paraan upang magtakda ng mga pamantayan. Madali itong makita kung bakit ang pagpatay at pagnanakaw ay krimen, ngunit nagbibigay din ang mga batas ng balangkas para sa pagtatakda ng maraming iba pang mga uri ng pamantayan. Kung walang batas, koda, at regulasyon ang isang pamahalaan, mahirap para sa mga indibidwal o negosyo na makipag-transaksyon sa mga negosyo na gumagamit ng mga bangko. Ang mga regulasyong pambansa ay nagbibigay ng maipapatupad na mga patakaran at proteksyon tungkol sa mga buwis, komersyal na transaksyon, batas sa trabaho, seguro, at iba pang mahahalagang aspeto.


      Ang mga batas ay nagbibigay ng isang balangkas at mga panuntunan upang matulungan ang paglutas ng mga pagtatalo sa pagitan ng mga indibidwal. Lumilikha ang mga batas ng isang sistema kung saan maaaring ihatid ng mga indibidwal ang kanilang mga pagtatalo bago ang isang walang kinikilingan na tagahanap ng katotohanan, tulad ng isang hukom o hurado. Mayroon ding mga ligal na kahalili kung saan nagtutulungan ang mga indibidwal upang makahanap ng solusyon, tulad ng paggamit ng alternatibong resolusyon sa pagtatalo (alternative dispute resolution  o ADR). Mayroong mga korte sa bawat antas, mula sa lokal hanggang sa pederal, upang magpasya kung sino ang dapat manalo sa isang pagtatalo.

                      (Image from https://www.scmp.com)

       Ang mga batas ay tumutulong sa mga lipunan upang mapanatili ang kaayusan. Paano ang lipunan kung wala ang batas? Maaaring kailanganin mong magbigay ng iyong sariling proteksyon dahil walang puwersa ng pulisya o militar. Kung walang mga proteksyon mula sa gobyerno hinggil sa pagbabangko, maaaring kailangan mong maghanap ng iba pang mga paraan upang makuha ang hindi mo maibigay para sa iyong sarili. Dahil sa istraktura at pagtatag ng mga batas, dumating ang kaayusan at kakayahang mahulaan ang anumang mangyayari. Ang mga indibidwal ay maaaring makaramdam ng kaligtasan, na humahantong sa mas malawak na mga istrukturang panlipunan at higit na pagiging produktibo.

                        (Image from https://www.debt.org)

        Kahit na maraming benepisyo ang nakakamit sa pagpapairal ng mga batas, marami ring sumasalungat dito. Nililimitahan ng batas ang ilan sa mga karapatan ng isang tao. Hindi maaaring makapaglakbay o mamuhay ang isang indibidwal sa ibang bansa kung wala siyang visa. Hindi siya maaaring magsalita ng kanyang saloobin kung ito ay bawal sa bansang tinitirahan. Hindi siya maaaring sumuway kung hindi niya gustong magserbisyo-militar sa kanyang bansa. Labag man sa kalooban, binabawasan ng pamahalaan ang kanyang pinaghirapan at binubuwisan ang kanyang mga ari-arian.

        Kahit tutol ang ilan sa pagpapairal ng batas, masasabing mas lamang ang benepisyong nakukuha rito ng isang mamamayan. Nagkakaroon siya ng katiwasayan, kaligtasan, at kaayusan. Batid niyang may batas na magbibigay proteksyon sa kanyang karapatan at ari-arian, kahit na nga may ilang pansariling karapatang kinokontrol ito.


Sources:

Wikipedia

https://cronuslaw.com