Tuesday, September 14, 2021

Sample ALS Functional Literacy Test (FLT) - Elementary: LS 4 - Life and Career Skills

FUNCTIONAL LITERACY TEST (FLT)

ELEMENTARY LEVEL

PANGKALAHATANG PANUTO

Sa bawat aytem sa Bahagi I, piliin ang tamang kasagutan sa mga pagpipiliang sagot. Sa inyong Sagutang Papel, bilugan ang titik ng inyong sagot. Halimbawa, ang sagot sa aytem ay titik C, bilugan ang titik C tulad ng ipinapakita sa ibaba.


LS4: LIFE AND CAREER SKILLS

Panuto: Basahin ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel para sa LS4.

1. Nais ni Roberto na maragdagan pa ang kanyang kaalaman at kanasayan sa paghihinang. Ano ang mas mainam niyang gawin upang matupad ito?

A) Bumili ng libro tungkol sa paghihinang at basahin ito.
B) Pumasok na apprentice sa isang welding shop.
C) Manood ng paghihinang sa YouTube.
D) Kapanayamin ang isang batikang welder.

2. Si Madelyn ay mahilig magluto ng iba't ibang putahe. Anong kurso ang nababagay niyang kunin?

A) Pamamahala ng Negosyo
B) Pagtuturo
C) Sining sa Pagluluto
D) Pagluluto ng Tinapay

3. Madaling-araw pa lamang ay pumaparoon na si Mando sa dagat upang manghuli ng mga isda at iba pang lamang-dagat. Batid niya kung anong oras kumakain ang mga ito kung kaya't maaga siya pumapalaot. Pauwi na siya na may maraming huli samantalang nagsisimula pa lang gumaod palaot ang mga kaibigan niyang mangingisda. Anong katangian mayroon si Mando?

A) Masigasig
B) Masipag
C) Maagap
D) Palakaibigan

4. Nagpapainit ng tubig si Thelma nang madaiti ang isa niyang daliri sa mainit na takuri. Ano ang una niyang dapat gawin?

A) Humingi ng saklolo habang umiiyak.
B) Lagyan ng bandage ang napasong daliri.
C) Lagyan ng toothpaste ang napasong daliri.
D) Patuluan sa malamig na tubig ang napasong daliri.

5. Nakapasok bilang isang construction worker si Abel sa ABC Builders. Ano ang dapat niyang ihanda at isuot?

A) jacket, sumbrero, at eyeglasses
B) gown, guwantes, at mask
C) helmet, safety shoes, at guwantes
D) leather shoes, long-sleeves, at panyo

6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang may-ari ng negosyo ay nagbibigay ng maayos na serbisyo sa kaniyang mamimili?

A) Walang pakialam ang security guard sa mga pumapasok na mamimili.
B) Iisa lang ang pila ng lahat ng mga mamimili.
C) Pinapalitan ng may-ari ang anumang produktong may diprensiya.
D) Hindi pinakikinggan ng serbidora ang mga hinaing ng mamimili.

7. Nagkasakit si Anna kaya hindi siya nakapasok sa trabaho sa loob ng anim na buwan. Pagkatapos noon ay ipinaalam sa kanya ng namamahala na terminated na siya sa trabaho. Tama ba ang ginawa ng kumpanya?

A) Oo, dahil labag iyon sa batas ng paggawa.
B) Oo, dahil walang sapat na abiso.
C) Hindi, dahil wala ng lunas ang kanyang sakit.
D) Hindi, dahil Covid-19 ang kanyang sakit.

8. Ano ang hindi kailangang ilagay sa isang bio-data?

A) educational attainment
B) contact information
C) employment history
D) motto

9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na gawaing pangpamayanan?

A) Paglahok sa Brigada Eskwela
B) Pagboto sa halalan
C) Feeding program
D) Paglilinis sa barangay

10. Maraming punong niyog sa Barangay Niyogan. Anong produkto ang HINDI maaaring inegosyo roon?

A) bukayo
B) pawid
C) langis
D) bunot




No comments: