Monday, September 20, 2021

Sample ALS Functional Literacy Test (FLT) Elementary: LS 5 - Understanding the Self and Society

FUNCTIONAL LITERACY TEST (FLT)

ELEMENTARY LEVEL



PANGKALAHATANG PANUTO

Sa bawat aytem sa Bahagi I, piliin ang tamang kasagutan sa mga pagpipiliang sagot. Sa inyong Sagutang Papel, bilugan ang titik ng inyong sagot. Halimbawa, ang sagot sa aytem ay titik C, bilugan ang titik C tulad ng ipinapakita sa ibaba.


LS 5 : UNDERSTANDING THE SELF AND SOCIETY

Panuto: Basahin ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel para sa LS 5.

1. Ano ang pinakatamang gawin kapag alam mong darating ang isang napakalakas na bagyo?

A) Hintaying tumaas ang tubig bago lumikas.
B) Mag-imbak ng pagkain para sa loob ng isang buwan.
C) Lumikas sa isang ligtas na lugar.
D)    Humingi ng tulong sa barangay kapag binabayo ng bagyo ang bahay.


2. Kailan dapat gabayan nang mabuti ang isang tao?

A) Kapag sanggol pa
B) Kapag nagbibinata/nagdadalaga
C) Kapag may asawa na
D) Kapag matanda na


3. Napansin mong alas diyes na ng gabi subali't tuloy pa rin sa pagkakarioke ang iyong kapitbahay. Hindi ka makatulog at may pasok ka sa trabaho kinabukasan. Ano ang dapat mong gawin?

A) Kausapin siya nang mahinahon.
B) Igalang ang karapatan niya.
C) Isumbong siya sa kapitan.
D) Tiisin ang ingay at huwag na lang pumasok kinabukasan.

 
4. Kapag humantong sa paghihiwalay ang pagsasama nina Ruel at Edna. May dalawa silang anak na hindi pa nag-aaral ng elementrya. Kanino mapupunta ang dalawang bata?

A) Sa ama dahil siya ang may trabaho.
B) Sa ama kapag siya ang pinili ng mga bata.
C) Sa ina dahil iyon ang nasa batas.
D) Kung ano ang mas makabubuti sa mga bata.

5. Dahil sa isang hindi sinasadyang pangyayari ay nagasgasan ng isang mangangalakal ang kotse ni Efren. Sa halip na magalit, pinayuhan na lamang niya ang may-ari ng kariton na maging maingat sa susunod. Ano ang katangian ni Efren?

A) Mapagpasensya
B) Matulungin
C) Mapag-aruga
D) Magalang


6. Kung ikaw ay naabutan ng sunog sa isang gusali, ano ang pinakamainam mong gawin?

A)     Mag-selfie habang nasusunog ang gusali.
B)     Agad na lumabas ng gusali.
B)     Tawagan ang mga kasambahay at ibalita ang nangyayari.
C)     Umakyat sa roof-top.


7. Nangutang ka sa iyong kumare ngunit nang sumapit ang ipinangako mong petsa ay kulang ang iyong pambayad. Ano ang iyong gagawin?

A)    Huwag pagbuksan ang kumare kapag kumatok sa inyong bahay.
B)    Umutang sa isang kapitbahay upang idagdag na pambayad.
C)    Ibayad ang salaping mayroon ka at humingi ng paumanhin.
D)    Ikaila na may utang ka.




No comments: