Sunday, May 21, 2017

Sample ALS Test: Problem-Solving & Critical Thinking

A. Part 1
1.     Binabalak ni Mario na lagyan ng bakod ang kanyang minanang lupain. Parihaba ang hugis ng ari-ariang may sukat na 100 metro ang isang gilid at 50 metro naman ang isa pang gilid. Kung babakuran ang lupain ng tatlong ulit ng alambreng-tinik, gaano kahaba ang kinakailangang bilhin ni Mario?
a.                                              a.     300 metro
b.     600 metro
c.     900 metro
d.     1,200 metro
2.     Mas mahal ng tatlong ulit ang isang pirasong abokado kaysa dalawang pirasong saging. Kung ang halaga ng isang dosenang saging ay P 60.00, ilan ang mabibiling abokado sa halagang P 300.00?
a.     5
b.     10
c.     15
d.     20
3.     Kayang tapusin ni Nena ang tambak na labahin sa loob ng 5 oras. Kaya namang tapusin ito ni Inday sa loob ng 3 oras. Kung magtutulong silang labhan ang mga damit, ilang oras nila itong matatapos?
a.     4 oras eksakto
b.     2 oras 5 minuto 45 segundo
c.     1 oras 52 minuto 48 segundo
d.     3 oras 25 minuto 28 segundo
4.     Biniyak ni Toto yang alkansiyang-bao upang ipambili ng gamit sa eskwela. Ito ay binubuo ng singko, diyes at beinte-singko sentimos na barya. Ang singko ay dalawang beses ang dami kaysa sa diyes samantalang tatlong beses na marami ang beinte-singko kaysa singko. Kung ang kabuuan ng barya ay P 17.00, tig-iilang singko, diyes at beinte-singko ang laman ng alkansiya?
a.     20, 10 at 60
b.     40, 20 at 120
c.     10, 5 at 30
d.     30, 15 at 90
5.     Bumili ng  4cm x 8cm na tiles si Pedro upang ilagay sa kanilang sahig na may sukat na 1.5m x 2.5m. Ipagpalagay na mailalagay pa rin sa sahig ang mga napirasong tiles, ilang tiles ang binili ni Pedro upang hindi kapusin at hindi naman sumobra ng higit sa 20 piraso?
a.     1,200
b.     1,180
c.     1,150
d.     1,220

Tingnan ang SAGOT dito http://alternativelearningsystem.blogspot.com/