Module 7: Financial Fitness
“Maging matalino sa paggamit ng iyong pera upang magkaroon ng sapat na ipon”
Be wise in using your money to have enough savings.
Habit |
Does this habit contribute
to financial fitness? (Write YES or NO.) |
Why or why
not? |
Working hard to make money |
Example à YES |
If you make more money, you can save
more money. |
Always looking and listening for new ways to earn or save money |
Oo |
Kapag may trabaho ka, magkakaroon ka ng
sahod/pera upang mabili ang mga pangangailangan. |
Spending all of the week’s allowance before the week is over |
Hindi |
Kapag naubos ang lingguhang badyet,
posibleng magkaroon ka ng utang o kaya ay magamit mo ang iyong naitabi. |
Always carefully counting coins and notes |
Oo |
Kapag alam mo kung magkano lang ang pera mo,
maiiwasan mong gumasta nang higit pa rito. |
Paying attention to the difference between things you really need, and things that are nice to have but waste your money |
Oo |
Makatutulong ang pagkukumparang ito upang
makapagdesisyon ka ng mabuti kung ang bibilhin ay talagang kailangan o nais
lamang. |
Putting money aside for emergencies |
Oo |
Makatutulong ito upang may mahugot sa
panahon ng dagling pangangailangan at hindi na kailangang umutang pa. |
Looking for bargains that help you spend wisely |
Oo |
Mababawasan nito ang salaping dapat mong
gastusin sa isang bagay na kailangang bilhin. |
Using money that’s meant for groceries to buy a new pair of shoes |
Hindi |
Masisira nito ang iyong badyet sa pagkain.
Dahil dito, kakapusin ang iyong panggastos sa pagkain at posibleng mangutang
ka sa kalaunan. |
Making sure to store money securely |
Oo |
Mainam na gawin upang hindi mawala o kunin
ng iba ang iyong pinaghirapan. |
Asking questions to learn from others about making and managing money |
Oo |
Ang bagong kaalaman ay magagamit upang
mapagbuti pa ang iyong pagbabadyet, paggastos, at pag-iimpok. |
7.7: Looks Can Be Deceiving
Look at the list below. Do you think these are signs of
financial fitness? Write yes or no and then why you chose your answer. (Tingnan
ang listahan sa ibaba. Sa palagay mo ba ay mga palatandaan ng kalakasan sa
pananalapi ang mga ito? Isulat kung oo o hindi at pagkatapos ay sagutin kung bakit
mo pinili ang iyong sagot.)
Is this
a sign of financial fitness? |
YES OR NO |
Why or why not? |
1. He has three cars in the
garage. |
Hindi |
Posibleng utang lang sa banko ang mga
sasakyan. |
2. He makes and
follows a personal budget every
month. |
Oo |
Maiiwasan niya ang gumastos ng higit sa
kanyang kinikita. |
3. She has savings
in her bank
account set aside
for an emergency. |
Oo |
Hindi na niya kailangang mangutang sa iba sa
oras ng pangangailangan. |
4. Her family goes
on trips abroad every summer. |
Hindi |
Posibleng ang byahe ay inutang lamang.
Magastos ang ganitong pagbyahe. |
5. She spends
more than she saves. |
Hindi |
Dagli siyang mauubosan ng pera sanhi upang
umutang sa iba. |
6. He repairs his clothes instead
of immediately buying
new ones. |
Oo |
Makatitipid siya at magagamit ang perang
nakalaan sa bagong damit sa mga bagay na lubos na kailangan. |
Let’s Apply: Track Your Financial Habits
Track your financial habits over the course of a day (or
several days). You can use the ledger below. Each time you spend money—even if
it’s a very small item—record it on a piece of paper. An example has been
completed for you. What you write down may surprise you! (Subaybayan ang iyong
mga gawi sa pananalapi sa loob ng isang araw (o maraming araw). Maaari mong
gamitin ang ledger sa ibaba. Sa tuwing gagastos ka ng pera — kahit na sa
napakaliit na bagay — itala ito sa isang pirasong papel. Isang halimbawa ang
nakumpleto para sa iyo. Maaaring ka sa
iyong mga isinulat!)
Date |
Item |
Type of item |
Payment method |
Cost |
Jan. 3 |
Loaf of bread |
Food |
Cash |
P55 |
|
|
|
|
|
Date |
Item |
Type of item |
Payment method |
Cost |
Mar 18 |
pandesal |
Pagkain |
Cash |
P20 |
Mar 18 |
2 pancit canton |
Pagkain |
Cash |
P20 |
Mar 18 |
2 itlog |
Pagkain |
Cash |
P14 |
Mar 18 |
2 kg bigas |
Pagkain |
Cash |
P76 |
Mar 18 |
1 kg galunggong |
Pagkain |
Cash |
P270 |
Mar 18 |
1 bote mantika |
Pagkain |
Cash |
P30 |
Mar 18 |
½ kg manok |
Pagkain |
Cash |
P80 |
Mar 18 |
1 kg talong |
Pagkain |
Cash |
P40 |
Mar 18 |
½ kg kamatis |
Pagkain |
Cash |
P40 |
Mar 18 |
50 g Nescafe |
Pagkain |
Cash |
P165 |
Mar 18 |
½ kg asukal |
Pagkain |
Cash |
P25 |
Mar 18 |
450 g coffee mate |
Pagkain |
Cash |
P104 |
Mar 18 |
1/4 kg asin |
Pagkain |
Cash |
P10 |
Mar 18 |
4 suman |
Pagkain |
Cash |
P40 |
Mar 18 |
Pamasahe |
Transportation |
Cash |
P70 |
Total spending à (Update your total spending as you complete the tracker.) |
P1,004 |
7.8: My Financial Fitness Habits
Now, look at your spending transactions that you recorded. Reflect on your financial habits. Did you notice any patterns? For instance, is there a type of item on which you spend the most money? Did you spend your money in resourceful or in wasteful ways? Are you surprised by what you observed about yourself? (Ngayon, tingnan ang iyong mga naitalang transaksyon sa paggastos. Pagnilayan ang iyong mga gawi sa pananalapi. Napansin mo ba ang anumang mga pattern? Halimbawa, mayroong isang uri ng item kung saan mo ginugugol ang pinakamaraming pera? Ginugol mo ba ang iyong pera sa mapamaraan o sa masasayang na paraan? Nagulat ka ba sa napansin mo tungkol sa iyong sarili?)
Ang pinakamaraming salaping nagagasta ko ay ang pagkain. Napansin kong gumagastos ako sa pagkain ng higit sa aking arawang sahod. Maparaan ang aking paggastos subali’t walang akong magagawa sa pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin. Upang mabawasan ang salaping aking ginagasta sa pagkain, marahil ay maaari akong magtanim ng gulay o mag-alaga ng ilang manok. Sa halip na instant coffee, maaaring bumili na lang ako ng kapeng inilalaga at asukal na pula na mas mababa ang presyo sa puti. Ang labis na ikinagulat ko ay ang katotohanang mas malaki pala sa sinasahod ko ang ginagasta ko sa araw-araw.
On a scale of 1 to 10, with 10 being the most financially fit, where would you consider yourself? Circle the number. (Sa isang sukatang 1 hanggang 10, kung saan 10 ang pinaka-kalakasan sa pananalapi, saan mo isasaalang-alang ang iyong sarili?) Bilugan ang numero. [Sa halip na bilugan, pinapula ko na lang ang aking sagot.]
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
What bad habits do you have now that you should avoid so that you can be financially fit? (Ano ang mga masasamang ugali mayroon ka ngayon na dapat mong iwasan upang maaari kang maging malakas sa pananalapi?)
Ang masamang ugaling dapat kong iwasan ay ang magbili ng mga produktong gawa ng mga pamosong kompanya. Isa ko pang iiwasan ay ang pagbili ng mga bagay na hindi naman sadyang kailangan o mga pagkaing hindi mabuti sa kalusugan, tulad halimbawa ng matatamis na donut at cake, at pag-inom ng softdrinks.
What good financial fitness habits would you like to continue to cultivate? How will you do so? (Anong mabuting gawi sa pananalapi ang nais mong ipagpatuloy na malinang? Paano mo ito magagawa?)
Pag-aaralan ko pang mabuti ang tamang pagbabadyet at pagtitipid. Upang magawa ito, susubukin kong magtanim ng mga gulay at mag-alaga ng mga manok upang mabawasan ang aking gastusin sa pagkain. Paalalahanan ko rin ang aking mga kasama sa bahay na huwag mag-aksaya ng pagkain at kumuha lamang ng kanilang kayang kainin. Iiwasan ko rin ang mamili ng mga sitsiryang hindi mainam sa kalusugan.
Sharing is Caring
Share what you have learned about financial fitness habits with family and friends. Discuss with them the different ways you can achieve financial fitness individually and as a group. You can have this discussion face to face, via text, chat, or whatever means available and comfortable to you. Remember to thank them for their help on your schoolwork! (Ibahagi ang iyong natutunan tungkol sa mga gawi sa kalakasan sa pananalapi sa pamilya at mga kaibigan. Talakayin sa kanila ang iba't ibang mga paraan na makakamit ang kalakasang pampinansyal nang nag-iisa at bilang isang pangkat. Maaari mong gawin ang talakayang ito sa pamamagitan ng text, chat, o kung anong paraan ang magagamit at komportable sa iyo. Tandaan na pasalamatan sila sa kanilang tulong sa iyong gawain sa paaralan!)
Activity 3: Decreasing Spending
It is tempting to think that only rich people can waste money. After all, rich people have lots of money, so it is easier for them to spend it on things that they do not really need. But is this really true? (Nakatutuksong isipin na ang mga mayayaman lamang ang maaaring mag-aksaya ng pera. Kung sabagay, ang mga mayayaman ay maraming pera, kaya mas madali para sa kanila na gugulin ito sa mga bagay na hindi talaga nila kailangan. Ngunit totoo ba ito?)
Sa aking
palagay, hindi lang mayayaman ang nag-aaksaya ng salapi kahit marami sila nito.
Hindi man mayaman ay nag-aaksaya rin ng pera dahil hindi nila alam ang tamang
paggasta nito. Marami sa atin ang gumagastos nang higit sa ating kinikita. Ang
masama pa rito, maraming bagay ang ating binibili na hindi naman natin lubos na
kailangan. Sa kalaunan, nagkakaroon tayo ng utang sa ibang tao.
Ang pag-aaksaya ng pera ay makikita rin sa pagtatapon ng mga bagay na maaari pang gamitin o kumpunihin. Mamamalas din ito sa pag-aaksaya ng pagkain at mga gawi na maaari namang magawa nang hindi nangangailangan ng salapi, tulad halimbawa ng paglalakad kung malapit naman ang pupuntahan o pagsadya sa bahay ng kaibigan na hindi na kailangan pang bumili ng load para matawagan.
7.9: Identifying Wasteful Spending
Look at the list of spending activities below and identify
whether the item is a resourceful way to spend money or if it is a waste. List
your reasons why. An example has been completed for you. (Tingnan ang listahan
ng mga aktibidad sa paggastos sa ibaba at tukuyin kung ang item ay isang mapamaraang
paggasta ng pera o kung ito ay isang
pag-aaksaya. Ilista ang iyong mga dahilan kung bakit. Isang halimbawa ang
nakumpleto para sa iyo.)
Spending Activity |
Resourceful or wasteful? |
Why? |
Paying for transport on a motorcycle when you could have walked. |
Wasteful |
When it is not far, you
can walk. It is free. |
Buying soft drinks when you have enough water to drink. |
Aksaya |
Mas mainam inumin ang tubig kasya softdrinks
dahil marami itong benepisyo sa katawan. |
Repairing your bicycle tire instead of buying a new one. |
Mapamaraan |
Maiiwasan ang paggastos ng pera. |
Buying new clothes when you have enough clothes. |
Aksaya |
Maluluma at maaksaya lamang ang mga damit
kung hindi isusuot. |
Turning off the lights when you are not in a room to reduce the electricity bill. |
Mapamaraan |
Mababawasan ang pambayad sa kuryente. |
Spending all your money on cell phone load to talk with friends. |
Aksaya |
Maaari mo naman silang puntahan kung malapit
lang ang kanilang bahay. Gamitin ang load sa mga mahahalagang pag-uusap. |
7.10: The Four Rs in My Life
RE-USE
1.
Gamitin muli ang mga lumang damit, pantalon, at sapatos.
2. Ibigay sa mga kamag-anak, kaibigan, at kapitbahay ang mga kinalakhang damit ng mga anak.
REPAIR
1.
Sulsihan ang mga butas ng damit o palitan ng siper ang pantalon.
2. Ipakumpuni ang butas na gulong ng bisekleta kaysa bumili ng bag
RECYCLE
1.
Gawing mga paso ang mga pinaglayan ng biniling tubig.
2.
Gawing basahan o doormat ang mga lumang
damit na hindi na maaaring isuot.
REDUCE
1.
Iwasan ang madalas na pagbubukas ng refrigerator.
2. Gumamit ng timba at tabo sa paliligod sa halip na shower.
Think about it!
Talk to your family about the last time you had to buy something. Could it have been re-used, repaired, or recycled? Discuss with them face to face, via text, chat, or whatever means available and comfortable to you. It’s always great to share your ideas and hear more points of view. (Kausapin ang iyong pamilya tungkol sa nakaraang pagkakataong kailangan mong bumili ng isang bagay. Maaari ba itong muling magamit, maayos, o ma-recycle? Talakayin ito nang harapan, sa pamamagitan ng text, chat, o kung ano mang paraan ang magagamit at komportable sa iyo. Laging mainam na ibahagi ang iyong mga ideya at makarinig ng marami pang mga pananaw.)
Session 2 – Writing Space
Use this space to complete any of the written assignments
above or write any thoughts or ideas that have come to mind about the topic. (Gamitin
ang espasyo o puwang na ito upang makumpleto ang anuman sa mga nakasulat na
takdang-aralin sa itaas o sumulat ng anumang mga saloobin o ideya na iyon
naisip tungkol sa paksa.)