Alternative Learning System

Tuesday, February 24, 2026

2025-2026 ALS A&E Test, ipinagpaliban

Ipinagpaliban ng Department of Education (DepED) sa pamamagitan ni Assistant Secretary Dr. Carmela C. Oracion ng Office of Undersecretary for Learning Systems (OULS) ang nakatakdang 2025-2026 Alternative Learning System (ALS) Accreditation and Equivalency (A&E) Test na gaganapain sana sa ika-1 ng Marso, 2026. Sa inilabas na Memorandum OULS-2026-2-079 noong ika-18, 2026, ang A&E Test ay gaganapin na sa ika-29 ng Marso, 2026. Ang pagpapaliban ng nasabing pagsusulit ay dahil sa kinakailangang paghahanda o panahon sa pagkuha ng mga materyales sa pagsusulit.

Mananatiling 60% ang passing score ng mga kukuha ng 2025-2026 AE Test.