Understanding The
Self and Society
1. Ito ay grupo ng mga tao na nagtipon sa isang lugar at takdang oras
para talakayin ang isang bagay at makagawa ng desisyon tungkol dito.
A. pakikipagpanayam
B. demonstrasyon
C. talumpati o SONA
C. pagpupulong
2. Nasa loob ng simbahan si Aling Tekla kasama ang kanyang anak na si
Tiklo na magdadalawang taon gulang pa lamang. Sa kalagitnaan ng sermon ng pari
ay nag-iingay si Tiklo. Ano ang dapat gawin ni Aling Tekla?
A. Pandilatan ng mga mata ang anak
B. Ambaan ng pagpalo ang anak
C. Ilabas muna ang anak sa simbahan
D. Paluin ang anak nang tumahan
3. Kasalukuyang nagtuturo si Ma'am Boba nang makitang naghaharutan sina
Brutus at Papay. Ano ang dapat niyang gawin para masawata ang gawaing ito?
A. Tawagin ang dalawa upang sagutin ang kanyang mga tanong.
B. Batuhin ng tsok ang dalawa
C. Ipatawag ang kanilang mga magulang
D. Dalhin sa Principal's office ang dalawa
4. Sa pulong ng kooperatiba, nagtaas ng kamay si Mang Gusting at
nagsabing: “ Sinisigundahan ko ang mosyon!” Ano ang kanyang ibig sabihin?
A. Nagbibigay si Mang Gusting ng bagong mungkahi.
B. Sinusuportahan niya ang mungkahing nabanggit.
C. Tinatanggihan niya ang iminungkahi.
D. Tinatapos na niya ang pulong.
5. Ito ay bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay at nakababagabag na
sitwasyon na maaaring makaapekto sa isipin, emosyon at pisikal na kalusugan ng
isang tao.
A. suliranin
B. stress
C. stressor
D. utang
6. Alin sa mga sumusunod ng pangungusap ang MALI hinggil sa paniniwala
ng mga Muslim.
A. Si Mohammed ay isang diyos.
B. Si Allah ang tanging tunay na Diyos.
C. Ang mga salita at batas ni Allah ay nasusulat sa Koran.
D. Tinatawag na Limang Haligi ng Islam ang mga tungkulin ng isang
Muslim.
7. Ang pinakapinuno ng Simbahang Katoliko ay ang____.
A. Pari
B. Papa
C. Obispo
D. Pastor
8. Ano sa mga sumusunod ang hindi sintomas ng stress?
A. Pagtatae
B. Hirap sa pagtulog
C. Mga nakaiinis ng mga kasama sa bahay
D. Mataas na presyon ng dugo
9. Ang mga sumusunod ay epekto ng labis na pagkapagod maliban sa isa.
Ano ito?
A. Malakas kumain
B. Kalungkutan
C. Burnout
D. Panlulupaypay
10. Nangibang bansa ang asawa ni Kardong Bayawak na si Aling Kukang
bilang isang kasambahay. Mula noon, parati na siyang nag-aalala na baka may
mangyaring masama sa kanyang asawa lalo na at maraming balita tungkol sa mga
kasambahay na hinahalay at pinapatay. Ano ang mabuting gawin ni Kardong
Bayawak?
A. Pauwiin na lang si Aling Kukang.
B. Dapat siyang mag-isip ng positibo at magdasal.
C. Maglasing upang makalimutan ang iniisip.
D. Siya na lamang ang magtrabaho sa ibang bansa.
No comments:
Post a Comment