Choose the letter of the correct answer.
1. Alin ang HINDI kabilang na halimbawa ng
epektibong pakipagtalastasan?
A. Pagpapakita ng tumpak na kilos ng katawan
(body language) habang nakikinig.
B. Hingan ng paliwanag ang nagsasalita kung
hindi mo masyadong naunawaan ang kanyang sinasabi.
C. Magpakita ng mga senyales na hindi ka
sang-ayon sa mga sinasabi ng tagapagsalita habang ito ay nagsasalita.
D. Magkaroon ng kamalayan sa iyong pag-uugali
at iwasan ang pagiging mapanuri.
2. Ang pakikipagtalastasan ay “one-way
process” kung ________.
A. iisa lamang ang nagsasalita
B. hindi nakikinig ang mga tagapakinig
C. kung magkaiba ang paksa ng dalawang panig
D. lahat nang nabanggit
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa
ng pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng kilos ng katawan?
A. Pag-iling
B. Paghikab
C. Pagtingin sa relo
D. Pagsagot
4. Habang nagsasalita ang inyong supervisor
ay napansing may ilang mali sa kanyang sinasabi. Ano ang mabuti mong gawin?
A. Hintayin siyang matapos magsalita at saka
isiwalat ang iyong obserbasyon.
B. Singitan siya habang nagsasalita upang
maitama ang kanyang mali.
C. Umiling-iling upang ipakita sa kanya na
mali ang kanyang sinasabi.
D. Kalimutan na lamang ang napansin upang
hindi na mapahiya ang supervisor.
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian
ng isang epektibong pagsasalita?
A. Maging tapat.
B. Mabilis na pagsasalita upang hindi antukin
ang mga tagapakinig at makatapos agad.
C. Maging malinaw, maigsi, at direkta sa
punto ang mga sinasabi.
D. Pagpili ng mga positibo at mabubuting mga
salita.
6. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang
MALI?
A. Hindi kailangang alamin ng nagsasalita ang mga senyales ng kanyang katawan habang nagsasalita.
B. Ang nagsasalita at nakikinig ay kailangang
may kamalayan sa mga kilos ng kanilang katawan sa isang pakikipagtalastasan.
C. Dapat na maging tapat ang isang
tagapagsalita sa kanyang mga sinasabi.
D. Kahit dalubhasa sa isang paksa, nararapat
na makinig din ang isang nagsasalita sa opinyon ng iba.
7. Kapag nagsasalita sa isang grupo ng tao o
pangkat, mahalagang __________.
I. tumingin sa mata ng mga tagapakinig II.
maging maalam sa paksa
III. lohikal ang pagtatanghal ng impormasyon IV. nakatuon sa paksang tinatalakay
A. I at II
B. III at IV
C. II, III at IV
D. I, II, III, at IV
8. Ang isang mainam na trabahador sa isang
grupo ay __________.
A. nakikinig lamang sa katrabahong may
kaparehong opinyon
B. lumilikha ng di-pagkakasundo upang maging
kaiga-igaya ang isang talakayan
C. humihingi ng mga ideya ng iba sa pangkat
D. nanatiling tahimik kahit iba ang opinyon
sa iba
9. Dahil sa kasabihang “The customer is
always right.”, nararapat lamang na sundin mo ang lahat ng nais niyang ipagawa
sa iyo.
A. Tama
B. Mali
10. Kapag nakikipag-usap sa isang mapilit na
kustomer, _________.
A. ipagbigay-alam sa bantay ang kustomer para
paalisin
B. magbingi-bingihin sa kanyang sinasabi
C. manatiling kalmado
D. huwag na lamang siyang pansinin
11. Ano ang dapat gawin kapag nakikipag-usap
sa isang mamimili sa telepono?
A. Sabihin ang pangalan at ang kumpanyang
pinagtatrabahuhan.
B. Maging magalang at mahinahon.
C. Makinig mabuti at huwag sumabat.
D. Lahat nang nabanggit
12. Kapag nag-aalok ng isang paninda sa
telepono, alin sa mga sumusunod ang mabuting gawin?
A. Siraan ang produkto ng iba.
B. Ipaliwanag ang mga benepisyo ng paninda
C. Ipagpilitan ang paninda.
D. Makipagkaibigan sa tinawagan.
13. Kapag galit na ang isang kustomer,
___________.
A. kailangan mo ring magpakita ng galit at
pagkadismaya
B. sabihan ang bantay para mapalabas ang
kustomer
C. manatiling kalmado hanggang humupa ang
damdamin ng kustomer
D. iwan ang kustomer upang maiwasan ang
paglala ng sitwasyon
14. Kailangan ang mabisang pakipagtalastasan
sa iba upang _________.
A. makahanap at mapanatili sa trabaho
B. makakalap ng mga bagong impormasyon at
ideya
C. maitama ang maling paniniwala at nalalaman
D. Lahat nang nabanggit
15. Mabisa kang tagapagsalita kung
___________.
A. mainit ang naging talakayan pagkatapos
mong magsalita
B. walang nagtanong sa iyong sinabi
pagkatapos ng iyong pagsasalita
C. nakatuon sa kani-kanilang relo ang mga
tagapakinig habang ikaw ay nagsasalita
D. binigyan ka ng plake ng pasasalamat
matapos ang programa
MGA SAGOT
1C 2D 3D 4A 5B 6A 7D 8C 9B 10C 11D 12B 13C 14D 15A
No comments:
Post a Comment