Saturday, August 7, 2021

ALS Module 9 - Civic Engagement - Activity 1 | Guides & Sample Answers

Module 9: Civic Engagement

“Ang makabuluhang buhay ay hindi ang pagiging mayaman at popular kundi ang pagiging tunay, mapagkumbaba at handang ibahagi ang sarili para sa iba.”

A meaningful life is not being rich and popular. It is being sincere,

                                                 humble, and able to share ourselves for others.

 



Activity 1: Introductory Activity & Learner’s Reflection

 

Welcome to Module 9: Civic Engagement! This module is the culmination of your Life Skills training program. Congratulations for having completed the sessions that focused on preparing you for the world of work. (Maligayang Pagdating sa Modyul 9: Pakikipag-ugnayang Pangmamamayan! Ang modyul na ito ay ang paghantong sa iyong programa sa pagsasanay sa Mga Kasanayan sa Buhay. Binabati kita sa pagkumpleto ng mga sesyon na nakatuon sa paghahanda sa iyo para sa mundo ng trabaho.)

 

You are in this program to learn a skill – but having a skill is not enough for a young person to succeed. The key to the success of young people is having skills, AND positive attitudes. Remember: COMPETENCY and CHARACTER are equally important traits that learners should possess. It is important that you not only know, but also apply in real life, all the good practices that you have learned from Modules 1-8. Remember: KNOW and APPLY. (Narito ka sa programang ito upang matuto ng isang kasanayan - ngunit ang pagkakaroon ng kasanayan ay hindi sapat para magtagumpay ang isang kabataan. Ang susi sa tagumpay ng mga kabataan ay ang pagkakaroon ng mga kasanayan, AT positibong pag-uugali. Tandaan: Ang KOMPETENSIYA at KATANGIAN ay pantay na mahahalagang katangian na dapat taglayin ng mga nag-aaral. Mahalaga na hindi mo lamang alam, ngunit gamitin din sa totoong buhay, lahat ng mabubuting kasanayan na natutunan mo mula sa Modyul 1hanggang 8. Tandaan: ALAMIN at GAMITIN).

 

Review your learnings from all the previous modules on work readiness. What three key ideas do you remember and will always try to live by?(Magbalik-aral sa iyong mga natutunan mula sa lahat ng nakaraang mga module ukol sa kahandaan sa trabaho. Ano ang tatlong pangunahing ideya na natatandaan at palaging susubukan mong isabuhay?)

 

Ang tatlong ideyang aking natutunan tungkol sa kahandaan sa trabaho ay ang mga sumusunod:

 

1.  Ang pagkilala sa mga paniniwala, kakayahan, hamon, oportunidad, at interes ay bahagi ng pansariling pag-unlad.

2.  Batay sa Labor Codes of the Philippines, maraming mga karapatan ang manggawang Pilipino subali’t ang mga ito ay may karampatan ding mga tungkulin.

3. Ang mabuting pakikipag-usap at pakikinig ay mga katangian ng isang magaling na pinuno.

 

Read the proverb at the beginning of the module. What does it mean? How is it related to civic engagement? (Basahin ang salawikain sa simula ng modyul. Ano ang ibig sabihin nito. Paano ito maiiugnay sa pakikipag-ugnayang pangmamamayan?)

 

Ang salawikaing “Ang makabuluhang buhay ay hindi ang pagiging mayaman at popular kundi ang pagiging tunay, mapagkumbaba at handang ibahagi ang sarili para sa iba” ay nangangahulugan na kahit isang simpleng tao na walang yaman at hindi kilala ay may kahalagahan din sa lipunan kung ibinabahagi niya ang kanyang sarili upang ito ay maging ligtas, mapayapa, at progresibo.

 

This module will focus on connecting young people – that’s you – to their communities. This means getting you to be involved and to participate in solving problems, making decisions and taking action as members of the community. (Magtutuon ang modyul na ito sa pagkonekta ng mga kabataan - ikaw iyon - sa kanilang mga komunidad. Nangangahulugan ito na makasama ka at makilahok sa paglutas ng mga problema, paggawa ng mga desisyon at pagkilos bilang mga miyembro ng pamayanan.)

 

In the first four sessions you will learn about civic engagement concepts and get to know your community in a different way. You will practice what you learned using scenarios and games. In the last session, you will plan and implement an actual project in the community. Don’t worry! We will guide you the entire way! (Sa unang apat na sesyon malalaman mo ang tungkol sa mga konsepto ng pakikipag-ugnayang pangmamamayan at makilala ang iyong komunidad sa ibang paraan. Isasanay mo ang natutunan mo gamit ang mga senaryo at laro. Sa huling sesyon, magpaplano at ipatutupad mo ang aktwal na proyekto sa pamayanan. Huwag kang mag-alala! Gagabayan ka namin sa buong paraan!)

 

Now let’s get started! (Ngayon, magsimula na tayo!)

 

What you think about getting involved in making your community safe, peaceful, and progressive? (Ano ang iniisip mo tungkol sa paglahok sa iyong komunidad na ligtas, mapayapa, at progresibo?)

Bilang isang kasapi ng pamayanan, ang bawat isa ay may tungkulin upang ito ay maging ligtas, mapayapa, at progresibo. Kailangang makipagtulungan ang lahat sa mga ahensya ng gobyerno at maging sa mga NGOs (non-government organizations) sa paglutas sa kriminalidad at kahirapan. Ang mga kabataan ay maaari ring makilahok sa mga programa ikaliligtas at ikasusulong ng komunidad.

 

Learner’s Reflection: Module 9 Civic Engagement

 

This is not a test but is a way for us to see what you already know or do not know about the topics. You will read skills that are listed in the left column. Think about yourself and your experience. Then read the statements across the top. Check the column that best represents your situation. The results will help you and the instructor know which topics may require more time, effort and guidance.

 

Ang mga katanungan dito ay hindi test. Ito ay isang paraan upang malaman mo ang iyong kaalaman, kasanayan o kakayahan tungkol sa paksang ito. Basahin mo ang mga kaalaman, kasanayan o kakayahan na nakalista sa kaliwang kolum. Magbalik-tanaw sa iyong sarili at mga karanasan, basahin ang lahat ng mga pangungusap at i-tsek ang sagot na naaangkop sa iyong sitwasyon. Ang iyong kasagutan ay magiging gabay mo at ng iyong guro sa pagpapalawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksang ito.

 

My experience

 

Knowledge, skills and

abilities

Kaalaman, kasanayan at

kakayahan

1

I don’t have any

experience doing

this.

Wala akong

karanasan sa

paggawa nito

 

2

I have very little

experience doing

this.

Kaunting- kaunti

lamang ang aking

nalalaman sa

paggawa nito.

3

I have some

experience doing

this

Mayroon akong

karanasan sa

paggawa nito

 

4

I have a lot of

experience doing

this.

Marami akong

karanasan sa

paggawa nito

 

Understanding how young people can be civically engaged/ Pagpapalawak ng kaalaman kung paano makilahok ang mga kabataan sa pakikpag-ugnayang pangmamamayan

 

 

 

 

 

  

 

 

 

           

 

 

Identifying and priotizing the needs of my community/ Pagtukoy ng mga pangangailangan ng aking komunidad, at pagsunod-sunirun ang mga pangangailangang ito ayon sa kanilang kahalagahan

 

 

 

            

 

 

Encouraging other youth and community members to be involved in civic and governance activities/ Paghikayat ng ibang kabataan at miyembro ng komunidad para makilahok sa mga gawaing pangmamamayan at mabuting pamamahala

 

 

 

 

 

 

 

Preparing a communityservice project plan/ Paggawa ng isang panukalapara sa isang proyekto ogawaing pangkomunidad

 

         

 

 

 

Mobilizing resources for acommunity service project/

Paglikom ng mgapagkukunang-yaman parasa mga proyektong pangkomunidad

 

          

 

 

 

Implementing a community service project with othercommunity members/

Pagpapatupad ng isangproyekto o gawaingpangkomunidad kasama ang ibang mga kabarangay

 

 

           

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Find a friend or family member. Together, you will go through the reading. Read each picture description together, then discuss the questions that follow. (Humanap ng kaibigan o miyembro ng pamilya. Basahin nang magkasama ang bawat paglalarawan, pagkatapos ay talakayin ang mga sumusunod na katanungan.)

 

With your friend or family member, share your individual answers to the following questions: (Kasama ang iyong kaibigan o miyembro ng pamilya, ibahagi ang inyong pansariling mga kasagutan sa mga sumusunod na tanong:)

 

            What are some qualities or characteristics of the person or group? (Ano-ano ang ilan sa mga katangian ng isang tao o grupo?)

  

              Ang ilan sa mga katangian ay:

 

1.               Mapangkawanggawa – tumutulong sa ikagagaling ng komunidad

2.       Hindi makasarili – ibinabahagi ang sariling kakayahan, kasanayan, karanasan, salapi, at panahon sa iba na walang kapalit na inaasam

3.               Iisa ang layuning makatulong

 

            Think of someone in your community, family or group of friends with similar qualities or characteristics. How do they show those qualities/characteristics? (Mag-isip ng isang tao sa iyong pamayanan, pamilya o pangkat ng mga kaibigan na may katulad na mga katangian. Paano nila ipinapakita ang mga katangiang ito?)

 

Ipinakikita nila ang mga katangiang ito sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga proyektong pangkaligtasan, pangkapayapaan, at pangkaunlaran sa pamayanan. Handa silang tumulong sa lahat ng oras lalo na sa panahon ng pandemya, sakuna, at kalamidad.

 

            Who can have these qualities? Does someone need to be famous or be a celebrity to have these qualities? (Sino ang maaaring magkaroon ng mga katangiang ito? Kailangan bang maging tanyag ng isang tao o maging isang celebrity upang magkaroon ng mga katangiang ito?)

 

              Hindi kailangang maging tanyag o sikat upang magkaroon ng mga katangiang ito. Ang bawa’t isa ay maaaring makipag-ugnayan sa komunidad kung nais niyang ibahagi ang kanyang kakayahan at kasanayan sa ikaliligtas at ikauunlad ng pamayanan.

 

In your own words, how would you describe civic engagement? (Sa iyong sariling mga salita, paano mo mailalarawan ang pakikipag-ugnayang pangmamamayan?)

 

Ang pakikipag-ugnayang pangmamamayan ay ang kusang pakikiisa ng sinumang miyembro ng pamayanan sa mga proyekto ng komunidad nang walang inaasam na kapalit. Ito ay ang pakikipagtulungan sa mga otoridad at sa mga namumuno upang maging ligtas, mapayapa, at maunlad ang isang bayan. Ito ay ang pagsunod din sa mga batas at ordinansang ipinatutpad ng isang barangay at bayan.

 

Based on the concept and the characteristics identified, write about a time when you were civically engaged. (Batay sa konsepto at natukoy na mga katangian, sumulat ng isang panahon kung kailan ka nakibahagi sa pamayanan.)

 

              Nakibahagi ako sa akin pamayanan nang tumugon ko sa panawagang maglinis ng kapaligiran upang maiwasan ang dengue sa pamamagitan ng paglilinis ng mga kanal at drainage at pagtapon ng mga basura sa tamang lalagyan. Nagbibigay rin ako ng tulong-pinansyal upang mapaayos ang paaralan sa aming barangay.

No comments: