Kahit pareho pa rin ang puntos na 28 na ikapapasa ng isang mag-aaral ng ALS, ang panuntunan ngayon ay mas mahigpit. Wala ng puntos ang mga formal records na kailangang isama ng mga mag-aaral sa kanilang presentation portfolio. Ang siyam (9) na mga talaang ito ay ang mga sumusunod:
1. ALS Form 2 (Enrollment Form);
Dapat ay kumpletong isusumite ang mga records sa itaas sa portfolio dahil kung hindi ay awtomatikong babalewalain ang kanyang gawa at siya ay bagsak na. Kung hindi angkop ang ilan sa mga dokumentong nabanggit, lagyan lamang ng "Not Applicable" ang porma.
2. Personal Information Sheet (PIS);
3. Functional Literacy Test (FLT) Pre and Post Test;
4. Individual Learning Agreement (ILA) (Assessment Form 1);
5. Record of Module Use and Monitoring of Learner’s Progress (Assessment
Form 2);
6. Documentation of Life Experiences (RPL Form 1);
7. Record of Training/Skills (RPL Form 2);
8. Summary of Work History (RPL Form 3); and
9. Learner's Checklist of Competencies (RPL Form 4)
ALS Assessment Form 2 - Isa sa mga formal records na dapat isama sa Portfolio
Noong nakaraang taon, ang mga dokumentong ito ay may 7 puntos. Ito ay wala ng puntos sa ngayon. Sa halip, ang mga work samples na kinabibilangan ng written at performance outputs na lamang ang pagbabasehan upang pumasa ang isang mag-aaral. Dapat silang makakuha ng kabuuang 28 puntos sa anim (6) na learning strands ng ALS na kinabibilangan ng:
1. LS 1 - Communication Skills
a. English
b. Filipino
2. LS 2 - Scientific Literacy and Critical Thinking Skills
3. LS 3 - Mathematical and Problem Solving Skills
4. LS 4 - Life and Career Skills
5. LS 5 - Understanding the Self and Society
6. LS - Digital Citizenship
Nangangahulugan ito na dapat ay makakuha ng 4 na puntos kada Learning Strand o kaya ay kumbinasyon ng mga puntos upang makabuo ng 28 puntos. Ang bawa't strand ay may pinakamataas na limang (5) puntos o kabuuang 35 puntos. Nangangahulugan na dapat ay hindi tataas sa pitong (7) puntos ang ibabawas sa kabuuang puntos para pumasa. Dagdag pa rito, ang bawa't Learning Strand ay dapat ay may 4 o higit pang sample works (written o performance outputs). Kaya upang lumaki ang tsansang makapasa, damihan ng makabuluhang halimbawa ng gawain ang bawa't strand.
Dapat din tandaan na kahit nakakuha ng 28 puntos sa Presentation Portfolio ang isang mag-aaral ng ALS, hindi pa rin siya awtomatikong pasado. Dadaan pa siya sa isang Revalida o panayam kung saan siya ay tatanungin tungkol sa mga nilalaman at natutunan niya sa programa. Dapat ipakita ng mag-aaral na siya nga ang gumawa ng kanyang portfolio at kaya niyang patotohanan ang mga ito sa pamamagitan ng kumpiyansa sa sarili, kumpleto at maliwanag na pagpapahayag ng niloloob, at tamang paggamit ng mga salita at pangungusap.
Taliwas sa mga nakaraang taon, ang isang ALS learner ay sasabak din sa isang English Proficiency Test kung saan tatasahin ang kanyang kakayahan at kasanayan sa Pagbasa at Pagsulat (Reading & Writing) . Ang pagsusulit na ito ay nakadepende sa test na ibibigay ng isang School Division Office (SDO). Maaaring pabasahin ang isang mag-aaral ng isang seleksyon (sanaysay, maikling kuwento, tula, pahayag, atbp.) at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na ilalatag tungkol dito. Maaari ring pasulatin ng isang talata o maikling sanaysay batay sa isang paksa ang isang ALS completer upang masalamin ang kanyang kakayahan sa pagsusulat. Kailangang makakuha ng tig-2 puntos ang mag-aaral upang pumasa sa English Proficiency Test. Upang makamit ito, dapat ay kumpleto, maliwanag, tama ang gramatika, pagbaybay, pagbasa, at mga bantas sa pagsasalita at pagsusulat.
Dahil sa dalawang nabanggit na kinakailangan ( 28 puntos sa portfolio, tig-2 puntos sa Reading at Writing), inaasahang maraming hindi makakapasa sa mga ALS completers para sa Batch 2020-2021 at mga nakaraang taon na ngayon lamang magpapatasa, kung hindi nila pagbubutihin ang isusumite nilang presentation portfolio at pagsagot sa panahon ng Revalida. Dahil dito kinakailangan ng payo at pag-alalay ng mga ALS teachers/implementers upang lumaki ang tsansa ng kani-kanilang mag-aaral sa gagawing assessment. Ngayon pa lamang, dapat din mag-praktis ang isang mag-aaral sa pagsagot sa panahon ng Revalida, gayundin ang pagsasanay sa pagbabasa, pang-unawa sa binasa, at pagsusulat nang tama ang gramatika, baybay, at bantas.
Sa mga mag-aaral na sasabak sa Presentation Portfolio Assessment at Revalida sa susunod na buwan, good luck! Nawa ay pumasa kayong lahat!
No comments:
Post a Comment