Saturday, August 14, 2021

Good News for Batch 2020-2021 & Previous Years ALS Completers: DepED Memo No. DM-OUCI-2021-316

Nagpalabas  ng Joint Memorandum No. DM-OUCI-2021-316 ang Department of Education (DepED) sa pamamagitan nina Diosdado M. San Antonio, Undersecretary para sa Curriculum and Instruction at G.H. S. Ambat, Assistant Secretary para sa Alternative Learning System Program and Task Force noong ika-12 ng Agosto, 2021. Ayon sa kautusan ng Bureau of Education Assessment (BEA), ang pangangasiwa  ng pagsusulit para sa Accreditation & Equivalency (A&E) para sa Batch 2020-2021 at nakaraang taon na nakatapos ng Alternative Learning System (ALS) ay hindi na isasagawa dahil sa umiiral na paghihigpit ng pamahalaan sanhi ng pandemyang dulot ng Covid-19. Sa halip, ang resulta ng Portfolio Presentation Assessment para sa ALS Elementary Level (EL) at Junior High School Level (JHSL) na nakatala sa Learner Information System (LIS) ang magiging basehan ng pagbibigay ng katunayan.


Sino-sino ang maaaring mag-submit ng kanilang Portfolio Presentation for Assessment?

Ang mga sumusunod na ALS Learners ang maaari lamang magsumite ng kanilang mga Portfolio:

1. Batch 2020-2021 nakakumpleto ng ALS at nakatala sa LIS

2. Batch 2019-2010 at mga nakaraang taon na nakatala sa LIS at hindi nakakuha ng kaukulang puntos sa kanilang unang pagsusumite ng kanilang portfolio at dumaan sa karagdagang pag-aaral na pinatutunayan ng kanilang ALS teachers/ALS Community Implementors/Learning Facilitators.

3. Batch 2019-2020 at mga nakaraang taon na nakatapos ng ALS at pansamantalang naka-enrol sa Grade 7 at 11 ngunit hindi nakapasa sa kanilang unang pagsusumite ng kanilang portfolio at dumaan sa karagdagang pag-aaral.

4. Mga nakatapos ng ALS ng mga nagdaang taon na nakatala sa LIS na dumaan sa karagdaang pag-aaral sa K to 12 Basic Education Curriculum (BEC) na pinatutunayan ng kanilang ALS teachers/ALS Community Implementors/Learning Facilitators.

Ano ang idad ng ALS Learner para tanggapin ang kanyang portfolio?

Nararapat na ang isang ALS Learner ay 12 taong gulang o higit pa para sa Elementary Level at 16 taong gulang o higit pa para sa Junior High School Level pagsapit o bago ang ika-16 ng Agosto, 2021 para tanggapin ang kaniyang presentation portfolio upang markahan.

Ano ang matatanggap ng ALS Learner kapag pumasa ang kanyang presentation portfolio?

Ang isang ALS Learner na nakakuha ng pinakamababang puntos na itinalaga at nakapasa sa presentation portfolio ay makatatanggap ng isang Certificate of Completion, kung saan nakasulat doon ang pangalan ng Community Learning Center (CLC) o High School, taon na pinagkaloob, at ang natatanging Portfolio Certificate Number (PCN). Ang pagbibigay ng sertipiko ay hanggang ika-30 ng Setyembre, 2021.

Tunghayan ang sample ng mga katunayan/certificate sa ibaba.

Magbibigay ba ng A&E Certificate of Rating (COR) sa mga ALS Passers?

Hindi. Sa halip, ang Portfolio Certificate Number ay magsisilbing:

a. isa sa mga kinakailangan upang maitala ang mga pumasa sa Presentation Portfolio (EL at JHSL) sa Learner Information System sa Grade 7 at 11; at

b. basehan upang i-update ang status ng mga pansamantalang naka-enrol na ALS Learners sa Grade 7 at 11 na nakatala sa LIS.

Paano mapapanatili ang bisa at kredibilidad ng Presentation Portfolio?

Upang mapanatili ang bisa at kredibilidad ng presentation portfolio, ito ay maaari lamang isumite ng isang ALS completer nang ISANG BESES sa pinal na pagtataya na nakatakdang ganapin sa ika-1 hanggang 17 ng Setyembre, 2021.

Ang mga nakatapos ng ALS na hindi nakakuha ng pinakamababang puntos na itinakda ay hindi na sasabak sa isang revalida o panayam hinggil sa kanyang portfolio. Siya ay muling dadaan sa karagdagang pag-aaral upang maihanda sa susunod na presentation portfolio o pagsusulit sa A&E.

Ano ang Revalidation at ano ang nakapaloob dito?           

Ang Revalidation o Revalida ay isang uri ng panayam kung saan ang isang ALS Completer ay sasalang sa mga pagtatanong ng isang ALS Education Program Specialist II hinggil sa nilalaman ng kanyang portfolio. Dagdag pa rito, isang English Proficiency Test na binubuo ng pagbasa (reading) at pagsulat (writing) ang isasama rin sa Revalida upang matasa ang kaalaman ng isang learner at maihanda siya sa susunod na yugto ng kanyang pag-aaral. Ang District o Division Office (DO) ang magsasagawa ng kanyang sariling English Proficiency Test.

Ano ang gagamiting Rubric o Pamantayan sa English Proficiency Test?

Narito ang Rubric para sa English Reading and Writing component ng Revalida:

A. READING

Score

Description

3

Can read all the words correctly and clearly. Can speak clearly and audibly. (Nababasa ang lahat ng mga salita nang tama at malinaw. Nakapagsasalita nang maliwanag at naririnig.)

2

Can read most of the words correctly ang clearly. Can speak clearly and audibly most of the time. (Nababasa ang karamihan ng mga salita nang tama at malinaw. Nagsasalita nang maliwanag at naririnig sa maraming pagkakataon.)

1

Can read clearly but mispronounced some words. Cannot speak clearly and audibly most of the time. (Nakababasa nang malinaw subalit hindi nabibigkas nang maayos ang ibang mga salita. Hindi nakapagsasalita nang maliwanag at naririnig sa maraming pagkakataon.)

0

Cannot read the selection. Struggled to read. Mispronounced most of the words. Cannot speak clearly and audibly. (Hindi nababasa ang pinababasa. Nahihirapang bumasa. Mali ang pagbigkas ng karamihan sa mga salita. Hindi nakapagsasalita nang maliwanag at naririnig.)

 

B. WRITING

Score

Description

3

Can write legibly, clearly, and concise and answer the question. The arrangement of ideas is in complete sentence. Correct grammar, spelling, and punctuations. (Nakasusulat nang nababasa, malinaw, at sapat at nasagot ang tanong. Kumpletong pangungusap ang pagsasaayos ng mga ideya. Tama ang gramatika, baybay, at mga bantas.)

2

Can write legibly, clearly, and answer the question. The arrangement of ideas is somewhat complete. With minor error in grammar, spelling, and punctuations. (Nakasusulat nang nababasa, malinaw, at nasagot ang tanong. Halos kumpleto ang pagsasaayos ng mga ideya. May kaunting mali sa gramatika, baybay, at mga bantas.)

1

Can write somewhat legibly and clearly. The sentence is incomplete. With major error in grammar, spelling, and punctuations. (Bahagyang nakasusulat nang nababasa at malinaw. Hindi kumpleto ang pangungusap. May malaking pagkakamali sa gramatika, baybay, at mga bantas.)

0

No written answer. The answer is not related to the questions. Ineligible, with error in grammar, spelling, and punctuations. (Walang naisulat na sagot. Ang sagot ay malayo sa tanong. Ang isinulat ay hindi nababasa isinulat, may mali sa gramatika, baybay, at mga bantas.)

 

TANDAAN:

Bibigyang prayoridad o uunahin na isalang sa Revalida ang mga ALS Program Completers na mag-aaplay sa Senior High School Voucher Program sa taong 2021-2022.

Ano ang Presentation Portfolio?

Ang portfolio ng pagtatanghal ay isang koleksyon ng mga nakamit ng isang mag-aaral, na binuo partikular para sa pagtatasa. Naglalaman ito ng mga pormal na talaan na nagdodokumento sa natutunan, background at karanasan, ang proseso ng pag-aaral na kanyang sinusunod, at mga halimbawa ng mga gawain na napili ng mag-aaral upang ipakita kung ano ang maaari niyang gawin. Naglalaman din ito mga talaan na nagdodokumento ng naunang pagkatuto ng mag-aaral at talaan ng nagdodokumento ng pag-unlad ng mag-aaral tungo sa pagkamit ng mga nakasaad na layunin sa pag-aaral.

Ano-ano ang mga dokumento na dapat ilagay sa isang portfolio?

A. Formal Records (Pormal na Talaan)

Ang sumusunod na siyam (9) na talaan ay paunang kinakailangan upang maging karapat-dapat ang isang portfolio sa pagtatasa. Kung kulang  sa isa (1) ang mga dokumento, ang portfolio ng mag-aaral ay awtomatikong mababalewala para  magpatuloy sa proseso ng pagtatasa:

1. ALS Form 2 (Enrollment Form);

2. Personal Information Sheet (PIS);

3. Functional Literacy Test (FLT) Pre and Post Test;

4. Individual Learning Agreement (ILA) (Assessment Form 1);

5. Record of Module Use and Monitoring of Learner’s Progress (Assessment

Form 2);

6. Documentation of Life Experiences (RPL Form 1);

7. Record of Training/Skills (RPL Form 2);

8. Summary of Work History (RPL Form 3); and

9. Learner's Checklist of Competencies (RPL Form 4)

 

TANDAAN:

Kung walang entrada ang isang ALS Program Completer sa alinman o sa parehong RPL Form 2 at RPL Form 3, isusulat ng mag-aaral ang mga salitang “Not Applicable” sa mga pormang ito at lalagyan ng kanyang pirma gayundin ang pirma ng kanyang ALS Teacher/Community ALS Implementor/Learning Facilitator.

B. Sample Works (Halimbawa ng mga Gawa)

Ang mga halimbawa ng gawa ay ang mga nakasulat at pagganap ng mga nag-aaral na nagpapakita ng kanilang mga nagawa sa pag-aaral sa kabuuan ng lahat ng anim (6) na learning strand sa  ALS K to 12 Basic Education Curriculum (BEC). Naglalaman ang mga ito ng mga komento, puna, sinabi at pirma ng ALS Teacher / Community ALS Implementor / Learning Facilitator.

Nasa ibaba ang mga posibleng halimbawa ng gawa na maaaring isama sa portfolio:

WRITTEN OUTPUT

PERFORMANCE OUTPUT

1. Completed learning module

self-assessment activities

pre-tests and post-tests and

module assignment

2. Activity sheets

3. Life skills written outputs

4. Essay/reflections/journals

5. Summative test

6. Narrative report

7. Compositions (poems, songs,

short stories, scripts etc.)

1. Training certificates

2. Life skills activities and Projects

3. Research

4. Individual and group project

outputs

5. Creative arts (Slogan, poster,

illustration, graphic organizers etc.)

6.  Digitized outputs (PowerPoint

Presentation, animation etc.)

7. Documentation of performances (role playing, interviews, simulations etc.)

8.  Community service

 

TANDAAN:

Napakahalaga ng kalidad ng mga halimbawa ng pagkatuto. Ang halimbawa ng ipinakitang gawa ay dapat magpamalas ng kaliwanagan, pagkakumpleto, pagiging maayos, at pagka-orihinal.

 

Paano mamarkahan ng ALS Education Specialist II ang Sample Works sa Portfolio?

Criteria

Points

1. The   contents   of  the presentation learner's progress toward achieving the competencies of the ALS K to 

 ● Five (5)  Work  Samples  for  each should  show  clear  evidence of related to Learning Strand.

portfolio provide evidence of the  stated learning goals and levels of mastery 12 of BEC.

 Learning Strand. Each work sample mastery of different competencies 

 

►LS 1 - English        

        5 points for five work samples and above
   4 points for four work samples
        3 points for three work samples
        2 points for two work samples
        1 point for one work sample
        0 point for none

►LS 1 - Filipino

        5 points for five work samples and above

        4 points for four work samples
        3 points for three work samples
        2 points for two work samples
        1 point for one work sample
        0 point for none

►LS 2 – Scientific Literacy and

 Critical Thinking Skills

        5 points for five work samples and above

        4 points for four work samples
        3 points for three work samples
        2 points for two work samples
        1 point for one work sample
        0 point for none

►LS 3 – Mathematical and    

Problem Solving Skills

        5 points for five work samples and above
   4 points for four work samples
        3 points for three work samples
        2 points for two work samples
        1 point for one work sample
        0 point for none

►LS 4 – Life and Career Skills

        5 points for five work samples and above
   4 points for four work samples
        3 points for three work samples
        2 points for two work samples
        1 point for one work sample
        0 point for none

►LS 5 – Understanding the

Self and Society

        5 points for five work samples and above
   4 points for four work samples
        3 points for three work samples
        2 points for two work samples
        1 point for one work sample
        0 point for none

►LS 6 – Digital Citizenship

        5 points for five work samples and above
   4 points for four work samples
        3 points for three work samples
        2 points for two work samples
        1 point for one work sample
        0 point for none

Total Score

35 points

TANDAAN:

            Ang pinakamababang marka upang pumasa ay 28 puntos. Gayunman, kailangang magpresenta/maglagay ang ALS completer ng hindi bababa sa apat (4) na balidong halimbawa ng gawa sa bawat learning strand upang siya ay pumasa sa pagtatasa ng portfolio. Kung hindi masusunod ang probisyong ito, ang kanyang pangalan ay hindi maibibilang sa Masterlist ng EL at JHSL completers.

 

Kailan gaganapin ang pagmamarka ng Presentation Portfolio at ang Revalida?

Kung hindi magbabago dahil sa umiiral na lockdown sa iba’t ibang panig ng Pilipinas sanhi ng Covd-19, nasa ibaba ang timeline ng Presentation Portfolio Assessment para sa mga ALS EL at JHSL Program Completers para sa SY 2020-2021 at mga nakaraang taon:

 

Activity

Date

Initial Assessment

 

District Validation

August 16 – 31, 2021

Final Assessment

September 1 – 17, 2021

Inter-District Revalida

September 18 – 30, 2021

Issuance of Certificate of Completion

Until September 30, 2021

Submission of Report to RO

October 8, 2021

Submission of Report to CO

October 16, 2021

 

Ano-ano ang mga gabay na katanungan sa Revalida ng Portfolio Presentation Assessment?

Nasa ibaba ang mga katanungang posibleng itanong ng ALS Education Specialist II sa Revalida:

1. What was your overall score in the pretest in your FLT and its equivalent literacy level?

(Ano ang iyong pangkalahatang iskor/marka sa Pretest ng iyong Functional Literacy Test (FLT) at ang katumbas nitong antas ng kaalaman/literasiya?

2. What learning goals were stated in your Individual Learning Agreement (ILA)?

(Ano-ano ang mga layunin sa pag-aaral na nakasaad sa iyong Individual Learning Agreement (ILA)?

3. What are the contents of your presentation portfolio?

Ano-ano ang nilalaman ng iyong presentation portfolio?

4. Cite at least three (3) best work samples across six learning strands which you are most proud of.

Bumanggit ng hindi bababa sa tatlong (3) pinakamahusay na mga halimbawa ng gawa sa anim na mga hibla ng pag-aaral na pinagmamalaki mo.

5. Cite at least three (3) significant learning you gained from the ALS interventions that you can apply in real life situation?

Bumanggit ng hindi bababa sa tatlong (3) makabuluhang natutunan na iyong nakamit sa pamamagitan ng ALS na maaari mong iaplay/magamit sa tunay na buhay?

TANDAAN:

1. Ang mga katanungan ay maaaring kontekstwalisado, at ang mag-aaral ay dapat sumagot sa wika na naaangkop sa antas ng kanyang grado.

2. Dapat ipamalas ng mga ALS Program Completers ang kanilang husay sa pagbasa at pagsulat.

3. Ang hindi pagtugon/pagsagot  sa tatlo (3) o higit pang mga katanungan at pagkamit ng 2 puntos sa pagbasa at pagsulat ayon sa pagkakabanggit, ay magpapawalang bisa sa resulta ng pagtatasa sa portfolio at pag-alis sa Masterlist ng mga nakumpleto ng EL at JHSL.

 

Para makapasa sa ALS at makakuha ng Katunayan, anong iskor ang dapat makuha ng isang ALS Program Completer?

Upang mapabilang sa listahan ng mga pumasa sa ALS Program, ang isang mag-aaral ay kailangang makakuha ng:

1. Learning 1 – 6 Learning Strand’s Sample Works = 28 puntos at higit pa; at

2. English Proficiency Test during Revalida:

            a. Reading/Pagbasa    =          2 puntos         

            b. Writing/Pagsulat    =          2 puntos

Nangangahulugan lang nito na kahit mataas ang nakuhang puntos sa Portfolio subali’t hindi nakakuha ng tig-2 puntos sa pagbasa at pagsulat, ang isang ALS Completer ng Batch 2020-2021 at nakaraang taon ay BAGSAK pa rin. Dahil dito, nararapat lamang na magsanay sa pagbasa/pagbigkas nang tama, malinaw, at naririnig ang isang mag-aaral. Gayundin, kailangan din niyang matutong sumagot at magsulat ng mga katanungan mula sa binasa nang nasa tamang ayos ang mga ideya, kumpleto at maliwanag ang pangungusap, may tamang baybay, at mga bantas.

 

GOOD LUCK!

 

PUNA, KOMENTO, at PAHAYAG ng mga ALS teachers/ALS Community Implementors/Learning Facilitators sa Memorandum na ito ng DepED:

1. Gagahulin ang mga mag-aaral na tapusin ang kanilang Portfolio.

2. Kaunting oras lang ang maibabahagi ng mga guro sa paggabay sa kanilang mga mag-aaral na kumpletuhin ang kanilang Portfolio.

3. Ang mga mag-aaral na nakatira sa malalayong lugar at walang internet access ay mahihirapang makakuha ng karampatang impormasyon.

4. Huli na namang magpalabas ng memo ang DepED!

5. Tila daraan na naman sa butas ng karayom ang mga ALS completers para pumasa.


Para sa karagdagan at kumpletong impormasyon tunghayan ang Joint Memorandum No. DM-OUCI-2021-316  DITO:

 

Mga Sample ng ALS Certificate of Completion o Katunayan













No comments: