Module 9: Civic Engagement
“Ang makabuluhang buhay ay hindi ang pagiging mayaman at popular kundi ang pagiging tunay, mapagkumbaba at handang ibahagi ang sarili para sa iba.”
A meaningful life is not being rich and popular. It is being sincere, humble, and able to share ourselves for others.
Activity 16: Implementing the Community
Service Project
Let’s Apply: Community Service Project
The time
has come to conduct your activity on your own time! Time to go out and do it! (Ang panahon ay dumating na upang isagawa ang
iyong aktibidad sa iyong sariling oras! Oras na upang lumabas at gawin ito!)
If
possible, take photos that you can share with your friends, family and mobile
teacher! (Kung maaari, kumuha ng mga larawan na
maaari mong ibahagi sa iyong mga kaibigan, pamilya at mobile teacher!)
After you
have finished your community service project, we’d love to hear about it. What
did you do? What happened? For now just stick to a description – you will
reflect on it in a moment. (Matapos mong gawin ang iyong serbisyong
proyekto sa pamayanan, nais naming
marinig ang tungkol dito. Anong ginawa mo? Anong nangyari? Sa ngayon manatili
lamang sa isang paglalarawan - pagninilayan mo ito mamaya.)
Kahapon
ay bumili na ng mga gamit sa pagluluto ang ibang mga kasapi sa programa. Namili
sila ng mga kaldero, kawali, sandok, siyansi, plato, mangkok, platito, kutsara,
tinidor, kutsilyo, at iba pang gamit sa
pagluluto. Nagbigay ng isang malaking lutuan de-gas ang mayor ng bayan na aming
gagamitin sa pagluluto maliban pa sa malaking tungkong bakal na bigay naman ng
kapitan ng barangay. Nangahoy na rin ang mga kabataan kahapon.
Madaling
araw pa lamang ay nagtungo na sa pamilihang bayan ang mga nakatokang bumili ng
mga rekado para sa gagawing pagpapakain sa mga batang malnourished sa aming
barangay. Bale agahan at tanghalian ang kanilang pagsasaluhan. Sa araw na ito
ay sopas, puto, at orange juice ang agahan at sinigang na baboy na maraming
gulay at kanin naman sa pananghalian. Ginamit ng mga mamimili ang sasakyan ng
barangay.
Ang
ilang amang kasapi sa programa ay nanghiram ng mahahabang mesa at bangko at
iniaayos sa covered walk/covered court ng paaralan. Doon gaganapin ang agahan
at pananghalian sa pakikipagtulungan ng mga guro at principal.
Nang
dumating ang mga sahog sa iluluto ay nagsimula nang magdatingan ang mga
nakatokang mga ina sa aming bakuran. Lahat sila ay nakasuot ng mask alinsunod
sa health protocol na ipinatutupad ng barangay at munisipalidad. Habang
nagluluto ng sopas at puto ang ilang kababaihan, ang iba naman ay nagtitimpla
ng orange juice. Ang ilan ay hinuhugasan ang mga kubyertos na gagamitin sa
pagpapakain.
PUTO
Mag-aalas
sais nang matapos makaluto ng agahan ang mga ina. Dagli itong dinala sa
paaralan, kasama ang mga kubyertos, gamit pa rin ang sasakyan ng barangay. Sa
tulong ng mga opisyal ng barangay ay maayos na pumila ang mga batang papakainin
at maya-maya pa ay nagsimula nang magsiupo sa bangko at mesang nakaatang sa
kanila. Layo-layo ang mga bata at lahat sila ay maysuot ding mask.
Isa-isang
sinandukan ng mga ina ng sopas ang mga mangkok at nilagyan ng tig-dadalawang
puto ang mga platito. Ang mga ito naman ay idinulog ng mga kabataan sa harapan
ng mga bata kabilang na ang kutsara, tinidor, at napkin. Isa pang grupo ng mga
kabataan ang nagdulot naman ng orange juice.
Ganap
na alas-sais y medya nang magsimulang magsikain ng agahan ang mga bata. Yaong
mga may idad 6 pababa ay tinulungan ng kani-kanilang ina/ama/ate/kuya na
makakain. Lampas alas-siyete nang matapos kumain ang mga bata. Ang mga natirang
pagkain ay kinain naman ng mga naroon. Isang pangkat ng mga ina ang naghugas ng
mga kubyertos at pinaglutuan. Ilang kalalakihan ang tumulong sa kanila.
Nagsagawa
ng mga palaro ang mga guro at ilang kabataan sa mga bata habang niluluto ang
pananghalian. Nang maluto ito ng ganap na ikalabing-isa ng tanghali ay agad na
idinulog sa mga bata. Naging maayos naman ang pananghalian nila. Sorpresa ang
pagdating ng isang kabarangay na may dalang hiwa-hiwang pakwan na naging
pamutat ng mga bata. Natapos ang kainan nang ganap na alas-dose kinse.
Muling hinugasan ng mga ina ang mga
pinaglutuan at kubyertos. Ang mga bata ay pinauwi na kasama ang kani-kanilang
magulang o ate/kuya/tito/tita. Ang mga hiniram na mesa at bangko ay isinauli ng
mga humiram. Nilinis naman ng mga guro ang pinagdausan ng feeding program. Napag-usapan
sa araw na iyon na kung sasapat ang pondo, gagawing dalawang beses sa isang
linggo o higit pa ang gagawing pagpapakain. Maya-maya pa ay isa-isa nang
nilisan ng mga kasapi ang paaralan na may ngiti sa mga labi.
Now you
will spend some thinking about how you did with the exercise. Reflect on how it
went – what went well, what you accomplished, what you learned, and what could
be improved if you did it again. (Ngayon ay gugugol ka ng ilang pag-iisip
tungkol sa kung paano mo nagawa ang ehersisyo. Pagnilayan kung ano ang nangyari
- kung ano ang naging maayos, kung ano ang natupad, kung ano ang natutunan, at
kung ano ang maaaring mapabuti kung ginawa mo itong muli.)
9.5: Reflections on Your Community Service
Project
Answer the
questions below to guide your reflection. (Sagutin ang mga katanungan sa
ibaba upang gabayan ang iyong pagsasalamin.)
1. How do I feel about the support of
city/municipal officials to this activity?
(Ano ang nararamdaman ko tungkol sa
suporta ng mga opisyal ng lungsod / munisipal sa aktibidad na ito?)
o Not satisfied and not happy
o Satisfied and quite happy
þ Very satisfied and very happy
2. How do I feel about the support of
barangay officials to this activity?
(Ano ang nararamdaman ko
tungkol sa suporta ng mga opisyal ng barangay sa aktibidad na ito?)
o Not satisfied and not happy
o Satisfied and quite happy
þ Very satisfied and very happy
3. How do I feel about the response of
your beneficiary group to this activity?
(Ano ang nararamdaman ko
tungkol sa tugon ng iyong beneficiary group sa aktibidad na ito?)
o Not satisfied and not happy
o Satisfied and quite happy
þ Very satisfied and very happy
Is doing
community service an activity you would like to do regularly? Why or why not?
(Ang paggawa ba ng paglilingkod sa
pamayanan ay isang aktibidad na nais mong gawin nang regular? Bakit o bakit
hindi?)
Ang
paglilingkod sa pamayanan ay isang aktibidad na nais kong gawin nang
paulit-ulit ayon sa aking kakayahan. Nagdudulot ng kasiyahan sa puso ang
pamamahagi ng tulong sa kapwa gaano man ito kaliit o kasimple. Ito ay
nagpapakita ng ating pakikipagkapuwa-tao at sumasalamin na tayo ay kabahagi ng
isang mas malaking grupo. Nakatutuwang pagmasdan ang mga mukha ng mga taong aking
natulungan. Kapag nangyayari iyon, nagluluwag din ang aking dibdib at
nakadarama ng kakaibang kasiyahan.
If you
will do another community service activity - what will you continue to do? What
will you do differently? (Kung gagawa
ka ng isa pang aktibidad ng serbisyo sa pamayanan - ano ang patuloy mong
gagawin? Ano ang gagawin mong iba?)
Kung
ako ay gagawang muli ng isa pang aktibidad ng serbisyo sa pamahalaan, ang
patuloy kong gagawin ay himukin ang iba pang pangkat sa aking komunidad – mga kabataan,
nga-aaral man o hindi, mga magulang, lokal na opisyal, mga guro, at sinumang
pangkat na nagnanais ibahagi ang kaniyang makakaya at kakayahan sa ibang tao.
Ipagpapatuloy ko rin na kunin ang kani-kanilang ideya o saloobin upang makapili
kami ng higit na kinakailangang problemang dapat aksyonan agad base na rin sa
pamantayang aming nilikha at napagkasunduan na mas maraming residente ang
makikinabang.
Ang
aking gagawing iba ay ang hindi pagsama/pagsali sa mga kabarangay na iba ang
tunay na layunin sa pagtulong. Sisiguraduhin ko na ang pangkalahatang layunin
ang natutupad at ang hindi ang pansariling interes ng mga taong tumutulong nga
subali’t may ibang agenda sa buhay.
Use this
space to complete any of the written assignments above or write any thoughts or
ideas that have come to mind on planning and implementing your community
service project.
(Gamitin ang puwang na ito upang
makumpleto ang anuman sa mga nakasulat na takdang-aralin sa itaas o sumulat ng
anumang mga saloobin o ideya na naisip sa pagpaplano at pagpapatupad ng iyong
proyekto sa paglilingkod sa pamayanan.)
1. Hindi lang ang gobyerno ang may
tungkuling lumutas ng mga problema ng out-of-school youth.
2. Magiging bahagi ng kalutasan sa
problema sa droga ang mga kabataan kung sila ay lalahok sa isang kampanyang “Say
No to Drugs!” at hihikayatin ang mga kaibigan na sumapi rito.
3.
Bilang unang hakbang sa pagiging kasapi ng kalutasan sa komunidad, dapat
alamin ang pangunahing pangangailangan ng komunidad.
Congratulations! You have completed the
session on your Community Service Project! This is your last session. Now it is
time for your final reflection and assessment.
(Binabati kita! Nakumpleto mo na ang
sesyon sa iyong Community Service Project! Ito ang iyong huling sesyon. Ngayon
ay oras na para sa iyong pangwakas na pagsasalamin at pagtatasa.)
Learner’s Reflection: Module 9 Civic
Engagement
Remember
this? You answered this at the beginning of the module. Answer it again and
compare your results with your previous reflection. Is there a difference? (Natatandaan
mo ba ito? Sinagot mo ito sa simula ng modyul. Sagutin itong muli at ihambing
ang iyong mga resulta sa iyong nakaraang pagsasalamin. Mayroon bang
pagkakaiba?)
Malaki ang pagkakaiba ng aking
naunang sagot sa ngayon dahil kung noon ay wala akong karanasan, kasanayan, at
kaalaman sa mga gawain, ngayon ay nagkaroon na ako ng mga ito.
This is
not a test but is a way for us to see what you already know or do not know
about the topics. You will read a skill that is listed in the left column.
Think about yourself and your experience. Then read the statements across the
top. Check the column that best represents your situation. The results will
help you and the instructor know which topics may require more time, effort and
guidance.
Ang mga katanungan dito ay hindi
test. Ito ay isang paraan upang malaman mo ang iyong kaalaman, kasanayan o
kakayahan tungkol sa paksang ito. Basahin mo ang mga kaalaman, kasanayan o
kakayahan na nakalista sa kaliwang kolum. Magbalik-tanaw sa iyong sarili at mga
karanasan, basahin ang lahat ng mga pangungusap at i-tsek ang sagot na
naaangkop sa iyong sitwasyon. Ang iyong kasagutan ay magiging gabay mo at ng
iyong guro sa pagpapalawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksang ito.
My experience Knowledge,
skills and abilities Kaalaman,
kasanayan at kakayahan |
1 I don’t have
any experience doing this. Wala akong karanasan sa paggawa nito |
2 I have very
little experience doing this. Kaunting-
kaunti lamang ang
aking nalalaman sa paggawa nito. |
3 I have some experience
doing this Mayroon akong karanasan sa
paggawa nito |
4 I have a lot
of experience
doing this. Marami akong karanasan sa paggawa nito |
Understanding
how young people can be civically engaged/ Pagpapalawak ng kaalaman kung
paano makilahok ang mga kabataan sa pakikpag-ugnayang pangmamamayan |
|
|
✓ |
|
Identifying
and priotizing the needs of my community/ Pagtukoy ng mga pangangailangan ng
aking komunidad, at pagsunod-sunurin ang mga pangangailangang ito ayon sa kanilang kahalagahan |
|
|
✓ |
|
Encouraging
other youth and community members to be involved in civic and governance
activities/ Paghikayat ng
ibang kabataan at miyembro ng komunidad para makilahok sa mga gawaing
pangmamamayan at mabuting pamamahala |
|
|
✓ |
|
Preparing a
community service
project plan/ Paggawa ng
isang panukala para sa isang proyekto o gawaing pangkomunidad |
|
|
✓ |
|
Mobilizing
resources for a community service project/ Paglikom ng
mga pagkukunang-yaman
para sa mga proyektong pangkomunidad |
|
|
✓ |
|
Implementing
a community service project with other community
members/ Pagpapatupad
ng isang proyekto o gawaing pang- komunidad kasama ang ibang mga kabarangay |
|
|
✓ |
|
No comments:
Post a Comment