Sunday, February 27, 2011

Sample Test: Sustainable Use of Resources/Productivity - Part 1


Multiple Choice: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1.      Alin sa mga sumusunod ang pamamaraang ginagamit  ng pamahalaan sa pagsisikap nitong mapabuti ang kabuhayan ng bansa?
a.  Pagpapatayo ng gusali at bahay             
b. Pag-utang sa IMF 
c. Pagbibigay ng pabahay sa mamamayan
d. Pagkakaloob ng kasanayan sa mamamayan

2.      Ang tatlong sangay ng ating pamahalaan ay pantay. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay rito?
a.  Ang mga ito ay itinatag upang bantayan ang bawat isa.
b.   Ang mga ito ay pantay-pantay sa badyet.
c.    Ang bawat isa ay may kani-kaniyang gawain.
d.    Sila ay nagtutulungan sa mga gawain.

3. Ang pagkakautang natin sa mga banyagang bangko ay madaling mabayaran kung ____________. 
      a. makipagkaibigan sa Amerika            
      b. lalakihan ang badyet sa gobyerno 
c. tatangkilikin ang sariling produkto at negosyo
d. magtatrabaho tayong lahat sa ibayong-dagat

4. Alin sa mga sumusunod ang pangangalaga sa likas na yaman?
a.   Pagkakaingin    
b. Pagtatanim ng maraming punongkahoy              
c. Madalas na pagtotroso
d. Pagpuputol at pagpudpod ng mga tanim

5. Alin sa mga sumusunod ang pinakamatinding epekto  ng langis?
a.   pagtaas  ng presyo ng produkto at serbisyo     
b. pagtaas ng dolyar     
c. pagtaas ng halaga ng piso
d. pagyaman ng mga bansang nagbibili ng langis


6. Ito ay isang kilusan na nagpoprotesta sa mga mamimili laban sa di-tapat na gawain ng mga prodyuser.
a. intrepeneurismo                           c. konsumerismo
b. komunismo                                 d. Produksyon

7. Ang mga sumusunod, maliban sa isa, ay mga karapatan ng mga mamimili o konsyumer.
a.       mabigyan ng mataas na uri ng produkto.
b.      makapili ng produktong may makatarungang presyo
c.       maging ligtas sa mga produktong mapanganib sa kalusugan o buhay
d.      makautang ng mga produkto sa pamilihan

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kaanib ng “European Community” o "European Union"?
       a. Pransya        b. Belgium        c. Portugal        d. Estados Unidos

9. Ang ASEAN ay samahan ng mga bansang sakop ng _____________.
a.       Europa                                     c. Timog Amerika
b.      Timog-Silangang Asya              d. Hilagang Amerika

10. Ano ang mga karaniwang kailangan sa paghahanap ng trabaho?
a.       bio-data, resume, application form                   
b.      bio-data, application form, NBI Clearance
c.       bio-data, NBI Clearance, record sa eskwelahan
d.      application form, record sa ekswelahan, resume


(Tunghayan ang sagot DITO)

3 comments:

archie villarico said...

ganto ba tlga ung mga question na lalabas sa test ?

Anonymous said...

Opo,ganyan din.
Salamat sa mga reviewer na to,nakakatulong din sa mga tulad naming nag re review.Thanks a lot!

Jenny Lyn G. said...

` Hindi nman ganyan ang mismong lalabas sa exam.
` At kahit san ka maghanap, wala kang makikitang ganon.
` Dahil hindi pwede yon.
` Magiging LEAKAGE yun pag nagkataon at bawal talaga yun.

` At isa pa, binabago nman nila ang mga questions sa exam every year.