2020
ALS A&E Reviewer
Learning Strand 1 – Communication Arts -
FILIPINO
PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.
(Image from https://www.medicalnewstoday.com/articles/278858)
1.
Laging abala si Pareng Jamin. Ayaw niyang walang ginagawa sa buong maghapon. Si
Pareng Boyo naman ay parang laging hinahabol ang oras. Nais niya ay maagang
magsimula upang maaga ring matapos ang kanyang gawain. Isang umaga, nagpunta si
Pareng Jamin sa gubat upang manguha ng mga kabute dahil umulan at malakas ang
kulog kagabi. Nasalubong niya si Pareng Boyo na may tangang buslo na punumpuno
ng mga kabute.
Anong
salawikain ang nababagay sa binasa?
A. Kung
sino ang unang pumutak, siya ang nangitlog.
B.
Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
C. Daig ng maagap ang masipag.
D. Kung
hindi ukol, hindi bubukol.
2. “Elsa,
isilong mo ang mga sampay at nagdidilim ang langit!”, ang wika ni Aling Maring.
Kung ikaw si Elsa, ano ang iyong gagawin?
A.
Kakalagin ang sampayan at itatali sa silong ng bahay.
B.
Titingin sa langit at hintaying pumatak ang ulan.
C.
Isasampay sa silong ng bahay ang mga nilabhan.
D. Kukunin ang mga damit sa sampayan at ipapasok sa loob ng bahay.
3. Ibinalita sa telebisyon na dadaanan ng
isang malakas na bagyo ang inyong bayan sa susunod na dalawang araw. Ano ang
mabuti mong gawin?
A. Tiyaking may sapat na pagkain at matibay ang bubungan at mga
haligi ng bahay.
B. Magtungo sa simbahan at magdasal.
C. Magtungo sa pamilihan at mag-imbak ng
maraming pagkain.
D. Maging kalma dahil sanay ka na sa ganoong
kalamidad.
4. Masalimuot ang buhay ni Cardo dahil lumaki
siyang nag-iisa. Ano ang kasingkahulugan ng pang-uri sa pangungusap?
A. walang kasama
B. kumplikado
C. namuhay
D. karanasan
5. Huwag mong bibiruin si Marcial dahil
bantog siya sa pagiging balat-sibuyas. Ano ang kahulugan ng matalinhagang
salita sa pangungusap?
A. makinis
B. masasakitin
C. sensitibo
D. mahiyain
6. Dito pansamantalang maninirahan ang mga
magulang at ilang kamag-anak ni Alfredo. Ano ang panghalip sa pangungusap?
A. Dito
B. maninirahan
C. ang mga
D. ni
7. Naiiling na lang si Berto kapag nakikita
ang makapal na mga palad ng ama. Ano ang
katangian ng ama ni Berto?
A. mapanakit
B. makupad
C. masinop
D. masipag
8. ________ ang pisi ng saranggola ni Pepe.
Anong salita ang nararapat sa patlang?
A. Naputol
B. Nalagot
C. Nabali
D. Natanggal
9. Masinsinan na nag-uusap ang mga magulang
nina Romeo at Juliet dahil magandang kinabukasan nila ang nakasalalay. Ano ang
kasingkahulugan ng pang-abay sa pangungusap?
A. ama at ina
B. Romeo at Juliet
C. seryoso
D. maayos
10. Maganda at marikit si Adela subali’t
walang mangahas na manligaw sa kanya dahil sa kanyang pagiging di-mahapayang gatang. Si Adela ay
___________.
A. masungit
B. bolera
C. tsismosa
D. mahiyain
11. Ano ang pangunahing layunin ng karatula
na nasa ibaba?
A. Magbigay impormasyon
B. Manakot
C. Magbigay babala
D. Magpatawa
Para sa
Bilang 12 – 15, piliin ang tamang salita sa patlang o mga
patlang sa loob ng pangungusap.
12.
_____ na lamang ang tuwa ni Jeremy _____ malaman niyang pumasa siya sa
pagsusulit.
A.
Gasino + ng
B. Ganoon + nang
C. Ano
+ dahil
D.
Paano + nang
13. Taga-Dabaw
_____ ang nobya ni Elmo tulad ng kanyang matalik na kaibigan.
A. rin
B. raw
C. daw
D. din
14.
Laging nagsisimba si Aileen sa Quiapo _______ Pista ng Itim na Nazareno.
A. kung
B. kapag
C. sa
D.
dahil
15.
________ mong lutuin ang putaheng ito. Ang una mong gagawin ay _______ ng
mantikilya ang balat ng baboy.
A. Subukan
+ pahirin
B.
Subukin + pahirin
C. Subukin + pahiran
D.
Subukan + pahiran