Showing posts with label als reviewer 2021. Show all posts
Showing posts with label als reviewer 2021. Show all posts

Thursday, December 16, 2021

ALS A&E REVIEWER 2021: LS 1 - Communication Arts - Filipino | Wastong Gamit (Based on Actual & Previous Tests)

ALS A&E Reviewer

LS 1 – Communication Skills:  FILIPINO  (Wastong Gamit)


Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at i-shade ito sa iyong answer sheet. Kung sa palagay mo ay walang tamang sagot, i-shade ang E.


1. Tuwing tag-ulan ________ ng palay ang Tatay.
A. tanim
B. nagtanim
C. nagtatanim
D. magtatanim


2. Palagiang maghugas ng kamay upang makaiwas sa sakit dulot ng mikrobyo.

Alin ang pangatnig sa pangungusap?

A. Palagiang
B. maghugas
C. upang
D. dulot


3. Si Abegail ay may dalawang aso at tatlong pusa. Lahat sila ay inahin subalit baog ang isa. Ang pangalan niya ay Beybz.

Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo?

A. Lima ang bilang ng mga alaga ni Abegail.
B. Isa sa mga alaga ni Abegail ay lalaki.
C. Mas maraming pusa si Abegail kaysa aso.
D. Lahat ng alaga ni Abegail ay babae. 


4. Di mahapayang gatang si Aling Marites kaya kakaunti lang ang kanyang mga tapat na kaibigan.

Ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit ay:

A. Hindi nagpapatalo
B. Ususera
C. Tsismosa
D. Masungit


5. Sa kambal, si Charlie ang __________.

A. may tangkad
B. matangkad
C. mas matangkad
D. pinakamatangkad


6. _________ pista lang ng baryo umuuwi ang Kuya Nilo.

A. Kapag
B. Kung
C. Habang
D. Gayunman


7.  Aling pangungusap ang may tamang bantas at/o baybay?

A. Paborito ni Lukas ang atis, mangga at tsiko.
B. Naku, po!
C. Dumede na ba ang Baby?
D. Dalhin mo ito bukas: ruler, lapis, at papel.


8. Malulusog ang tanim na palay ni Mang Pedro kaya pinangutang na niya ito. Kinabukasan, nasira ng bagyo ang mga pananim.

Anong salawikain ang nababagay sa pahayag?

A. Daig ng maagap ang masipag.
B. Huwag magbilang ng sisiw hanggang di pa napipisa ang mga itlog.
C. Kung may tiyaga, may nilaga.
D. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


9. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang walang maling baybay?

A. Nakahuli si Jaime ng maraming apahap at dalagambukid. 
B. Masarap kumain ng halo-halo ngayong tag-araw.
C. Maganda ang kanyang imahe sa publiko.
D. Matibay ang inpraistrakturang ipinatayo ni Meyor Toto.


10. Pupunta raw ______ si Presidente Duterte upang pasinayaan ang bubuksang pampublikong pagamutan.

A. rito
B. dito
C. rin
D. din


11. Kagigising lamang ni Rosita ______ dumating ang kanyang mister.

A. ng
B. nang
C. kung
D. samantalang


12. Si Debbie at ako ay magtutungo sa batis. _______ ay maliligo roon.

A. Sila
B. Tayo
C. Kami
D. Ikaw


13. Nais pumasok ng paaralan si Tim subali’t siya ay nilalagnat.

Anong uri ng pangungusap ito?

A. payak
B. tambalan
C. hugnayan
D. tambalan-hugnayan


14. Pumanaog ka at _________ mo ang bakuran.

A. walisan
B. walisin
C. winalis
D. nawalis


15. Kahit sa siyudad lumaki, __________ ng adobong palaka si Rollie sa tuwing nauuwi ng probinsya.

A. nakain
B. kumakain
C. kinain
D. kakain


16. Malasutla ang kutis ng bagong hirang na Binibining Bacolod.
Anong bahagi ng pangungusap ang malasutla?

A. pangngalan
B. pang-abay
C. pang-angkop
D. pang-uri


17. Kinaon ng kuya ang nanay sa daungan.

Anong salita ang maaaring ipalit sa “kinaon”?

A. Sinundo
B. Inihatid
C. Sinamahan
D. Kinanlungan


18. ___________ mo ng mantekilya ang mga tinapay na ihahandog sa mga bisita.

A. Pahirin
B. Pahiran
C. Ipahid
D. Mapahid


19. Matapos makapagsaing, nanaog si Adelfa upang sunduin ang anak na si Biboy sa paaralan.

Alin ang simuno sa pangungusap?

A. makapagsaing
B. Adelfa
C. anak
D. Biboy


20. Ang katumbas ng “di maliparang uwak” ay ______.

A. malapad
B. malaki
C. malawak
D. mahaba

--o0o--
MGA SAGOT:

Saturday, December 11, 2021

ALS A&E Reviewer 2021: LS 5 - Understanding the Self & Society (Based on Previous Actual Test Questions)

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. “Huwag kang bibitiw! Subukan mo lang hanggang makamit ang tagumpay.” Anong mabuting katangian ang ipinahihiwatig ng mga pangungusap na ito?

A. makatarungan

B. matipid

C. matiyaga

D. maagap



2. Kalilipat mo lamang at ang iyong pamilya sa Barangay Loob. Nais mong makibahagi sa mga gawaing pampaunlad sa inyong barangay. Ano ang dapat mong gawin?

A. pumunta sa istasyon ng pulis upang magtanong

B. humingi ng tulong sa iyong kapitbahay

C. gumawa ng sarili mong proyekto

D. pumunta sa barangay hall at magtanong kung ano ang mga proyekto nito


3. Ano ang nabanggit sa ibaba ang itinuturing na karapatang sibil?

A. bumoto

B. makaroon ng ari-arian

C. maging malaya

D. pumili ng relihiyon


4. Ang pagluluwas ng ating mga produkto sa ibang bansa ay nagdudulot ng kabutihan para sa atin. Isa na rito ang ______.

A. pagtaas ng presyo ng mga bilihin

B. pagdami ng turista

C. paglabas ng dolyar sa bansa

D. pagpasok ng dolyar sa bansa


5. Makakamtan ang “Unity in Diversity” sa pagitan ng mga bansa kung ________.

A. Magsasama ang malalaki at mayayamang mga bansa

B. Kikilalanin at uunawain ng ang bawa’t bansa ay may iba’t ibang kultura

C. Sasapi ang maliliit na bansa sa mga samahang internasyunal

D. Itataguyod ng bawa’t bansa ang sarili nitong interes


6. Paano maisusulong ang proyektong Gender and Development (GAD) at gender equality?

A. Pagkilala na magaling sa Mathematics ang mga lalaki at sa English naman ang mga babae

B. Mga batang lalaki lamang ang maaaring maglaro ng baril-barilan

C. Maaaring maghugas ng plato ang mga anak na lalaki at babae

D. Kulay pink ang dapat isuot ng babae at blue naman sa lalaki


7. Bilang bahagi ng pamayanan, paano mo maipakikita ang iyong aktibong pakikilahok sa proyektong “Harap Mo, Linis Mo”?

A. Hindi ako makikinig sa mga pahayag ng mga nakilahok

B. Magmumungkahi ako ng mga makabuluhang paraan upang hindi kumalat ang basura

C. Makikipagkuwentuhan ako sa aking mga kaibigan habang nagsasalita ang iba

D. Uuwi ako kahit hindi pa tapos ang pulong


8. Ang pagiging matapat ay masasalamin sa pangungusap na ito:

A. Nagsasabi ako ng totoo anuman ang kahihinatnan

B. Iniipon ko sa alkansiya ang bahagi ng aking baon

C. Iniingatan ko ang aking mga gamit para di agad masira

D. Tinatapos ko agad ang aking takdang aralin bago manood ng TV


9. Napapabayaan ng iyong kaibigan ang kanyang pag-aaral dahil mas maraming oras niya ang iginugugol sa mga gawain ng kaniyang relihiyon. Ano ang maipapayo mo sa kanya?

A. Tumigil na lamang sa pag-aaral at magpakarelihiyoso

B. Ipagpatuloy ang ginagawa dahil pupunta siya sa langit kahit hindi nag-aaral

C. Pagtuunan ng pansin ang pag-aaral sa tuwing araw ng may pasok at ang paglilingkod naman sa araw ng pagsamba

D. Huwag siyang pansinin at gayahin


10. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pang-aabuso sa mga kababaihan?

A. Patigilin siya ng kanyang asawa sa pagtatrabaho

B. Pilitin siya ng kanyang asawa na ibigay ang buong sahod sa kanya

C. Iwanan siya ng kanyang asawa na may maraming utang na babayaran

D. Lahat nang nabanggit


11. Ano ang maaaring mangyari sa isang tao na hindi marunong magdala ng stress na kanyang nararanasan sa matagal na panahon?

A. Magiging desperado/desperada

B. Mabilis magalit

C. Magiging sakitin

D. Lahat nang nabanggit


12. Alin sa mga sumusunod na pagpapahalaga ang naglalarawan sa mga Pilipino ano man ang pangkat etnolingguistikong kinabibilangan?

A. matatag na paniniwala sa Diyos

B. pagsasabi ng po at opo

C. matatag na relasyon sa pamilya

D. pagiging mapagmuni


13. Ano ang makatarungang solusyon na dapat gawin ng mga bansang may hindi pagkakaunawaan sa kanilang teritoryo?

A. Paghahati ng teitoryo sa lahat ng umaangkin nito

B. Paggamit ng dahas

C. Dayalogo upang bumuo ng mutual agreement sa pagitan ng mga bansang sangkot

D. Pagbibigay ng teritoryo sa maliit na bansang umaangkin dito


14. Kung ang Sinulog Festival ay ipinagdiriwang sa Cebu, ano naman ang ipinagdiriwang sa Davao?

A. MassKara Festival

B. Ati-atihan Festival

C. Kadayawan Festival

D. Dinagyang Festival


15. Ano ang iyong mararamdaman kapag nabalitaan mong nasunugan ang isa mong kamag-anak?

A. malungkot

B. magagalak

C. masaya

D. magagalit


16. Kapag humingi ng tulong ang iyong kapatid sa paggawa ng kanyang proyekto sa susunod na araw, ano ang iyong gagawin?

A. sasabihin sa kanya na sa iba na humingi ng tulong

B. sisigawan siya at sasabihing huwag kang gambalain

C. hindi siya papansinin

D. tutulungan siya sa paggawa ng kanyang proyekto


17. Ang mga sumusunod ay matututunan sa pag-aaral ng Heograpiya maliban sa ___.

A. klima ng isang lugar

B. lokasyon ng lugar

C. kalagayang politikal ng isang lugar

D. populasyon ng lugar


Para sa bilang 18 – 20. Basahin ang talata sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

        Nagtatrabaho sa isang pabrika si Upeng na may pitong anak. Malayo ang kanyang pinapasukan kung kayat maaga siyang umaalis sa umaga at gabi na kapag umuuwi. Bihira na niyang nakukumusta at nakakausap ang mga anak. Ang mga anak ay sa ama kumukunsulta hinggil sa mga gawain at asignatura sa paaralan.


18. Ano ang tungkulin ni Upeng sa kanyang mga anak?

A. tagapag-alaga ng asawa at mga anak

B. tagalaba ng mga damit ng pamilya

C. naghahanap-buhay para sa pamilya

D. tagaluto ng pagkain para sa mga anak at asawa


19. Bakit hindi na nagagampanan ni Upeng ang kanyang tungkulin sa asawa at mga anak?

A. Hindi niya mahal ang asawa at mga anak.

B. Mas nais niyang pagtuunan ng oras ang pagtatrabaho kaysa pamilya.

C. Nagtatrabaho siya, umaalis ng maaga at gabi na kapag nakauuwi ng bahay.

D. Hindi niya pinahahalagahan ang pamilya.


20. Sa iyong palagay, ano ang mabuting maidudulot nito sa kanyang mga anak habang sila ay lumalaki?

A. lalaki na may takot sa Diyos

B. lalaking maunawain at responsible

C. mawawalan ng pagmamahal sa magulang

D. hindi makapagtatapos ng pag-aaral

MGA SAGOT: