Showing posts with label 2020 ALS Reviewer. Show all posts
Showing posts with label 2020 ALS Reviewer. Show all posts

Wednesday, August 12, 2020

Video 56 - ALS REVIEWER SECONDARY for AERT and A&E - ENGLISH - Reading C...





For Item 18 – 20. Read the cooking procedures below and answer the questions that follow. (From https://www.filipinorecipesite.com)



Cooking Procedures:

1. In a medium saucepan, heat oil over medium heat. Sauté ginger and garlic until fragrant. Add onions, stir-fry until softened and translucent.

2. Add chicken cuts. Cook for 3 to 5 minutes until chicken colors slightly. Season with patis and salt.

3. Pour in water (or rice water, if using). Bring to a boil. Lower the heat and let it simmer until chicken is half-done. Add in sayote (or papaya or potatoes, if using). Continue simmering until chicken and vegetable are tender. Correct seasonings and then add sili leaves or malunggay or substitute. Stir to combine until well blended. Remove from heat.

4. Let stand for a few minutes to cook the green vegetables. Transfer to a serving dish and serve hot.



18. What do you think is the recipe described above?

A. Chicken Tinola

B. Chicken Adobo

C. Chicken Inasal

D. Chicken Curry



19. To simmer is to __________.

A. cook in low heat without boiling

B. stir-fry

C. steam

D. stir while cooking



20. “Sauté ginger and garlic ” means ___________.

A. To mix rapidly to make a mixture.

B. To fry in a small amount of hot fat.

C. To brown quickly by intense heat.

D. To immerse in rapidly boiling water.



For the correct answers and other Reading Comprehension practice test, please watch the video above, and subscribe to future reviewers.

Wednesday, August 5, 2020

ALS REVIEWER for AERT and A&E - LIFE and CAREER SKILLS

PILIIN ang titik ng tamang sagot.

31. Bakit kailangan may motibasyon ang mga empleyado sa kanilang pagtatrabaho?

A. Upang ganahan silang pumasok araw-araw.

B. Para galingan pa nila ang pagtatrabaho.

C. Upang sila ay manatiling tapat at totoo sa kanilang kumpanya.

D. Lahat nang nabanggit

 

32. Ang Barangay Sampaguita ay malayo sa bayan. May ilang tindahan dito na hindi hamak na mataas ang presyo kaysa sa pamilihang bayan. Gayunman, walang magawa ang mga mamamayan kundi ang tangkilikin ang nasabing mga tindahan. Kung mayroong kooperatiba sa Barangay Sampaguita, anong buti ang maidudulot nito sa komunidad?

A. Magsasara ang mga tindahang mahal magtinda ng mga bilihin.

B. Bababa ang presyo ng mga bilihin.

C. Lalaki ang kita ng barangay.

D. Papagandahin ang kalsada patungong barangay.

 

33. Mahihikayat ang mga empleyado na magtrabaho nang magaling at mahusay kung ______.

A. mamatyagan ang kanilang bawa’t kilos

B. magtatalaga ng isang tauhan na maglilista ng mga tamad na empleyado

C. bibigyan sila ng karampatang insentibo upang pagbutihin ang pagtatrabaho

D. magbibigay ng babala na tatanggalin ang mga tamad na empleyado

 

34. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang monopolyo sa pamilihan?

A. Nagkakasundo ang mga prodyuser sa iisang presyo ng mga produkto.

B. Mahigpit na kumpetisyon sa presyo ng mga bilihin.

C. Mangilang-ngilan lamang ang mga prodyuser ang nagsusuplay ng mga bilihin.

D. Iisa lamang ang taga-suplay ng produkto o serbisyo sa pamilihan.

 

35. Si Gng. Ramos ay kalihim ng isang malaking kumpanya. Napansin niyang tila lumalabis na ang ipinakikitang pagkagiliw sa kanya ng kanyang boss. Kung ikaw si Gng. Ramos, ano ang iyong gagawin?

A. Ipaalam sa boss ang iyong napapansin at balaan na kung hindi titigil ay magsusumbong ka sa kinauukulan.

B. Huwag na lamang itong pansinin nang hindi mawalan ng trabaho.

C. Isumbong kaagad sa DOLE ang nangyayari.

D. Pumayag sa gusto ng boss kapalit ang mataas na posisyon at sahod.

 

36. Bilang accountant, sinabihan ka ng may-ari na bawasan ng isang milyon ang ibabayad ninyo sa BIR ng taong iyon kapalit ng P250,000.00 na bonus. Ano ang iyong gagawin?

A. Pumayag kung gagawing kalahating milyon ang bonus.

B. Ipagbigay alam sa BIR ang gustong mangyari ng may-ari.

C. Tanggihan ang alok at sabihing iyon ay taliwas sa sinumpaan mong tungkulin.

D. Hingan ng opinyon ang pamilya sa nais mangyari ng may-ari.

 

37. Nalaman mong nataasan ka ng posisyon at sahod ng empleyadong kapapasok lamang. Ano ang mabuti mong gawin?

A. Magpunta sa HR Department at pulaan ang kanilang naging desisyon.

B. Magpunta sa HR Department at alamin ang mga dahilan.

C. Magbitiw sa trabaho dahil hindi patas ang inyong kumpanya.

D. Ipagsabi sa iba na “sipsip” sa may-ari ang bagong empleyado.

 

38. Alin sa mga sumusunod ang HINDI patakaran ng Kagawaran ng Paggawa?

A. Pagbibigay ng 13th month pay sa bawa’t empleyado.

B. Pagbibigay ng overtime pay sa higit sa 8 oras na pagtatrabaho.

C. Pagbibigay na sahod kung maysakit at nagbabakasyon.

D. Pagbibigay ng bonus sa masisipag na trabahador.

 

39. Alin ang mainam na paraan upang tumaas ang posisyon at sahod?

A. Sundin ang lahat na iutos ng may-ari.

B. Maging magiliw sa may-ari.

C. Galingan ang trabaho at kumuha ng dagdag kaalaman.

D. Gawing ninong ng anak ang may-ari.

 

40. Bababa ang presyo ng isang bilihin kung ________.

A. darami ang suplay nito

B. darami ang mga mamimili

C. tataas ang buwis nito

D. bibilhin ng pamahalaan ang produkto

 

41. Ang paggamit ng pinong lambat sa paghuli ng malalaking isda ay labag sa batas at may  ________.

A. multang P2,000.00 hanggang P20,000.00

B. parusang pagkakakulong ng anim na buwan

C. A at B

D. Lahat nang nabanggit

 

42. Ano ang maaaring kaligtaan sa  nilalaman ng isang liham sa pag-aaplay ng trabaho?

A. saan o paano nalaman ang bakanteng posisyon

B. posisyong inaaplayan

C. sahod na inaasam

D. maaari sa isang panayam

 

43. Ipagpalagay na sa puhunang P1,000 ay nakagagawa ka ng 100 pancake. Kung tumaas ang presyo ng harina, ano ang mangyayari sa bilang ng nagagawa mong pancake sa parehong puhunan?

A. higit sa 100

B. mas mababa sa 100

C. walang pagbabago

D. di-mawari

 

44. Ang isang empleyado ay “underemployed” kung _______.

A. ang kanyang trabaho ay taliwas sa kanyang pinag-aralan at kasanayan

B. ang kanyang sahod ay hindi katumbas ng kanyang pinag-aralan at kasanayan

C. ang kanyang trabaho ay walang hamon at kabagot-bagot

D. lahat nang nabanggit

 

45. Masasabing may malayang pamilihan ang isang bansa kung _______.

A. limitado lamang ang mga bilihin sa merkado

B. gobyerno ang nagdedesisyon kung anong produkto lamang ang maaaring bilhin sa merkado

C. maraming bilihin at pamilihan ang maaaring pagpilian ng mga mamimili

D. walang pagkakataong makapamili ang mga mamimili ng nais nilang bilhin

 MGA SAGOT

Please watch the video below for the correct answers:

https://www.youtube.com/watch?v=19HN_NszdC4




Tuesday, August 4, 2020

ALS REVIEWER for AERT and A&E - MATHEMATICS



For similar Review Questions, please watch and subscribe.

Aling Aida borrowed P10,000.00 with a simple interest rate of 8% per annum from her cooperative payable in 5 years. She promised to pay P3,000.00 for the first four years to the cooperative. How much will Aling Aida pay on the 5th year?

A. P800.00

B. P2,000.00

C. P4,000.00

D. P4,447.04


Sunday, August 2, 2020

Video 49 - ALS REVIEWER for AERT and A&E Test SCIENCE - Human Repro...





This video contains 15 Terms to Remember about the Human Reproductive System for the Accreditation & Equivalency Readiness Test (AERT) and Accreditation & Equivalency (A&E) Test, in line with the K to 12 Basic Education Curriculum (BEC) of the Department of Education (DepEd), Philippines.

Friday, July 24, 2020

ALS REVIEWER for AERT – ELEMENTARY – FILIPINO.


PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang pangngalang pantangi?
A. paaralan
B. Titser Grace
C. punong-guro
D. lungsod

2. Alin ang HINDI pangngalang pambalana ng “Filipino”?
A. wika
B. pagkamamamayan
C. bansa
D. asignatura

3. Anong uri ng pangungusap ito: “Kunin mo ang aking payong sa loob ng bahay.”?
A. paturol
B. padamdam
C. pakiusap
D. pautos

4. Maaari ka bang pumunta sa aking kaarawan?
A. Sa makalawa na ba iyon?
B. Oo. Salamat sa iyong imbitasyon.
C. Malayo ang bahay ninyo.
D. Gano’n ba? Ay, sayang!

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi tambalang pangungusap?
A. Magaling na mang-aawit si Marife at mayroon siyang konsyerto sa Lunes.
B. Tumakbo nang tumakbo si Bitoy hanggang napagod.
C. Salawahan ba si Adela o nag-iingat lang siya sa pagpili ng makakaisang-dibdib?
D. Si Niko ay nagwawalis ng bakuran habang si Anita ay nagluluto ng hapunan.

6. Ano ang pang-abay sa pangungusap na ito: “Madalas ay walang makain ang aming pobreng kapitbahay.”?
A. Madalas
B. makain
C. aming
D. pobreng

7. Ang hawak kong puting kalapati ay pag-aari ng aming bunso. Ito ay _____.
A. akin
B. amin
C. kanya
D. kanila


8. _______ mo ng mantikilya ang mga tinapay.
A. Pahidan
B. Pahiran
C. Ipahid
D. Pahirin

9. Mahilig maglubid ng buhangin si Kakang Iska dahil siya ay ________.
A. mahilig sa sining
B. batikang iskultor
C. isang sinungaling
D. nangangalaga ng likas-yaman

10. Batugan ang kakambal ni Efren kasalungat sa kanyang pagiging _____.
A. masikap
B. maagap
C. masigla
D. masipag

11. Nakakita si Romnick ng __________ bibe.
A. matatabang tatlong puting
B. puting matatabang tatlong
C. tatlong matatabang puting
D. tatlong puting matatabang

12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI diptonggo?
A. aliwan
B. beywang
C. sisiw
D. baduy

13. Alin sa mga sumusunod ang HINDi kambal-patinig?
A. klase
B. petsa
C. gripo
D. komiks

14. Sa kanyang mga anak, itinuturing ni Mang Dado na _______ si Emilie.
A. responsable
B. mas responsable
C. higit na responsable
D. pinakaresponsable

15. Siksikan ang nasakyan niyang tren. Ito ay __________.
A. di-maliparang uwak
B. buhaghag
C. di-mahulugang karayom
D. masinsin

16. Isang uri ng panitikang nagsasalaysay ng mga simpleng kwentong karaniwang nagtatampok sa mga hayop bilang mga tauhan.
A. kuwentong-pambata
B. korido
C. parabula
D. pabula

17. Alin sa mga sumusunod ang isang katotohanan?
A. Naging meyor ang kasalukuyang Presidente ng Pilipinas.
B. Magaling na mambabatas ang kinatawan ng Bulacan.
C. Maraming buwaya sa Kongreso.
D. Dahil nagtatrabaho sa munisipyo, tiyak na tiwali ang aming kapitbahay.

18. Ang darating na tulong pinansyal mula sa DSWD ay _______ mga mahihirap.
A. ayon sa
B. para sa
C. ukol sa
D. laban sa

19. Dahil sa Covid-19, limitado ang “face-to-face teaching and learning”.
A. Hindi pinapayagan ang personal na ugnayan ng guro at mga mag-aaral.
B. Hindi pinapayagan ang pagbubukas ng klase.
C. Ang personal na ugnayan ng guro at mga mag-aaral ay nakadepende sa sitwasyong pangkalusugan at pangkaligtasan.
D. Mula Lunes hanggang Biyernes ang pasok ng guro at mag-aaral.

20. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pangatnig na paninsay?
A. Nakuha niya ang pinakamataas na grado dahil sa kanyang kasipagan sa pag-aaral.
B. Guwapo nga siya nguni’t suplado naman.
C. Walang kaso sa akin maging si Juan ang mapiling konsorte.
D. Kailangan mong mag-ingat kung lulusong ka sa ilog.


MGA SAGOT

Tuesday, June 16, 2020

Mga Tips Para Makatiyak na Papasa sa 2019-2020 ALS A&E


Nais Mo Bang Pumasa sa ALS A&E Test?

Marahil, malakas na “OO” ang isasagot ng mga mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) sa buong bansa. Sinuman kasi ang ayaw na makatanggap ng diploma sa elementarya at sertipiko sa Junior High School na magiging sandigan nila upang maipagpatuloy pa ang naudlot na pag-aaral o magkaroon ng trabaho sa hinaharap. Gayunman, hindi madali ang pumasa sa pagsusulit kung hindi pagtutuunan nang husto ang ginagawang pag-aaral at/o pagrerebisa o pagre-review ng mga aralin at kasanayan na dapat matutunan ng isang ALS learner.


Paano masisiguro ang pagpasa sa ALS A&E?

Walang kasiguruhan ang pagpasa sa pagsusulit ng Accreditation & Equivalency o A&E dahil kung mayroon, wala sanang bumabagsak taun-taon. Magkagayunman, ang tsansa ng pagpasa ay tataas kung malalaman at susundin ang ilang payo o tips sa pagpasa sa eksamin.


Dahil sa paglaganap ng Covid-19, naudlot ang pagpasok ng mga mag-aaral sa ALS sa kanilang mga learning centers. Kakaunti na nga lamang ang inilalagi nila sa silid-aralan ay nabawasan pa ito nang kumalat ang nakahahawa at nakakamatay na pandemiya. Dagdag rito, wala pa ring kasiguruhan kung kailan magaganap ang malawakan at pambansang pagsusulit dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin itinatakda ang pagrerehistro at pagsusulit ng Department of Education (DepEd).

Ano ang maaaring gawin habang hinihintay ang A&E test?

Tiyak na magkakaroon ng pagsusulit ng A&E sa taong ito. Ang petsa nga lamang ang hindi pa itinatakda ng DepEd dahil mas pinili ng pamahalaan at ng kagawaran ang kaligtasan ng mga mag-aaral. Dahil dito, nararapat lamang na ipagpatuloy ng mga ALS learners ang kanilang ginagawang pag-aaral at pagre-review sa loob ng kani-kanilang tahanan lalo ngayon na mas marami silang oras na gawin iyon habang hinihintay ang araw ng pagsusulit.


Kung bentahe sa iba, ang maraming oras sa pag-aaral ay problema rin ng ilan dahil nagkakaroon sila ng dahilan upang ipagpaliban ang pagrerebisa at tamarin sa pag-aaral, lalo na at makikitang pabandying-bandying lang ang mga kasamahan sa bahay. Dahil dito, nararapat na sundin ang mga payo at tips sa ibaba upang lumaki ang tsansang makapasa sa A&E. Sundin ang mga payong ito habang nagre-review, bago ang pagsusulit at sa oras ng pagsusulit.

Mga Tips Habang Nagre-review sa Pagsusulit ng ALS A&E

1. Magkaroon ng regular na oras sa pag-aaral at pagre-review.

               Habang hinihintay ang pagsusulit, makatutulong ng malaki ang pagkakaroon ng regular na oras sa pag-aaral at pagre-review. Hindi mahalaga kung ilang oras sa isang araw o ilang araw sa isang linggo ito gawin. Ang mahalaga, mayroon tayong oras sa pag-aaral. Piliin ang oras kung saan hindi pa tayo nagsisimula sa ating kinagisnang trabaho sa bahay upang gumana nang husto ang ating memorya. Maaari itong gawin pagkagising sa umaga matapos kumain ng almusal.

Ang regular na pag-aaral ay maaari ring gawin pagkatapos ng nakaatang na trabaho sa bahay. Tiyakin lamang na tayo ay nakapagpahinga na at relaks na ang ating utak dahil kung hindi ay walang papasok sa ating kukote.

2. Basahin ang mga modules na ibinigay ng mga guro.



Kung may modules na ibinigay ang ating guro, basahin ang mga ito ng may pang-unawa. Isulat sa isang kuwaderno ang mga leksyon na hindi masyadong maunawaan. Sa pamamagitan ng cell phone, Facebook messenger at anumang media na mayroon, hingin ang paliwanag ng guro ukol sa mga leksyon na malabo sa iyong pang-unawa. Maaari ring kausapin ang mga kasama sa bahay at mga kaklase tungkol dito. Ang mahalaga, naunawaan natin ang mga leksyon bago pa ang pagsusulit.

3. Sumapi sa mga Facebook Groups ukol sa ALS A&E.

Kung may free data at Facebook account, sumali sa mga Group o Pages ukol sa Alternative Learning System (ALS) upang makakalap ng malawak na impormasyon tungkol sa programang ito at makapag-review.

4. Maging aktibo sa Facebook Group na sinalihan.


Hindi sapat ang sumapi lamang tayo sa isang samahan. Nararapat na maging aktibo tayong miyembro upang maging malawak ang ating kaalaman. Sa halip na sumagot lamang sa mga review questions na naka-post sa grupo, mag-post din tayo ng ating mga tanong lalo na yaong hindi natin lubos na nauunawaan. Dahil dito, natututo na tayo at natuturuan pa natin ang ibang mga kasapi. Hindi sapat ang “seen” lang, dapat ay nag-iiwan din tayo ng komento para mapalawig pa ang ating kaalaman.

5. Magbasa ng mga blogs tungkol sa ALS.



Kung malakas ang signal at mayroon internet connection, ugaliing magbasa ng mga blogs tungkol sa ALS. Karamihan sa mga blogs na ito ay mayroon ding mga review questions at tutorials na maaari nating pakinabangan. Ang ilan ay mayroong mga posts tungkol sa mga nakaraang pagsusulit. Subuking sagutin ang mga review questions na nakapaloob sa mga blogs.

6. Mag-group study

Maaari pa rin ang group study kahit lockdown. P’wede itong gawin sa pamamagitang ng Group Chat sa Messenger o anumang Apps na maaaring magkitakita at makapag-usap ang isa’t isa. Ito ay posible kung malakas ang signal at mayroong internet connection. Maaari rin itong gawin via messenger sa Facebook o text message sa cell phone. Ang mahalaga, nagtutulong-tulong ang bawa’t isa upang matuto ng mga aralin at maibahagi ito sa iba pa.

7. Alamin ang mga kasanayan (learning competencies) ng bawa’t strand

Maging pamilyar tayo sa mga paksa o kasanayan na nilalaman ng mga learning strands na kabilang sa pagsusulit para roon natin i-pokus ang ating atensyon sa pag-aaral at pagrerebisa. Kapag alam natin ang mga paksang nakapaloob sa test, magagamit natin nang husto ang ating oras sa pang-unawa sa mga ito. Itanong ang mga learning competencies ito sa ating mga guro.

Mga Tips Bago ang Araw ng Pagsusulit sa ALS A&E

               Mahalaga ring sundin ang ilang payo bago ang araw ng pagsusulit sa ALS A&E upang lumawig pa ang porsyento upang pumasa rito.

1. Mag-mock test at dumalo sa final briefing



Kung sakaling maaari nang lumabas at pumunta sa mga learning centers, makiisa sa gagawing mock test upang maging pamilyar sa tipo ng pagsusulit na ibibigay sa aktuwal na test. Mahalaga rin ito upang maranasan ang pakiramdam ng kumukuha ng pagsusulit at maiayon ang sarili sa aktuwal.

Importante rin ang pagdalo sa final briefing bago ang araw ng pagsusulit, upang malaman ang mga pagbabago, kung meron, sa oras at lugar ng pagdarausan ng test. Magkaminsan, nagkakaroon din ng pagkakataon na magbigay ng mga tips at payo ang mga guro sa araw na ito.

2. Magrelaks dalawang araw bago ang araw ng pagsusulit.


Mahalaga ang pagiging kalma ng ating katawan at utak bago sumabak sa isang karanasang hindi kanais-nais o pinagmumulan ng kaba o nerbyos. Maaari tayong pumaroon sa isang bahay dasalan upang manalangin, mamasyal sa ibang lugar, o maglibot-libot at huminga nang malalim sa loob ng bakuran.

3. Alamin at/o puntahan ang lugar ng pagdarausan ng pagsusulit


Kung hindi mo alam ang pagpunta o nasaan ang lugar ng pagdarausan ng pagsusulit na nakaatang sa iyo, nararapat na ito ay iyong puntahan upang maging pamilyar ka sa lugar at malaman mo kung ilang oras ang kakailanganin upang marating mo iyon. Ito ay mahalaga upang hindi ka mahuli sa pagsusulit.

4. Sa gabi bago ang pagsusulit, ihanda ang mga kailangang dokumento sa araw ng pagsusulit


Alamin at ihanda ang mga gamit at dokumento na kakailanganin sa araw ng pagsusulit. Magdala ng pambura, 3 lapis na may tasa na, ballpen, test permit, at ID kung ang mga ito ang kailangan.  Ihanda na rin ang babauning tubig at pagkain.

Mga Tips sa Araw ng Pagsusulit ng ALS A&E

               Sa pagdating ng araw na pinakahihintay, makatutulong ang pagiging aktibo hindi lamang ang katawan kundi ang isip dahil nakasalalay sa araw na ito ang katuparan ng iyong mga pangarap. Malaki ang tsansa ang makapasa sa pagsusulit kung susundin ang mga tips sa ibaba:

1. Mag-agahan nang sapat sa araw ng pagsusulit



Sa oras ng pagsusulit, agahan ang gising at mag-almusal nang sapat. Huwag kumain ng mga pagkain na magpapalakas ng kaba sa dibdib o magpapanerbiyos tulad ng kape. Mas mainam uminom ng tsaa na nagpapakalma ng tiyan. Iwasan ang uminom ng gatas o kumain ng itlog kung ang mga pagkain ito ay nagkakaroon ng kakaibang pakiramdam sa iyong tiyan.

2. Maligo at dumumi kung oras ng iyong pagdumi


Dapat ay maging presko ang ating pakiramdam at ayos din ang timplada nito habang kumukuha ng pagsusulit. Malaking balakid kung nakakaramdam tayo ng init sa ating katawan o pagkabalisa sa ating tiyan.

3. Magdala ng pagkain at tubig


Dahil inaabot ng tatlo o higit pang oras ang pagsusulit ng A&E, magdala ng makakain at maiinom upang ating kainin at inumin sa oras na pinahihintulutan ng nagbabantay.
Isama rito ang mansanas, saging, at kendi, maliban sa bote ng tubig. Kung pahihintulutan ang pagkain ng tanghalian, magdala rin ng pananghalian upang makatipid at nang mayroong makain.

4. Siguraduhing nadala ang mga gamit at dokumentong kailangan sa pagsusulit

Bago umalis ng bahay at bumaba ng sasakyan, siguraduhing bitbit mo ang mga lapis, pambura, atbp., at mga dokumentong kailangan sa pagsusulit.



5. Dumating sa lugar ng pagdarausan ng pagsusulit isang oras bago ang itinakda


Mahalagang dumating sa lugar ng pagsusulit nang mas maaga upang hindi magahol sa oras at hindi nagmamadali. Nakatutulong ito upang maging kalma at maiwasan ang nerbiyos. Bago pumasok ng silid-aralan kung saan kukuha ng pagsusulit, dumaan sa palikuran upang umihi o magbawas kung kinakailangan.
Iwasang pumunta sa lugar ng pagsusulit nang sobrang aga dahil delikado rin ito. Huwag pumasok sa paaralan kung iilan pa lamang ang mga kukuha ng pagsusulit at wala pang mga guro at kawani na magbabantay at mamamahala ng pagsusulit.

6. Pakinggang mabuti ang direksyon ng gurong nagbabantay


Upang hindi magkamali sa pagsagot sa mga impormasyong kailangang ilagay sa test paper o answer sheet, makinig mabuti sa mga sinasabi ng nagbabantay o proctor. Kung hindi maliwanag ang direksyon, huwag makiming magtanong.


7. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto o direksyon ng pagsusulit


Bago sumagot sa pagsusulit, unawain ang panuto. Kung bibilugan, i-si-shade  o isusulat ang titik ng tamang sagot sa answer sheet, siguraduhing ito ang hinihingi ng direksyon.



8. I-budget ang oras na nakalaan sa bawat learning strand at sa bawat tanong


Bigyan ng tamang oras ang bawat tanong dahil ang bawat puntos ay mahalaga. Kung nahihirapan sa isang tanong, piliin ang sa iyo ay nararapat. Kalimutan na ito at mag-pokus sa susunod na mga tanong. Lagyan ng maliit na marka ang mga tanong na hindi ka masyadong sigurado sa iyong sagot at balikan ito kung may natitira ka pang oras. 


Kung natapos ka nang mas maaga sa oras na inilaan, rebisahin ang iyong mga sagot. Siguraduhing wala kang tanong o numerong nakaligtaan o nalaktawan.

9. Sa pagpili, ihiwalay ang dalawang posibleng sagot at gamitin ang common sense sa pagpili


Huwag nang pagtuunan pa ng oras ang mga pagpipilian na napakamalayo sa tamang sagot. Mag-pokus sa dalawang posibleng tamang sagot. Kailangan ito upang huwag gahulin sa oras at magkaroon ng sobrang oras na rebisahin ang mga tanong na hindi sigurado ang sagot.

10. Maging kalma sa oras ng pagsusulit


Bago simulan ang pagsagot, magdasal at huminga nang malalim. Mag-pokus sa pagsagot at huwag intindihin ang mga nasa paligid maliban sa sinasabi ng nagbabantay o proctor. Iwasan ang paglingon-lingon sa loob at labas ng silid. Kapag nakarama ng pagbablanko ng isip, tumigil saglit, huminga nang malalim at ipagpatuloy ang pagsagot.

11. Sa pagsagot ng mga tanong hinggil sa tekstong binasa, graph o chart, basahin muna ang tanong bago basahin ang buong artikulo


Sa mga Reading Compehension at/o Analysis of Charts and Graphs, ipinapayong basahin muna ang mga tanong bago basahin ang buong artikulo o kilatisin ang chart at graph para habang binabasa ay nalalaman na natin ang sagot sa mga tanong. Gayunman, huwag gawin ang isang basa ng tanong, isang basa ng artikulo. Ang gawin, basahin ang LAHAT ng tanong hinggil sa artikulo at basahin NANG BUO ang artikulo o teksto. Unawain ang teksto, chart, at graph sa unang pagbasa pa lamang  upang hindi magahol sa oras.

12. Manghula ng sagot


Kung hindi mo alam talaga ang tamang sagot, mas mainam na manghula ng sagot kaysa hindi sagutin ang tanong. Ang tanong na walang sagot ay tiyak na MALI samantalang may TSANSANG maging tama ang isang hulang sagot.

13. Magdasal at magpasalamat sa iyong panginoon matapos ang pagsusulit

Bago ipasa ang iyong answer sheet sa proctor, tiyaking tama ang mga impormasyong inilagay mo rito lalo na ang baybay ng iyong pangalan upang hindi maging kaso. Tiyaking nasagot mo lahat ang learning strands.
Pagkalabas ng silid, magdasal at magpasalamat sa iyong panginoon dahil nakasalalay na sa kanyang mga kamay ang katuparan ng iyong mga pangarap. Huwag nang pag-usapan pa ang mga tanong at sagot sa pagsusulit upang maiwasan ang stress. Hintayin na lamang ang resulta ng pagsusulit nang punumpuno ng pag-asa at pananabik dahil tiyak na pumasa ka sa ALS A&E test.

GOOD LUCK and GOD BLESS!


Thursday, June 11, 2020

Video 24 ALS A&E TUTORIAL Multiplication and Division of Fractions





Learn how to multiply and divide fractions in TAGLISH.