Choose the letter of the correct answer:
1. Bahagi ng pansariling pag-unlad ang kakayahan, hamon, oportunidad at ________.
A. karapatan
B. interes
C. kayamanan
D. kahinaan
2. Ano sa mga sumusunod ang MALI?
A. Nasasalamin ang iyong paniniwala sa iyong mga pasya.
B. Ang pagkatuto ng mga bagong bagay ay magkakaiba.
C. Ang paniniwala at kakayahan ay hindi nagkaiba.
D. Nagtataglay ng magkakaibang kakayahan ang bawat isa.
3. Kung hindi natin kaya ang isang gawaing iniatang sa atin, _______.
A. pagsumikapan itong gawin
B. ipagpaliban itong gawin
C. iwasan ito hangga’t maaari
D. ipagawa ito sa iba
4. Alin sa ibaba ang isang halimbawa ng malinaw na pansariling layunin?
A. Papasok ako sa kolehiyo.
B. Papasok ako sa kolehiyo sa isang buwan.
C. Papasok ako sa kolehiyo sa Lungsod ng Lipa sa isang buwan.
D. Kukuha ako ng kursong Edukasyon sa kolehiyo sa Lungsod ng Lipa sa isang buwan.
5. Ang kahalagahan ng sarili (self-worth) ay nababanaag sa iyong _______.
A. kakayahan
B. kahinaan
C. A at B
D. Wala sa A o B
6. Alin sa mga sumusunod ang isang interes?
A. Pagsasabi ng tutoo
B. Paghahalaman
C. Pagsunod sa mga nakatatanda
D. Paniwala sa kulam
7. Ano ang MALI sa mga nasa ibaba?
A. Madaling matuto ang iba ng mga bagong bagay dahil sila ay sadyang matatalino.
B. Lahat ng mga bagong bagay ay maaaring matutunan kung bibigyan ng sapat na atensyon at pagpupursige.
C. May mga bagong bagay na sadyang mahirap matutunan subali’t hindi ito hadlang upang ito ay iwasan.
D. Magkakaiba tayo ng mga kakayahan kaya magkakaiba rin ang paraan nating matutunan ang mga bagong bagay.
8. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng pangmatagalang layunin?
A. Tumama sa isang paripa
B. Maging kapitan ng barangay
C. Maging bilyonaryo
D. Makatapos ng pag-aaral
9. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pagiging positibo?
A. Madikit siya sa superbisor kaya nataas ang kanyang posisyon.
B. Kung hindi sa kanyang napangasawa ay hindi siya yayaman.
C. Sadyang ganito lang ang aking mararating sa buhay.
D. Bukas, ako naman ang tatanghaling kampeon.
10. Paano mo makakamit ang pansariling pag-unlad?
A. Paghingi ng tulong sa mas nakaaalam.
B. Alamin ang kakayahan at kahinaan; pagyabungin ito o bawasan kung kinakailangan.
C. Pag-aralang matutunang gawin ang mga bagong bagay.
D. Lahat nang nabanggit
11. Aling layunin ang mahirap abutin?
A. Makapunta sa Mars sa hinaharap
B. Maging isang espesyalista sa puso
C. Makapagtrabaho sa McDo
D. Lumagay sa tahimik sa idad na 25
12. Kung madali kang matuto ng mga bagay sa pamamagitan ng paggawa mismo ng gawaing ito, alin sa mga sumusunod ang bagay sa iyo?
A. Panonood ng bidyo tungkol sa paggawa ng tinapay.
B. Pagbabasa ng mga bagong resipe sa paggawa ng tinapay.
C. Pagmamasid sa isang panadero habang gumagawa siya ng tinapay.
D. Pagmamasa at paggawa ng tinapay habang tinuturuan ng isang panadero.
13. Napansin mong madali kang matuto ng isang bagay kapag binabasa o nababasa mo ito. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatutulong sa iyo?
A. Instruction Manual
B. Audio-visual kit
C. Recipe Book
D. Textbook
14. Paano mo maitataas ang kahalagahan ng iyong sarili (self-worth)?
A. Imintine ang kasalukuyang kakayahan at kahinaan
B. Payabungin ang kakayahan at kahinaan
C. Bawasan ang mga kahinaan
D. Walang gawin dahil ang iyong kakayahan at kahinaan ay nakatakda na.
15. Kung hindi mo agad makuhang gawin ang isang bagong bagay o pamamaraan, ano ang HINDI mabuti mong gawin?
A. Isiwalat ito sa ibang katrabaho at magpaturo.
B. Ilihim ang kahinaan nang hindi masabihang mahina.
C. Magpaturo sa higit na nakaaalam.
D. Magsanay nang mabuti.