Showing posts with label 2016-2017 ALS A&E practice test. Show all posts
Showing posts with label 2016-2017 ALS A&E practice test. Show all posts

Saturday, November 4, 2017

2016 - 2017 ALS A&E Practice Test - 2

Multiple Choice. Select the letter of the best answer. If no answer is on the list, write e.



1. Naglipana ang mga langaw sa Barangay Tahimik. Napag-alaman ng kapitan na sanhi ito ng malaking babuyan na itinayo malapit sa kabahayan. Saan siya dapat magreklamo?

          a. Bureau of Animal Industry
          b. Department of National Defense
          c. Department of Natural Resources and Environment
          d. Office of the City Mayor

2. Isinilid ng guro sa isang kahon ang 30 binilot na papel kung saan nakasulat ang mga pangalan ng kanyang mag-aaral para sa paripa. Lima lamang ang premyo at hindi maaaring manalo ng higit sa isang premyo ang bawa’t isa. Bubunutin muna ang ikalimang premyo hanggang sa unang premyo. Kung isa ka sa mga estudyante, ano ang tsansang mabubunot ang pangalan mo para sa ikalawang premyo?

          a. 1/30
          b. 2/15
          c. 1/27
          d. 3/10
3. Naglagay ng mothball o pamatay sa ipis sa loob ng aparador ng damit si Aling Marta. Anong proseso ang sanhi ng pagkawala nito pagkalipas ng ilang buwan?

          a. Sublimation
          b. Digestion
          c. Evaporation
          d. Condensation

4. Ang panukalang batas ay inupuan ng mga Kinatawan ng Kongreso. Ano ang mangyayari rito?
         
          a. masisira
          b. maipapasa
          c. mamamatay
          d. maluluma

5. Inaabot ng 45 minuto sa paglalakad si Nardo papunta sa paaralan. Nagsisimula ang kanilang klase ng ganap na ika- 7 at kalahati ng umaga. Nang magising ay nakita niyang 5:40 ang nakarehistro sa orasan. Ilang minuto ang kanyang paghahanda bago umalis ng bahay para hindi siya mahuli sa klase?
         
          a. isang oras at 5 minuto
          b. 55 minuto
          c. isang oras at 15 minuto
          d. 45 minuto

6. Nais makita ng mga dayuhan ang isang halimbawa ng dalubsakahan ng Pilipinas. Saan mo siya dadalhin?

          a. palaisdaan
          b. pantalan
          c. palayan
          d. laboratoryo

7. Inutusan ng guro si Buknoy na sumipi ng mapa ng Australya sa silid-aklatan. Anong bagay ang kanyang hihiramin para ipakopya?

          a. Atlas
          b. Encyclopedia
          c. Dictionary
          d. Globe

8. Amelia considered Armando as her knight in a shining armor. What did Armando does to Amelia?

          a. He courted her with chocolates and flowers.
          b. He served as her prince in “Santacruzan”.
          c. He married her.
          d. He saved her from dangerous or difficult situation.

9. Napansin ni Aida na nawalay siya sa kanyang ina nang magsimba sila sa Baclaran. Ano ang hindi niya dapat gawin?

          a. Maghanap ng isang pulis at magpatulong.
          b. Maglakad-lakad hanggang makita ang ina.
          c. Tawagan ang ina gamit ang kanyang cellphone.
          d. Umupo sa isang tabi, mag-isip at puntahan ang huling lugar na nakita niya ang ina.

Ibatay sa mapa sa ibaba ang pagsagot sa bilang 10 hanggang 15.





10. Ang pinakamalapit na bilihan ng groserya ng mga naninirahan sa Citta Italia ay ang _____.
         
          a. WalterMart
          b. Robin Mart
          c. Makro
          d. SM South Mall

11. Ang Fracisco Motors ay matatagpuan sa ____.

          a. Aguinaldo Highway
          b. Alabang-Zapote Road
          c. South Expressway
          d. wala sa itaas

12. Ang mga palarong pampalakasan ay ginaganap sa ____.
         
          a. Dela Salle – EAC
          b. La Mediterranea
          c. Imus Sports Center
          d. Capitol Dev’t Bank

13. Ilang shopping center ang makikita sa mapa?

          a. lima
          b. walo
          c. anim
          d. pito

14. Ang Ninoy Aquino International Airport ay isang _____.

          a. daungan
          b. himpilan
          c. paliparan
          d. salubungan

15. Ang Citta Italia ay isang _____.

          a. pasyalan
          b. tahanan
          c. subdibisyon
          d. palaruan

16. Nais mag-aplay ni Roberto sa isang kumpanya. Ano ang nararapat na isulat niya sa pamuhatan?

          a. Petsa at lugar kung saan nagmula ang liham
          b. Petsa, pangalan ng taong tatangap ng liham at lugar kung saan dadalhin ang liham
          c. Pangalan ng taong tatanggap ng liham
          d. Pangalan niya

17. Ang angkop na bating panimula sa isang liham-pangkaibigan

          a. Nagmamahal sa iyo,
          b. Tapat na sumasaiyo,
          c. Mahal kong kaibigan,
          d. Kumusta ka na?

18. Para matanggap sa trabaho, ano ang hindi mo dapat gawin sa panayam?

          a. Kausapin ang kilalang opisyal ng kumpanyang inaaplayan para maalalayan.
          b. Paghandaan ang panayam at alamin ang mga bagay-bagay sa kumpanya.
          c. Magsuot ng damit ayon sa trabahong papasukan.
          d. Maging matapat sa pagsagot ng mga tanong sa panayam.  

19. The circumference of a ball is 36 cm. If pi is equal to 3.14, what is the radius of the ball?    
          a. 11.46 cm
          b. 22.92 cm
          c. 5.73 cm
          d. 32.83 cm

20. Which of the following statement is false?

          a. The absolute value of a number is always negative.
          b. The square root of non-zero number has two values.
          c. The sum of two prime numbers is always an even number.
          d. The product of two negative integers is always positive.

21. Kapag pinagsama sa isang garapon ang tubig, mantika at gaas, ano ang mananatili sa gitna?

          a. mantika
          b. tubig
          c. hangin
          d. gaas

22. Kung may inakusahang tao dahil sa paglabag sa batas, pinapalagay na  ____.

          a. inosente siya hanggang hindi napapatunayan.
          b. maysala siya kaya inakusahan.
          c. inamin niya ang kanyang pagkakasala.
          d. tinanggi niya ang kanyang pagkakasala.

23. President Ferdinand E. Marcos proclaimed Martial Law in September 1972 under___.

          a. Proclamation No. 1018
          b. Proclamation No. 1810
          c. Proclamation No. 1081
          d. Proclamation No. 1180

24. Ano ang kahihinatnan ng isang panukalang batas na may pirma ng Kongreso at Senado nguni’t hindi pinirmahan ng Pangulo sa loob ng 30 araw?

          a. Ito ay hindi na magiging batas.
          b. Ito ay ibabalik sa Kongreso upang baguhin.
          c. Ito ay magiging batas, gusto man o ayaw ng Pangulo.
          d. Ito ay ipapapirma sa Punong-Mahistrado ng Korte Suprema upang maging batas.

25. Bukas ang isip ni Aling Marina. Anong katangian mayroon siya?

          a. Marunong siyang bumasa nang iniisip ng ibang tao.
          b. Wala siyang pakialam sa ibang tao.
          c. Tumatanggap siya ng mga katwiran at mungkahi.

          d. Marunong siyang manghula.

Mga Sagot:

Friday, November 3, 2017

ALS A&E Reviewer: Communication Skills

Ang eksamin sa ibaba ay sinipi lamang sa post ni Maxine B. Borado sa Facebook. Ayon sa kanya, ito ay akda ni RM Zantua. Maraming salamat sa kanilang dalawa.


LEARNING STRAND 1 – Communication Skills
1. Anu-anong mga uri ng impormasyon ang kailangang ilagay sa isang bio-data?

a. pangalan, araw ng kapanganakan, address, timbang, taas
b. idolo, paboritong kulay, tipo ng musikang kinahihiligan,
c. pangalan ng mga magulang, estado, relihiyon
d. a at c

2. Nais ni Gani na mag-aplay bilang isang guwardiya. Nagtungo siya sa Mabuhay Security Company. Anong uri ng porma ang kanyang dapat gamitin upang matanggap sa kanyang pag-aaply ng trabaho.

a. sertipiko sa buwis
b. bio-data
c. balota
d. pormang pang-rehistro sa paaralan

3. Nilapitan ng guwardiya ang dalawang nagtatalo sa harap mismo ng kaniyang puwesto. Sinikap ng guwardyana ayusin ang alitan. Ang tono ng boses ng guwardya ay:

a. boses ng awtoridad at nagmamando
b. diplomatiko at mapagkasundo
c. mapagkaibigan at masigla
d. ninenerbiyos at nanginginig

4. Ito ang katangian ng tinig na tumutukoy sa tulin o bagal ng pagsasalita.

a. pitch b. kalidad c. bilis d. bolyum

5. Katangian ng tinig na magpahiwatig ng damdamin.

a. pitch b. kalidad c. bilis d. bolyum

6. Hindi magandang pakinggan ang tinig ng iyong kaibigan. Kailangan niyang pagandahin ang ________  ng kaniyang tinig.

a. pitch b. kalidad c. bilis d. bolyum

7. Ang _______________ ay bahagi ng pahayagan na naglalaman ng ulo ng balita at kadalasang naglalaman din ng balitang internasyonal at lokal, panahon , at indeks.

a. ulo ng balita b.editroyal c. kalakalan d. palakasan

8. Ang _______________ng pahayagan ay seksiyon na naglalaman ng mga balitang pinansiyal at nauukol sa negosyo o kalakalan.

a. ulo ng balita b.editroyal c. kalakalan d. palakasan 

9. Isang listahan ng mga ideyang inayos upang maipakita ang relasyon ng mga ito sa komposisyon

a. pagbabalangkas b. balangkas c. klasipikasyon d. pangunahing ideya

10. Ito’y mga kuwentong bayan na ang mga tauhan sa kuwento ay mga hayop na kalimitan ay kapupulutan ng aral. Ano ito?

a. nobela b. epiko c. pabula d. elehiya

11. Ito ang maapoy na nobelang sinulat ni Dr. Jose Rizal laban sa mga Kastila.

a. Noli Me Tangere
b. Kahapon, Ngayon at Bukas
c. Doctrina Christiana
d. A Fly in a Glass of Milk

12. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng mga akda?

a. sanaysay
b. alamat
c. nobela
d. parabola

Direction: Choose the one word or phrase that best completes the sentence.

13. I usually watch the television while I ____________ for the food.

a. am waiting b. waiting c. waited d. waits

14. Libby __________ while he was waiting for his wife.

a. sung b. sang c. sing d. sings

15. Ruth is going to wait until Victor __________his tea.

a. finished b. finish c. had finished d. has finished

16. Elsa _________ French since she has been attending weekend classes.

a. has learned b. had learned c. had finished d. has finished 

Direction: Read the sentence(s) after each number. Select the word that means nearly the same as the Italicized word from the options that follow.

17. The dean was adamant. “Attend your PE classes or you don’t graduate. No arguments.”

a. vague b. friendly c. firm d. confused

18. There are many things about the library that makes it conducive for study: good lighting quiet surroundings, and presence of reference books.

a. harmful b. cold c. unattractive d. helpful

19. Did you plan to meet your brother for lunch, or was your meeting at the restaurant fortuitous?

a. on purpose b. unlikely c. by chance d. Welcome

20. The noise in the nursery-school classroom was incessant. The crying, laughing, and the yelling never stopped for a second.

a. pleasant b. continuous c. noisy d. surprise

ANSWERS:


ALS A&E Reviewer: Critical Thinking and Problem Solving

Ang eksamin sa ibaba ay sinipi lamang sa post ni Maxine B. Borado sa Facebook. Ayon sa kanya, ito ay akda ni RM Zantua. Maraming salamat sa kanilang dalawa.



LEARNING STRAND 2 – Critical Thinking and Problem Solving

1. Upang mabuhay nang malusog at masigla sa iyong pagtanda, dapat ay _______________________.

a. kumain nang wasto at regular na pag-ehersisyo
b. magkaroon ng mga magulang na malusog at masigla
c. magsaya ka sa buhay
d. lahat ng mga nabanggit sa itaas

2. Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata __________.

a. maraming-maraming sex hormone ang nagagawa ng katawan
b. lumalaki ang mga kamay at paa ng tao
c. nagbabago ang hugis ng katawan ng tao
d. lahat ng mga nabanggit sa itaas

3. Buntis ang babae kapag __________.

a. nagaganap ang ovulation
b. nagaganap ang fertilization
c. kapag kumapit ang cell mass sa kanyang matris
d. simula nang marinig ang pagtibok ng puso ng fetus

4. Tinatawag ang pagsasama ng egg cell at sperm cell na __________.

a. fertilization b. ovulation c. menstruation d. puberty

5. Nag-uumpisa ang kakayahang magparami o mag-reproduce sa __________.

a. adolescence b. adulthood c. childhood d. infancy

6. Ang tanging pagbabagong sexual na parehong nagaganap sa mga lalaki at babae ay __________.

a. paglaki ng mga suso
b. paglaki ng mga kalamnan o muscles
c. pagiging mataba
d. pagkakaroon ng pubic hair

7. Isang komunidad ng mga organismo na may kaugnayan sa bawat isa at sa mga salik na bumubuo sa kanilang kapaligiran.

a. Forestation
b. Urbanization
c. Ecosystem
d. Wala sa nabanggit

8. Ang pagbago sa mga kagubatan at mga tirahan ng mga organismo upang gawing tirahan ng mga tao, daan at industriya.

a. Ruralization
b. Urbanization
c. Deforestation
d. Wala sa nabanggit

9. Ito ay isang pangunahing organo ng circulatory system.

a. dugo b. puso c. ugat d. elula ng dugo

10. Ano ang pangunahing gamit ng circulatory system?

a. Pinaiikot nito ang dugo sa buong katawan.
b. Sinusuportahan nito ang katawan at pinoprotektahan ang mahahalagang organo nito.
c. Dinudurog nito ang pagkain upang magamit ng katawan.
d. Ito ang responsible sa paglanghap ng oksiheno at pagbuga ng carbon dioxide

11. Ano sa mga sumusunod ang halimbawa ng ecosystem?

a. ilog b. paso c. basurahan d. lahat nang nabanggit

12. Ano sa mga sumusunod ang hindi organismo?

a. tao b. hangin c. saging d. ipis

13. __________ ang sukatan ng pagiging estabilisado sa isang ecosystem.

a. Biodiversity b. Ebolusyon c. Food chain d. Energy flow o pagdaloy ng enerhiya

14. Ang panlabas na bahagi ng balat

a.dermis b.epidermis c.glandula d.hair follicle

15. Butas na nakapaligid sa ugat ng buhok o balahibo;

a.dermis b.epidermis c.glandula d.hair follicle

16. Ang mga higanteng alon sa dagat na sanhi ng isang lindol sa ilalim ng karagatan ay tinatawag na

a. plate b. fault c. pagtaas at pagbaba ng tubig d. tsunami

17. Ang pag-alog at pagyanig na resulta mula sa biglang paggalaw ng bahagi ng ilalim ng mundo ay kilala bilang _____________________.

a. pagguho ng lupa b. pagdaloy ng putik c. lindol d. tectonic plate

18. Ano ang mga paraan sa kaligtasan na kailangang sundin ng mga tao bago maganap ang isang lindol?

a. magsagawa ng mga pagsasanay para sa sunog
b. magsagawa ng mga pagsasanay para sa lindol
c. magsagawa ng mga pagsasanay para sa militar
d. magsagawa ng mga pagsasanay para sa calisthenics

19. Isa sa mga sistem ng ating katawan na responsable paglaban sa mga masasamang organismo na sumisira sa ating immune system.

a. Circulatory System b. Lymphatic System c. Respiratory System d. Muscular System

20. Mga sakit ng lympahtic system

a. AIDS b. elephantiasis c. edema d. lahat ng nabanggit

21. Ang sistema ng mga organ na may kinalaman sa pagtatanggal ng dumi sa katawan sa pamamagitan  ng paglikha ng ihi.

a. Excretory System b. Endocrine System c. Circulatory System d. Digestive System

22. Pagkatapos ng tatlong buwan sa sinapupunan ng ina, ang fetus ay __________.

a. handa nang maisilang
b. nagkaroon ng malaking katawan at maliit na ulo
c. mukhang maliit na tao
d. may kumpletong mga organ system subalit hindi pa rin kayang mabuhay nang mag isa

23. Upang mabuhay nang malusog at masigla sa iyong pagtanda, dapat ay __________.

a. kumain nang wasto at regular na pag-ehersisyo
b. magkaroon ng mga magulang na malusog at masigla
c. magsaya ka sa buhay
d. lahat ng mga nabanggit sa itaas

24. Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata __________.

a. maraming-maraming sex hormone ang nagagawa ng katawan
b. lumalaki ang mga kamay at paa ng tao
c. nagbabago ang hugis ng katawan ng tao
d. lahat ng mga nabanggit sa itaas

25. Panghihina ng mga buto dahil sa kawalan ng calcium lalo na sa mga matatandang babae.

a. Kyphosis b. Osteoporosis c. Osteoarthritis d. Dementia


ALS A&E Reviewer: Sustainable Use of Resources/Productivity

Ang eksamin sa ibaba ay sinipi lamang sa post ni Maxine B. Borado sa Facebook. Ayon sa kanya, ito ay akda ni RM Zantua. Maraming salamat sa kanilang dalawa.



LEARNING STRAND 3 – Sustainable Use of Resources / Productivity
1. May isang tindahan lamang ang Barangay Malayo na nagbebenta ng mga pangangailangang pang-araw-araw. Bumibili sa tindahang ito sa mataas na presyo o kaya’y nagbibyahe pa nang malayo papuntang poblasyon para makabili ng mas murang produkto ang mga nakatira dito. Makakatulong ang isang kooperatiba sa Barangay Malayo sa pamamagitan ng . . .

a. pagbili ng isang dyip na magagamit ng mga taga-barangay para makapunta sa mga tindahan
sa poblasyon
b. pagtatayo ng isang tindahan sa komunidad na magbebenta ng mga produkto sa makatwirang
presyo
c. paggawa ng daan upang mabilis na makarating sa poblasyon
d. pagtuturo sa mga miyembro nito na kaunti lamang ang ikonsumo o pagkasyahin na lamang
ang kakaunti

2. May kasanayan sa pagbuburda ang mga taga-Barangay Sampaguita. May mga order sa kanila ang maraming tindahan sa Maynila. Pero wala silang sapat na puhunan para makabili ng tela at sinulid. Wala silang magawa kundi umutang ng pampuhunan sa mga usurero na nagpapatong ng napakataas na  interes. Makakatulong sa Barangay Sampaguita ang isang kooperatiba sa pamamagitan ng . . .

a. pakikipag-usap sa mga usurero na huwag magpatong ng mataas na interes
b. ipaalam sa mga tao na may iba pang usurero na may mas mababang patong na interes
c. pagpapautang sa mga taga-barangay at pagpapatong ng mas mababa at mas makatwirang interes
d. pagtuturo sa mga taga-barangay ng iba pang posibleng mapagkakakitaan.

3. Kapag natuto ang mga miyembro nang kahalagahan ng kooperatiba tulad ng pag-asa sa sarili at puspusang paggawa, nakikinabang din ang komunidad. Paano?

a. Ang mga miyembro ng kooperatiba ay miyembro din ng komunidad. Ang mga
pinahahalagahan sa buhay na natutuhan nila sa kanilang kooperatiba ay nakakatulong din para maging mabuting miyembro ng kanilang komunidad
.

b. Pinipilit ng kooperatiba ang mga miyembro nito na lumahok sa mga gawain ng komunidad.
c. Itinuturo ng kooperatiba ang mga kurso sa pag-aaral ng mga kahalagahan (values education)
sa hay-iskul ng kanilang lugar.
d. wala sa nabanggit

4. Marunong gumawa ng pastilyas at iba pang pangmatamis ang taga-Barangay Matamis. Minsan sa  isanglinggo, pumupunta sa kanila ang mga mamamakyaw at bumibili ng kanilang produkto. Dahil dito, kailangang pagbutihin ang paggawa ng mga produktong ito. Kailangan nang dedikasyon at pag-iingat  ang paggawa ng ganitong produkto kaya nagtataka sila kung bakit napakaliit ng bayad sa kanilang mga  minatamis.Nagdesisyon silang magtayo ng kooperatibang makatutulong sa kanila na makakita ng mga  mamimili na nakahandang magbayad ng mataas na presyo. Ang uri ng kooperatibang ito ay tinatawag na_____________.

a. kooperatibang pamprodukto
b. kooperatibang pampamilihan
c. kooperatiba ng kendi
d. kooperatibang pangmamimil

5. Kilala na napakahusay na mga sapatero ang bayan ng Caminar. Nakakakuha sila ng malalaking order mula sa maraming tindahan sa Maynila. Pero lagi naman silang kinukulang ng mga suplay para sa produksiyon tulad ng balat, bakel, at pangkulay. Gusto din nilang mapahusay ang disenyo ng sapatos para maibenta ito sa mga eksporter. Nagdesisyon ang mga sapatero na magtayo ng kooperatibang makapagbibigay sa kanila ng mga maaasahang suplay na may mas mababang presyo. Tutulong din ang kooperatiba sa pagbili ng mga kagamitan at makina na makapagpapahusay ng kalidad ng kanilang
sapatos. Ang uri ng kooperatibang ito ay tinatawag na ____________________.

a. kooperatibang pamprodukto
b. kooperatibang pampamilihan
c. kooperatiba ng sapatos
d. kooperatibang pangmamimili

6. Nagbibigay ng oportunidad ang mga kooperatiba sa pag-aaral at pagsasanay sa mga miyembro nito para ____________________.

a. mapahusay ang kanilang kasanayan at magkaroon sila ng mas magandang kabuhayan
b. matutuhan nila ang mga importanteng bagay sa pagpapatakbo ng maliit na negosyo
c. matuto silang umasa sa sarili at magtrabaho nang puspusan
d. lahat ng nakasaad sa itaas

7. Ano ang unang ibinibigay sa biktima ng aksidente upang mabawasan ang sakit na nararamdaman at mailigtas ang biktima kung walang doktor?

a. antibiotiko
b. pangunang lunas
c. oxygen
d. pagsasanay sa pangunang lunas

8. Tungkol saan ang Article 162 ng Batas sa Paggawa o Labor Code? 

a. Karapatan ng manggagawa sa ligtas at maayos na kapaligiran sa lugar ng paggawa
b. Karapatan ng mga babae at mga anak sa lugar ng paggawa
c. Istandard na estruktura at disenyo ng gusali
d. Serbisyong pangkalusugan para sa mga manggagawa

9. Alin sa mga sumusunod ang pinakamagandang halimbawa ng target sa pagtitinda?

a. makakuha ng P 25,000 mula sa pagtitinda ng prutas
b. magtinda ng prutas magtinda ng komiks na nagkakahalaga ng P 50,00.00
c. magtinda ng komiks na nagkakahalaga ng =P50,00.00
d. Makakuha ng P 10,000.00 sa loob ng isang buwan sa pamamagitan nang pagtitinda ng gulay

10. Marunong kang magkumpuni ng elektrikal na kagamitan at iba pang kagamitan sa loob ng bahay. Ano ang negosyong maaari mong pasukin?

a. magtinda ng mga muwebles
b. mag-alok ng pag-aayos ng mga kasangkapang elektrikal
c. bumili at magtinda ng mga kasangkapang elektrikal
d. magtayo ng mga bahay

11. Nagtitinda si Ana ng ice candy tuwing tag-init, sa halagang P1 ang isa. Isang araw, nalaman niya na nagtitinda din ng ice candy ang kanyang kapitbahay na si Carla sa halagang 75 sentimos naman ang isa. Kung ikaw si Ana, ano ang gagawin mo?

a. Tumigil sa pagtitinda ng ice candy
b. Ibaba ang iyong presyo sa halagang 75 sentimos bawat isa
c. Magbigay ng isang libreng ice candy sa bawat limang pirasong bibilhin
d. Paratangan si Carla ng hindi patas na kumpetisyon

12. Alin sa sumusunod ang hindi klasipikasyon ng gulay?

a. madahon b. leguma c. lamang-ugat d. wala sa itaas

13. Alin sa sumusunod na pestisidyo ang hindi lubhang nakapipinsala?

a. DDT b. Pestisidyong may mercury c. Pestisidyong organophosphate d. Heptachlor

14. Alin sa sumusunod ang hindi pestisidyo?

a. parricide b. insecticide c. herbicide d. fungicide

15. Alin sa sumusunod na pamamaraan ang nakasasama sa kapaligiran?

a. pag-iiba-iba ng mga pananim
b. paggamit ng mga mabubuting insekto
c. pagsasama ng mahahalimuyak na damong-gamot sa mga karaniwang pananim
d. paggamit ng mga pataba


ALS A&E Reviewer: Development of Self and Sense of Community

Dahil sa nalalapit na ang pagsusulit, mag-ensayo tayong mabuti sa pagsagot ng mga reviewer kahit ito ay giya lamang.




Ang sumusunod ay sinipi sa post ni Maxine B. Borado sa Facebook.

LEARNING STRAND 4 – Development of Self and A Sense of Community

1. Ang pagiging responsible at mapagkakatiwalaan ay nangangahulugan ng pagiging tapat, magalang at
maunawain sa kalagayan ng tao, marunong magtimpi, may sariling paninindigan at 
____________________.

a. pagiging makasarili
b. may paggalang sa sarili
c. hindi nagmamadali na tapusin ang kanyang gawain kahit na alam niyang may mga
naghihintay sa kanyang mga gawain
d. hindi ginagawa ang kanyang tungkulin, lalong-lalo na kung walang nakakakita

2. Ang mga taong responsible ay sumusunod sa mga batas trapiko kahit na walang pulis na nakabantay 
dahil
_________________.
a. ayaw nilang mahuli ng pulis o tagapamahala ng trapiko
b. takot sila sa maaring gawin sa kanila ng mga tagapamahala ng trapiko sakaling mahuli
c. mawawalan sila ng dangal kung mahuli sila ng pulis o tagapamahala ng trapiko
d. alam nila kung lalabagin ang mga batas-trapiko, magiging sagabal ito sa tuluyan at maayos na
daloy ng trapiko

3. Alin sa mga sumusunod ang kilala sa pag-gawa ng hagdang palayan o rice terraces?

a. Aeta b. T'boli c. Ifugao d. Mangyan

4. Ang Pagdiwata ay sayaw ng mga Tagbanua ng Palawan. Ginagawa ito para ipakita ang ang 
pasasalamat sa magandang ani at para humingi ng proteksiyon at pabor sa mga diyos.

a. tama b. siguro c. mali d. wala sa nabanggit

5. Kailangang ipakita mo ang iyong pag-alala at pag-galang sa ibang tao sa pamamagitan ng pagtapos 
ng iyong mga nasimulang gawain kahit may mga iba ka pang personal na pagkakaabalahan at 
karamdaman sapagkat _______________

a. sinabihan ka ng iyong nanay o boss na gawin mo ito
b. gusto mong magyabang sa ibang tao
c. may mga taong umaasa sa iyong produkto, serbisyo at gawain
d. ang tatanggapin mong bayad ay malaki

6. Ang paggalang ay pagtanggap _______________________

a. sa ibang tao sa kabila ng kanilang kapansanan
b. lamang sa kanyang sarili
c. sa isang taong masama
d. sa mga taong gumagawa nang masama sa kapwa

7. Sinasabing ang pag-aasawa ay lehitimo o tunay dahil ________________________________

a. ito ay pinapayagan at pinagtibay ng batas
b. ang mga di-kasal o hiwalay na tao lamang ang maaaring magpakasal
c. ang mga taong nagpapakasal ay nagmamahalan
d. ito ay isang panghabang-buhay na pagsasama

8. Alin sa mga sumusunod na kasalan ang ipinagdiriwang ng isang hukom o alkalde?

a. Simbahang kasalan c. Kasalang Pantribo c. Kasalang sibil d. Kasalang Barangay

9. Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa kontrata ng kasal ang hindi totoo?

a. Palaging nakasulat ang mga kontrata sa kasal
b. Ipinapaliwanag ng kontrata sa kasal ang mga karapatan at obligasyon ng mag-asawa sa isa’t
isa
c. Kinikilala ng batas ang mga kontrata sa kasal.
d. Kinikilala ng simbahan ang mga kontrata sa kasal.

10. Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang wasto sa kinakailangang gulang o taon sa pag-aasawa sa ilalim ng batas-sibil ?

a. Ang pares ay kinakailangang may 18 gulang o mababa
b. Ang pares ay kinakailangang may 18 gulang o pataas.
c. Ang lalaki ay dapat may 18 gulang o pataas habang ang babae ay dapat 18 gulang o mababa.
d. Wala sa itaas.

11. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang pares na may pagkakaiba sa pinansyal at katayuan 
sa buhay?

a. Ang lalaki ay mayaman, ang babae ay mahirap
b. Ang lalaki ay 48 gulang, ang babae ay 30
c. Katoliko ang lalaki, ang babae ay Saksi ni Jehovah
d. Mataba ang lalaki, payat ang babae.

12. Isang organisasyon ng mga kababaihan ang GABRIELA na nagmula pa sa Estados Unidos at may 
sangay dito sa Pilipinas.Ang mga sumusunod ay kanilang mga pinagkaka-abalahan, maliban lamang sa:

a. pagbebenta ng mga kabataan sa iba’t ibang mga bansa
b. paglalako ng sex
c. pagkakaroon ng asawa sa pamamagitan ng koreo
d. relasyong pangkasarian sa bansa ng Asya at Amerika 

13. Nagdudulot ng kaguluhan sa pamayanan ang mga kilos protesta. Kailangang ipagbawal ang mga ito 
sa business areas, workplace, unibersidad at eskwelahan at ahensya ng pamahalaan. Ikaw ba ay:

a. sang-ayon b. hindi sigurado c. di sang-ayon d. wala sa nabanggit

14. Ang pagkakaroon ng kaalamang pulitikal ay hindi nangangahulugang pagpunta sa lansangan at 
pagsama sa mga kilos protesta.

a. sang-ayon b. hindi sigurado c. di sang-ayon d. wala sa nabanggit

15. Alin sa mga sumusunod ay katangian ng isang huwarang empleyado?

a. Tinitiyak ni Vanessa na marami siyang natatapos na gawain sa isang araw. Alam naman
niyang titingnan ng kanyang boss kung may pagkakamali siyang nagawa.
b. Tinitiyak ni Neil na palagi siyang nakahanda ano mang oras na kakailanganin siya ng kanyang
boss.
c. Ginagawa ni Richard ang mga gawain ng mga kasamahan niya kahit hindi ito ipinapagawa sa
kanya.
d. Kung maaari, iniiwasan ni Norman ang iba niyang kasamahan dahil sa gusto niyang
magtrabaho nang mag-isa.

16. Ang pagpasok nang maaga sa opisina ay tanda ng ___________.

a. isang responsableng empleyado
b. isang taong may kusang-gawa
c. isang taong madaling makibagay
d. isang taong may sariling-sikap

17. Mahilig si Jose sa mga gawaing may kaugnayan sa mga numero. Ang dapat niyang maging trabaho 
ay
__________.
a. kusinero c. konduktor ng bus b. barbero d. mekaniko
18. Sa paghahanap ng trabaho, ang una mong dapat gawin ay _________.
a. maghanap sa mga palathala o advertisements
b. magpainterbyu
c. ihanda ang bio-data
d. magpadala ng bio-data

19. Ano ang mga karaniwang kailangan sa paghahanap ng trabaho?

a. bio-data, resumé, application form
b. bio-data, application form, NBI Clearance
c. bio-data, NBI Clearance, rekord sa eskwelahan
d. application form, rekord sa eskwelahan, resumé

20. Nangyayari ang labis na stress kapag naaapektuhan ang iyong katawan dahil sa lubusang pagkagipit.  Alin sa sumusunod ang hindi pisikal na patunay ng labis na stress?

a. madalas na sipon
b. pag-iba sa gana ng pagkain
c. nananakit na likod
d. namamagang mga paa