Learning Strand IV & V – Development of Self and Sense of Community/ Expanding One’s World Vision
(Image from http://www.wowparadisephilippines.com/kadayawan-festival-davao-city.html)
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang isang
huwarang ama ay hindi nagpapakita ng ganitong katangian:
A.
Pagbibigay ng oras at panahon tuwing Sabado at Linggo
B. Pagsusugal at pag-inom ng alak kasama
ang barkada
C. Pagtulong
sa pag-aalaga ng mga anak
D.
Paghahanapbuhay para sa pamilya
2. Ang mga
deboto ay dumarayo sa Quiapo tuwing Enero sa pagdiriwang ng ______.
A. Pista ng Itim na Nazareno
B. Pista ng
Sto. Nino
C. Pista ng
Birhen Sto. Rosario
D. Pista ni
San Juan de Bautista
3. Ang “Unity in Diversity” ng mga bansa at kultura sa mundo ay
makakamtan sa pamamagitan ng _____.
A. pagtataguyod ng interes ng sariling bansa
B. pagbuo ng samahang internasyunal laban sa malalaking bansa
C. pagkilala at pag-unawa sa
pagkakaiba ng kultura ng bawa’t bansa
D. pagtanggap ng pamumuno ng mga malalaki at mayayamang bansa
4. Nakatapos si Clara ng Junior High School subali’t dahil
sa kahirapan ay hindi na siya nakapagpatuloy pa ng pag-aaral. Nagtrabaho siya
sa umaga at kumuha ng kurso sa Tesda hanggang makatapos siya ng kursong
Commercial Cookery. Siya ngayon ay
nagmamay-ari ng pamosong restaurant sa bayan. Anong katangian mayroon si Clara?
A. matapat
at mapagkumbaba
B. masayahin
at magiliw
C. matiyaga at determinado
D. ambisyosa
at mayabang
5. Isa sa
mga bansang nasa ibaba ay hindi nabibilang sa pinakamayayamang bansa sa mundo?
A. China
B. Japan
C. Amerika
D. Malaysia
6. Mainam
ang kampanyang “Laban Kontra Droga” ng Pangulong Duterte dahil ______.
A. maiiwasan
ang pang-aabuso sa kababaihan at kabataan
B. maiiwasan
ang pagkalat ng krimen
C.
maisasalba ang mga taong gumagamit ng droga
D. lahat nang nabanggit
7. Bagong
lipat ang iyong kapitbahay na si Monica. Maigsi siyang magdamit, naninigarilyo,
at laging mamula-mula ang mga labi at pisngi. Paano mo maipakikita ang
magandang pakikitungo sa kanya?
A. Tumingin
sa kanyang negatibong katangian
B. Umayon
kung ano ang iyong unang pagkakilala sa kanya
C. Kilalanin muna siya bago humusga
D. Lahat
nang nabanggit
8.
Maipapatupad nang maayos ang anumang proyekto sa barangay kung susundin lamang
ang mga panukala sa ibaba maliban sa ______.
A. Mag-isang gagawin ng lider ang mga
proyekto upang hindi makaabala sa mga kabarangay
B. May
partisipasyon sa pagpaplano ang mga naninirahan sa barangay
C. Hinihingi
ang opinyon ng bawa’t naninirahan sa barangay
D.
Pinapayagang magbigay ng mungkahi ang sino mang naninirahan sa barangay
9. Ang mga
batang Pilipino ay may mga karapatan. Hindi kabilang dito ang ____.
A.
makapaglaro
B. makapagtrabaho
C. mahubog
ang potensyal
D. ipanganak
at magkaroon ng pangalan
10. Isa sa
mga indikayon ng maunlad na ekonomiya ay ang ______.
A. pagdagsa
ng mga produkto mula sa labas ng bansa
B. mataas na
unemployment rate
C. laki ng
populasyon kumpara sa laki ng bansa
D. maayos na sistema ng transportasyon
11. Bilang
tagapagitan sa isang sigalot na kinasasangkutan ng dalawang pangkat, ano ang
nararapat mong gawin?
A. panigan
kung sino ang nabugbog o naagrabiyado nang husto
B. sisihin
ang naunang nanakit
C. pakinggan ang bawa’t panig bago magbigay
ng payo at desisyon
D.
pagbawalang magkita pa ang dalawang panig
12. Ang
banyagang institusyong ito ay nagpapautang ng pantustos para sa mga proyektong
pagpapaunlad ng isang bansa. Ano ito?
A. United
Nations
B. World Bank
C.
Development Bank of the Philippines
D. Land Bank
of the Philippines
13. Ang
kahulugan ng pagtingin sa sarili ay _____.
A. pananaw
ng iyong pamilya sa iyo
B. pananaw
ng mga kaibigan mo sa iyo
C. pananaw
mo sa iyong pamilya
D. pananaw mo sa iyong sarili
14. Nakikilala
ang pangkat etnolingguistikong Pilipino ng mga pangkat dahil sa kanyang wikang
ginagamit. Ano sa mga sumusunod ang ginagamit ng mga Bisaya?
A. Ilonggo
B. Waray
C.
Hiligaynon
D. lahat nang nabanggit
15. Nakita
mong sinira ng iyong kapitbahay ang bakod ng kabila mong kapitbahay na walang
tao. Ano ang dapat mong gawin?
A. Kausapin siya nang maayos na mali ang
kanyang ginawa
B. Huwag
siyang pansinin
C.
Pagsalitaan siya ng masama
D. Gamitan
siya ng dahas
16. Ano ang
pangunahing gawain ng mga Muslim sa buwan ng ramadan?
A.
Nagkakawanggawa
B. Nag-aayuno
C.
Nagsasayaw
D.
Nakikipagkaibigan
17. Anong
isyung pagkapaligiran ang kasalukuyang hinahanapan at patuloy na hinahanapan ng
solusyon sa buong mundo?
A. Polusyon
B. Terorismo
C. Erosyon
D. Droga
18. Ang
karapatang pansarili ( right to privacy) ay mahalagang karapatan ng bawa’t isa.
Ito ay maaaring maipamalas sa pamamagitan ng ______.
A. Pagsasabi
sa iba ng mga sekreto ng iyong kaibigan
B. Pagbasa
sa mga mensahe sa cell phone ng iyong kaibigan
C. Hindi pagbukas ng liham na hindi
nakapangalan sa iyo
D, Pagbukas
at pagbasa ng sulat na hindi sa iyo
19. Sina
Kiko at Kikay ay kapwa labing-anim na gulang pa lamang. Masyado silang mapusok
kaya nais na nilang magpakasal. Bilang kaibigan, ano ang maipapayo mo sa
dalawa?
A. Huwag
magpadala sa payo ng iba bagkus sundin ang bugso ng damdamin
B. Mag-asawa
nang maaga at saka magtapos n pag-aaral
C. Tapusin muna ang pag-aaral, maghanap ng
trabaho at saka magpakasal
D. Ituloy
ang balak dahil hindi hadlang ang idad sa pag-iibigan
20. Huminto
na sa pag-aaral si Monico dahil nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot.
Kasalukuyan siyang nasa isang rehabilitation center at iniwan na ng ibang mga
kaibigan. Tanging ang ina ang kanyang karamay. Paano mo matutulungan si Monico
upang mabigyan siya ng bagong pag-asa?
A. Makipagtulungan sa mga ahensiya ng
pamahalaan na makatutulong sa kaso ni Monico
B. Alukin at
akitin siyang bumalik sa dating bisyo upang makalimutan ang problema
C. Ikalat at
ipamalita ang kalagayan ng kaibigan
D. Isuplong
siya sa kapulisan upang mabigyan ng karampatang parusa
21. Ang
isang taong nagtataglay ng mga katangian sa ibaba ay makaiiwas sa mga personal
na away.
A. pagiging
masipag at determinado
B. pagiging mapagkumbaba at mahabang
pasensya
C. pagiging
masikap at matipid
D. pagiging
mainitin ang ulo at mahusay sa pakikipagtalo
22. Ano ang
maaaring maging epekto ng masigasig na pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga
bansang Russia, China, at Malaysia?
A. Maaaring
pag-interesan ng mga nasabing bansa ang ating teritoryo
B. Maraming
pagawaan ang magsasara at lililipat sa nasabing mga bansa
C. Magiging masigla ang pakikipagkalakalan
natin sa nasabing mga bansa
D.
Magkakaroon ng hidwaan ang mga nasabing bansa
23. Ang
stress ay hindi maaaring bumaba sa pamamagitan ng _______.
A.
pagmumuni-muni
B. sapat na
tulog
C. pag-eehersisyo
D. pag-inom ng alak
24. Inaalala
natin ang ating mga namayapang mahal sa buhay sa pamamagitan ng paglilinis ng
kanilang mga nitso, pag-aalay ng mga bulaklak, at pagitirik ng mga kandila. Sa
anong petsa natin ipinagdiriwang ang Araw ng mga Yumao?
A. April 9
B. January 1
C. November 2
D. August 21
25.
Nagtatrabaho si Marissa sa Hongkong. Nagsusuot siya ng damit Maria Clara tuwing
may okasyon doon upang ipakita na siya ay ______.
A. Amerikano
B. Pilipina
C. Tsino
D. Haponesa
26. Ano sa
mga sumusunod ang hindi tungkulin ng isang Pilipino?
A. Pumili ng sagisag o simbolo ng bansa na
nais ikarangal at isantabi ang iba
B. Igalang,
ikarangal, at bigyan ng pagkakaisa ang mga pamana, pagpapahalaga at tradisyon
C. Sumali sa
makabuluhang gawain para sa kanyang sarili at pamilya nang karapat-dapat sa
karangalan ng isang tao
D. Tumulong
sa pag-unlad, kapakanan, at pagkakaisa ng buong bansa
27. Nakita
ni Manuel na nagtatapon ng basura malapit sa kanilang bakod si Igme. Agad niya
itong sinita at sinabing huwag doon itapon ang basura nito at hintayin ang trak
na humahakot ng basura. Sinagot siya ni Igme at sinabing huwag siyang
pakialamanan at utusan.
Kung ikaw si
Igme, ano ang dapat mong iginawi ng pagkakataong iyon?
A. I-report
si Manuel sa mga pulis upang matuto at hindi tularan ng iba
B. Manghingi
ng paumanhin at iwanan ang basura pagkaalis ni Manuel
C. Sagutin
ng may mataas na tono upang mapagtanto ni Manuel ang kanyang pagkakamali
D. Manghingi ng paumanhin kay Manuel at
hintayin ang trak na basura
28. Nararapat
na makialam ang United Nations sa mga bansang kasapi nito upang _____.
A. patunayan
ang karapatan at lawak ng kapangyarihan nito
B.
pagsilbihan ang sarili nitong interes
C. mapangalagaan ang pananatili ng
kapayapaan sa buong mundo
D.
pangalagaan ang karapatan ng mga maliliit na bansa
29. Alin sa
mga sumusunod ang maituturing na salik sa integrasyon ng mga bansa sa daigdig
ngayon?
A. ang paglaganap ng teknolohiya sa
internet
B. ang
pagbagsak ng mga rehimeng awtoritaryan sa Gitnang Silangan
C. ang
pagtukoy sa mga bansang terorista
D. ang
pangrelihiyong isyu sa Afghanistan
30. Kung
ginagampanan ng bawa’t miyembro ng pamilya ang kani-kanilang tungkulin,
magreresulta ito sa ______.
A. hindi
pagkakasundo sa bawa’t tungkulin
B. pagkakasundo at may payapang pamumuhay
C. aasa sa
masipag na kasapi ng pamilya
D. pagkilala
sa maling nagawa ng bawa’t isa
31. “Huwag
kang bibitiw! Subukan mo lang hanggang makamit ang tagumpay.” Anong mabuting
katangian ang ipinahihiwatig ng mga pangungusap na ito?
A.
makatarungan
B. matipid
C. matiyaga
D. maagap
32. Kalilipat
mo lamang at ang iyong pamilya sa Barangay Loob. Nais mong makibahagi sa mga
gawaing pampaunlad sa inyong barangay. Ano ang dapat mong gawin?
A. pumunta
sa istasyon ng pulis upang magtanong
B. humingi
ng tulong sa iyong kapitbahay
C. gumawa ng
sarili mong proyekto
D. pumunta sa baangay hall at magtanong
kung ano ang mga proyekto nito
33. Ano ang
nabanggit sa ibaba ang itinuturing na karapatang sibil?
A. bumuto
B. makaroon
ng ari-arian
C. maging
malaya
D. pumili ng
relihiyon
34. Ang
pagluluwas ng ating mga produkto sa ibang bansa ay nagdudulot ng kabutihan para
sa atin. Isa na rito ang ______.
A. pagtaas
ng presyo ng mga bilihin
B. pagdami
ng turista
C. paglabas
ng dolyar sa bansa
D. pagpasok ng dolyar sa bansa
35. Makakamtan
ang “Unity in Diversity” sa pagitan ng mga bansa kung ________.
A. Magsasama
ang malalaki at mayayamang mga bansa
B. Kikilalanin at uunawain ng ang bawa’t
bansa ay may iba’t ibang kultura
C. Sasapi
ang maliliit na bansa sa mga samahang internasyunal
D.
Itataguyod ng bawa’t bansa ang sarili nitong interes
36. Paano
maisusulong ang proyektong Gender and Development (GAD) at gender equality?
A. Pagkilala
na magaling sa Mathematics ang mga lalaki at sa English naman ang mga babae
B. Mga batang
lalaki lamang ang maaaring maglaro ng baril-barilan
C. Maaaring maghugas ng plato ang mga anak
na lalaki at babae
D. Kulay
pink ang dapat isuot ng babae at blue naman sa lalaki
37. Bilang
bahagi ng poamayanan, paano mo maipakikita ang iyong aktibong pakikilahok sa
proyektong “Harap Mo, Linis Mo”?
A. Hindi ako
makikinig sa mga pahayag ng mga nakilahok
B. Magmumungkahi ako ng mga makabuluhang
paraan upang hindi kumalat ang basura
C.
Makikipagkuwentuhan ako sa aking mga kaibigan habang nagsasalita ang iba
D. Uuwi ako
kahit hindi pa tapos ang pulong
38. Ang pagiging matapatg ay masasalamin sa pangungusap na ito:
A. Nagsasabi ako ng totoo anuman
ang kahihinatnan
B. Iniipon ko sa alkansiya ang bahagi ng aking baon
C. Iniingatan ko ang aking mga gamit para di agad masira
D. Tinatapos ko agad ang aking takdang aralin bago manood ng TV
39. Napapabayaan ng iyong kaibigan ang kanyang pag-aaral dahil mas
maraming oras niya ang iginugugol sa mga gawain ng kaniyang relihiyon. Ano ang
maipapayo mo sa kanya?
A. Tumigil na lamang sa pag-aaral at magpakarelihiyoso
B. Ipagpatuloy ang ginagawa dahil pupunta siya sa langit kahit hindi
nag-aaral
C. Pagtuunan ng pansin ang
pag-aaral sa tuwing araw ng may pasok at ang paglilingkod naman sa araw ng
pagsamba
D. Huwag siyang pansinin at gayahin
40. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pang-aabuso sa mga kababaihan?
A. Patigilin siya ng kanyang asawa sa pagtatrabaho
B. Pilitin siya ng kanyang asawa na ibigay ang buong sahod sa kanya
C. Iwanan siya ng kanyang asawa na may maraming utang na babayaran
D. Lahat nang nabanggit
41. Ano ang maaaring mangyari sa isang tgao na hindi marunong magdala
ng stress na kanhyang nararanasan sa matagal na panahon?
A. Magiging desperado/desperada
B. Mabilis magalit
C. Magiging sakitin
D. Lahat nang nabanggit
42. Alin sa mga sumussunod na pagpapahalaga ang naglalarawan sa mga
Pilipino ano man ang pangkat etnolingguistikong kinabibilangan?
A. matatag na paniniwala sa Diyos
B. pagsasabi ng po at opo
C. matatag na relasyon sa pamilya
D. pagiging mapagmuni
43. Ano ang makatarungang solusyon na dapat gawin ng mga bansang may
hindi pagkakaunawaan sa kanilang teritoryo?
A. paghahati ng teitoryo sa lahat ng umaangkin nito
B. paggamit ng ahas
C. dayalogo upang bumuo ng
mutual agreement sa pagitan ng mga bansang sangkot
D. pagbibigay ng teritoryo sa maliit na bansang umaangkin dito
44. Kung ang Sinulog Festival ay ipinagdiriwang sa Cebu, ano naman ang
ipinagdiriwang sa Davao?
A. MassKara Festival
B. Ati-atihan Festival
C. Kadayawan Festival
D. Dinagyang Festival
45. Ano ang iyong mararamdaman kapag nabalitaan mong nasunugan ang isa
mong kamag-anak?
A. malungkot
B. magagalak
C. masaya
D. magagalit
46. Kapag humingi ng tulong ang iyong kapatid sa paggawa ng kanyang
proyekto sa susunod na araw, ano ang iyong gagawin?
A. sasabihin sa kanya na sa iba na humingi ng tulong
B. sisigawan siya at sasabihing huwag kang gambalain
C. hindi siya papansinin
D. tutulungan siya sa paggawa ng
kanyang proyekto
47. Ang mga sumusunod ay matututunan sa pag-aaral ng Heograpiya maliban
sa ___.
A. klima ng isang lugar
B. lokasyon ng lugar
C. kalagayang politikal ng isang
lugar
D. populasyon ng lugar
Para sa bilang 48 – 50. Basahin ang talata sa ibaba at sagutin ang mga
sumusunod na tanong.
Nagtatrabaho sa isang
pabrika si Upeng na may pitong anak. Malayo ang kanyang pinapasukan kung kayat
maaga siyang umaalis sa umaga at gabi na kapag umuuwi. Bihira na niyang
nakukumusta at nakakausap ang mga anak. Ang mga anak ay sa ama kumukunsulta
hinggil sa mga gawain at asignatura sa paaralan.
48. Ano ang tungkulin ni Upeng sa kanyang mga anak?
A. tagapag-alaga ng asawa at mga anak
B. tagalaba ng mga damit ng pamilya
C. naghahanap-buhay para sa
pamilya
D. tagaluto ng pagkain para sa mga anak at asawa
49. Bakit hindi na nagagampanan ni Upeng ang kanyang tungkulin sa asawa
at mga anak?
A. hindi niya mahal ang asawa at mga anak
B. mas nais niyang pagtuunan ng oras ang pagtatrabaho kaysa pamilya
C. nagtatrabaho siya, umaalis ng
maaga at gabi na kapag nakauuwi ng bahay
D. hindi niya pinahahalagahan ang pamilya
50. Sa iyon palagay, ano ang mabuting maidudulot nito sa kanyang mga
anak habang sila ay lumalaki?
A. lalaki na may takot sa Diyos
B. lalaking maunawain at responsible
C. mawawalan ng pagmamahal sa magulang
D. hindi makapagtatapos ng pag-aaral