Monday, August 30, 2021

ALS Presentation Portfolio: Sample Works for Learning Strand 6 - Digital Citizenship

Aside from the Activities in the Module or your Assignment/Quizzes, here are sample works that you can include in Learning Strand 6 - Digital Citizenship for your Presentation Portfolio Assessment:


1. Famous Internet Social Networking Services and Their Uses

 



FACEBOOK – a free social networking service where user can create post, download photo & video, send & receive messages. is an American multinational technology company based in Menlo Park, California. It was founded in 2004 by Mark Zuckerberg, Eduardo Saverin, Andrew McCollum, Dustin Moskovitz, and Chris Hughes, roommates and students at Harvard College.

 

YouTube - an American online video sharing and social media platform owned by Google. It was launched in February 2005 by Steve Chen, Chad Hurley, and Jawed Karim. It is the second most visited website, with more than one billion monthly users who collectively watch more than one billion hours of videos each day.

 


TWITTER - an American microblogging and social networking service on which users post and interact with messages known as "tweets". Registered users can post, like, and retweet tweets, but unregistered users can only read those that are publicly available. It was created by Jack Dorsey, Noah Glass, Biz Stone, and Evan Williams in March 2006 and launched in July of that year.

 

TIKTOK - known in China as Douyin, is a video-sharing focused social networking service owned by Chinese company ByteDance. The social media platform is used to make a variety of short-form videos, from genres like dance, comedy, and education, that have a duration from fifteen seconds to three minutes.

 


INSTAGRAM - abbreviated to IG, Insta or the gram)[9] is an American photo and video sharing social networking service created by Kevin Systrom and Mike Krieger. Facebook acquired the service for approximately US$1 billion in cash and stock in April 2012. The app allows users to upload media that can be edited with filters and organized by hashtags and geographical tagging. Posts can be shared publicly or with pre-approved followers. Users can browse other users' content by tags and locations and view trending content. Users can like photos and follow other users to add their content to a personal feed.


WhatsApp - an American freeware, cross-platform centralized instant messaging and voice-over-IP service owned by Facebook, Inc. It allows users to send text messages and voice messages, make voice and video calls, and share images, documents, user locations, and other content.

 


WeChat - a Chinese multi-purpose messaging, social media and mobile payment app developed by Tencent. First released in 2011, it became the world's largest standalone mobile app in 2018, with over 1 billion monthly active users.


 Qzone - a social networking website based in China which was created by Tencent in 2005. It allows users to write blogs, keep diaries, send photos, listen to music, and watch videos.

 


 TUMBLR - an American microblogging and social networking website founded by David Karp in 2007 and currently owned by Automattic. The service allows users to post multimedia and other content to a short-form blog. Users can follow other users' blogs. Bloggers can also make their blogs private.



LinkedIn is an American business and employment-oriented online service that operates via websites and mobile apps. Launched on May 5, 2003, the platform is mainly used for professional networking and allows job seekers to post their CVs and employers to post jobs.

(Source: Wikipedia)


2. Functions of the Different Parts of a Microcomputer and its Peripherals

Draw this is an A4 bond paper or A4 size illustration board. Color the parts.

1. Monitor -  is an output device that displays information in pictorial form. A monitor usually comprises the visual display, circuitry, casing, and power supply.

2. A modulator-demodulator, or simply a modem, is a hardware device that converts data from a digital format, intended for communication directly between devices with specialized wiring, into one suitable for a transmission medium such as telephone lines or radio.

3. System unitalso known as a computer chassis, tower, or cabinet, is the enclosure that contains most of the components of a personal computer. Cases are usually constructed from steel, aluminum, and plastic. 

4. Mousea hand-held pointing device that detects two-dimensional motion relative to a surface. This motion is typically translated into the motion of a pointer on a display, which allows a smooth control of the graphical user interface of a computer.

5. Speakeran output hardware device that connects to a computer to generate sound. The signal used to produce the sound that comes from a computer speaker is created by the computer's sound card.

6. Printera peripheral machine that makes a persistent representation of graphics or text, usually on paper. While most output is human-readable, bar code printers are an example of expanded use for printers.

7. Keyboarda peripheral input device modeled after the typewriter keyboard which uses an arrangement of buttons or keys to act as mechanical levers or electronic switches.


3. Survey the number and types of vehicles passing your barangay road, tabulate, and graph the data using Microsoft Excel

n

4. Write a Cover Letter in your Application using Microsoft Word





Wednesday, August 25, 2021

ALS Batch 2020-2021: Paano Pumasa sa Presentation Portfolio at Revalida?

        Tinatayang marami ang mahihirapang pumasa sa isasagawang pagtataya sa Presentation Portfolio at Inter-District Revalida ng mga Alternative Learning System (ALS) Learners ngayong SY 2020-2021 sa Setyembre 1-17, 2021 at  Setyembre 18-30, 2021 ayon sa pagkakabanggit. Ito ay sanhi na rin ng pinaigting na panuntunan at pamantayan na inilabas sa Joint Memorandum No. DM-OUCI-2021-316 ng Department of Education (DepED) noong ika-12 ng Agosto, 2021. Ang kautusan ay malaki ang pinagkaiba hinggil sa pagtataya ng mga portfolio kaysa noong mga nagdaang taon.



        Kahit pareho pa rin ang puntos na 28 na ikapapasa ng isang mag-aaral ng ALS, ang panuntunan ngayon ay mas mahigpit. Wala ng puntos ang mga formal records na kailangang isama ng mga mag-aaral sa kanilang presentation portfolio.  Ang siyam (9) na mga talaang ito ay ang mga sumusunod:

1. ALS Form 2 (Enrollment Form);
2. Personal Information Sheet (PIS);
3. Functional Literacy Test (FLT) Pre and Post Test;
4. Individual Learning Agreement (ILA) (Assessment Form 1);
5. Record of Module Use and Monitoring of Learner’s Progress (Assessment
Form 2);
6. Documentation of Life Experiences (RPL Form 1);
7. Record of Training/Skills (RPL Form 2);
8. Summary of Work History (RPL Form 3); and
9. Learner's Checklist of Competencies (RPL Form 4)


                    ALS Assessment Form 2 - Isa sa mga formal records na dapat isama sa Portfolio

        Dapat ay kumpletong isusumite ang mga records sa itaas sa portfolio dahil kung hindi ay awtomatikong babalewalain ang kanyang gawa at siya ay bagsak na. Kung hindi angkop ang ilan sa mga dokumentong nabanggit, lagyan lamang ng "Not Applicable" ang porma.

        Noong nakaraang taon, ang mga dokumentong ito ay may 7 puntos. Ito ay wala ng puntos sa ngayon. Sa halip, ang mga work samples na kinabibilangan ng written at performance outputs na lamang ang pagbabasehan upang pumasa ang isang mag-aaral. Dapat silang makakuha ng kabuuang 28 puntos sa anim (6) na learning strands ng ALS na kinabibilangan ng:

1. LS 1 - Communication Skills
    a. English
    b. Filipino
2. LS 2 - Scientific Literacy and Critical Thinking Skills
3. LS 3 - Mathematical and Problem Solving Skills
4. LS 4 - Life and Career Skills
5. LS 5 - Understanding the Self and Society
6. LS - Digital Citizenship

        Nangangahulugan ito na dapat ay makakuha ng 4 na puntos kada Learning Strand o kaya ay kumbinasyon ng mga puntos upang makabuo ng 28 puntos. Ang bawa't strand ay may pinakamataas na limang (5) puntos o kabuuang 35 puntos. Nangangahulugan na dapat ay hindi tataas sa pitong (7) puntos ang ibabawas sa kabuuang puntos para pumasa. Dagdag pa rito, ang bawa't Learning Strand ay dapat ay may 4 o higit pang sample works (written o performance outputs). Kaya upang lumaki ang tsansang makapasa, damihan ng makabuluhang halimbawa ng gawain ang bawa't strand.

        Dapat din tandaan na kahit nakakuha ng 28 puntos sa Presentation Portfolio ang isang mag-aaral ng ALS, hindi pa rin siya awtomatikong pasado. Dadaan pa siya sa isang Revalida o panayam kung saan siya ay tatanungin tungkol sa mga nilalaman at natutunan niya sa programa. Dapat ipakita ng mag-aaral na siya nga ang gumawa ng kanyang portfolio at kaya niyang patotohanan ang mga ito sa pamamagitan ng kumpiyansa sa sarili, kumpleto at maliwanag na pagpapahayag ng niloloob, at tamang paggamit ng mga salita at pangungusap.

        Taliwas sa mga nakaraang taon, ang isang ALS learner ay sasabak din sa isang English Proficiency Test kung saan tatasahin ang kanyang kakayahan at kasanayan sa Pagbasa at Pagsulat (Reading & Writing) . Ang pagsusulit na ito ay nakadepende sa test na ibibigay ng isang School Division Office (SDO). Maaaring pabasahin ang isang mag-aaral ng isang seleksyon (sanaysay, maikling kuwento, tula, pahayag, atbp.) at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na ilalatag tungkol dito. Maaari ring pasulatin ng isang talata o maikling sanaysay batay sa isang paksa ang isang ALS completer upang masalamin ang kanyang kakayahan sa pagsusulat. Kailangang makakuha ng tig-2 puntos ang mag-aaral upang pumasa sa English Proficiency Test. Upang makamit ito, dapat ay kumpleto, maliwanag, tama ang gramatika, pagbaybay, pagbasa, at mga bantas sa pagsasalita at pagsusulat.

        Dahil sa dalawang nabanggit na kinakailangan ( 28 puntos sa portfolio, tig-2 puntos sa Reading at Writing), inaasahang maraming hindi makakapasa sa mga ALS completers para sa Batch 2020-2021 at mga nakaraang taon na ngayon lamang magpapatasa, kung hindi nila pagbubutihin ang isusumite nilang presentation portfolio at pagsagot sa panahon ng Revalida. Dahil dito kinakailangan ng payo at pag-alalay ng mga ALS teachers/implementers upang lumaki ang tsansa ng kani-kanilang mag-aaral sa gagawing assessment. Ngayon pa lamang, dapat din mag-praktis ang isang mag-aaral sa pagsagot sa panahon ng Revalida, gayundin ang pagsasanay sa pagbabasa, pang-unawa sa binasa, at pagsusulat nang tama ang gramatika, baybay, at bantas.

        Sa mga mag-aaral na sasabak sa Presentation Portfolio Assessment at Revalida sa susunod na buwan, good luck! Nawa ay pumasa kayong lahat!

Monday, August 23, 2021

ALS Module 9 - Civic Engagement - Activity 16 | Guides & Sample Answers

 Module 9: Civic Engagement

“Ang makabuluhang buhay ay hindi ang pagiging mayaman at popular kundi ang pagiging tunay, mapagkumbaba at handang ibahagi ang sarili para sa iba.”

A meaningful life is not being rich and popular. It is being sincere, humble, and able to share ourselves for others.

Activity 16: Implementing the Community Service Project

 

Let’s Apply: Community Service Project

 

The time has come to conduct your activity on your own time! Time to go out and do it! (Ang  panahon ay dumating na upang isagawa ang iyong aktibidad sa iyong sariling oras! Oras na upang lumabas at gawin ito!)

 

If possible, take photos that you can share with your friends, family and mobile teacher! (Kung maaari, kumuha ng mga larawan na maaari mong ibahagi sa iyong mga kaibigan, pamilya at mobile teacher!)

 

After you have finished your community service project, we’d love to hear about it. What did you do? What happened? For now just stick to a description – you will reflect on it in a moment. (Matapos mong gawin ang iyong serbisyong proyekto  sa pamayanan, nais naming marinig ang tungkol dito. Anong ginawa mo? Anong nangyari? Sa ngayon manatili lamang sa isang paglalarawan - pagninilayan mo ito mamaya.)


              Kahapon ay bumili na ng mga gamit sa pagluluto ang ibang mga kasapi sa programa. Namili sila ng mga kaldero, kawali, sandok, siyansi, plato, mangkok, platito, kutsara, tinidor,  kutsilyo, at iba pang gamit sa pagluluto. Nagbigay ng isang malaking lutuan de-gas ang mayor ng bayan na aming gagamitin sa pagluluto maliban pa sa malaking tungkong bakal na bigay naman ng kapitan ng barangay. Nangahoy na rin ang mga kabataan kahapon.

 


              Madaling araw pa lamang ay nagtungo na sa pamilihang bayan ang mga nakatokang bumili ng mga rekado para sa gagawing pagpapakain sa mga batang malnourished sa aming barangay. Bale agahan at tanghalian ang kanilang pagsasaluhan. Sa araw na ito ay sopas, puto, at orange juice ang agahan at sinigang na baboy na maraming gulay at kanin naman sa pananghalian. Ginamit ng mga mamimili ang sasakyan ng barangay.

 

              Ang ilang amang kasapi sa programa ay nanghiram ng mahahabang mesa at bangko at iniaayos sa covered walk/covered court ng paaralan. Doon gaganapin ang agahan at pananghalian sa pakikipagtulungan ng mga guro at principal.

 

              Nang dumating ang mga sahog sa iluluto ay nagsimula nang magdatingan ang mga nakatokang mga ina sa aming bakuran. Lahat sila ay nakasuot ng mask alinsunod sa health protocol na ipinatutupad ng barangay at munisipalidad. Habang nagluluto ng sopas at puto ang ilang kababaihan, ang iba naman ay nagtitimpla ng orange juice. Ang ilan ay hinuhugasan ang mga kubyertos na gagamitin sa pagpapakain.

 


                                    SOPAS

                                  PUTO  


            Mag-aalas sais nang matapos makaluto ng agahan ang mga ina. Dagli itong dinala sa paaralan, kasama ang mga kubyertos, gamit pa rin ang sasakyan ng barangay. Sa tulong ng mga opisyal ng barangay ay maayos na pumila ang mga batang papakainin at maya-maya pa ay nagsimula nang magsiupo sa bangko at mesang nakaatang sa kanila. Layo-layo ang mga bata at lahat sila ay maysuot ding mask.

 

              Isa-isang sinandukan ng mga ina ng sopas ang mga mangkok at nilagyan ng tig-dadalawang puto ang mga platito. Ang mga ito naman ay idinulog ng mga kabataan sa harapan ng mga bata kabilang na ang kutsara, tinidor, at napkin. Isa pang grupo ng mga kabataan ang nagdulot naman ng orange juice.

 


              Ganap na alas-sais y medya nang magsimulang magsikain ng agahan ang mga bata. Yaong mga may idad 6 pababa ay tinulungan ng kani-kanilang ina/ama/ate/kuya na makakain. Lampas alas-siyete nang matapos kumain ang mga bata. Ang mga natirang pagkain ay kinain naman ng mga naroon. Isang pangkat ng mga ina ang naghugas ng mga kubyertos at pinaglutuan. Ilang kalalakihan ang tumulong sa kanila.

 

              Nagsagawa ng mga palaro ang mga guro at ilang kabataan sa mga bata habang niluluto ang pananghalian. Nang maluto ito ng ganap na ikalabing-isa ng tanghali ay agad na idinulog sa mga bata. Naging maayos naman ang pananghalian nila. Sorpresa ang pagdating ng isang kabarangay na may dalang hiwa-hiwang pakwan na naging pamutat ng mga bata. Natapos ang kainan nang ganap na alas-dose kinse.

 

Muling hinugasan ng mga ina ang mga pinaglutuan at kubyertos. Ang mga bata ay pinauwi na kasama ang kani-kanilang magulang o ate/kuya/tito/tita. Ang mga hiniram na mesa at bangko ay isinauli ng mga humiram. Nilinis naman ng mga guro ang pinagdausan ng feeding program. Napag-usapan sa araw na iyon na kung sasapat ang pondo, gagawing dalawang beses sa isang linggo o higit pa ang gagawing pagpapakain. Maya-maya pa ay isa-isa nang nilisan ng mga kasapi ang paaralan na may ngiti sa mga labi.

 

             

Now you will spend some thinking about how you did with the exercise. Reflect on how it went – what went well, what you accomplished, what you learned, and what could be improved if you did it again. (Ngayon ay gugugol ka ng ilang pag-iisip tungkol sa kung paano mo nagawa ang ehersisyo. Pagnilayan kung ano ang nangyari - kung ano ang naging maayos, kung ano ang natupad, kung ano ang natutunan, at kung ano ang maaaring mapabuti kung ginawa mo itong muli.)

 

9.5: Reflections on Your Community Service Project

 

Answer the questions below to guide your reflection. (Sagutin ang mga katanungan sa ibaba upang gabayan ang iyong pagsasalamin.)

 

1.           How do I feel about the support of city/municipal officials to this activity?

(Ano ang nararamdaman ko tungkol sa suporta ng mga opisyal ng lungsod / munisipal sa aktibidad na ito?)

 

o Not satisfied and not happy

o Satisfied and quite happy

þ Very satisfied and very happy

 

2.           How do I feel about the support of barangay officials to this activity?

              (Ano ang nararamdaman ko tungkol sa suporta ng mga opisyal ng barangay sa aktibidad na ito?)

 

               o Not satisfied and not happy

 o Satisfied and quite happy

 Ã¾ Very satisfied and very happy

 

3.           How do I feel about the response of your beneficiary group to this activity?

              (Ano ang nararamdaman ko tungkol sa tugon ng iyong beneficiary group sa aktibidad na ito?)

             

              o Not satisfied and not happy

              o Satisfied and quite happy

              þ Very satisfied and very happy

 

Is doing community service an activity you would like to do regularly? Why or why not?

(Ang paggawa ba ng paglilingkod sa pamayanan ay isang aktibidad na nais mong gawin nang regular? Bakit o bakit hindi?)

 

              Ang paglilingkod sa pamayanan ay isang aktibidad na nais kong gawin nang paulit-ulit ayon sa aking kakayahan. Nagdudulot ng kasiyahan sa puso ang pamamahagi ng tulong sa kapwa gaano man ito kaliit o kasimple. Ito ay nagpapakita ng ating pakikipagkapuwa-tao at sumasalamin na tayo ay kabahagi ng isang mas malaking grupo. Nakatutuwang pagmasdan ang mga mukha ng mga taong aking natulungan. Kapag nangyayari iyon, nagluluwag din ang aking dibdib at nakadarama ng kakaibang kasiyahan.

 

 

If you will do another community service activity - what will you continue to do? What will you do differently?  (Kung gagawa ka ng isa pang aktibidad ng serbisyo sa pamayanan - ano ang patuloy mong gagawin? Ano ang gagawin mong iba?)

 

              Kung ako ay gagawang muli ng isa pang aktibidad ng serbisyo sa pamahalaan, ang patuloy kong gagawin ay himukin ang iba pang pangkat sa aking komunidad – mga kabataan, nga-aaral man o hindi, mga magulang, lokal na opisyal, mga guro, at sinumang pangkat na nagnanais ibahagi ang kaniyang makakaya at kakayahan sa ibang tao. Ipagpapatuloy ko rin na kunin ang kani-kanilang ideya o saloobin upang makapili kami ng higit na kinakailangang problemang dapat aksyonan agad base na rin sa pamantayang aming nilikha at napagkasunduan na mas maraming residente ang makikinabang.

              Ang aking gagawing iba ay ang hindi pagsama/pagsali sa mga kabarangay na iba ang tunay na layunin sa pagtulong. Sisiguraduhin ko na ang pangkalahatang layunin ang natutupad at ang hindi ang pansariling interes ng mga taong tumutulong nga subali’t may ibang agenda sa buhay.

             

 

Session 5 – Writing Space

 

Use this space to complete any of the written assignments above or write any thoughts or ideas that have come to mind on planning and implementing your community service project.

(Gamitin ang puwang na ito upang makumpleto ang anuman sa mga nakasulat na takdang-aralin sa itaas o sumulat ng anumang mga saloobin o ideya na naisip sa pagpaplano at pagpapatupad ng iyong proyekto sa paglilingkod sa pamayanan.)

 

1. Hindi lang ang gobyerno ang may tungkuling lumutas ng mga problema ng out-of-school youth.    

2. Magiging bahagi ng kalutasan sa problema sa droga ang mga kabataan kung sila ay lalahok sa isang kampanyang “Say No to Drugs!” at hihikayatin ang mga kaibigan na sumapi rito.

3.  Bilang unang hakbang sa pagiging kasapi ng kalutasan sa komunidad, dapat alamin ang pangunahing pangangailangan ng komunidad.

4. Para makilala ang mga pangunahing pangangailangan ng isang pamayanan, hindi lamang ang kapitan ng barangay ang dapat sanggunian kundi maging ang iba’t iba pang grupo sa pamayanan tulad ng mga magulang, kabataan, kababaihan, katandaan, mga guro at mag-aaral, atbp.

 

 

Congratulations! You have completed the session on your Community Service Project! This is your last session. Now it is time for your final reflection and assessment.

(Binabati kita! Nakumpleto mo na ang sesyon sa iyong Community Service Project! Ito ang iyong huling sesyon. Ngayon ay oras na para sa iyong pangwakas na pagsasalamin at pagtatasa.)

 

Learner’s Reflection: Module 9 Civic Engagement

 

Remember this? You answered this at the beginning of the module. Answer it again and compare your results with your previous reflection. Is there a difference? (Natatandaan mo ba ito? Sinagot mo ito sa simula ng modyul. Sagutin itong muli at ihambing ang iyong mga resulta sa iyong nakaraang pagsasalamin. Mayroon bang pagkakaiba?)

 

Malaki ang pagkakaiba ng aking naunang sagot sa ngayon dahil kung noon ay wala akong karanasan, kasanayan, at kaalaman sa mga gawain, ngayon ay nagkaroon na ako ng mga ito.

 

This is not a test but is a way for us to see what you already know or do not know about the topics. You will read a skill that is listed in the left column. Think about yourself and your experience. Then read the statements across the top. Check the column that best represents your situation. The results will help you and the instructor know which topics may require more time, effort and guidance.

 

Ang mga katanungan dito ay hindi test. Ito ay isang paraan upang malaman mo ang iyong kaalaman, kasanayan o kakayahan tungkol sa paksang ito. Basahin mo ang mga kaalaman, kasanayan o kakayahan na nakalista sa kaliwang kolum. Magbalik-tanaw sa iyong sarili at mga karanasan, basahin ang lahat ng mga pangungusap at i-tsek ang sagot na naaangkop sa iyong sitwasyon. Ang iyong kasagutan ay magiging gabay mo at ng iyong guro sa pagpapalawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksang ito.

 

My experience

 

Knowledge, skills and abilities

 

Kaalaman, kasanayan at

kakayahan

1

I don’t have any experience doing this.

 

Wala akong

karanasan sa

paggawa nito

 

2

I have very little experience doing

this.

 

Kaunting- kaunti

lamang ang aking

nalalaman sa

paggawa nito.

3

I have some

experience doing this

 

Mayroon akong

karanasan sa paggawa nito

 

4

I have a lot of

experience doing this.

 

Marami akong

karanasan sa

paggawa nito

 

Understanding how young people can be civically engaged/ Pagpapalawak ng kaalaman kung paano makilahok ang mga kabataan sa pakikpag-ugnayang pangmamamayan

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Identifying and priotizing the needs of my community/ Pagtukoy ng mga pangangailangan ng aking komunidad, at pagsunod-sunurin ang mga pangangailangang

 ito ayon sa kanilang kahalagahan

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Encouraging other youth and community members to be involved in civic and governance activities/

Paghikayat ng ibang kabataan at miyembro ng komunidad para makilahok sa mga gawaing pangmamamayan at mabuting pamamahala

 

 

 

 

 

 

 

Preparing a community

service project plan/

Paggawa ng isang panukala para sa isang proyekto o gawaing

pangkomunidad

 

 

 

 

 

 

 

Mobilizing resources for a community service project/

Paglikom ng mga

pagkukunang-yaman para sa mga proyektong pangkomunidad

 

 

 

 

 

 

 

 

Implementing a community service project with other

community members/

Pagpapatupad ng isang proyekto o gawaing pang- komunidad kasama ang ibang mga kabarangay

 

 

 

 

 

 

 

 

ALS Module 9 - Civic Engagement - Activity 15 | Guides & Sample Answers

  Module 9: Civic Engagement

“Ang makabuluhang buhay ay hindi ang pagiging mayaman at popular kundi ang pagiging tunay, mapagkumbaba at handang ibahagi ang sarili para sa iba.”

A meaningful life is not being rich and popular. It is being sincere, humble, and able to share ourselves for others.



SESSION 5: COMMUNITY SERVICE PROJECT


Activity 15: Preparing a Community Service Project Plan

 

At this point, you will start writing your Community Service Project Plans. The purpose of the community service project is to provide an opportunity for you to apply your learning in community mobilization and resource mobilization. (Sa puntong ito, magsisimula ka nang magsulat ng iyong Mga Plano sa Serbisyong Proyekto sa Komunidad. Ang layunin ng proyekto sa paglilingkod sa pamayanan ay upang magbigay ng isang pagkakataon para sa iyo na mailapat ang iyong pag-aaral sa pagpapakilos sa komunidad at pagpapakilos ng mapagkukunan.)

 

Plan your project to include the participation of other community members such as parents, other youth, the barangay council, teachers, members of the OSYDA, and other organizations. These other members can participate by contributing their time or providing materials e.g. paint, broom, snacks, transportation, etc. (Planuhin ang iyong proyekto upang isama ang pakikilahok ng iba pang mga miyembro ng pamayanan tulad ng mga magulang, ibang kabataan, ang konseho ng barangay, mga guro, miyembro ng OSYDA, at iba pang mga samahan. Ang ibang mga kasapi ay maaaring lumahok sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang oras o pagbibigay ng mga materyales hal. pintura, walis, meryenda, transportasyon, atbp.)

 

You may coordinate over the phone, through email, or through text messaging. (Maaari kang makipag-ugnay sa telepono, sa pamamagitan ng email, o sa pamamagitan ng pagmemensahe ng text.)

 

Fill out Let’s Apply: Giving Back To Our Community – Community Service Project Plan. You may ask your family members to help you with this exercise. You will need teamwork to write up a plan for your project and to keep in mind your common goal of giving something back to your community, no matter how small the service. (Punan ang Let’s Apply: Giving Back To Our Community – Community Service Project Plan. Maaari mong hilingin sa mga miyembro ng iyong pamilya na tulungan ka sa pagsasanay na ito. Kakailanganin mo ang pagtutulungan upang magsulat ng isang plano para sa iyong proyekto at tandaan na ang inyong pinag-isang layunin ay ibalik ang isang bagay sa iyong komunidad, gaano man kaliit ang serbisyo.)

 

You may write in English or Filipino. (Maaari kang magsulat sa Ingles o Filipino.)

 

Let’s Apply: Giving Back To Our Community – Community Service Project Plan

 

Name of Project: Barangay Feeding Program for Malnourished Children

Community Service Project of : Juan Santos Cruz

1.           What is the community problem or need?

             Ano ang pangangailangan o problema sa aming barangay na aming tutugunan?

                    

                          Ang aming tutugunang problema ay ang malnutrisyon ng mga kabataan mula 5 taong gulang hanggang 11 taong gulang.

 

2.           What do we plan to do?

             Anu-anong hakbang ang aming gagawin?

     

             Mga Hakbang:

            1. Tukuyin ang mga batang may problema sa nutrisyon gamit ang impomasyon mula sa mga guro sa elementarya gayundin mula sa barangay health clinic.

           2. Hikayatin ang mga kabataan at katandaan sa barangay na makilahok sa programang ito.

           3. Magpatawag ng isang miting ng mga nais makiisa sa proyekto upang bumuo ng mga komite na mamamahala sa mga gawain at magbuo ng isang plano kung paano isasakatuparan ang proyekto.

           4. Paglalahad ng nagawang plano at ang pagpapatibay ng mga kalahok.

           5. Pagkalap ng pondo, donasyon, at kontribusyon mula sa pamahalaang munisipal at barangay gayundin mula sa mga bahay-kalakal, samahan at indibidwal na nais magbigay ng tulong.

           6. Pagsasakatuparan ng proyekto minsan sa isang linggo.

 

 

3.           Who and how many community members will benefit from this project?

             Sino at ilan ang matutulungan ng aming project?

 

              Ang makikinabang sa aming proyeko ay ang mga kabataang may malnutrisyon na tinatayang nasa 80 katao. Direkta ring makikinabang ang mga magulang ng mga batang ito dahil may kaagapay na sila sa pagpapalusog ng kanilang mga anak. Malaking tulong din ang proyektong ito sa mga guro dahil mababawasan ang pagliban ng mga bata at mapagtutuunan na nila ng husto ang kanilang pag-aaral.

 

4.           How do we plan to organize and implement this project?

             Paano namin isasagawa ang project na ito?

 

             Isasagawa namin ang proyektong ito sa tulong ng mga kabataan, magulang, mga guro, lokal na opisyal at mga indibidwal na may magandang puso. Ipapaalam namin sa kanila ang problema sa malnutrisyon ng mga kabataan sa barangay, ang aming layunin upang ito ay sugpuin, at kung paano sila makatutulong upang ito ay maisakatuparan.

 

          -  Who will be involved in this activity? What steps will we take to involve them?

             Sino ang sasali sa aktibidad na ito? Anong mga hakbang ang gagawin natin upang sila ay maisali?

 

            Ang mga sasali sa aktibidad na ito ay ang mga kabataan, magulang, mga guro, lokal na opisyal, may-ari ng mga bahay-kalakal, maykaya sa buhay, at indibidwal na nais tumulong. Isang miting ang isasagawa upang ipaalam sa lahat ang problema, tipunin ang mga nais lumahok, at gumawa ng plano upang ito ay maisakatuparan.

 

         -   What will we do to find the materials we need for this activity?

              Ano ang ating gagawin upang mahanap ang mga materyales na kailangan natin sa aktibidad na ito?

 

            Tutukuyin muna ang mga kailangang materyales para sa proyekto. Pagkatapos, tanungin ang mga kasapi kung mayroon sila ng mga materyales na ito. Ang kulang na materyales ay hihiramin sa mga kabarangay na mayroon ang mga ito. Ang iba ay bibilhin.

 

         -   What other planning do we need to do?

             Anong iba pang pagpaplano ang ating kailangang gawin?

 

            Isa sa pinakamahalaga ng pagpaplano ay ang mangangalap ng pondo, donasyon, at kontribusyon. Dahil dito, kailangan ang isang komite upang magsagawa ng aktibidad na ito. Isa ring hamon sa proyekto ay ang paghahanda ng pagkain. Bago rito, isasangguni sa isang nutritionist ang mga putaheng kailangang ihanda at iluto sa loob ng isang buwan upang maging kumpleto ang nutrisyon na matatanggap ng mga bata. Isa pang hamon ay ang pagpapatuloy ng programa. Dahil dito, isa ring gawain na pamamahalaan ng samahan ay ang pagtatanim ng mga gulay at pag-aalaga ng mga manok para sa mga itlog nito at karne.

 

5.           When do we plan to implement this project?

             Kailan namin gagawin ang proyektong ito?

 

            Sisimulan ang proyekto matapos makalap ang mga materyales at mga resources na kailangan sa proyekto. Isang beses sa isang linggo gaganapin ang feeding program sa loob ng mababang paaralan. Ang mga batang walang sapat na nutrisyon ay pakakainin ng agahan at tanghalian hanggang sila ay maging malusog.

 

6.           Expected Positive Results (Project Outcomes and Benefits)

             Mga magagandang resulta na inaasahan namin sa aming proyekto

 

             1. Lulusog ang mga bata.

             2. Mababawasan ang pagliban ng mga batang kulang sa sustansya.

             3. Mapopokus ang atensyon ng mga batang ito sa pag-aaral.

             4. Mababawasan ang alalahanin ng mga magulang sa kalusugan ng kanilang anak.

 

 

 

 

Think back to the module on making goals. Now you will apply your learning by making a chart to track/follow your progress in the community service project. (Isipin muli ang modyul sa paggawa ng mga layunin. Ngayon ay ilalapat mo ang iyong napag-aralan sa pamamagitan ng paggawa ng isang tsart upang subaybayan / sundan ang iyong pag-unlad sa serbisyong proyekto ng pamayanan.)

 

A very important part of the planning process is thinking about your timeline. This will help you think through the steps to reach your goal and develop targets for when each step will happen. As you start working on the actual planning, the dates you implement a step may be different from your original plan. That is okay! Over time you will learn to be more realistic about the time it will take to complete a task. (Ang isang napakahalagang bahagi ng proseso ng pagpaplano ay ang pag-iisip tungkol sa iyong timeline. Tutulungan ka nitong isipin ang mga hakbang upang maabot ang iyong layunin at bumuo ng mga target kung kailan mangyayari ang bawat hakbang. Habang nagsisimula kang magtrabaho sa aktwal na pagpaplano, ang mga petsa na ipinatupad mo ng isang hakbang ay maaaring naiiba mula sa iyong orihinal na plano. Ayos lang yan! Sa paglipas ng panahon matututunan mong maging mas makatotohanan tungkol sa oras na aabutin upang makumpleto ang isang gawain.)

 

Let’s Apply: Are We Reaching Our Goal?

 

Block off your anticipated dates for completing the plan, getting the plan approved, and the date for completing the community service project. (I-block ang iyong mga inaasahang petsa para sa pagkumpleto ng plano, aprubahan ang plano, at ang petsa para sa pagkumpleto ng serbisyong proyekto sa pamayanan.)

 

For every activity, the first row is the target date and the second row is the actual date it was completed. Use different colors for target and actual. (Para sa bawat aktibidad, ang unang hilera ay ang petsa ng target at ang pangalawang hilera ay ang aktwal na petsa na nakumpleto ito. Gumamit ng iba't ibang mga kulay para sa target at aktwal.)

 

Project: Barangay Feeding Program for Malnourished Children