Saturday, October 31, 2020

GUIDES & SAMPLE ANSWERS of Activity 5 & 6 of ALS Life Skills Module 4 - Work Habits & Conduct

  • SESSION 2: APPROPRIATE WORKPLACE BEHAVIORS AND ATTITUDES


Activity 5: Introductory Activity

Share reflections/experiences about the last lesson. What did you enjoy learning? What do you still need to improve on? (Ibahagi ang iyong mga pagbabalik-tanaw/karanasan ukol sa huling aralin. Ano ang nagustuhan mong pag-aaral? Ano ang kailangan mong mapabuti pa?)

            Napagtanto ko na hindi naman pala mahirap gumawa ng isang bio-data subali’t may kahirapan ang gumawa ng application letter lalo na at hindi ako masyadong bihasa sa wikang English. Nakakakaba sa una pero napaglaban ko rin ang aking nerbyos matapos ang tatlong ulit na mock job interview.

Nag-enjoy ako sa pagsasagawa ng isang informational interview kahit nakakakaba ito sa unang pagkakataon. Gayunman, marami akong natutunan sa gawaing ito dahil naranasan ko kung ano ang pakiramdam ng isang tagapanayam. Nakakalap din ako ng maraming impormasyon tungkol sa trabahong nais kong tahakin sa hinaharap. Nakakuha rin ako ng mga payo mula sa isang taong ito ang trabaho. Dahil sa kanya, nalaman ko kung anu-ano ang dapat taglaying edukasyon, kasanayan, at karanasan ng isang nagnanais sa ganitong trabaho maliban pa sa kung anong pag-uugali at pagkilos ang pinahahalagahan ng isang kumpanya sa isang trabahador. Nalaman ko rin na dapat akong maging kalma habang kumakapanayam at pagbutihin pa ang aking kasanayan sa pakikipagtalastasan.

Think of any previous work you have done (including long- or short-term jobs, family business, etc.) and write responses to the following questions: (Isipin ang iyong mga nakaraang trabaho (kabilang ang pangmatagalan o panandaliang trabaho, negosyo ng pamilya, etc.) at isulat ang iyong mga sagot sa mga sumusunod na mga tanong?)

1.        What was the work setting – office, shop, construction site, restaurant? (Ano ang tagpo/eksena ng trabaho – opisina, pagawaan, lugar ng konstruksyon, kainan?)

            Sa isang banko ang setting/tagpo ng aking nakaraang trabaho.

2.        Did you need to follow any rules or regulations (dress, work hours)? (Kailangan mo bang sumunod ng mga panuntunan o regulasyon – pananamit, oras ng trabaho?)

         Sa bankong ito, maraming panuntunan o regulasyon ang dapat sundin. Halimbawa, kailangang nasa oras at nakasuot ng uniporme tuwing papasok. Bawal gumamit ng telepono sa pampersonal na dahilan maliban kung emergency.

3.        What happened if you were not able to follow the rules? (Ano ang mangyayari kapag hindi mo nasunod ang mga panuntunan?)

            Kapag hindi mo nasunod ang mga panuntunan, mayroon itong katapat na parusa. Halimbawa, makatatanggap ka ng oral warning sa unang pagkakataon kapag hindi mo nasunod ang kautusan tungkol sa paggamit ng telepono.

4.        Did your employer give you feedback on how well you were doing your job? And on what you need to do better? (Nagbigay ba ng puna/feedback ang may-ari tungkol sa pagiging magaling mo sa pagtatrabaho? At kung ano ang kailangan mo pang gawin upang mapabuti ito?)

            Tuwing ikatlong buwan ay nakatatanggap ng regular na appraisal report ang isang kawani. Gayunman, nakatatanggap din ng papuri o hindi magandang puna ang isang empleyado sa oras mismo ng pangyayari o ilang araw pagkatapos nito. Nagbibigay rin ng mga payo ang namumuno sa kanyang kinasasakupan upang mapabuti nito ang kanyang trabaho.

5.        Did you behave the same way at work and at home? Why or why not? What were some of the differences? (Pareho ba ang ikinikilos mo sa trabaho at sa bahay? Bakit o bakit hindi? Anu-ano ang ilan sa mga pagkakaiba?)

            Iba ang pagkilos ko sa bahay at sa trabaho subali’t iisa ang pag-uugaling ipinamamalas ko. Medyo pa-easy-easy lang ang kilos ko sa bahay subali’t medyo pino sa trabaho dahil may mga pagkilos sa lugar ng pinagtatrabahuhan na hindi maaaring gawin sa bahay. Halimbawa, hindi maaaring nakapambahay ka lang kapag pumapasok sa banko. Isa pa, maaaring iba ang ipakahulugan ng mga kasamahan sa trabaho kaysa sa mga kapamilya sa iyong ikinikilos. Dagdag pa rito, hindi masyadong mahigpit ang parusang ipinapataw sa bahay kaysa sa trabaho kapag lumalabag ako sa isang kautusan.

Think about it!

Discuss the answers that you wrote down with a family member or a friend. Ask them to share their work experience with you too. (Talakayin ang iyong mga isinulat na kasagutan sa isang miyembro ng pamilya o isang kaibigan. Hilingin sa kanila  na ibahagi rin sa iyo ang kanilang mga karanasan sa trabaho.)

Make a note of your ideas and thoughts about what it takes to be successful at work. (Isulat ang iyong mga ideya at kaisipan tungkol kung ano ang dapat gawin upang maging matagumpay sa trabaho.)

            Mga Dapat Gawin Upang Maging Matagumpay sa Trabaho:

  • Magsuot ng malinis at angkop na pananamit sa uri ng trabaho. Laging magsuot ng uniporme kung kinakailangan.
  • Pumasok lagi nang nasa oras. Ipagbigay alam agad sa nakatataas kung mahuhuli o hindi makapapasok.
  • Pamahalaan nang mabuti ang iyong oras. Magtrabaho sa oras ng trabaho at huwag lumampas sa oras na inilaan sa meryenda.
  • Makipag-usap sa superbisor at kapwa empleyado ng positibo at may respeto.
  • Maging bukas ang isip sa pagtanggap ng mga puna, positibo o negatibo man, upang mapaunlad ang sarili at ang trabaho.
  • Maging matapat sa trabaho upang makakuha ng respeto mula sa namumuno at mga kapwa kawani.
  • Iwasan ang talakayan na may kinalaman sa mga suliraning pampamilya.
  • Manatiling positibo.
  • Respetuhin ang mga namumuno at mga kasamahan, at pangalagaan ang kumpanya at ang mga kasangkapan dito.
  • Makiisa at pakipagtulungan sa mga kasamahan

Activity 6: Workplace Behaviors and Attitudes

Read the following scenarios and write down your response to the questions that follow. (Basahin ang mga sumusunod na senaryo at isulat ang iyong kasagutan sa mga sumusunod na tanong.)

Scenario A

    Grace has been working at Alnor Hotel for 4 months as a receptionist. She greets guests and answers any questions about the hotel. Grace lives a bit far from the office, so it takes her one hour to get to work. Her supervisor noticed that over the last month Grace has been arriving half an hour late and is often on the phone quarreling with her aunt. The supervisor has given Grace two warnings now.

    One day, Grace arrives 20 minutes late due to traffic. When she arrives, she sees her supervisor helping a customer. Once the customer departs, the supervisor informs Grace that she will no longer need Grace to work for her. She needs someone who can be on time and responsive to customer needs. 

Reflection Points

What happened in the scenario and why? (Ano ang nangyari sa senaryo at bakit?)

            Nawalan ng trabaho si Grace dahil laging huli sa trabaho. Napansin ng superbisor na lagi siyang nakikipag-away sa kanyang tiya sa oras ng trabaho.

What behaviors led Grace to losing her job? (Anong pag-uugali ang dahilan upang mawalan ng trabaho si Grace?)

  1.     Laging naghuhuli sa pagpasok sa trabaho.
  2.     Paggamit ng oras ng trabaho sa isyung pampamilya.
  3.     Hindi pagpansin sa babalang ibinigay sa kanya.

Do you think the supervisor made the right decision to fire Grace? Why or why not? (Sa palagay mo ba ay tama ang ginawang desisyon ng superbisor na sisantihin si Grace? Bakit o bakit hindi?)

            Tama ang naging desisyon ng superbisor dahil binigyan na si Grace ng mga babala tungkol sa kanyang hindi pagsunod sa mga tuntunin ng kumpanya.

Is it important to keep work and family life separate? How does one do this? (Mahalaga bang paghiwalayin ang trabaho at buhay-pamilya? Paano ito gagawin ng isang tao?)

            Mahalaga ang paghihiwalay ng trabaho at buhay-pamilya hanggang maaari. Maaari itong gawin ng isang kawani sa pamamagitan ng pagtalakay at pagpapaliwanag sa mga kapamilya ng mga tuntunin ng kumpanyang pinapasukan upang malimita ang pag-uusap sa mga emergency o biglaang pangyayari o sa oras ng meryenda lamang. Maaari ring iwaksi o panandaliang kalimutan ng empleyado ang mga isyu o suliraning pampamilya sa oras ng trabaho upang hindi ito makaapekto sa kanyang mga gagawin sa opisina.

What could have Grace done differently so that she would not have lost her job? (Ano ang naiibang dapat ginawa ni Grace upang hindi siya nawalan ng trabaho?)

            Hindi sana nawalan ng trabaho si Grace kung pagkatapos ng ikalawang abiso ay lagi na niyang inaagahan kaysa dati ang oras niya sa pagpasok upang siya ay hindi mahuli. Maaari rin na lumipat siya ng tirahan o makitira sa lugar na mas malapit sa kanyang pinapasukan. Tungkol sa kanyang problema sa kanyang tiyahin, dapat ay hindi niya ito binibigyang importansya sa oras ng trabaho o kaya ay niresolba na niya muna. Dapat ding ipaliwanag ni Grace sa kanyang kapamilya at kamag-anak ang mga tuntunin o regulasyon ng kanilang kumpanya. Dapat ay pinakinggan niyang mabuti ang kanyang superbisor tungkol sa oras ng trabaho at pagiging seryoso sa mga babala nito.

Scenario B

    Mario works for Dennis Construction. He has good skills in construction but can be stubborn sometimes. While working on a new project, Mario’s supervisor, who was new to the job, made some suggestions on how to cut some pieces of wood so they would provide more support to the floor above. Mario had always cut the support beams in a certain way and thought his supervisor must not know much about construction. Mario complained to his co-workers but did not discuss the issue with his supervisor. When it came time to cutting the wood, Mario did it his usual way. The supervisor saw him doing this and yelled at him, telling him to do it the way that he was told. Being yelled at in front of his co-workers embarrassed Mario. He threw down his tools, yelled at his supervisor and walked away from the construction site.

Reflection Points

What happened in the scenario and why? (Ano ang nangyari sa senaryo at bakit?)

            Nainis/naasar si Mario sa kanyang superbisor at hindi niya ito ipinaalam sa huli. Pinagsabi niya ito sa kanyang kasamahan at hindi sinunod ang payo/utos ng nakatataas. Hindi marunong tumanggap ng bagong ideya si Mario, hindi nirespeto ang kanyang superbisor, at umalis ng galit.

What behaviors and attitudes led Mario to his state of anger? (Anong mga pag-uugali at asal ang naging dahilan upang magalit si Mario?)

  • 1.    Hindi siya payag tumanggap ng bagong mga ideya, patnubay, at pamamaraan mula sa iba.
  • 2.    Hindi siya marunong rumespeto sa nakatataas sa kanya.
  • 3.    Hindi siya marunong magpahayag ng problema sa taong may kinalaman dito.

Do you think Mario could have handled it differently? How? (Sa palagay mo ba ay maaaring naiba ni Mario ang sitwasyon? Paano?)

            Sa aking palagay ay maiiba ni Mario ang mga pangyayari kung:

1.    Nakipag-usap siya nang maayos sa kanyang superbisor sa pamamagitan ng pagtalakay sa iminungkahi nito at pagbibigay ng kanyang posisyon o pananaw; at

2.    Hindi niya kinausap at nagreklamo sa mga kasamahan nang hindi hinahanapan ng kalutasan ang suliranin.

Do you think Mario should lose his job? Why or why not? (Sa palagay mo ba ay dapat tanggalin sa trabaho si Mario? Bakit o bakit hindi?)

            Sa aking palagay ay matatanggal sa trabaho si Mario dahil kadalasan na nakasulat sa panuntunan o regulasyon ng isang kumpanya na ang hindi pagsunod at/o pagrespeto ng isang kawani sa kanyang pinuno, superbisor, o nakatataas ay sapat ng dahilan upang matanggal sa trabaho. Ito ay mahalaga upang hindi na pamarisan pa ng iba ang pag-uugaling ito.

What can Mario do to improve his relationship with his boss and succeed in his job? (Ano ang magagawa ni Mario upang mapabuti ang kanyang relasyon sa kanyang amo at maging matagumpay sa kanyang trabaho?)

            Kung bibigyan si Mario ng isa pang pagkakataon, mapapabuti niya ang kanyang relasyon sa kanyang amo at maging matagumpay sa kanyang trabaho kung:

1.    Malimit siya at bukas ang loob na makipag-usap sa mga nakatataas sa kanya;

2.    Bukas ang isip sa mga makabagong ideya at pananaw; at

3.    Marunong tumanggap at rumespeto sa pananaw ng iba.

Think about it!

Share the scenarios and you response to the reflection points with a member of your family or a friend. (Ibahagi sa isang miyembro ng pamilya o isang kaibigan ang mga senaryo/tagpo at ang iyong mga kasagutan sa reflection points.)

Record the key ideas from the discussion in this space below. (Itala sa espasyo sa ibaba ang mga pangunahing ideya sa talakayan.)

1.    Laging pumasok sa trabaho sa tamang oras.

2.    Ihiwalay ang trabaho sa buhay pamilya hangga’t maaari.

3.    Makinig sa sinasabi at payo ng nakatataas.

4.    Seryosohin ang mga babalang ibinigay para hindi magsisi sa huli.

5.    Ihayag at ipaliwanag sa mga kapamilya ang mga tuntunin o regulasyon ng kumpanya.

6.    Maging bukas at respetuhn ang ideya at pananaw ng iba.

7.    Sundin ang utos at respetuhin ang mga nakatataas.

8.    Kausapin ang taong may kinalaman sa problema upang makahanap ng solusyon.

9.    Huwag siraan o ireklamo ang iba sa ibang tao.

Discuss why it is important to listen to feedback, both positive and constructive, from employers. (Talakayin kung bakit mahalaga na makinig sa puna/feedback, parehong positibo at nakatutulong, mula sa employer/may-ari ng isang kumpanya.)

            Mahalagang makinig ng mga positibo at konstruktibong mga puna mula sa may-ari upang lalo pang mapabuti ang pagtatrabaho. Nakapagbibigay rin ito ng pagganyak upang magkaroon ng kumpiyansa sa sarili ang isang kawani bukod pa sa kasiyahan na naramdaman sanhi ng papuring tinanggap. Nagpapatunay rin ito na may malasakit sa iyo ang inyong kumpanya at mahalaga ang iyong kontribusyon dito.

Write a list of appropriate workplace behaviors and attitudes based on the scenarios and what you know from your own experiences as well as the discussion with a member of your family or a friend. (Magsulat ng isang listahan ng mga naaangkop na pagkilos at pag-uugali ayon sa mga senaryo/tagpo at kung ano ang iyong nalalaman mula sa iyong karanasan pati na rin ang talakayan sa pagitan mo at ng isang kapamilya o kaibigan.)

       1.        Magsuot ng malinis at angkop na pananamit sa uri ng trabaho. Laging magsuot ng uniporme kung kinakailangan.

2.        Pumasok lagi nang nasa oras. Ipagbigay alam agad sa nakatataas kung mahuhuli o hindi makapapasok.

3.        Pamahalaan nang mabuti ang iyong oras. Magtrabaho sa oras ng trabaho at huwag lumamas sa oras na inilaan sa meryenda.

4.        Makipag-usap sa superbisor at kapwa empleyado ng positibo at may respeto.

5.        Maging bukas ang isip sa pagtanggap ng mga puna, positibo o negatibo man, upang mapaunlad ang sarili at ang trabaho.

6.        Maging matapat sa trabaho upang makakuha ng respeto mula sa namumuno at mga kapwa kawani.

7.        Iwasan ang talakayan na may kinalaman sa mga suliraning pampamilya.

8.        Manatiling positibo.

9.        Respetuhin ang mga namumuno at mga kasamahan, at pangalagaan ang kumpanya at ang mga kasangkapan dito.

10.      Makiisa at pakipagtulungan sa mga kasamahan

Let’s Apply!

4.13: Work Habits Inventory 

Directions: Read the descriptions given for each of the qualities listed below. Place a check mark on the box next to the statement, which most accurately describes you. (Panuto: Basahin ang mga paglalarawan/paliwanag na ibinigay sa bawa’t katangiang nakalista sa ibaba. Lagyan ng tsek ang kahon na sinusundan ng pahayag, na pinakatamang naglalarawan sa iyo.)

Halimbawa:

1. COURTESY


I am often discourteous to others


I am sometimes not courteous in action or speech

þ I am usually courteous and considerate of others


I am considerate and courteous of others


I am always very courteous and considerate 

2. COOPERATION (ability to get along with others)

        I work against rather than with others

        I find it difficult to get along with others

        I usually get along with others

   Ã¾ I get along with others

        I get along well with others, I am friendly and helpful

(Sagutin ang iba pa ayon sa inyong karanasan o palagay)

Summarize the habits that you already have and the habits that you need to work more on in the table below. (Ibuod ang mga ugaling taglay mo na at mga ugaling dapat mo pang mapaigi sa table sa ibaba.)

Work habits I already have

Work habits I need to work more on

Malinis at naaayon na pananamit

Positibong pagtanggap ng mga kritisismo

Magalang sa nakatatanda at marespeto sa nakatataas

Aktibong pakikipagtalastasan at pagpapahayag ng saloobin

Tinatapos ang nakaatang na trabaho sa lalong madaling panahon

Pagtatrabaho ng nag-iisa na hindi nangangailangan ng palagiang gabay

Hindi pumapalya sa pagpasok maliban kung kinakailangan

Pamumuno sa isang proyekto

Thursday, October 29, 2020

GUIDES on ANSWERING Activity 4 of ALS Life Skills Module 4 - Work Habits & Conduct

 SESSION 1: LOOKING FOR JOB OPPORTUNITIES

Activity 4: Informational Interview

How can Mel start to build her own professional relationships? (Paano sisimulan ni Mel ang bumuo ng kanyang mga sariling ugnayang propesyonal?

            Makapagsisimula si Mel na buuin ang kanyang sariling professional relationship hinggil sa kanyang hilig sa pagluluto sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanyang naging guro sa culinary program upang humingi ng isang mentor na makatutulong sa kanya. Kung walang maibigay na mungkahi ang guro, maaaring maglibot-libot si Mel sa kanilang barangay o bayan at tukuyin ang isang sikat na restaurant kung saan maaari niyang kausapin ang may-ari nito o ang mismong chef upang kapanayamin ng mga bagay-bagay hinggil sa kanyang propesyon. Maaari rin siyang humiling sa may-ari na bigyan siya ng pagkakataon na magmasid-masid o pagsanay sa restaurant kahit walang bayad upang makakalap ng dagdag kaalaman at/o mapatunayan sa kanyang sarili na ito nga ang bagay na trabaho para sa kanya.

Read the description of an informational interview below and respond to the questions that follow. (Basahin ang kahulugan at paliwanag tungkol sa isang informational interview sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.)

a.         Who is the interviewer in an informational interview? (Sino ang tagapanayam/nagtatanong sa isang panayam na nangangalap ng impormasyon?)

            Ang tagapanayam sa isang informational interview ay ang naghahanap ng trabaho.

b.        What does the interviewer get from it? (Ano ang makukuha ng interviewer dito?)

            Nakatutulong sa isang naghahanap ng trabaho ang isang informational interview upang makakalap pa ng dagdag kaalaman hinggil sa papasuking trabaho o sa kumpanyang nais niyang pasukan. Nakatutulong din ito upang matantya niya sa sarili kung nababagay ba siya o ito talaga ang trabahong nais niyang gawin. Sa pamamagitan ng informational interview, nagkakaroon ng pagkakataong malaman ng isang job seeker kung mayroong bakante sa isang kumpanya at malaman ang mga katangiang hinahanap nito sa isang empleyado. Sa pamamagitan ng informational interview, nabibigyan din ng interviewee ng mga payo tungkol sa napili niyang career ang isang naghahanap ng trabaho. Bukod pa rito, nalalaman din ng jobseeker kung anong mga katangian ang nababagay sa trabahong napili at kung anu-ano ang mga responsibilidad nito.

c.         Who is the interviewee in an informational interview? (Sino ang kinakapanayam sa isang informational interview?)

            Ang kinakapanayam sa isang informational interview ay maaaring ang may-ari mismo ng isang kumpanya, isang supervisor, at/o isang karaniwang empleyado na makapagbibigay sa isang naghananap ng trabaho ng mga sagot sa nais niyang itanong. Isang ring mainam na interviewee ang isang propesyonal o taong matagal na sa industriyang nais tahakin ng isang jobseeker.

d.        What does the interviewee get from it? (Ano ang makukuha ng kinakapanayam dito?)

            Bukod sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman at kasanayan tungkol sa kanyang trabaho, naitataguyod din ng isang kinakapanayam ang kanyang kumpanyang pinagtatrabahuhan upang ito ay lubusan pang makilala. Nasasanay at nalilinang din ang mabuting pakikipag-usap o pakikipagtalastasan  ng interviewee habang isinasagawa ang informational interview. Bukod dito,  may pagkakataong nakahahanap ng isang potensyal na trabahador ang isang kinakapanayam sa katauhan ng kumakapanayam sa kanya.

 

Make a list of people or companies in your community that you want to do an informational interview with. (Gumawa ng isang listahan ng mga tao o kumpanya sa inyong komunidad na nais mong gawan ng isang informational interview.)

            Ang mga sumusunod na personahe at bahay-kalakal na nais kong isagawa ang isang panayam upang makakalap ng mga impormasyon ay ang mga sumusunod:

            1. G. Florante Laura – inspirational speaker and influencer

            2. Synergy Business Solutions, Inc.

          3. Gng. Madelyn Geronimo – Customer Service Manager, Silver Star Wholesale Marketing

           

You will do a practice mock informational interview with a family member or a friend. How are you going to describe an informational interview to your interviewee? Prepare your description in the space below.

Magsasagawa ka ng isang kunwaring informational interview kasama ang isang miyembro ng pamilya o isang kaibigan. Paano mo ipapaliwanag ang panayam na ito sa iyong kapapanayamin? Ihanda/Isulat sa ibaba ang iyong paliwanag.

What is an informational interview? Why are we practicing it? (Ano ang isang informational interview? Bakit natin pinapraktis ito?)

            Ang informational interview ay isang uri ng panayam kung saan ang naghahanap ng trabaho ang siyang nagtatanong sa isang may-ari ng negosyo, manedger, o isang ordinaryong kawani upang makakalap ng mga impormasyon ukol sa kaalaman, karanasan, at kasanayan ng isang namamahala o nagtatrabaho sa trabahong nais mong pasukin.

            Ang pagsasagawa ng isang panayam upang makakalap ng mga impormasyon hinggil sa isang kumpanya at partikular na trabaho ay mahalaga upang maiayon ng isang jobseeker ang kanyang kaalaman, kasanayan, at pag-uugali sa kultura o sistemang nananaig sa kumpanyang nais pasukin. Isang paraan din ang isang informational interview upang matanto ng isang naghahanap ng trabaho na angkop nga o talagang nais niyang pasukin ang larangang iyon base sa kanyang mga natuklasan.

Let’s Exercise!

Perform a 3-5 minute mock informational interview with a family member or a friend as your interviewee. (Magsagawa ng isang 3 – 5 minutong kunwariang informational interview sa isang miyembro ng pamilya o isang kaibigan bilang iyong kakapanayamin.)

Reflect on your mock informational interview. Did you get the information you want to learn? Why or why not? Did the interviewee have good impression about you? If not, how would you improve it next time? (Magbalik-tanaw sa isinagawang mock informational interview. Nakuha mo ba ang mga impormasyong nais mong malaman? Bakit o bakit hindi? Ang kinapanayam mo ba ay nagkaroon ng magandang paghanga sa iyo? Kung hindi, paano mo ito mapapabuti sa susunod na pagkakataon?)

     Hindi lahat ng kaalaman ay nakalap ko sa aming isinagawang mock informational interview. Ito ay sa kadahilanang kulang pa ang kaalaman, karanasan, at kasanayan ng aking kaibigan sa trabahong nais kong tahakin dahil na rin sa katutohanang siya ay nagsisimula pa lamang sa trabahong iyon.

         Hindi rin lubos ang naiwan kong impresyon sa aking kinapanayam dahil tulad niya, pareho kaming kabado sa papel na aming ginagampanan. Gayunman, upang maalis ang aking nerbiyos at makapagsalita nang malinaw at tuloy-tuloy, kailangan naming magsanay pa.

Let’s Apply!

You will conduct an informational interview with someone in your community at a workplace you are interested in. They do not need to be a supervisor. If you cannot do it in person, you can do it over the phone. During the interview, ask the questions and complete  4.10: Informational Interview Form.

Magsasagawa ka ng isang informational interview sa isang tao sa inyong pamayanan sa lugar ng kanyang pinagtatrabahuhan. Hindi kailangang siya ay isang superbisor. Kung hindi mo ito magagawa ng personal, maaari mo tong gawin sa pamamagitan ng telepono. Habang nag-iinterview, itanong ang mga katanungan at kumpletuhin ang 4.10: Informational Interview Form.

 









Let’s Reflect

a.         What was it like approaching the employer to obtain the informational interview? Were you nervous? Confident? What was the reaction of the employer?

            Ano ang iyong pakiramdam nang lapitan mo ang isang employer upang humiling ng isang informational interview? Ninerbyos ka ba? May tiwala sa sarili? Ano ang naging reaksyon ng employer?

            Dahil ito ang aking unang karanasan, natural lamang na panghinaan ako ng loob at nerbyosin nang makipagkita ako at humiling ng isang panayam sa isang propesyonal sa aming komunidad. Unti-unting nawala ang aking kaba sa araw ng interview nang magpasama ako sa isang kaibigan na kamag-anak pala ang taong aking kakapanayamin.

            Medyo nagulat din ang aking interviewee dahil hindi niya inaasahan na siya ang aking mapipili. Gayunman, naging accommodating naman siya sa araw ng panayam.

b.  What are some highlights that you learned during your interview? (Ano ang ilan sa mga kaganapang natutunan mo habang kumakapanayam ka?)

            1. Tulad ng interviewer, ang interviewee ay nagpapakita rin ng konting kaba sa oras ng panayam.

       2. Mahalaga ang makaagapay ka agad habang nag-iinterbyu dahil kung magkaminsan ay may mga sitwasyon at kasagutang hindi inaasahan.

            3. Kailangan ang kumpiyansa sa sarili upang maging matagumpay ang iyong pagtatanong at mangangalap ng mga impormasyon.

 c.        How did this person get started in his/her career? What roles did he/she have which led to his/her current position? (Paano nagsimula ang taong ito sa kanyang karera? Anu-anong mga trabaho ang kanyang pinagdaanan bago narating ang kanyang kasalukuyang posisyon?)

1. Nagkakaroon ng kasiyahan sa pagsisilbi sa pangangailangan ng mga tao.

2. Naging saleslady sa isang pamosong mall at nagustuhan ang pakikisalamuha sa iba't ibang klase ng mamimili.

      3. Nag-aplay sa pamamagitan ng sulat nang may mabasang anunsyo sa isang pahayagan

4. Nagtrabaho bilang salelady, call center agent, travel agency supervisor, at assistant customer service manager

d.        What do they value in an employee? What behaviors lead to success? (Ano ang pinahahalagahan nila sa isang empleyado? Anu-anong mga pag-uugali ang kailangan upang  magtagumpay?)

            Pinahahalagahan ng kumpanya ang pagiging matapat at dedikasyon ng isang kawani sa kanyang trabaho at kumpanya, at ang kanyang pakikisama sa mga kaopisina.

            Upang maging matagumpay sa karera, dapat ay may kumpiyansa sa sarili at lakas ng loob sa pagharap sa mga hamon at problema. Kailangan din ang pakikiisa at pakikipagtulungan sa ibang mga kawani. Bukas din dapat ang isip sa mga puna at feedback mula sa mga namumuno at kapwa empleyado upang mabago at/o mapaunlad ang pananaw para sa ikabubuti ng trabaho at kumpanya.

e.         Based on what you learned, are you interested in this type of career? Why or why not?   (Ayon sa iyong natutunan, interesado ka ba sa ganitong uring karera? Bakit at bakit hindi?)

            Interesado pa rin ako na tahakin ang pagiging Customer Service Manager tulad ng aking nakapanayam dahil pinagyabong nito ang aking kaalaman at posibleng mga hamon na aking dapat lampasan. Napaigting ng panayam ang aking pagkagiliw at kasiyahan na punan ang pangangailangan ng iba.

Monday, October 26, 2020

GUIDES on ANSWERING Activity 3 of ALS Life Skills Module 4 - Work Habits & Conduct

 SESSION 1: LOOKING FOR JOB OPPORTUNITIES

Activity 3: The Job Interview

Reflect on previous job interviews. What was it like? What went well and what did not? If you do not have previous experience, you may leave this section blank.

            Magbalik-tanaw sa iyong mga nakaraang job interviews. Ano ang pakiramdam? Ano ang naging maayos at ano ang hindi? Kung hindi ka pa nakaranas ng isang panayam sa trabaho, hayaan blanko ang espasyong ito.

          Magkahalong kaba at pananabik ang aking naramdaman nang ako ay huling nainterbyu sa aking inaplayang trabaho. Kaba dahil iyon ang aking unang pagsalang sa karanasang iyon. Pananabik dahil sa posibilidad na magkaroon na ako ng trabaho. Naging maayos ang daloy ng aking panayam kapag may kinalaman sa aking sarili ang tinatanong ng interviewer. Hindi lang naging maganda ang panayam kapag purong English na ang mga tanong dahil hindi ako masyadong komportableng magsalita sa English.

Let’s Exercise!

Note the details of the job that you are applying for below. (Isulat sa ibaba ang mga detalye ng trabahong iyong inaaplayan.)

  •  Customer Service Supervisor
  • 5 taon o higit pang karanasang pagsisilbi sa mga parukyano
  • Mainam sa pakikipagtalastasan
  • May mga katangian bilang pinuno
  • May kaalaman sa paggamit ng kompyuter
  • Marunong gumamit ng MS Word at Excel

Now write your answers to the potential interview questions in the space below. (Ngayon, isulat sa espaso sa ibaba ang iyong mga sagot sa mga posibleng  itatanong sa panayam.)

Tell me about yourself.

            Ako si Juan Reyes Dela Cruz, 30 taong gulang, may-asawa at 2 anak. Mayroon akong Customer Relationship diploma mula sa STI-Caloocan. Dati akong Catering Supervisor sa isinarang Don Pedro’s Catering Services. Marunong akong gumamit ng kompyuter at gamay sa paggamit ng mga Microsoft softwares tulad ng Word at Excel. Habang naghihintay ng magkaroon ng permanenteng trabaho, nag-oonline selling ako ng iba’t ibang bagay upang may maitustos sa aking pamilya.

What qualities and skills do you have that will help you perform this job?

            Maliban sa aking nabanggit na pinag-aralan at kasanayan sa paggamit ng kompyuter at mga softwares, may kasanayan ako sa pamumuno ng mga kasamahan sa trabaho. Lagi akong kalmado at magaling pakipag-usap sa mga parukyano, mapilit man ang mga ito o nagrereklamo. Isa akong team player at may kasanayan sa pakikipagtalastasan sa mga pinuno o simpleng kawani ng kumpanya.

What previous experiences do you have that are related to this position?

            Ang aking huling trabaho ay isang catering supervisor na nangangalaga sa kapakanan ng mga parukyano at namumuno sa mga tauhan. Dahil ang kumpanya ay nangangailangan ng isang customer service supervisor, sa palagay ko ay angkop ang aking higit sa sampung taong karanasan para rito.

Describe the responsibilities you had in your previous job.

            Maliban sa pamumuno sa mga tauhang nakaatang sa akin, gumagawa ako ng weekly schedule of work ng aking mga tauhan. Nakikipag-ugnayan din ako sa tagapamili upang bilhin ang mga kailangan ng aming departamento. Dagdag pa rito, gumagawa rin ako ng monthly budget at report. Nag-iinterbyu rin ako at tumatanggap ng mga bagong trabahador. Ang aking pinakamahalagang gawain ay ang makipag-usap sa mga parukyano, ibigay ang kanilang pangangailangan, sagutin ang kanilang mga katanungan, at bigyang solusyon ang kanilang mga hinaing at reklamo.

Are you familiar with this company/business/organization?

            Hindi ko pa masyadong kilala ang “Hapag-Kainan sa Gitna ng Parang” maliban sa ito ay isang kumpanyang naghahain ng mga lutong-Pilipino sa gitna ng parang o bukirin. Gayunman, napansin ko ang unti-unti nitong pagsulong dahil sa mga sangay na nakikita na sa iba’t ibang panig ng Metro Manila. Ang pag-unlad nito ang naging dahilan upang ipasya kong mag-aplay at maging bahagi ng kumpanya.

How did you learn about this company/business/organization?

            Nalaman ko ang tungkol sa inyong kumpanya mula sa isa ninyong chef na dating nagtrabaho sa aming nagsarang kumpanya. Dahil sa magagandang impormasyon at feedback na aking narinig sa kanya, lalo akong naging interesadong mag-aplay.

Why do you want this job?

            Kailangan ko ang trabahong ito una dahil kailangan kong tustusan ang pangangailangan ng aking pamilya lalo na ngayong pandemya. Ikalawa, alam kong susulong pa ang aking career at magkakaroon ng mga kasanayan sa inyng kumpanya. Ikatlo, batid kong maibabahagi ko ang aking kaalaman at kasanayan sa trabahong ito.

What are your strengths and weaknesses?

            Tulad nang nasabi ko na, magaling akong makipag-usap sa mga parukyano gayundin sa mga pinuno at kawani ng kumpanya. Masipag ako at marunong makisama sa iba’t ibang uri ng tao. Ang kahinaan ko ay masyado akong dibdiban sa pagtatrabaho kung kaya’t pagkaminsan ay nalilipasan na ako ng gutom.

Why should we hire you?

            Maliban sa angkop ako sa trabaho dahil sa angkin kong kaalaman, kasanayan, at karanasan, batid ko sa aking sarili na magiging asset ako ng inyong kumpanya sa ilalim ng inyong pagpapatnubay sanhi upang ako ay inyong tanggapin. Dahil sa aking pagiging tapat at dedikado sa trabaho at propesyon, makatutulong ako upang lalo pang umunlad at makilala ang “Hapag-Kainan sa Gitna ng Parang.”

What are the questions about the job or the organization that you may ask?

            Nais kong malaman ang ilan sa mga benepisyong tinatanggap ng inyong mga kawani at ang inyong mga polisiya tungkol sa promosyon at retirement upang maiayon ko ang aking pagtatrabaho at mga plano sa buhay. Nais ko ring mabatid ang mga pinuno ng kumpanya upang lubos ko silang makilala at maging inspirasyon ang kanilang naging buhay-buhay at gawin kong halimbawa.

Reflect on how you did in the exercise. Make a note of what went well, what can be better and how to improve them in the space below. Feel free to go back and revise the answers to the questions if needed.

            Magbalik-tanaw sa iyong ginawa sa pagsasanay. Isulat sa espasyo sa ibaba ang mga bagay na naging maayos, ano ang dapat pang pagbutihin, at kung paano maisasaayos ang mga ito. Kung kinakailangan, malaya kang rebisahin o baguhin ang iyong naging sagot.

            Naging maayos naman ang takbo ng panayam. Ang dapat lang baguhin ay ang pagiging handa at pangangalap ng marami pang impormasyon hinggil sa kumpanyang papasukan.   

Think about it!

Ask a family member or a friend to be a practice partner for the job interview. If you are doing the practice interview face to face or via video call, you should dress-up accordingly to truly depict an actual job interview.

            Hilingin sa isang miyembro ng pamilya o isang kaibigan bilang practice partner para sa isang job interview. Kung ang gagawing panayam ay face to face o sa pamamagitan ng video call, kailangang angkop ang iyong pananamit upang maipakita ang isang tunay na panayam sa trabaho.

Reflect on how you did in the second round of interview with a family member or a friend as the interviewer. Make a note of the key learnings and useful feedback.

            Magbalik-tanaw kung ano ang nangyari sa iyong ikalawang panayam kung saan  isang kapamilya o kaibigan ang naging interviewer. Isulat ang mahahalagang natutunan at mga kapakipakinabang na puna o feedback.

            Sa aking naging ikalawang practice interview, mas higit akong naging kampante bilang isang aplikante. Maayos kong nasagot ang mga katanungan ng aking Ate Isabel na siyang tumayong interviewer. Dahil dito ay nagkaroon ako ng kumpiyansa sa sarili. Napag-alaman ko na mas magiging kalma sa pagsagot ang isang aplikante kung napaghahandaan ang isang panayam sa pamamagitan ng isang praktis. Isa pa, nabibigyan pa ako ng aking Ate nang mga tips kung paano sagutin ang isang tanong at ng tamang pagbigkas ng mga sarili at grammar. Kailangan din sa isang panayam na iwasan ang paligoy-ligoy at maging direkta sa pagsagot. Makatutulong din ang pagiging tapat sa pagsagot sa mga tanong na wala kang kaalam-alam o impormasyon. Dapat lamang na ibigay mo ang rason para rito.

Let’s Apply!

Ask a professional in your community whom you know well whether they can give you a mock interview. You might need to ask a few people before you can find someone who is available. If you are doing the mock interview face to face or via video call, you should dress-up accordingly to truly depict an actual job interview.

            Hilingin mo sa isang kakilalang propesyonal sa inyong lugar kung maaari kang bigyan ng isang mock interview. Maaari kang kumausap ng ilang tao bago ka makahanap ng isang taong may oras para rito. Kung ang gagawing kunwaring panayam ay face to face o sa pamamagitan ng video call, kailangang angkop ang iyong pananamit upang maipakita ang isang tunay na panayam sa trabaho. 

Reflect on how you did in the third round of interviews. Make a note of the key learnings and useful feedback.

            Magbalik-tanaw kung ano ang nangyari sa iyong ikatlong panayam. Isulat ang mahahalagang natutunan at mga kapakipakinabang na puna o feedback.

            Isang face to face interview ang naganap sa pagitan ko at ng aming kapitbahay na English teacher. Ito ay naganap noong Linggo ng hapon kung kailan siya ay available. Bago naganap ang aming kunwaring panayam, tinawagan ko muna siya at sinabi ko ang aking pakay. Pinagbigyan naman niya ang aking hiling at itinakda nga ang aming mock interview.

            Pinaghandaan ko ang interbyung iyon. Nagsuot ako ng long-sleeves polo shirt, itim na pantalon, at balat na sapatos na animo ay talagang sasabak ako sa isang tunay na job interview. Nag-umpisa ang panayam sa palitan ng batian sa isa’t isa.

            Nasagot ko naman nang mahusay ang mga tanong ng guro. Mas kampante ako at lubos ang kumpiyansa sa sarili sa pagkakataong ito. Nakatulong ang pagbabasa ko ng modyul tungkol kung paano ang aking dapat ikilos at gawin sa pagkakataong iyon. Malaki ring tulong ang paghahanda ng mga sagot sa posibleng mga tanong na maaaring itanong ng interviewer.

            Sa huling bahagi ng interbyu ay nagpasalamat ako sa kakilalang guro. Binigyan ko rin siya ng isang chocolate bilang pasasalamat sa pagbibigay niya ng oras sa akin.

            Bago umalis ay hiniling ko sa kanya na magbigay ng puna o feedback tungkol sa naganap na interview. Matapat naman siyang nagbibigay ng kanyang obserbasyon. Sabi niya ay huwag kong masyadong ilalayo ang aking mata habang nakikipag-usap. Dapat daw ay lumabas lang na kaswal ang pag-uusap at huwag ipahalatang sinaulo ang mga sagot. Pag-aralan ko raw ang maging mas kalmado pa upang maging tuloy-tuloy ang daloy ng aking pagsasalita. Pinahiram din niya ako ng libro tungkol sa English grammar upang mapabuti ko pa ang aking pagsagot at pagsasalita. Muli akong nagpasalamat sa kanya.