Dahil patuloy pa rin ang pagdami ng kaso ng Covid-19 at mabagal na pag-usad ng pagbabakuna, malaking poryento ang nakahilig na hindi matuloy ang Accreditation & Equivalency (A&E) Test para sa Alternative Learning System o ALS Batch 2020 - 2021. Malamang kaysa hindi na sundin na lamang ng Department of Education (DedpEd) sa ilalim ng Bureau of Education Assessment (BEA) ang mga tuntuning itinalaga sa mga ALS Batch 2019 - 2020 at naunang mga batch, noong nakaraang taon. Ito ay ang pagbase sa Presentation Portfolio bilang pangunahing kakailanganin upang makapasa ang mga learners at mabigyan ng katunayan o diploma ng pagtatapos. Dapat lamang na makakuha ng 28 puntos ang isang mag-aaral ng ALS.
Nangangahulugan din ito na gamitin ang Presentation Portfolio upang pansamantalang maka-enroll ang Batch 2020 - 2021 at mga naunang batch na hindi pa pumapasa, tulad noong isang taon. Ginawa ito upang hindi magtagal ang pagnanasa ng mga ALS learners na makapagtapos ng Senior High School (SHS) sa lalong madaling panahon. Sa ganitong sistema, kapag nakakuha ng 28 puntos ang isang mag-aaral ng ALS, siya ay pansamantalang iienrol sa formal school at kukuha ng Accreditation and Equivalency Readiness Test o AERT sa itatakdang araw, kung ipagkakaloob ng pagkakataon. Kung magiging imposible uli ang pagkuha ng AERT, ang kanilang grado sa Una at Ikalawang Grading Period at puntos sa Presentation Porftolio ang gagawing basehan upang mabigyan ng katunayan. Ang benepisyo ng ganitong sistema ay mapapadali ang pagtatapos nila ng SHS dahil kasalukuyan na silang nag-aaral bilang Year 11.
Dahil sa nabanggit, dapat ay pagbutihin ng mga ALS Batch 2020-2021 ang paghahanda ng kanilang isusumiteng Presentation Portfolio. Gawin ito ng regular upang hindi magahol sa oras-oras, lalo pa't at pabigla-bigla, kung magkaminsan, ang pagbibigay ng abiso ng DepEd o BEA.