Monday, November 25, 2024
Saturday, December 11, 2021
ALS A&E Reviewer 2021: LS 5 - Understanding the Self & Society (Based on Previous Actual Test Questions)
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. “Huwag kang bibitiw! Subukan mo lang hanggang makamit ang tagumpay.” Anong mabuting katangian ang ipinahihiwatig ng mga pangungusap na ito?
A. makatarungan
B. matipid
C. matiyaga
D. maagap
2. Kalilipat mo lamang at ang iyong pamilya sa Barangay Loob. Nais mong makibahagi sa mga gawaing pampaunlad sa inyong barangay. Ano ang dapat mong gawin?
A. pumunta sa istasyon ng pulis upang magtanong
B. humingi ng tulong sa iyong kapitbahay
C. gumawa ng sarili mong proyekto
D. pumunta sa barangay hall at magtanong kung ano ang mga proyekto nito
3. Ano ang nabanggit sa ibaba ang itinuturing na karapatang sibil?
A. bumoto
B. makaroon ng ari-arian
C. maging malaya
D. pumili ng relihiyon
4. Ang pagluluwas ng ating mga produkto sa ibang bansa ay nagdudulot ng kabutihan para sa atin. Isa na rito ang ______.
A. pagtaas ng presyo ng mga bilihin
B. pagdami ng turista
C. paglabas ng dolyar sa bansa
D. pagpasok ng dolyar sa bansa
5. Makakamtan ang “Unity in Diversity” sa pagitan ng mga bansa kung ________.
A. Magsasama ang malalaki at mayayamang mga bansa
B. Kikilalanin at uunawain ng ang bawa’t bansa ay may iba’t ibang kultura
C. Sasapi ang maliliit na bansa sa mga samahang internasyunal
D. Itataguyod ng bawa’t bansa ang sarili nitong interes
6. Paano maisusulong ang proyektong Gender and Development (GAD) at gender equality?
A. Pagkilala na magaling sa Mathematics ang mga lalaki at sa English naman ang mga babae
B. Mga batang lalaki lamang ang maaaring maglaro ng baril-barilan
C. Maaaring maghugas ng plato ang mga anak na lalaki at babae
D. Kulay pink ang dapat isuot ng babae at blue naman sa lalaki
7. Bilang bahagi ng pamayanan, paano mo maipakikita ang iyong aktibong pakikilahok sa proyektong “Harap Mo, Linis Mo”?
A. Hindi ako makikinig sa mga pahayag ng mga nakilahok
B. Magmumungkahi ako ng mga makabuluhang paraan upang hindi kumalat ang basura
C. Makikipagkuwentuhan ako sa aking mga kaibigan habang nagsasalita ang iba
D. Uuwi ako kahit hindi pa tapos ang pulong
8. Ang pagiging matapat ay masasalamin sa pangungusap na ito:
A. Nagsasabi ako ng totoo anuman ang kahihinatnan
B. Iniipon ko sa alkansiya ang bahagi ng aking baon
C. Iniingatan ko ang aking mga gamit para di agad masira
D. Tinatapos ko agad ang aking takdang aralin bago manood ng TV
9. Napapabayaan ng iyong kaibigan ang kanyang pag-aaral dahil mas maraming oras niya ang iginugugol sa mga gawain ng kaniyang relihiyon. Ano ang maipapayo mo sa kanya?
A. Tumigil na lamang sa pag-aaral at magpakarelihiyoso
B. Ipagpatuloy ang ginagawa dahil pupunta siya sa langit kahit hindi nag-aaral
C. Pagtuunan ng pansin ang pag-aaral sa tuwing araw ng may pasok at ang paglilingkod naman sa araw ng pagsamba
D. Huwag siyang pansinin at gayahin
10. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pang-aabuso sa mga kababaihan?
A. Patigilin siya ng kanyang asawa sa pagtatrabaho
B. Pilitin siya ng kanyang asawa na ibigay ang buong sahod sa kanya
C. Iwanan siya ng kanyang asawa na may maraming utang na babayaran
D. Lahat nang nabanggit
11. Ano ang maaaring mangyari sa isang tao na hindi marunong magdala ng stress na kanyang nararanasan sa matagal na panahon?
A. Magiging desperado/desperada
B. Mabilis magalit
C. Magiging sakitin
D. Lahat nang nabanggit
12. Alin sa mga sumusunod na pagpapahalaga ang naglalarawan sa mga Pilipino ano man ang pangkat etnolingguistikong kinabibilangan?
A. matatag na paniniwala sa Diyos
B. pagsasabi ng po at opo
C. matatag na relasyon sa pamilya
D. pagiging mapagmuni
13. Ano ang makatarungang solusyon na dapat gawin ng mga bansang may hindi pagkakaunawaan sa kanilang teritoryo?
A. Paghahati ng teitoryo sa lahat ng umaangkin nito
B. Paggamit ng dahas
C. Dayalogo upang bumuo ng mutual agreement sa pagitan ng mga bansang sangkot
D. Pagbibigay ng teritoryo sa maliit na bansang umaangkin dito
14. Kung ang Sinulog Festival ay ipinagdiriwang sa Cebu, ano naman ang ipinagdiriwang sa Davao?
A. MassKara Festival
B. Ati-atihan Festival
C. Kadayawan Festival
D. Dinagyang Festival
15. Ano ang iyong mararamdaman kapag nabalitaan mong nasunugan ang isa mong kamag-anak?
A. malungkot
B. magagalak
C. masaya
D. magagalit
16. Kapag humingi ng tulong ang iyong kapatid sa paggawa ng kanyang proyekto sa susunod na araw, ano ang iyong gagawin?
A. sasabihin sa kanya na sa iba na humingi ng tulong
B. sisigawan siya at sasabihing huwag kang gambalain
C. hindi siya papansinin
D. tutulungan siya sa paggawa ng kanyang proyekto
17. Ang mga sumusunod ay matututunan sa pag-aaral ng Heograpiya maliban sa ___.
A. klima ng isang lugar
B. lokasyon ng lugar
C. kalagayang politikal ng isang lugar
D. populasyon ng lugar
Para sa bilang 18 – 20. Basahin ang talata sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Nagtatrabaho sa isang pabrika si Upeng na may pitong anak. Malayo ang kanyang pinapasukan kung kayat maaga siyang umaalis sa umaga at gabi na kapag umuuwi. Bihira na niyang nakukumusta at nakakausap ang mga anak. Ang mga anak ay sa ama kumukunsulta hinggil sa mga gawain at asignatura sa paaralan.
18. Ano ang tungkulin ni Upeng sa kanyang mga anak?
A. tagapag-alaga ng asawa at mga anak
B. tagalaba ng mga damit ng pamilya
C. naghahanap-buhay para sa pamilya
D. tagaluto ng pagkain para sa mga anak at asawa
19. Bakit hindi na nagagampanan ni Upeng ang kanyang tungkulin sa asawa at mga anak?
A. Hindi niya mahal ang asawa at mga anak.
B. Mas nais niyang pagtuunan ng oras ang pagtatrabaho kaysa pamilya.
C. Nagtatrabaho siya, umaalis ng maaga at gabi na kapag nakauuwi ng bahay.
D. Hindi niya pinahahalagahan ang pamilya.
20. Sa iyong palagay, ano ang mabuting maidudulot nito sa kanyang mga anak habang sila ay lumalaki?
A. lalaki na may takot sa Diyos
B. lalaking maunawain at responsible
C. mawawalan ng pagmamahal sa magulang
D. hindi makapagtatapos ng pag-aaral
MGA SAGOT:
Monday, August 17, 2020
Video 59-ALS Module - Introduction to Compouter - Lesson 2 | Digital Lit...
This video contains the Alternative Learning System ALS Module entitled Introduction to Computer - Lesson 2: The Roles of Computer in Today's Society, for Digital Literacy.
#alsreviewer2020
#aertreviewer
#digitalliteracy
Thursday, August 13, 2020
ALS REVIEWER SECONDARY for AERT and A&E - FILIPINO | Online R...
Tunghayan kung anong tipo ng pagsusulit ang lumalabas sa ALS Learning Strand 1 Communication Arts - Filipino para sa AERT at A&E Test.
Panoorin ang bidyo at mag-subscribe para sa mga susunod pang mga bidyo na makatutulong upang pumasa sa PEPT, AERT at A&E test.
Saturday, August 1, 2020
Friday, July 31, 2020
2020 ALS REVIEWER SECONDARY for AERT and A&E - ENGLISH
For Item 5 - 6. Read the Community Quarantine Pass below and answer the questions that follow:
ANSWERS