Nasa ibaba ang isang balik-aral na pagsusulit ukol sa Idyoma o Sawikain bilang bahagi ng ALS A&E Test: Learning Strand 1 - Communication Skills - FILIPINO:
PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Yao na si Ka Berto upang maningalang pugad. Siya ay _______.
A. mag-aasawa na
B. mangangaso
C. manliligaw
D. mangunguha ng itlog
B. mangangaso
C. manliligaw
D. mangunguha ng itlog
2. Alog na ang baba subalit tuloy pa rin sa pag-aararo ang Mamay Pitong.
A. Maysakit
B. Matanda na
C. Masakit ang panga
D. Madaldal
3. Iilan ang kaibigan ni Johan dahil siya ay buwayang lubog.
A. Politiko
B. Madamot
C. Sinungaling
D. Taksil sa kapwa
4. Panahon na upang mabunyag ang pamamangka sa dalawang ilog ni Romeo.
A. Dalawa ang nililigawan
B. Magaling na bangkero
C. Sinungaling
D. Taksil sa kapwa
5. Hindi maaaring kumandidato ang isang taong balat-sibuyas.
A. Makinis ang balat
B. Mahiyain
C. Maramdamin
D. Iyakin
6. Ang isang taong nagugutom ay sinasabing _________ ang bituka.
A. halang
B. mahapdi
C. likaw
D. buhol-buhol
7. Ang isang taong masama ay sinasabing _________ ang bituka.
A. halang
B. mahapdi
C. maiksi
D. buhol-buhol
8. Di-mahulugang karayom ang dumalo sa isang proklamasyon ng isang kandidato.
A. Maraming tao
B. Malawak
C. Maingay
D. Maluwag
9. Ano ang HINDI katangian ng isang taong nagbibilang ng poste?
A. Walang trabaho
B. Tambay
C. Mahilig gumala
D. Naghahanap ng trabaho
10. Ayaw utusan ni Gng. Gloria si Marites dahil siya ay may tengang-kawali.
A. Bingi
B. Maitim ang tenga
C. Mahina ang pandinig
D. Nagbibingi-bingihan
11. Si Marlon ay mahilig maglubid ng buhangin. Siya ay _________.
A. kantero
B. sinungaling
C. inhenyero
D. salamangkero
12. Sikat si Damaso sa kanilang nayon dahil siya ay balat-kalabaw.
A. Makapal ang hiya
B. Napakasipag
C. Magaling gumawa ng katad
D. Magsasaka
13. Nagulat si Elsa nang malamang di-maliparang uwak ang lupain ng kanyang napangasawa.
A. Magubat
B. Makitid
C. Malawak
D. Mauwak
14. Hindi mapaibig ni Leo ang kanyang sinisinta dahil ningas-cogon ang kanyang panliligaw.
A. Mapusok
B. Masigasig
C. Maapoy
D. Panandalian
15. Upang malimutan mo ang isang bagay, dapat mo itong ________.
A. ikurus sa palad
B. itaga sa bato
C. isulat sa tubig
D. itanim sa utak
--o0o--
Para sa aralin tungkol sa Idyoma o Sawikain, i-klik ang mga link sa ibaba:
MGA SAGOT: