Showing posts with label ALS Life & Career Skills. Show all posts
Showing posts with label ALS Life & Career Skills. Show all posts

Monday, August 31, 2020

ALS AERT & A&E Practice Test 2020 - Module 2 Interpesonal Communication - My Dev Life Skills Curriculum

Choose the letter of the correct answer. 

1. Alin ang HINDI kabilang na halimbawa ng epektibong pakipagtalastasan?

A. Pagpapakita ng tumpak na kilos ng katawan (body language) habang nakikinig.

B. Hingan ng paliwanag ang nagsasalita kung hindi mo masyadong naunawaan ang kanyang sinasabi.

C. Magpakita ng mga senyales na hindi ka sang-ayon sa mga sinasabi ng tagapagsalita habang ito ay nagsasalita.

D. Magkaroon ng kamalayan sa iyong pag-uugali at iwasan ang pagiging mapanuri.

 


2. Ang pakikipagtalastasan ay “one-way process” kung ________.

A. iisa lamang ang nagsasalita

B. hindi nakikinig ang mga tagapakinig

C. kung magkaiba ang paksa ng dalawang panig

D. lahat nang nabanggit

 

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng kilos ng katawan?

A. Pag-iling

B. Paghikab

C. Pagtingin sa relo

D. Pagsagot

 

4. Habang nagsasalita ang inyong supervisor ay napansing may ilang mali sa kanyang sinasabi. Ano ang mabuti mong gawin?

A. Hintayin siyang matapos magsalita at saka isiwalat ang iyong obserbasyon.

B. Singitan siya habang nagsasalita upang maitama ang kanyang mali.

C. Umiling-iling upang ipakita sa kanya na mali ang kanyang sinasabi.

D. Kalimutan na lamang ang napansin upang hindi na mapahiya ang supervisor.

 

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng isang epektibong pagsasalita?

A. Maging tapat.

B. Mabilis na pagsasalita upang hindi antukin ang mga tagapakinig at makatapos agad.

C. Maging malinaw, maigsi, at direkta sa punto ang mga sinasabi.

D. Pagpili ng mga positibo at mabubuting mga salita.

 

6. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang MALI?

A. Hindi kailangang alamin ng nagsasalita ang mga senyales ng kanyang katawan habang nagsasalita.

B. Ang nagsasalita at nakikinig ay kailangang may kamalayan sa mga kilos ng kanilang katawan sa isang pakikipagtalastasan.

C. Dapat na maging tapat ang isang tagapagsalita sa kanyang mga sinasabi.

D. Kahit dalubhasa sa isang paksa, nararapat na makinig din ang isang nagsasalita sa opinyon ng iba.

 

7. Kapag nagsasalita sa isang grupo ng tao o pangkat, mahalagang __________.

I. tumingin sa mata ng mga tagapakinig            II. maging maalam sa paksa

III. lohikal ang pagtatanghal ng impormasyon    IV. nakatuon sa paksang tinatalakay

A. I at II

B. III at IV

C. II, III at IV

D. I, II, III, at IV

 

8. Ang isang mainam na trabahador sa isang grupo ay __________.

A. nakikinig lamang sa katrabahong may kaparehong opinyon

B. lumilikha ng di-pagkakasundo upang maging kaiga-igaya ang isang talakayan

C. humihingi ng mga ideya ng iba sa pangkat

D. nanatiling tahimik kahit iba ang opinyon sa iba

 

9. Dahil sa kasabihang “The customer is always right.”, nararapat lamang na sundin mo ang lahat ng nais niyang ipagawa sa iyo.

A. Tama

B. Mali

 

10. Kapag nakikipag-usap sa isang mapilit na kustomer, _________.

A. ipagbigay-alam sa bantay ang kustomer para paalisin

B. magbingi-bingihin sa kanyang sinasabi

C. manatiling kalmado

D. huwag na lamang siyang pansinin

 

11. Ano ang dapat gawin kapag nakikipag-usap sa isang mamimili sa telepono?

A. Sabihin ang pangalan at ang kumpanyang pinagtatrabahuhan.

B. Maging magalang at mahinahon.

C. Makinig mabuti at huwag sumabat.

D. Lahat nang nabanggit

 

12. Kapag nag-aalok ng isang paninda sa telepono, alin sa mga sumusunod ang mabuting gawin?

A. Siraan ang produkto ng iba.

B. Ipaliwanag ang mga benepisyo ng paninda

C. Ipagpilitan ang paninda.

D. Makipagkaibigan sa tinawagan.

 

13. Kapag galit na ang isang kustomer, ___________.

A. kailangan mo ring magpakita ng galit at pagkadismaya

B. sabihan ang bantay para mapalabas ang kustomer

C. manatiling kalmado hanggang humupa ang damdamin ng kustomer

D. iwan ang kustomer upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon

 

14. Kailangan ang mabisang pakipagtalastasan sa iba upang _________.

A. makahanap at mapanatili sa trabaho

B. makakalap ng mga bagong impormasyon at ideya

C. maitama ang maling paniniwala at nalalaman

D. Lahat nang nabanggit

 

15. Mabisa kang tagapagsalita kung ___________.

A. mainit ang naging talakayan pagkatapos mong magsalita

B. walang nagtanong sa iyong sinabi pagkatapos ng iyong pagsasalita

C. nakatuon sa kani-kanilang relo ang mga tagapakinig habang ikaw ay nagsasalita

D. binigyan ka ng plake ng pasasalamat matapos ang programa

MGA SAGOT

Thursday, July 30, 2020

2020 ALS Reviewer for AERT and A&E Test - Life & Career Skills


Piliin ang titik ng tamang sagot.

16. Para sa kanilang pagreretiro at madaliang tulong pinansyal, ang isang pribadong empleyado at ang kanyang kumpanya ay naghuhulog sa ahensiyang ito buwan-buwan.
A. GSIS
B. SSS
C. Philhealth
D. Pag-ibig Fund

17. Sa isang resume o biodata, ito ay listahan ng pangalan, tirahan at numero ng telepono ng mga taong maaaring magbigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa iyong pagkatao, karanasan, at kasanayan.
A. name and contact details
B. character reference
C. education, skills, and training
D. employment history

18. Alin sa mga sumusunod ang HINDI karapatan ng isang kasapi ng kooperatiba.
A. Magbayad ng kaukulang “membership fee or share”.
B. Tumanggap ng dibidendong inianunsyo ng kooperatiba.
C. Maging pinuno o opisyal ng samahan.
D. Makilahok sa taunang pagpupulong ng kooperatiba.

19. Ibinalitang may “red tide” sa dalampasigan ng Bataan at Kabite. Ano ang maaaring HINDI mangyari?
A. Tataas ang presyo ng mga lamang-dagat na magmumula sa mga lugar na ito.
B. Tutumal ang bentahan ng mga lamang-dagat na magmumula sa mga lugar na ito.
C. Magiging malakas ang kalakalan ng mga lamang-dagat na magmumula sa mga lugar na ito.
D. IIwasan munang bumili ng mga tao ng mga lamang-dagat na magmumula sa mga lugar na ito.

20. Ang isang kooperatiba ay naaayon sa batas kung ito ay irerehistro sa _______.
A. SEC
B. DTI
C. CDA
D. BIR

21. Ano ang mahalagang impormasyon na dapat ilagay sa isang resume o biodata?
A. Pangalan, tirahan, at numero ng telepono
B. Kasanayan, Kalinangan, at Karanasan sa trabaho
C. Sanggunian ng Pagkatao
D. Lahat nang nabanggit

22. Anong lalawigan ang tinaguriang “Salad Bowl of the Philippines”?
A. Baguio
B. Banawe
C. Benguet
D. La Trinidad Valley

23. Kailan o sa anong kondisyon maaaring magtrabaho ang mga Pilipinong wala pang 15 taong gulang?
I. Kung siya ay nasa ilalim at pangangalaga ng kaniyang magulang o tagapag-alaga at ang mga trabahador ay mga kasapi lamang ng pamilya.
II. Kung siya ay magtatrabaho bilang artista o “entertainer” sa pelikula, radyo, at telebisyon at may pahintulot ang kanyang mga magulang at DOLE rito.
III. Kung ang trabahong ibibigay sa kanya ay hindi mapanganib ayon sa panuntunan ng DOLE.
IV. Kung siya ay papasok lamang bilang kasambahay.

A. I at III
B. II at IV
C. I, II, at III
D. II at III

24. Bilang paghahanda sa isang interbyu sa trabaho, mga kailangan gawin at/o taglay ng isang aplikante:
I. Pustura at pananamit na naaayon sa kumpanyang papasukan.
II.  Listahan ng mga padrino sa kumpanyang papasukan.
III. Kaalaman at/o impormasyon hinggil sa produkto at kumpanyang papasukan.
IV. Kalmado at malinaw na pagsasalita at pagpapaliwanag.

A. I at II
B. II, III, at IV
C. I, III, at IV
D. I, II, III at IV

25. Isang araw ay nalaman ni Mang Pedring na may katabi na siyang puwesto na pareho ng kanyang paninda sa palengke. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Harapin ang nagtitinda at sabihan na iba na ang itinda nito.
B. Ireklamo sa munisipyo ang kanyang nalaman.
C. Ibaba ang presyo ng kanyang paninda.
D. Paghusayan ang kalidad ng kanyang produkto.

26. Narinig ni Pedro ang mga pangungusap na ito ng kanyang kapitbahay: “Kapag hindi ka nagtapos ng pag-aaral ay magiging ‘tricycle driver’ ka lamang tulad ni Pedro!” Kung ikaw si Pedro, ano ang iyong gagawin?
A. Hindi na lamang papansinin ang narinig dahil tutoo naman.
B. Gagawing isang hamon ang narinig at ipagpapatuloy ang pag-aaral.
C. Pamumukhaan ang kapitbahay dahil marangal ang kanyang trabaho.
D. Hindi na niya isasakay kailanman sa kanyang traysikel ang kapitbahay.

27. Kung ang pili nuts ay produkto ng Bikol, ano naman ang produkto ng Negros Occidental?
A. piaya
B. lechon de leche
C. batchoy
D. pastillas de leche

28. Ano ang pinakamabuting paraan upang lumakas ang benta ng iyong produkto?
A. mababang presyo
B. pakikisama sa mamimili
C. mahusay na kalidad
D. diskuwento at promosyon

29. Dahil sa problemang pinansyal ay pansamantalang nahinto sa pag-aaral ang iyong anak na babae na desisais anyos pa lamang. Paano siya makatutulong sa iyo?
A. Ipasok siyang kasambahay sa isang malapit na kamag-anak.
B. Ipasok siyang serbidora sa isang bar sa bayan.
C. Siya ang patauhin mo sa iyong maliit na tindahan.
D. Paturuan siyang umawit at sumayaw upang makapagtrabaho sa Japan.

30. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na salapi o “medium of exchange”?
A. perang papel o barya
B. credit o debit card
C. tseke
D. promissory note

MGA SAGOT