Wednesday, October 31, 2018

ALS REVIEWER: LS2- Communication Skills - Filipino

KASANAYANG PANGKOMUNIKASYON
(Source: Bureau of Alternative Learning System (BALS)

Piliin ang titik ng tamang sagot.

A. dinayal mo ang numerong nais mong tawagan. Nag-ring at naramdaman mong iniangat na ang awditibo sa kabilang dulo, subali’t walang nagsasalita. Ano ang sasabihin mo sa tao sa kabilang linya?
A. Hello! Sino ka?
B. Hello! Saan po ito?
C. Hello! Nariyan ba si G. Rivero?
D. Hello! Magandang umaga po! Tahanan po ba ito ni G. Rivero?

Para sa mga bilang 2-5, piliin ang pinakaangkop na salita para sa puwang ng mga sumusunod na pangungusap.

2. Ang panukala ay di agad-agad maaaprubahan. Isang debate ng mga kasapi ang magaganap _____ ito pagbobotohan.

A. ng
B. bago
C. sana
D. sakali

3. Marami ang nagnais na magwagi sa paligsahan _____isa lamang ang pinalad.

A. kaya
B. dahil
C. subalit
D. marahil

4. _______ Martha, Elisa, at Nena ay ilan lamang sa mga naihalal na pinuno ng Sangguniang Kabataan sa kanilang nayon.

A. Si
B. Sila
C. Kayo
D. Sina

5. Makatutulong ang ____ ng mga puno bilang tugon sa unti-unting pagkasira ng ating kagubatan.

A. itanim
B. pagtatanim
C. pagtanim
D. magtanim

Para sa mga bilang 6 at 7, piliin ang KASINGKAHULUGAN ng salita o mga salitang nasa MALAKING TITIK.

6. Kung susuriin, maraming NAPAPARIWARA ngayon bunga ng masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot.

A. nasisisyahan
B. nahihikayat
C. natatamaan
D. napapasama

7. Si Donya Rosa ay isang taong MALAMBOT ANG PUSO lalung-lalo na sa mga mahihirap.

A. mahinhin
B. maawain
C. matakutin
D. masayahin

8. Alin sa mga sumusunod ang karapatan ng mga anak?

A. Magkaroon ng tagagawa ng takdang-aralin
B. Magkaroon ng yaya na siyang gagawa ng mga gawaing-bahay
C. Magkaroon ng sapat na edukasyon at matiwasay na pamumuhay
D. Magtakda ng tuntuning susundin ng bawat miyembro ng pamilya

9. Anong mabuting ugali ang makukuha sa patalastas na ito:
“Hating-kapatid ang bilin ni Inay, hatiin ang mamon pati ang monay, ensaymada ay dapat pantay-pantay, laging isipin ang mahal sa buhay” ?

A. Pagtitipid
B. Pagbibigayan
C. Pagkakaisa
D. Pagtutulungan

10. Nakasaad sa reseta ng doktor na dalawang tableta tuwing apat na oras ang dapat inumin ng pasyente. Kung ika-10 ng umaga uminom, anong oras siya dapat uminom muli?

A. 12:00 pm
B. 2:00 pm
C. 4:00 pm
D. 6:00 pm

11. Ang mababang antas ng temperatura sa isang lugar ay nangangahulugang

A. mainit
B. maulan
C. malamig
D. maaliwalas

Basahin ang sumusunod na artiulo at sagutin ang mga tanong bilang 12 – 14.

Ang Pagtaas ng Presyo ng Bilihin

Ang mga mapagmasid sa takbo ng buhay sa lipunan ay hindi makakaligtaang damahin ang tunay na mga pangyayari kaugnay sa pagkalugmok ng bayan sa bigat ng presyo ng mga pagkain at kagamitan. Halimbawa na lamang, ang dating presyo ng tinapay, gaya ng pandesal, noong Disyembre lamang ay 0.50 sentimo ang isa, ngayon ay P1.00 na.

BUMIBILI: Bakit po tumaas ang presyo ng pnadesal gayong lumiit ito kaysa dati?

TINDERA: Mahal na ang harina at iba pang sangkap kaya nagtaas din ang halaga ng pandesal.

Sa palengke naman ay P45.00 na ang isang kilong kamatis o P4.00 ang bawat piraso. Bumaba na ang presyo ng langis (gasolina at diesel) pero tumaas naman ang singil sa kuryente at tubig. Ang suweldo naman ng mga manggagawa ay hindi nadaragdagan.

Pati ang bayad sa sine ay tumaas din. Tuwing magkakaroon ng “film festival”, dinaragdagan ang singil sa takilya.

Ang panuntunan ng kaunlaran ay ang kanuhayan ng mga pangkaraniwang mamamayan na siyang iginugupo ng mataas na presyo ng mga bilihin.

12. Nadaragdagan ang singil sa takilya tuwing

A. Pasko
B. Bagong Taon
C. halalan
D. film festival

13. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo batay sa artikulo?

A. ANg bayad sa sine ay hindi nagbago.
B. Tumaas ang singil sa kuryente at tubig.
C. Tumaas ang presyo ng tinapay lalo na ng pandesa.
D. Nagtaasan din ang presyo ng mga bilihin sa palengke.

14. Ayon sa talata, saan nakalugmok ang bayan sa ngayon?

A. Kawalan ng katarungang panlpunan sa bansa
B. Kakulangan ng hanapbuhay ng marami sa ating mga kababayan
C. Mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at pangangailangan ng mga mamamayan
D. Unti-unting paglaki ng populasyon na nakakaapekto sa takbo ng ekonomiya ng bansa


Basahin ang sumusunod na patalastas at sagutin ang mga tanong bilang 15 – 17.


Visa Requirements

          Para sa mga nagnanais na makapunta sa bansang Japan, libre ang application form. Walang bayad para sa mga may Immigration Status na kulang sa 90 araw subalit ang may mahigit sa 90 araw ay sisingilin ng Php720 maliban sa mga diplomatiko at mga opisyal.

          Tinatanggap ang mga aplikasyon tuwing Lunes hanggang Biyernes, maliban kung Miyerkules at mga pista opisyal.

          Iniisyu ang visa alinsunod sa layunin ng pagbisita na nahahati sa pitong kategorya: diplomatic visa, official visa, transit visa, short-term visa, general visa, working visa, at specified visa. Ang mga nabanggit na visa ay ayon sa 28 Immigration Status na ibinibigay ng Immigration Control and Refugee Recognition Act.

          Bilang patakaran, kailangang personal na magpunta ang mga aplikante sa tanggapan. Para sa kaginhawan ng mga aplikante, inianunsyo ng Emabahada ng Japan na maaaring mag-aplay ng visa sa pamamagitan ng proxy.

          Ang Emabahada ng Japan ay matatagpuan sa 2627 Roxas Boulevard, Pasay City. Maaari ring tumawag sa telepono bilang 551-5710.


15. Ang patalstas ay tungkol sa aplikasyon sa pagkuha ng

A. visa
B. sedula
C. lisensya
D. police clearance

16. Ayon sa patalastas, ang aplikasyon ay HINDI tinatanggap tuwing

A. Lunes
B. MArtes
C. Biyernes
D. Miyerkules

17. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI totoo?

A. Ang Embahada ng Japan ay matatagpuan sa lungsod ng Makati
B. Libre ang application form sa mga nagnanais na makapunta ng Japan
C. Kinakailangang persona na magsadya ang aplikante sa tanggapan bagaman pinapayagan ang pagkuha ng mga kinatawan.
D. May karampatang bayad na Php720 para sa maga may Immigration Status na mahigit sa 90 araw.


I.        Nagmamahal,
          Vangie

II.       Mahal kong Melba,

III.      Nagagalak akong malaman na ikaw ang nanalo sa Kid Listo Contest noong Miyerkules. Naniniwala ako sa iyong kakayahan kaya alam ko na hindi sila ngakamali sa kanilang naging desisyon. Sana ay magkamit ka pa ng maraming tagumpay sa darating na panahon. Binabati kita!

IV.      97 Jubilee Street
          Los Banos, Laguna
          January 5, 2004

18. Ang mga nakatala sa itaas ay mga bahagi ng isang liham. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga ito?

A. I, II, III, IV
B. IV, III, II, I
C. II, I, III, IV
D. IV, II, III, I

        Rita Marquez
        # 72 Ibarra Street
        Sampaloc, Manila
                                                   Melvin Talento
                                                   #14 Private Road, Magsaysay Avenue
                                                   Baguio City


 
 
19. Sumulat si Rita sa kaniyang penpal sa Baguio. Alin sa mga sumusunod ang nakaligtaan niyang isulat sa sobre ng kaniyang liham?

A. Zip Code
B. Telephone number
C. Pangalan ng kaniyang sinusulatan
D. Rehiyon kung saan matatagpuan ang Baguio City



PATALASTAS

Ano:             Inter-Barangay Basketball Tournament

Saan:           Brgy. Alicia Gymnasium

Sino:             _______________________

Kailan:          February 25, 2004, Ika-8 ng umaga




 













20.  Alin sa mga sumusunod ang maaaring isama sa puwang sa patalastas na makikita sa itaas?

A. Tuwing araw ng Sabado
B. Ika-8 hanggang ika-10 ng umaga
C. Mga kabataang may gulang 13-18
D. Makipag-ugnayan sa mga kinatawan ng barangay

Answers:

ALS REVIEWER: LS 2 - Communication Skills - ENGLISH

Communication Arts – English

Select the letter of the correct answer.

Choose the appropriate statement for the following situation.
1. After fifteen years, your childhood friend, Rosa came to Manila for a vacation. How will you greet her?

A. Go away! I don’t want to see you!
B. You are just wasting your time here.
C. Hi! I am glad to see you again, how are you?
D. What seems to be the reason why you came back?

Answer questions 2 – 4 based on the following selection:

Forest Conservation

It takes about ten to one hundred years or more for a large tree to reach its full growth. hence, if the trees in mountains and forests were carelessly cut down, it would take hundred of years to replace them.

Reforestation or tree farming is one of the projects undertaken by the Department of Environment and Natural Resources (DENR) to replace the trees that have been cut down in the forest. In tree farms, selective farming is done for a constant supply of young trees for reforestation activities. Preventing forest fires is also another way of conserving our trees.

Let us do our part in saving our forest before it is too late.

2. The phrase “tree farming” in the first sentence of the second paragraph means

A. planting of trees
B. cutting of trees
C. removal of trees
D. barking of trees

3. How long does it take for a large tree to attain its full growth?

A. 1 – 10 years
B. 5 – 10 years
C. 7 – 10 years
D. 10 – 100 years or more

4. What is the government’s way to conserve our forest?

A. Reforestation
B. Selective farming
C. Preventing forest fires
D. Importation of lumbers

For number 5 and 6, identify the sentiment expressed in each sentence.

5. I will succeed in life.

A. Patience
B. Kindness
C. Obedience
D. Determination

6. I have to go, my friend is waiting for me downstairs.

A. Hurry
B. Boredom
C. Hope
D. Anger

For numbers 7 to 9, read the following paragraph and choose the appropriate word or group of words to fill in the blanks.

          Last Saturday, Rica ___7___ her birthday. Many ___8___ attended the party including her friends and relatives. She ____9___ very happy because everybody was there.

7.       A. celebrate
          B. celebrated
          C. celebrates
          D. is celebrating

8.       A. visits
          B. visited
          C. visitor
          D. visitors

9.       A. is
          B. was
          C. are
          D. were

For item 10, choose the sentence that is NOT CORRECTLY constructed.

10.     A. She said.
          B. Come here.
          C. have a nice day!
          D. Show me the way.
Jane:            It’s “raining cats and dogs” outside. Please stay here.
Sarah:                    Don’t worry. I have with me an umbrella and a raincoat to protect me from the rain.

11. In the situation above, the expression “raining cats and dogs” means that

A. there is a trouble
B. it is raining heavily
C. neighbors are fighting
D. a miracle is happening

Answer questions 12 and 13 based on the following weather report:

WEATHER

Metro Manila will be fair with some cloudy periods. Manila Bay will be slight. The rest of the country will also have a fair weather except for isolated rainshowers along the western section of Visayas and Mindanao.

Tide:   High – 9:05 pm, 1.17m
          Low – 5:09 am, 0.22m

Temperature range: 32.5 oC to 36 oC

Sunrise:        6:15 am

Sunset:         5:35 pm

12. All of the following are mentioned in the weather EXCEPT

A. humidity
B. temperature range
C. condition of Manila Bay
D. sea level during low and high tide

13. Which of the following can NOT be concluded from the weather report?

A. Manila Bay is safe for fishing.
B. It is a perfect time to go to beach resort.
C. The weather condition in Metro Manila is ideal for any outdoor activity.
D. A storm is approaching the eastern section of Visayas and Mindanao.


Answer questions 14 and 15 based on the following paragraph:

The Wonders of Music
Line 1:          Music is a quality of expression characterized by tonal harmony.
Line 2:          melody, lyrics or refrain. It is also considered as the “universal
Line 3:          soul and language.” it has the power to soothe a savage heart.
Line 4:          It makes our life colorful and beautiful. It is also one way of
Line 5:          reaching God, a spiritual impulse. Hence, Music is essential in
Line 6:          our daily lives.

14. The word it in Line 2 refers to

A. lyrics
B. music
C. melody
D. tonal harmony

15. In what lines do you find an error in capitalization?

A. Lines 1 and 4
B. Lines 2 and 6
C. Lines 3 and 5
D. Lines 4 and 5

Answer questions 16 and 17 based on the following selection

The Olympic Games

The Olympic Games began in the year 776 B.C. in ancient Greece. The Olympics were primarily a part of a religious festival in honor of Zeus, the father of the Greek gods and goddesses. The festival and the games were held in Olympia, a rural sanctuary site in the western Peloponnesos every four years for almost 12 centuries. The athletes were all male citizens of the city-states from every corner of the Greek world.

Contrary to evidence, both literary and archaeological, suggests that the games may have existed at Olympia much earlier than this date, perhaps as early as the 10th or 9th century B.C.

16. The ancient Olympic Games were held

A. every year
B. twice a year
C. every four years
D. once in a decade

17. The main purpose of the selection is to

A. narrate how the Olympic Games started
B. show the importance of the Olympic Games
C. describe the ceremonies of the Olympic Games
D. identify the athletes who participated in the event


IDENTIFICATION CARD
(1) NAME : ___________________________
(2) DESIGNATION : ____________________
(3) ADDRESS : ________________________
(4) TELEPHONE NUMBER : _____________
(5) SIGNATURE : ______________________
 
 












18. Riza is asked to submit her identification card shown above. What is the appropriate information needed to supply line (2)?

A. 878-9201
B. Accounting Clerk
C. Riza Tolentino
D. 694 Washington St., Makati City

Answer questions 19 and 20 based on the following parts of a letter

(1)      Mr. Alfredo Roces
          General Manager
          Gonzales Construction Company
          5476 Boyle Street
          Palanan, Makati City

(2)      Dear Mr. Roces:

(3)      March 14, 2005

(4)      I would like to apply as Sales Executive in response to your advertisement in the    
          Manila Bulletin last Sunday. I am willing to undergo the necessary training if
          given the opportunity to work in your company.

          I am looking forward to a scheduled interview at your convenience.

(5)      Mel De Guzman

(6)      Respectfully,

19. Based on the information given above, which of the following is the proper sequence of writing the letter?

A. 1, 2, 3, 4, 5, 6
B. 2, 4, 1, 6, 3, 5
C. 3, 1, 2, 4, 6, 5
D. 6, 5, 4, 3, 2, 1

20. What kind of letter is shown above?

A. Personal letter
B. Application letter
C. Petition letter
D. Invitational letter

Answers: