Showing posts with label 2020 ALS A&E Reviewer. Show all posts
Showing posts with label 2020 ALS A&E Reviewer. Show all posts

Thursday, July 30, 2020

2020 ALS Reviewer for AERT and A&E Test - Life & Career Skills


Piliin ang titik ng tamang sagot.

16. Para sa kanilang pagreretiro at madaliang tulong pinansyal, ang isang pribadong empleyado at ang kanyang kumpanya ay naghuhulog sa ahensiyang ito buwan-buwan.
A. GSIS
B. SSS
C. Philhealth
D. Pag-ibig Fund

17. Sa isang resume o biodata, ito ay listahan ng pangalan, tirahan at numero ng telepono ng mga taong maaaring magbigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa iyong pagkatao, karanasan, at kasanayan.
A. name and contact details
B. character reference
C. education, skills, and training
D. employment history

18. Alin sa mga sumusunod ang HINDI karapatan ng isang kasapi ng kooperatiba.
A. Magbayad ng kaukulang “membership fee or share”.
B. Tumanggap ng dibidendong inianunsyo ng kooperatiba.
C. Maging pinuno o opisyal ng samahan.
D. Makilahok sa taunang pagpupulong ng kooperatiba.

19. Ibinalitang may “red tide” sa dalampasigan ng Bataan at Kabite. Ano ang maaaring HINDI mangyari?
A. Tataas ang presyo ng mga lamang-dagat na magmumula sa mga lugar na ito.
B. Tutumal ang bentahan ng mga lamang-dagat na magmumula sa mga lugar na ito.
C. Magiging malakas ang kalakalan ng mga lamang-dagat na magmumula sa mga lugar na ito.
D. IIwasan munang bumili ng mga tao ng mga lamang-dagat na magmumula sa mga lugar na ito.

20. Ang isang kooperatiba ay naaayon sa batas kung ito ay irerehistro sa _______.
A. SEC
B. DTI
C. CDA
D. BIR

21. Ano ang mahalagang impormasyon na dapat ilagay sa isang resume o biodata?
A. Pangalan, tirahan, at numero ng telepono
B. Kasanayan, Kalinangan, at Karanasan sa trabaho
C. Sanggunian ng Pagkatao
D. Lahat nang nabanggit

22. Anong lalawigan ang tinaguriang “Salad Bowl of the Philippines”?
A. Baguio
B. Banawe
C. Benguet
D. La Trinidad Valley

23. Kailan o sa anong kondisyon maaaring magtrabaho ang mga Pilipinong wala pang 15 taong gulang?
I. Kung siya ay nasa ilalim at pangangalaga ng kaniyang magulang o tagapag-alaga at ang mga trabahador ay mga kasapi lamang ng pamilya.
II. Kung siya ay magtatrabaho bilang artista o “entertainer” sa pelikula, radyo, at telebisyon at may pahintulot ang kanyang mga magulang at DOLE rito.
III. Kung ang trabahong ibibigay sa kanya ay hindi mapanganib ayon sa panuntunan ng DOLE.
IV. Kung siya ay papasok lamang bilang kasambahay.

A. I at III
B. II at IV
C. I, II, at III
D. II at III

24. Bilang paghahanda sa isang interbyu sa trabaho, mga kailangan gawin at/o taglay ng isang aplikante:
I. Pustura at pananamit na naaayon sa kumpanyang papasukan.
II.  Listahan ng mga padrino sa kumpanyang papasukan.
III. Kaalaman at/o impormasyon hinggil sa produkto at kumpanyang papasukan.
IV. Kalmado at malinaw na pagsasalita at pagpapaliwanag.

A. I at II
B. II, III, at IV
C. I, III, at IV
D. I, II, III at IV

25. Isang araw ay nalaman ni Mang Pedring na may katabi na siyang puwesto na pareho ng kanyang paninda sa palengke. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Harapin ang nagtitinda at sabihan na iba na ang itinda nito.
B. Ireklamo sa munisipyo ang kanyang nalaman.
C. Ibaba ang presyo ng kanyang paninda.
D. Paghusayan ang kalidad ng kanyang produkto.

26. Narinig ni Pedro ang mga pangungusap na ito ng kanyang kapitbahay: “Kapag hindi ka nagtapos ng pag-aaral ay magiging ‘tricycle driver’ ka lamang tulad ni Pedro!” Kung ikaw si Pedro, ano ang iyong gagawin?
A. Hindi na lamang papansinin ang narinig dahil tutoo naman.
B. Gagawing isang hamon ang narinig at ipagpapatuloy ang pag-aaral.
C. Pamumukhaan ang kapitbahay dahil marangal ang kanyang trabaho.
D. Hindi na niya isasakay kailanman sa kanyang traysikel ang kapitbahay.

27. Kung ang pili nuts ay produkto ng Bikol, ano naman ang produkto ng Negros Occidental?
A. piaya
B. lechon de leche
C. batchoy
D. pastillas de leche

28. Ano ang pinakamabuting paraan upang lumakas ang benta ng iyong produkto?
A. mababang presyo
B. pakikisama sa mamimili
C. mahusay na kalidad
D. diskuwento at promosyon

29. Dahil sa problemang pinansyal ay pansamantalang nahinto sa pag-aaral ang iyong anak na babae na desisais anyos pa lamang. Paano siya makatutulong sa iyo?
A. Ipasok siyang kasambahay sa isang malapit na kamag-anak.
B. Ipasok siyang serbidora sa isang bar sa bayan.
C. Siya ang patauhin mo sa iyong maliit na tindahan.
D. Paturuan siyang umawit at sumayaw upang makapagtrabaho sa Japan.

30. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na salapi o “medium of exchange”?
A. perang papel o barya
B. credit o debit card
C. tseke
D. promissory note

MGA SAGOT

Friday, June 26, 2020

2020 ALS A&E Reviewer Learning Strand 1 – Communication Arts - FILIPINO


2020 ALS A&E Reviewer
Learning Strand 1 – Communication Arts - FILIPINO

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Laging abala si Pareng Jamin. Ayaw niyang walang ginagawa sa buong maghapon. Si Pareng Boyo naman ay parang laging hinahabol ang oras. Nais niya ay maagang magsimula upang maaga ring matapos ang kanyang gawain. Isang umaga, nagpunta si Pareng Jamin sa gubat upang manguha ng mga kabute dahil umulan at malakas ang kulog kagabi. Nasalubong niya si Pareng Boyo na may tangang buslo na punumpuno ng mga kabute.
Anong salawikain ang nababagay sa binasa?
A. Kung sino ang unang pumutak, siya ang nangitlog.
B. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
C. Daig ng maagap ang masipag.
D. Kung hindi ukol, hindi bubukol.


2. “Elsa, isilong mo ang mga sampay at nagdidilim ang langit!”, ang wika ni Aling Maring. Kung ikaw si Elsa, ano ang iyong gagawin?
A. Kakalagin ang sampayan at itatali sa silong ng bahay.
B. Titingin sa langit at hintaying pumatak ang ulan.
C. Isasampay sa silong ng bahay ang mga nilabhan.
D. Kukunin ang mga damit sa sampayan at ipapasok sa loob ng bahay.


3. Ibinalita sa telebisyon na dadaanan ng isang malakas na bagyo ang inyong bayan sa susunod na dalawang araw. Ano ang mabuti mong gawin?
A. Tiyaking may sapat na pagkain at matibay ang bubungan at mga haligi ng bahay.
B. Magtungo sa simbahan at magdasal.
C. Magtungo sa pamilihan at mag-imbak ng maraming pagkain.
D. Maging kalma dahil sanay ka na sa ganoong kalamidad.


4. Masalimuot ang buhay ni Cardo dahil lumaki siyang nag-iisa. Ano ang kasingkahulugan ng pang-uri sa pangungusap?
A. walang kasama                                          
B. kumplikado                                                
C. namuhay
D. karanasan


5. Huwag mong bibiruin si Marcial dahil bantog siya sa pagiging balat-sibuyas. Ano ang kahulugan ng matalinhagang salita sa pangungusap?
A. makinis                                                      
B. masasakitin                                               
C. sensitibo
D. mahiyain


6. Dito pansamantalang maninirahan ang mga magulang at ilang kamag-anak ni Alfredo. Ano ang panghalip sa pangungusap?
A. Dito                                                           
B. maninirahan                                               
C. ang mga
D. ni

7. Naiiling na lang si Berto kapag nakikita ang makapal na mga palad ng ama. Ano ang  katangian ng ama ni Berto?
A. mapanakit                                                  
B. makupad                                                   
C. masinop
D. masipag


8. ________ ang pisi ng saranggola ni Pepe. Anong salita ang nararapat sa patlang?
A. Naputol                                                      
B. Nalagot                                                      
C. Nabali
D. Natanggal


9. Masinsinan na nag-uusap ang mga magulang nina Romeo at Juliet dahil magandang kinabukasan nila ang nakasalalay. Ano ang kasingkahulugan ng pang-abay sa pangungusap?
A. ama at ina                                                           
B. Romeo at Juliet                                          
C. seryoso
D. maayos


10. Maganda at marikit si Adela subali’t walang mangahas na manligaw sa kanya dahil sa kanyang pagiging di-mahapayang gatang. Si Adela ay ___________.
A. masungit                                                   
B. bolera                                                        
C. tsismosa
D. mahiyain

11. Ano ang pangunahing layunin ng karatula na nasa ibaba?

          

A. Magbigay impormasyon                                        
B. Manakot                                                              
C. Magbigay babala
D. Magpatawa

Para sa Bilang 12 – 15, piliin ang tamang salita sa patlang o mga patlang sa loob ng pangungusap.

12. _____ na lamang ang tuwa ni Jeremy _____ malaman niyang pumasa siya sa pagsusulit.
A. Gasino + ng                                               
B. Ganoon + nang                                          
C. Ano + dahil
D. Paano + nang



13. Taga-Dabaw _____ ang nobya ni Elmo tulad ng kanyang matalik na kaibigan.
A. rin                                                                                                     
B. raw                                                            
C. daw
D. din




14. Laging nagsisimba si Aileen sa Quiapo _______ Pista ng Itim na Nazareno.
A. kung                                                          
B. kapag                                                        
C. sa
D. dahil



15. ________ mong lutuin ang putaheng ito. Ang una mong gagawin ay _______ ng mantikilya ang balat ng baboy.
A. Subukan + pahirin                                      
B. Subukin + pahirin                                                 
C. Subukin + pahiran
D. Subukan + pahiran