Sunday, February 27, 2011

Sample Test: Development of Self and Sense of Community - Part 1

Multiple Choice: Piliin ang titik ng tamang sagot. 


1.                Ang  mga lugar  piknikan, parke, kalye at iba pa ay dapat ___________.
a.       Pinanatiling malinis
b.      Pinababayaang marumi
c.       Hinahayaang ang mga manggagawang binabayaran ng pamahalaan lamang ang maglinis

2.               Iwasan ang ____________.
a.       Pagsusulat sa mga pader o dingding
b.      Pag-iistambay sa kalye
c.       Paglalakad sa kalye

3.               Paano mabisang maisagawa ang mga gawaing pangkaangkupang pisikal?
a.       Pagsasagawa ng iskedyul ng mga gawaing pangkaangkupang pisikal
b.      Pagsasagawa ng mga gawaing pangkaangkupang pisikal kapag may panahon lamang
c.       Pagsasawalang-bahala sa kahalagahan ng kalusugan

4.               Bakit mahalaga ang mapanatili ang kaangkupang pisikal?
a.       Upang hindi mabagot
b.      Upang malibang
c.       Upang mapanatili ang malusog o maayos na pangangatawan

5.               Nakita mong labis kung gumamit ng insecticide si Mang Kanor. Bilang may alam sa masamang epekto nito sa kalusugan, ano ang dapat mong gawin?
a.       Magsawalang-kibo na lamang 
b.   Kusang tumutulong na magbigay ng impormasyon tungkol sa masamang epekto ng insecticide sa kalusugan
c.       Huwag pansinin ito

6.      Hindi alam ng kaibigang mo si Toti kung softdrinks o fresh lemon juice ang bibilhin sa kantina. Ano ang dapat mong gawin?
a.       Sabihing softdrinks na lamng ang kanyang bilhin
b.      Sabihing fresh lemon juice ang bilhin at ang masamang epekto ng pag-inom ng softdrinks
c.       Huwag na lang uminom

7.      Mayroong itinatayong pabrika o pagawaan ng sigarilyo sa inyong lugar. Dahil sa masamang epekto ng paninigarilyo sa katawan ng tao ay may mga taong nagtatag ng kilusan laban dito.  Ano ang dapat mong gawin?
a.       Masigasig at lumahok sa kilusang ito
b.      Tumangging sumapi sa kilusang ito
c.       Huwag pansinin ito

8.      Sa paggamit ng mga produktong nakapipinsala o may masamang epekto sa tao, ano ang dapat mong gawin?
a.       Gamitin ito nang wasto at nang may ibayong pag-iingat
b.      Gamitin ito nang walang pag-iingat
c.       Huwag pansinin ang mga babala sa paggamit dito.

9.   Nagiging madalas ang pag-aaway ng mga kabataan sa inyong lugar na ikinababahala ng mga tao. Ano ang nararapat gawin?
a.       Tumawag ng pulong ang mga opisyales na namamahala sa kaayusan at kapayapaan ng lugar.
b.      Tawagin ang lahat ng mga kabataang sinususpetsahang kasangkot sa nasabing away.
c.       Maglagay ng “curfew hours” para sa mga kabataan

10.  Ang mga magulang ng mga mag-aaral na kabataan ay may nabalitaan tungkol sa pagtatayo ng bilyaran sa may malapit sa eskwelahan. Ano ang nararapat gawin?
a.       Kausapin ang may-ari ng nasabing itatayong bilyaran at tiyakin sa kanya kung totoo nga ang natanggap na impormasyon
b.      Papagharapin ang may-ari ng nasabing bilyaran at ang mga magulang
c.       Paalalahanan ang mga magulang na maging mas istrikto sa kanilang mga anak



Sample Test: Sustainable Use of Resources/Productivity - Part 1


Multiple Choice: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1.      Alin sa mga sumusunod ang pamamaraang ginagamit  ng pamahalaan sa pagsisikap nitong mapabuti ang kabuhayan ng bansa?
a.  Pagpapatayo ng gusali at bahay             
b. Pag-utang sa IMF 
c. Pagbibigay ng pabahay sa mamamayan
d. Pagkakaloob ng kasanayan sa mamamayan

2.      Ang tatlong sangay ng ating pamahalaan ay pantay. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay rito?
a.  Ang mga ito ay itinatag upang bantayan ang bawat isa.
b.   Ang mga ito ay pantay-pantay sa badyet.
c.    Ang bawat isa ay may kani-kaniyang gawain.
d.    Sila ay nagtutulungan sa mga gawain.

3. Ang pagkakautang natin sa mga banyagang bangko ay madaling mabayaran kung ____________. 
      a. makipagkaibigan sa Amerika            
      b. lalakihan ang badyet sa gobyerno 
c. tatangkilikin ang sariling produkto at negosyo
d. magtatrabaho tayong lahat sa ibayong-dagat

4. Alin sa mga sumusunod ang pangangalaga sa likas na yaman?
a.   Pagkakaingin    
b. Pagtatanim ng maraming punongkahoy              
c. Madalas na pagtotroso
d. Pagpuputol at pagpudpod ng mga tanim

5. Alin sa mga sumusunod ang pinakamatinding epekto  ng langis?
a.   pagtaas  ng presyo ng produkto at serbisyo     
b. pagtaas ng dolyar     
c. pagtaas ng halaga ng piso
d. pagyaman ng mga bansang nagbibili ng langis


6. Ito ay isang kilusan na nagpoprotesta sa mga mamimili laban sa di-tapat na gawain ng mga prodyuser.
a. intrepeneurismo                           c. konsumerismo
b. komunismo                                 d. Produksyon

7. Ang mga sumusunod, maliban sa isa, ay mga karapatan ng mga mamimili o konsyumer.
a.       mabigyan ng mataas na uri ng produkto.
b.      makapili ng produktong may makatarungang presyo
c.       maging ligtas sa mga produktong mapanganib sa kalusugan o buhay
d.      makautang ng mga produkto sa pamilihan

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kaanib ng “European Community” o "European Union"?
       a. Pransya        b. Belgium        c. Portugal        d. Estados Unidos

9. Ang ASEAN ay samahan ng mga bansang sakop ng _____________.
a.       Europa                                     c. Timog Amerika
b.      Timog-Silangang Asya              d. Hilagang Amerika

10. Ano ang mga karaniwang kailangan sa paghahanap ng trabaho?
a.       bio-data, resume, application form                   
b.      bio-data, application form, NBI Clearance
c.       bio-data, NBI Clearance, record sa eskwelahan
d.      application form, record sa ekswelahan, resume


(Tunghayan ang sagot DITO)

Saturday, February 26, 2011

Sample Test: Problem Solving & Critical Thinking - Part 1

Multiple Choice: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Si Aling Ising ay nagtitinda ng damit para kay Mr. Sy. Sa buong linggo , siya ay nakapagbili ng kabuuang halagang P25,000. Bilang komisyon, siya ay binigyan ni Mr. Sy ng 8% sa kanyang kabuuang naipagbili. Magkano ang kaniyang naging komisyon?
a. P2,500
b. P3,000
c. P2,000
d. P3,500

2. Sa pagkakaroon ng malubhang sakit ng anak ni Mang Fred, kinailangan nito ang halagang P30,000 sa pagpapagamot. Nagpag-isip ni Mang Fred na umutang ng 5-6 na dapat bayaran sa loob ng isang taon. Magkano ang dapat bayaran ni Mang Fred?
a. P38,000
b. P36,000
c. P37,000
d. P39,000

3. Nakautang si Pablo sa bangko ng P20,000 na may rate ng interest  (tubo) na 10% kada taon. Kung makokompleto niya ang bayad sa loob ng tatlong taon, magkano ang halagang dapat niyang ibayad sa bangko?
a. P26,000
b. P25,000
c. P27,000
d. P28,000

4. Nagdeposito si Ruth sa bangko ng halagang P48,000 na may simple interest na 5% bawat taon. Magkano ang magiging ipon ni Ruth makaraan ng 3 taon?
a. P55,200
b. P55,566
c. P40,800
d. P40,434

5. Si Annie ay Nars sa Canada. Buwan-buwan ay nagpapadala siya sa kanyang Nanay ng US$2,000. Ang palitan ng isang US$ sa piso ay P43.75. Magkano sa piso ang buwanang ipinadadala ni Annie sa kanyang Nanay?
a. P85,500
b. P86,000
c. P86,500
d. P87,500

6. Si Rene ay isang manggagawang Pilipino na nagtatrabaho sa Canada. Nagpadala siya ng 510 Canadian dolyar sa kanyang pamilya. Kung ang palitan ng 1 Canadian dolyar ay P33.36 , magkano ang natanggap ng kanyang pamilya sa piso?
a. P17,013.60
b. P17,015.50
c. P18,013.60
d. P18,020.50

7. Ang isang istatwa na may taas na 8 talampakan ay nakalikha ng anino na may habang 3 talampakan. Sa magkasabay na oras, ang isang tangke ng tubig ay nakalikha ng anino na may habang 12 talampakan. Gaano kataas ang tangke ng tubig?
a. 35 talampakan
b. 22 talampakan
c. 33 talampakan
d. 32 talampakan

8.  Ang mga puntos na A at B ay nasa parehong bahagi ng ilog, samantalang ang puntos C ay nasa kabilang pampang ng ilog. Sa pamamagitan ng pag-uugnay ng tatlong puntos, makakagawa ka sa kathang-isip ng right na tatsulok (right triangle). Kung ang pagitan ng puntos A sa puntos B ay 5 metro at ang pagitan ng puntos A sa puntos C ay 12 metro, gaano kalayo ang puntos B sa puntos C?
a. 17m      b. 7m      c. 13m        d. 34m

9. Ang kanyang Lola ay nagbigay ng isang buong cake. Hinati niya ito sa 8 parte. Ibinigay niya ang dalawang parte ng cake sa kanyang kapatid at dalawa pang parte sa kanyang pinsan. Anong parte ng cake ang natira sa kanya?
a. 3/8
b. 1/2
c. 1/8
d. 2/3

10. Ang salas ni Gng. Santos ay may sukat na 5 metro ang lapad at 6 na metro ang haba. Kung palalagyan niya ito ng linoleum, gaano kalapad ang kakailanganin niya?
a. 30 metro kuwadrado
b. 25 metro kuwadrado
c. 20 metro kuwadrado
d. 12 metro kuwadrado

(TINGNAN ANG SAGOT SA SUSUNOD NA MGA ARAW)

Sample Test : Communications Skills - Part 1

Multiple Choice: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Nalungkot ako sa paghahamok ng dalawang pangkat. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
a. Pag-aaway  
b. Pagtutulungan
c. Pagbabatian
d. Pagbibigayan

2. Alin ang babasahing piksyon?
a. Talambuhay ni Teodoro Agoncillo
b. Jose Rizal: Isang Bayani
c. Ang Unggoy at Matsing                
d. Ang Aking Talaarawan

3. Alin ang isang opinion?
a. Ang mundo ay hugis bilog.            
b. Mabubuhay ang tao sa isla.
c. Baka magaling siyang umawit          
d. Mailulubog ng malakas na hangin, ulan at bagyo ang isang barko.

4. Basahing mabuti ang talata at hanapin ang pangunahing diwa.
       Harapin mo ang iyong gawain nang buong sigla, puspusan at maayon. Huwag mong ipagpabukas ang gawain mo ngayon.
a. Gawin ang gawain ngayon              
b. Ipagawa ang gawain sa iba
c. Ipagpabukas ang mga gawain        
d. Humingi ng tulong sa ibang tao

5. Namuti na ang mga mata ng barkada sa kahihintay sa ibang kasamahan. Ang mga salitang may salungguhit ay _______________.
a. Bugtong
b. Pabula
c. Idyoma
d. Salawikain

6. Basahin ang talata at sagutin ang tanong.
    Malaki ang kaibahan ng bahay sa tahanan. Ang bahay ay kahit anong binubuo ng haligi at palarindigan, iyong masisilungan kung umuulan, makalilim sa init ng araw. Dahilan dito ay ibang-iba ito sa tinatawag na tahanan. Ang tahanan ay pinaghaharian ng pagmamahalan ng isang angkan. Ang mga bumubuo ng isang mag-anak na nag-iiwi ng pag-ibig sa kanyang kaanak at nagsisikap na maging maligaya itong masasabing naninirahan sa tahanan.


Ang talata ay nagbibigay paliwanag ng _________________.
a. Kahalagahan ng tahanan
b. Kailangan ng isang tahanan
c. Mga sangkap ng masayang tahanan
d. Kaibahan ng bahay at tahanan

7. Isang uri ito ng salitang ginagamit na pantawag sa tao, hayop, bagay, pook o kalidad.
a. Panghalip
b. Pangngalan
c. Pandiwa
d. Pang-uri

8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng hugnayang pangungusap?
a. May kapayapaan ako sa aking sarili.
b. Ayaw ko ng digmaan.
c. Magastos ang mga digmaan sapagkat lubha itong nakasisira ng mga buhay at ari-arian.
d. Pagkatapos ng digmaan, maraming ari-arian ang nasira.

9. Nakasaad sa reseta ng dentista na dalawang beses ka iinom ng antibiotic na gamot sa maghapon. Kung ikaw ay uminom ng unang gamot ganap na ika-7 ng umaga, anong oras ka dapat uminom sa hapon?
a. 5 pm
b. 7 pm
c. 6 pm
d. 8 pm

10. Naghahanap ng trabaho ang iyong Kuya na katatapos ng pag-aaaral sa kolehiyo. Bumili siya ng peryodiko. Saang pahina makikita ang tungkol sa mga mapapasukang trabaho?
a. Anunsyo klasipikado
b. Editorial
c. Natatanging lathalain
d. Pangunahing balita


Tunghayan ang sagot DITO==>

Oct 2010 ALS A & E Test Results


Inilabas na sa wakas ng DepEd ang resulta ng October 2010 ALS Accreditation & Equivalency Test. Hanapin ang inyong pangalan dito:

 ELEMENTARY

HIGHSCHOOL

Congrats sa mga pumasa sa Oct 2010 ALS A & E Test! Sa mga hindi, magreview uli nang mabuti para sa susunod na pagsusulit!

FAQ - Alternative Learning System of DepEd


ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM ACCREDITATION & EQUIVALENCY
(ALS A&E) SYSTEM

What are the legal bases of the Alternative Learning System? 

1. Constitution of the Philippines 1987, Art. XIV, Sec. 15 
2. Executive Order No. 117 Sec. 115 
3. DepEd Order No. 32, 1972 
4. Proclamation No. 480 
5. DECS Memo No. 204, 2. 1998 
6. DECS Order Nos. 22 and 28, s. 1999 

What is the ALS Accreditation and Equivalency Test?

The ALS A&E Test formerly the Nonformal Education A&E Test is one of the four components of the ALS A&E (then NFE A&E).  It offers the successful test takers certification of learning achievements at two learning levels – Elementary and Secondary – that is comparable to the formal school system.  The ALS A&E Tests in both levels are standardized paper and pencil-based tests and use multiple-choice test and composition writing.  The test items are based on the learning competencies of the five learning strands of the ALS Curriculum. 

Who are the target clienteles of the ALS A&E Test? 

The target learners / clienteles of the ALS A&E Test are Filipino Out-of-School Youth (OSY)  and Adults at least 11 years old (for elementary level test) and at least 15 years old (for the  secondary level test) who are basically literate.  They may include: unemployed/underemployed OSYs and adults  elementary and secondary school drop-outs/leavers industry-based workers, housewives, maids, factory workers, drivers  members of cultural minorities / indigenous peoples /persons with disabilities / physically challenged / inmates, rebel / soldier integrees . Most of these target learners live below the poverty line, predominantly coming from depressed, disadvantaged, underserved communities. 

What does a prospective test taker do to prepare himself / herself for the test? 

A test taker may either  be a learner/attendee or completer of the ALS A&E Learning Support Delivery (LSDS) System,  a learning intervention designed to help equip the prospective test taker with the necessary competencies to prepare hihim/her for the test.  The test is largely based on prior learning.  Through the test, and OSY is still encouraged to attend the learning interventions to upgrade his/her knowledge and skills acquired from experiences.

What does one benefit after passing the ALS A&E Test? 

A test passer of either the Elementary or Secondary Level gets a certificate which bears the signature of the Secretary of the Department of Education.  This allows a passer to mainstream in the educational system of the country.  It offers him/her the following opportunities: enroll in post secondary courses (technical / vocational, two / four / fiveyear course)  of the CHED (for private colleges and universities) and PASUC (for government owned / controlled) member institutions; access to MFI and TESDA skills training programs; and   acquire eligibility for government employment positions. 

What is the ALS A&E Test made of? 

The test is divided into 2 parts: the Multiple Choice Tests and the Composition Writing.  The test runs for 3 hours and 30 minutes for the Elementary Level and 4 hours and 15 minutes for the Secondary Level. 
The test covers the following strands (subject areas):

ELEMENTARY : 3 hours and 30 minutes       
Multiple Choice -  3 hours 
          Bahagi I (Communication) - 40 minutes 
          Bahagi II (Problem Solving & Critical Thinking - 60 minutes 
          Bahagi III (Sustainable Use of Resources & Productivity) - 40 minutes 
          Bahagi IV (Dev’t. of Self & Expanding One’s World Vision) - 40 minutes 
          Composition Writing -  30 minutes 

SECONDARY :  4 hours and 15 minutes   
Multiple Choice -    3 hours 45 minutes s
          Bahagi I (Komunikasyon sa Filipino)    - 45 minutes
          Bahagi II (English Communication)    - 30 minutes 
          Bahagi III (Problem Solving & Critical Thinking) - 60 minutes 
          Bahagi IV (Sustainable Use of Resources & Productivity) - 45 minutes 
          Bahagi V (Dev’t. of Self & Expanding One’s Wold Vision) - 45 minutes 
          Composition Writing -   30 minutes

How does one register for the A&E Test? 

The prospective test taker / registrant shall accomplish the registration form and shall: 
1 - provide any of the following documents as proof of their identity: 
    a.copy of birth certificate 
    b.copy of marriage contract 
    c. form 137 
    d. voter’s ID 
     e. postal ID 
    f. TIN card 
    g. driver’s license 
    h.passport  
2 - provide all required data and affix their signature on the space provided it; 
3 - provide two copies of their latest 1” x 1” photo; 
4 - submit accomplished registration form to test registration officer; and 
5 - get the lower portion of the registration form for presentation to the Examiner on the day of the test. 

Where does one take the A&E Test?  When is the test? 

A prospective test taker shall register at designated registration centers nationwide.  List of 
these centers and the date of  the test will be posted on DepEd website and on this site.   


For further information, you may: 
    Call (02)635-5188, 635-5193 and 632-1361 loc.2083 
    Text at our DETxt Action Center at 0919-4560027 
     Email to depedbals@yahoo.com
  Write The Director IV – Bureau of Alternative Learning System (BALS),  3rd Floor Mabini Bldg.,  DepEdComplex, Meralco Avenue, Pasig City 1600 


ALS A & E Reviewer

Matapos ilabas ng DepEd ang resulta ng mga pumasa para sa ALS Accreditation & Equivalency Test na ginanap noong October 2010, napag-alaman ko na walang pumasa sa aking mga kabarangay. At sa buong bayan ng San Antonio, Quezon, tatlo (3) lamang ang pumasa. Hindi ko lang alam kung ilan ang kumuha ng pagsusulit.

Alam kong karamihan sa bumagsak ay nalulungkot at nanghihinayang. Hindi biro ang panahong ginugol nila upang makamit ang inaasam na elementary o highschool diploma. Biglang gumuho ang kanilang pangarap na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa aking palagay, hindi sila dapat panghinaan ng loob. Dapat silang magreview uli para makapasa.

Dahil dito, sa tulong ng isang guro, ipo-post ko rito ang isang pre-test reviewer upang pag-aralan ng mga nagnanais kumuha ng susunod na ALS A & E exam.