Friday, December 13, 2024

Video 251- 2024 A&E Practice Test - LS 3 Mathematics - JHS Part 3

Video 250 - 2024 A&E Practice Test - LS 2 Science JHS Part 3

Wednesday, December 4, 2024

2024 A&E Practice Test –Elementary Level - LS 4 - Life and Career Skills

This A&E Practice Test for the 2024 Alternative Learning System (ALS) Accreditation and Equivalency (A&E) Test is taken from the Bureau of Alternative Education (BAE). The test is tentatively scheduled on January 26, 2025 for Luzon cluster and on February 2, 2025 for Visayas and Mindanao clusters. No copyright infringement intended.



Direction: Choose the letter of the correct answer.

1.      Ginagampanan ni Ruel nang maayos ang trabaho sa kanilang kompanya. Hindi siya nahihiyang magtanong at magpaturo sa kanyang mga kasamahan. Ibinabahagi rin niya ang kanyang nalalaman. Ano ang pinakamalamang na magiging epekto ng pag-uugaling ito ni Ruel?

 

(A)         Magiging modelong manggagawa siya.

(B)         Uunlad ang kompanya dahil sa kaniya.

(C)         Magiging responsable lahat ng manggagawa.

(D)         Maghahanap ng panibagong manggagawa ang kompanya.


2.      Sa paglipas ng panahon, dahil sa kapabayaan at pang-aabuso sa kalikasan, unti-unting nasisira ang ganda ng mga pangunahing tourist destination sa ating bansa. Alin sa mga reaksiyon sa ibaba ang HINDI makatutulong sa paglutas ng problema?

 

(A)         Magkibit-balikat at ipaubaya ang problema sa pamahalaan.

(B)         Gumawa ng sama-samang pagkilos para sa pagsasaayos nito.

(C)         Pag-aralan ang mga nakababahalang pangyayari sa kalikasan.

(D)         Makiisa sa kampanya sa pagpapanatili ng kaayusan ng kapaligiran.


3.      Unang araw sa trabaho ni Glen, kaya maaga siyang pumasok. Siya ay nagulat sa lugar na kanyang pagtatrabahuhan dahil napakagulo nito. Gumawa siya ng sistema sa pagtatrabaho, ngunit nangamba siya na baka hindi ito magustuhan ng kanyang superbisor. Ano pa ang maaari niyang gawin?

 

(A)         Humingi ng permiso sa superbisor.

(B)         Humingi ng tulong sa ibang trabahador.

(C)         Iligpit ang mga gamit nang sama-sama.

(D)         Hintayin na lamang kung ano ang sasabihin ng superbisor.


4.      Kung namimili si Aling Tessieayon lang sa kanilang pangangailangan. Minsan, nakabili siya ng mga produktong hindi naman niya balak bilhin. Napansin niyang makintab ang balot at talaga namang nakakahalina. Alin sa sumusunod ang magandang batayan upang bilhin ang isang produkto?

 

(A)         Makikislap ang balot nito.

(B)         Iniindorso ng maraming artista.

(C)         Maayos ang pagkasalansan nito.

(D)         Kompleto ang impormasyon sa etiketa.


5.      Ang isang manggagawa ay may mga karapatan at mga tungkulin. Alin sa sumusunod ang HINDI tungkulin?

 

(A)         Magkaroon ng sapat na benepisyo.

(B)         Dumating sa trabaho ng tamang oras.

(C)         Sundin ang lahat ng alituntunin ng kompanya.

(D)         Panatilihin ang maayos na patakbo ng mga gamit sa kompanya.


6.      Ang pag-aalaga ng baboy ay isa sa mga magandang halimbawa ng pagkakakitaan. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng paraan sa pag-aalaga ng baboy?

 

(A)         Bakunahan at pakainin bago linisin ang kulungan.

(B)         Bakunahan tuwing linggo, pakainin at laging linisan ang kulungan.

(C)         Linisin ang kulungan, pakainin sa oras, bigyan ng tamang bitamina at bakuna.

(D)         Linisin ang kulungan sa umaga, bigyan ng bakuna at bitamina sa tuwing pakakainin.


7.      Nang mag-apply si Rona sa isang opisina, siya ay sinabihang mababa lang ang sahod na matatanggap niya. Kailangan na niyang kumita at ang trabaho ay magagawa niya. Alin sa sumusunod ang pinakamabuting isasagot ni Rona?

 

(A)         Hindi po ba maaaring dagdagan ang sahod?

(B)         Hahanap na lamang po ako ng ibang trabaho.

(C)         Sana po sa susunod ay may dagdag na sahod.

(D)         Okay lang po sa akin, mahalaga po na may trabaho ako.


8.      Susumahin na sana ng isang kahera ang mga pinamili ni Aling Dina nang biglang nasira ang cash register machine. Ano ang pinakamabuting gawin ng kahera para makuwenta agad ang pinamili ng mamimili?

 

(A)         gumamit ng calculator

(B)         gumamit ng lapis at papel

(C)         gamitin ang computer ng opisina

(D)         hiramin ang cellphone ng mamimili


Para sa bilang 9


I.       Hintaying lumabas ang resibo.

II.     Kuwentahin ang pinamili.

III.    Iswipe ang ATM card ng customer.

IV.    Iabot sa kustomer ang swipe machine.

V.     Ipalagay sa kustomer ang pin number ng ATM card.

 

 

9.      Isang kahera si Lanie sa RM Department Store. May isang kustomer na ATM card ang gagamitin sa pagbayad ng kanyang pinamili. Ano ang tamang pagkakasunod- sunod ng mga hakbang sa itaas na dapat gawin ni Lanie?

 

(A)         I, II, III, IV, V

(B)         II, IV, III, V, I

(C)         IV, III, II, I, V

(D)         V, IV, III, II, I


10.      Naghahanap si Cathy ng mauupahang mura at malapit sa kanyang opisina. Ang mga paupahan nina Aling Lita at Aling Tina ay parehong malapit at parehong naniningil ng Php1,500.00 na upa bawat buwan. Si Aling Lita ay nagbibigay ng diskwentong Php150.00, samantalang si Aling Tina ay nagbibigay ng 5% na diskwento. Ano ang maaaring maka-impluwensiya sa pagpili ni Cathy ng paupahan?

 

(A)         ang diskwento sa upa

(B)         ang may-ari ng paupahan

(C)         ang layo ng bahay paupahan

(D)         ang halaga ng upa sa kontrata


11.      Bumili si Rey ng bagong motorsiklo galing sa isang online dealer. Sa paraang ito ay binigay niya ang mga kailangang sagot sa mga tanong na personal at pinansiyal. Aling batas ang mangangalaga sa seguridad ng pribadong impormasyon ni Rey upang hindi ito magamit para sa ibang layunin ng dealer o ng mga ibang kasosyo nito?

 

(A)         Data Privacy Act

(B)         Intellectual Property Code

(C)         Securities Regulation Code

(D)         Freedom of Information Act


12.      Nakita ni Arman ang mga masasarap na kakanin na ibenibenta ni Mina sa social media. Nais niyang mag-order para sa kaarawan ng kaniyang asawa kaya nagtakda siya ng araw para sa delivery. Ano ang maaring basehan ni Arman upang makatiyak na mapagkakatiwalaan si Mina?

 

I.       Nasisiguro ang contact address na binigay.

II.     May mabuting rekomendasyon galing sa mga kaibigan.

III.    Humihingi ng impormasyon tungkol sa bank account.

IV.    May ipinakikitang permit para sa food delivery.

 

(A)         I, II, III lamang

(B)         I, II, IV lamang

(C)         I, IV, V lamang

(D)    II, III, IV lamang


13.      Nawawala sa mesa ni G. Rodriguez ang sobreng may lamang pera. Tinanong niya ang kanyang mga tauhan kung sino ang kumuha. Pinagdududahan ni G. Rodriguez ang mga tauhan at tinanong sila kung sino ang kumuha. Tama ba ang ginawa niya?

 

(A)         Oo, wala ng ibang kukuha ng pera kundi empleyado niya.

(B)   Hindi, dapat nag-imbestiga muna si G. Rodriguez sa makatarungang paraan.

(C)         Hindi, wala namang CCTV sa opisina para mapatunayang iyon ang nagnakaw.

(D)         Oo, dahil hindi dapat magtagal sa trabaho ang isang empleyadong magnanakaw.


14.      Si Paul ay mahilig magtahi at magaling magdisenyo ng mga gown. Anong posibleng negosyo ang nababagay sa kanya?

 

(A)         Magtayo ng sari-sari store.

(B)         Magtayo ng couture house.

(C)         Mag-apply sa pagawaan ng damit.

(D)    Mag-apply sa tindahan ng mga tela


15.      Si Ana ay nagbebenta ng yema. Sinisigurado niyang malinis ang pagkakagawa nito. Nilalagyan niya ito ng tamang sangkap upang mas magustuhan ng kanyang mga suki. Kung mapapanatili niya ang dekalidad na produkto, ano ang mangyayari sa kanyang negosyo?

 

(A)         Matitigil ang paggawa ng produkto.

(B)         Mababawasan ang bibili ng produkto.

(C)         Pararamihin ang produksiyon ng produkto.

(D)         Tatangkilin at hahanap-hanapin ang produkto.


16.      Ang Boracay ay isang malaparaisong lugar, subalit sa labis na pang-aabuso ng mga pumupunta dito, ito ay ipinasara ng anim na buwan. Sa muling pagbubukas ng Boracay, ipinatupad ang Municipal Ordinance No. 320 Series of 2018. Ito ay makatutulong sa paglutas ng problema dahil mahigpit na ipinagbabawal ang

 

(A)         panghuhuli ng mga isda

(B)         pagpasok ng mga dayuhan

(C)         paggamit ng mga plastic at styrofoam

(D)         pagtatayo ng mga gusali malapit sa dagat


17.      Si Alwin ay malikhain at mahilig magtanim ng iba’t ibang halaman. Ang kanilang bahay ay nakatayo sa harap ng sementeryo. Madalang ang nagpapalinis ng puntod, kaya siya ay naghahanap ng dagdag na mapagkakakitaan. Anong negosyo ang maaari niyang pasukin na HINDI nangangailangan ng malaking puhunan?

 

(A)         Magbenta ng ataol.

(B)         Magbukas ng karinderya.

(C)         Magtinda ng bulaklak at kandila.

(D)         Magbenta ng semento at buhangin.


18.      Sa isang isla sa Barangay Malibayo ay may isang tindahan na nagbebenta ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao doon. Ang paninda dito ay halos doble ang presyo, ngunit napipilitan silang bumili dito dahil kinakailangan pa nilang tumawid ng dagat papuntang bayan upang doon bumili ng mas mura. Alin sa sumusunod ang maaaring mangyari kung magkakaroon ng kooperatiba sa isla?

 

(A)         Bababa ang presyo ng paninda.

(B)         Magkakaroon ng pondo ang barangay.

(C)         Bababa ang dami ng produktong paninda.

(D)         Marami ang pupunta sa bayan upang doon bumili.


19.      Alin sa sumusunod ang tamang pagkakapares ng salita?

 

(A)         nail care - damit

(B)         vulcanizing - sasakyan

(C)         laundry services - kuko

(D)         livestock raising - halaman


20.      Alin sa sumusunod ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang kanyang mga pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong handa at kayang maubos?

 

(A)         plasa

(B)         paaralan

(C)         palengke

(D)         munisipyo


21.      Isang matalinong mamimili si Elma. Pinipili niya ang mga produktong may kilalang tatak. Alin sa sumusunod ang maaaring maidulot ng pagkakaroon ng may mahusay at kilalang tatak?

 

(A)         Tataas ang benta ng produkto.

(B)         Tutumal ang benta ng produkto.

(C)         Tatagal sa merkado ang produkto.

(D)         Tatangkilin ng mamimili ang produkto.


22.      Upang hindi makalimutan ni DJ ang kanyang pin number sa ATM card, petsa ng kapanganakan niya ang laging ginagamit ngunit hindi ito ligtas gamitin. Ano ang maaari pa niyang gamitin?

 

(A)         petsa ng kasal

(B)         inuulit na bilang

(C)         sunod-sunod na bilang

(D)         numerong siya lamang ang may alam


23.      Si Cora ay nakatapos ng pag-aaral sa tulong ng ALS. Nais na niyang maghanap ng trabaho. Aling bahagi ng pahayagan ang makapagbibigay ng impormasyong makatutulong sa kanya?

 

(A)         Obitwaryo

(B)         Pangulong Tudling

(C)         Anunsyo Klasipikado

(D)         Pahinang Panlibangan


24.      Nakita ni Gema ang iniidolo niyang artista na may patalastas ng isang produktong nakakapagpaputi. Gusto na rin niyang bumili nito. Ano ang dapat isaalang-alang ni Gema bago bumili ng mga ganitong produkto?

 

(A)         Dapat iniindorso ito ng sikat at mapuputing mga artista.

(B)         Bumibili ang mga kamag-aral ng produktong pampaputi.

(C)         Ito ay aprubado ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno.

(D)    Ito ay dapat munang subukan kung talagang nakakapagpaputi


25.      Nakatanggap si Rina ng isang mensahe na siya ay nanalo ng Php 100,000.00 sa raffle ng isang sikat na mall. Ano ang pinakamabuting gagawin niya upang makasiguro na totoo ang mensaheng ito?

 

(A)         Alamin kung aprubado ng DTI.

(B)         Kompirmahin ito sa barangay hall.

(C)         Sundin kung ano ang sinabi sa text.

(D)         Tanungin ang opinyon ng mga kaibigan.


26.      Alin sa sumusunod ang maaaring maging dahilan ng pagkatanggal sa trabaho ng isang manggagawa, ayon sa Labor Code?


(A)         Madalas na pagpapabaya sa tungkulin.

(B)         Hindi pagpasok ng trabaho dahil sa sakit.

(C)         Pagtitinda ng pagkain sa mga kasamahan.

(D)         Aksidenteng pagkabasag ng gamit sa pagawaan.


27.      Nalaman ni Philip na hindi sapat ang benepisyong kanilang natatanggap, kinausap niya ang superbisor ngunit nakiusap ito na huwag nang iparating sa lider ng samahan ng manggagawa. Kung magpapatuloy pa ang maling pangangasiwa ng superbisor at malaman ito ng ibang empleyado, anong hakbang ang tamang gawin ng mga manggagawa?

 

(A)         Mananahimik na lang upang hindi mawalan ng trabaho.

(B)         Pagkakaisahan ng mga manggagawa na ipasara ang kompanya.

(C)     Magkakaisa ang mga manggagawa upang patalsikin sa puwesto ang kanilang superbisor.

(D) Mag-oorganisa ng pagkilos ang mga  manggagawa upang mapakinggan ang kanilang hinaing.



ANSWERS: